28
Jul
09

PA RAFFLE

Dito sa pilipinas talaga uso ang raffle . Ibat -ibang mechanics ang ginagamit, ibat-iba ding motive kung bakit nag paparaffle. Sa mga supermarket nag paparaffle sila para lumakas ang kita nila . Yun iba naman nag papa raffle para makakuha ng donation para sa pangangailangan ng simbahan at kung ano ano pang dahilan .

Dito sa aming maliit na subdivison ay may nangyayari rin paraffle. Gawa ng madalang kong pag uwi sa amin di ko na halos kilala ang mga bagong home owners ng aming subdivision, pwera nalang yun mga matatandang malapit sa amin. Nakaka miss sa aming subdivision kasi doon ko na enjoy ang pagkabata ko.

Natatandaan ko pa habang nag mamadyong ang aking nanay sa aming kapitbahay panay ang pabili ko ng chocolait ito yun milk chocoleyt na iniinom saka mga kendi at kung ano ano pa di naman maka angal si nanay gawa ng andyan ang mga kamadyongan nya at di sya pwede umangal dahil magsusumbong ako sa aking tatay kaya bigay hilig si nanay sa gusto ni Lambing. Pero natapos na lahat nang mga ala ala ko sa dati naming subdivision ng maghiwalay na ang aking ama’t ina.

Bago magtapos ang taon bumisita ako sa aming subdivision kasi dun pa rin nakatira si fadir kaibahan nga lang iba na ang nakatira sa bahay di na ang nanay ko. Tuwing matatapos kasi ang taon naka ugalian ng homeowners association namin na magkaroon ng CHRISMAS PARTY.

So naka tanggap si sharon ( madrasta ko) ng invitation galing sa homeowners para sa christmas party. Gawa ng busy ang sharon at gabby (fadir ko) ako ang pinag attend ng party kasi may raffle daw at bigatin ang mga prizes.. hindi ibibigay kapag nabunot ka tapos wala ka dun. Kahit ang lakas ng ulan umattend ako kasi sayang din yung mga prize.. at dadating pa daw si Ginoong politiko ni tao ni PGMA sa malacanang taga sa amin kasi sya mamimigay ng sabong pampaputi at mga sako sakong bigas , groceries, at payong etc.

Nag umpisa ang program kahit kalakasan ng ulan… nagsimula ang parlor games at bunutan ng mga consolation prize. Lahat ng family naka lista sa bunutan pero napansin ko lang lahat ng opisyal ng home owners iba ang binibigay kaysa sa ordinaryong home owner.. sabi ko naman okey lang yan may mga major prizes pa naman.. Rice Cooker, Isang kaban ng rice, gas stove, coffee maker, pressure cooker etc.. At lahat ng mga prize ay na solicit nila sa munisipyo kay Gov. Grace Padaca.

Nabunot naman ang family name namin.. nagka problema dapat daw yun homeowners daw mismo ang nandun??? watta ? Ano pa ba ko?? Di ba ako anak ng tatay ko??? Halos ayaw ibigay ang premyo .. ayaw ko na nga tumayo dahil napahiya na ko, kinwestyon pa ang pagka tao ko.. hindi lang ako gaanong umuuwi dun.. haizzz at alam mo ba kung anong binigay sa akin sa nakabalot na puting papel???

DALAWANG NAKA SACHET NA TOYO YUN TIG PIPISO!

Eto pa, dumako tayo sa major prizez.. yes baka may pag asa pa.. naku naman lahat ng major prizes ang nabunot ay pangalan ng mga nandon sa harap na opisyal ng home owners.. kay doctora, kay attorney, sa asawa ng chairman, kay officer 2, officer 3. Watta??? Iba ang bunutan ng pangalan ng major prizes .

Lokohan na ito.. Panay opisyal ang nanalo at ayaw pa kaming paalisin dahil wala pa daw si G. Politiko. Ayan dumating si politiko pinakanta pa kami para mangaroling. Para daw ibigay ang hinihiling nilang donasyon sa chapel.

So habang dumadaan si G. Politiko kinamayan ko na, bumalik nakita uli ako kinamayan ako sabay sabi ang lusog natin ah.. ( sa iba nakatingin) watta???

So nag talumpati si G. Politiko, binigay ang mga regalo tapos may payong daw na may tatak na galing sa office of the president.. sabi ko sana yun nalang makuha ko kasi lakas ng ulan. Pag ka alis ng ni G. Politiko namigay na ng groceries ang mga bwiset na opisyal .. at yun payong sa kanilang mga officer nalang daw, ayun  pinag isa isa nila.

” GINAMIT PA NILA ANG IBANG TAO PARA MAKUHA NILA ANG GUSTO NILA. harap harapang panloloko.. di na sila nahiya sa balat nila..”

Naiisip ko lang kung sa munting homeowners na ngalang may lokohan nang nangyayari Paano pa kaya sa Malacanang?


26 Responses to “PA RAFFLE”


  1. Hulyo 28, 2009 bandang 5:43 hapon

    alam na….

    pag may mga raffle….

    70% chance

    na may mananalong kakilala ko kamaganak

    LOL
    hehehehe

    nanalo dady ko ng ref sa paraffle last xmas party sa opis nya!
    !
    hahahaha

  2. Hulyo 28, 2009 bandang 5:58 hapon

    saklap naman yung pa-raffle na yan. parang pinapasaya lang nila ang sarili nila. hayaan mo cute, yang payong, yang rice cooker etc-etc. kayang-kaya mong mabili. pero yung integridad hindi (hehehe mei ganun?! heheh)at yung totoong happiness kahit mula sa simpleng bagay hindi.

    ako medyo malas rin sa pa-raffle e. kailangan ata pagtrabahuan ko para makuha ko gusto ko. hehehe

    waahhh pero kapag nanalo naman ako bongga…kailan kaya mauulit yun? hehehe

  3. Hulyo 28, 2009 bandang 7:08 hapon

    ang munting subdibisyon…ay tama ka…salamin yan ng kultura ng pamumulitikang pinoy….aysus kelan pa kaya mabago yan,,,,,

  4. Hulyo 28, 2009 bandang 7:31 hapon

    huwaaa pareho tayo paborit..

    chocolait hehe..

    maka pangaroling nga senyo ate minsan hehe..

    ni minsan di ako nakasali ng raffle pwede pa bingo hehe..

    nagabbalik ulit ako hehe..

  5. 16 joan
    Hulyo 28, 2009 bandang 9:06 hapon

    onli in da pilipins. wahahaha. wag magtaka ganun talaga. hehe.

    nakuh.ewan. hehe .isang “nakuh” nalang ang masasabi ko jan ate lambing., wahaha.😉

  6. 18 joan
    Hulyo 28, 2009 bandang 9:12 hapon

    ..toblerone at kisses ang pinakamasarap.\m/ wahahah.

  7. Hulyo 29, 2009 bandang 8:13 umaga

    kami, lalo na ko swerte sa mga ganyan..kaya bentang benta ako sa nanay ko kapag may party sila sa office, ako palage kasama..

    nanalo na ko ng groceries, durabox, oven toaster, rice at water dispenser

    at dito sa office,,bonggang bonggang microwave oven…

    di naman halata na puro panalo sa raffle ung mga gamit namin sa bahay..ahehe

  8. Hulyo 29, 2009 bandang 12:45 hapon

    hindi yun paraffle pag ganun
    nako pag mga official ang mga nanalo e siguradong binili na nila ng mas mura ang mga papremyo

  9. Hulyo 30, 2009 bandang 5:39 umaga

    haha. natawa naman ako sa prize na 2 sachet na toyo. laughtrip to.

    tnt talaga, literally.

    teka, for some weird reasons, hindi ako makapag-iwan ng comment sa latest post mo kaya dito ko na i-post:

    sino nga ba ang kumanta nito?

    the company ba? sagutin mo ms.lambing.

    hehe

  10. 26 Ray
    Pebrero 22, 2010 bandang 12:56 umaga

    agree ako with joan, toblerone talaga masarap! http://www.toblerone.com.ph


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Hulyo 2009
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: