25
Jul
09

suri yer feiz

sorry

Naiisip ko lang, lahat ba ng humihingi ng sorry dapat ini entertain? Ako naman ay maawaing tao. Madali din mag patawad ng nagkasala sa akin , sino ba naman ako para hindi magpatawad. Kung si Bosing nga nagpapatawad kahit gaano kalaki ang kasalanan natin….. ako pa kaya???

Basta ba sincere sya sa pag hingi ng tawad diba? Pero paano kung ganitong situasyon kakayanin mo ba????

Namasyal kami kahapon ng ofismeyt ko pagkatapos ng office hours. Syempre naka office outfit kami, nagmamagandang namamasyal sa mga department store dito naisipan na ring mamalengke. Namili ako ng uulamin.. matagal na kasi akong di nakakakain ng hotdog parang gusto ko kumain makabilii na rin ng bigas.

What do you expect maraming tao sa palengke , tindero, mamimili at kung ano ano pa. Dahil rush hour na at medyo padilim na syempre maraming namamalengke . Habang naglalakad ako may isang mamang nakatalikod , may kausap sa kabilang kalye hindi ko namalayan na may ituturo sya sa direksyon ko, e tamang tamang padaan ako .. hindi na ako nakailag …

Yun hintuturo nakita ko parang tatamaan nya yung malusog na bundok ko! toinks!!!! SAPUL ! ( anong parang tinamaan na nga eh! sapul no??)

parang wala akong nakikita.. pero nararamdaman ko madaming taong nakatingin.. tapos naririnig ko..

MISS ! MISS! SORRY!

MISS!!!! SORRY !!!!

MISS!

Ano sa tingin nyo ang gagawin ko???

a. sasampalin ko yun mama? ( hindi naman nya sinasadya.. parang unfair naman diba?)

b. ngingitian ko? ( para namang natuwa ako na natats nya yun ano ko …)

c. sisigawan ko? ( di nagtinginan naman yun mga taong di nakakaalam)

Namumutla ako at parang namanhid yun buong katawan ko… parang ayaw ko itaas ang ulo ko baka makita ko yun mga taong nagtatawanan …

Hmmm ang ginawa ko? Kahit mapaos pa sya ng  kaka sorry dedma ko nalang.. na parang walang nangyari dire deretso ako dun sa tindahan ng bigas na walang lingon lingon. Hindi ko na nilingon para patawarin kasi okey lang di naman nya sinasadya at para di na rin nya ko mamukhaan. Baka pag nakasalubong ko pa sya uli mangiti pa sya. Pero ramdam ko yun at ramdam din nya at pati na siguro yung ibang taong nandoon..

pero sa loob loob ko naku! sorihin nya ang mukha nya!

Habang nagkwekwentuhan kami ng ofismate ko kanina nakwento ko sa kanya yung nangyari, nakita nya pala yun.. kasama ko nga pala sya nun time na yun para kasi akong nagkaron ng temporary amnesia😆 Nasa likod ko nga lang pala si opismeyt ko.

Nasabi ko nalang… nakita mo pala ? Anong itsura nung mama?

” ATE GWAPONG MATANGKAD…DI MO BA NAPANSIN? NASA LIKOD MO NGA ULI NUN BUMILI KA NG KAMATIS EH” .

😦


37 Responses to “suri yer feiz”


  1. 7 hmmm
    Hulyo 25, 2009 bandang 5:31 hapon

    sa isang parte ng sistema ng katauhan ko, may nagluksa, may nalungkot at nakidalamhati…

    kung bakit ay hindi ko alam, maaring alam mo iyon..babae ka…

    twins?

  2. Hulyo 25, 2009 bandang 5:36 hapon

    natawa ko sa letter B.

    hehehe parang sa pelikula lang
    kaso R-18 na pelikula

    hohohohohhoho

    kamusta po naglalambing na cute

  3. Hulyo 26, 2009 bandang 12:14 umaga

    eh guwapo naman pala eh.. chuz! okay lang ang ginawa mo baka nga yun din gawin ko pag nangyari sa akinn, na malabo rin kasi wala ako nyan.hahaha

    hmmm pero ako talaga mahirap magulat talaga kaya, instant ganti’t react na kaaagd.
    hehehe

  4. Hulyo 26, 2009 bandang 2:34 umaga

    so, tama ba talagang ‘a little sorry should make everything alright?’

  5. Hulyo 26, 2009 bandang 9:26 hapon

    haha!
    baka nga naman na lab at first hintuturo sau si kuya!
    diba? biruin mo naman sinundan ka pa talaga hanggang kamatisan! yiheeee!
    🙂

  6. Hulyo 26, 2009 bandang 10:54 hapon

    Haha! Natawa ako after the last line…🙂

    I think what you did was more appropriate. It’s alright to just walk away rather than to further entertain the guy because it may eventually bring you more embarassment and may put you on a tight spot…

    Maraming salamat sa malambing na pagdalaw sa bahay ko…🙂

    Mapapadalas ako rito…🙂

  7. Hulyo 27, 2009 bandang 10:45 umaga

    tama lang ginawa mo..ahehe, atleast nagsorry naman xa..

  8. 23 chel
    Hulyo 27, 2009 bandang 11:07 umaga

    hi Lambing!
    Thanks sa visit sa site ko ^^….
    hehe… matagal ka na blogger..? nice…

    ahmmm….sayang…wafu pala ate! haha… sinundan ka… naku type ka
    nun😉

  9. Hulyo 27, 2009 bandang 12:27 hapon

    ahaha ayan ayan nakalagpas tuloy ang gwapong matangkad! sorryhin mo mukha mo wahaha! eh bumalik ka kaya dun??

    biro alng, pero ingat din po minsan kase sinasadya na yun lalo pa kung may ibang bahagi na ng katawan na tatamaan.. lalo na kung nasa ganung kataong lugar hindi mo rin masabi kung anong klase mga tao andun! ^^

    anyhow! somehow! nanghinyaaaaang ka nooooo!? hehe! hamo lang kung kayo eh kayo! magkikita’t magkikita pa kayo!

    salamat sa pagdalaw sa bonistation!

    PS.
    ako nga pala yung taong naka hawak sayu.. (sorry po ha) peace? hehe

    • Hulyo 27, 2009 bandang 1:16 hapon

      di sorry my feiz???😦

      naku sir boni napaisip tuloy ako dun ah… tsk! sinadya nga kaya? nag sorry nga sya.. kaya lang narinig nga ng buong palengke yun sorry nya😦

      ako nanghinayang???? ayaw ko na sya makita…

      pero kung sakaling ikaw nga yun … i’ll try hahaha😆

      salamat po sa pagbisita haydol😉

  10. 27 gale
    Hulyo 27, 2009 bandang 12:32 hapon

    ….hehEhe gwapo, mtangkad
    at mukhang maba8 nman nakz
    nkita qoh uN wow sV qoh
    kz mg pkilala ka eh..
    malay moh tlaga xia pla
    ung destiny moh hmmmpp…

  11. Hulyo 28, 2009 bandang 8:57 umaga

    ay nako ate, naranasan ko na rin yan,, not once, not twice, not thrice, but 4x! waaaa…yoko ng maalala…huhu

  12. 35 aubu22
    Hulyo 28, 2009 bandang 6:30 hapon

    sayang naman..hehe

  13. 36 liz
    Hulyo 29, 2009 bandang 8:53 hapon

    Naiisip ko lang, lahat ba ng humihingi ng sorry dapat ini entertain?

    Ako kc ung taong nagkasala sa akin, khit d humihingi ng sorry napapatawad ko n sia kc mas mahirap at masikip sa dibdib pag may galit kang laging dala dala. Mas maganda n ung wala kang dalang galit sa kapwa mo para maganda lagi aura mo.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Hulyo 2009
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: