31
Jul
09

I love you …. goodbye

Magdadalawang taon din tayong nagkasama

At masasabi ko sa dalawang taon na iyon ikaw ang saksi sa lahat ng nangyayari sa akin

Nakikita mo ako kung paano ako sumaya, umiyak , maloka at kiligin

Ikaw ang saksi sa lahat…

Nalulungkot man akong iwan ka..

Siguro dumating na talaga ang time na maghihiwalay tayo…

Tama sila.. walang permanente sa mundo…. kaya tanging ala ala mo nalang ang maiiwan sa akin at babaunin ko ang mga masasayang araw ko kasama ka…

I LOVE YOU GOODBYE…. aking boarding house

Nakakalungkot din pala iwanan ang isang lugar na nakasanayan mo na. Magdadalawang taon din ako sa boarding house ko. Dun ako natutong maging independent kahit malapit lang ang bahay namin sa bhauz ko.

Pero ganon talaga.. kelangan tanggapin nalulungkot man ako may mga reasons din kasi bakit ako umalis .. Ano pa man ang dahilan ng pag alis ko, may maganda namang kinahinatnan..

  • kasama ko na si madir sa bahay.. may mag aasikaso na sa akin
  • makakapaglambing na ako 24/7 kay madir parang SUN lang
  • Preskong lugar.. maraming puno, maraming hayop na nagkalat, maraming bata , ibig sabihin nun di na ako nag iisa .
  • Mapagsisilbihan ko pa nanay ko at ma momonitor sa health nya
  • Adjustment ko sa step father ko uli.. ( im giving him another chance.. at syempre this mean i forgive him and handa na ko tanggapin sya.)
  • Makakapag ipon na ko kasi di na ko uupa ng bahay
  • Makakapag tanim na ako ng mga gulay, makakapag alaga na rin ng mga hayop.. tulad ng baboy, pato at native na mga manok .. ( gusto ko nang maging responsable .. hindi na ko bumabata.. kelangan ko mag- ipon kahit sa simpleng bagay lang.)

Marami pa sigurong adjustment uli sa bahay namin kasi , mamumuhay nanaman ako ng simple… wala pa kasi kaming kuryente … balak ko pang mag pakabit ng kuryente.. Pero okey lang yun kaya naman ng powers ko.

Masarap tumambay sa may kubo namin tapos may duyan.. probinsyang probinsya ang dating very peaceful.

Mamimiss ko lang ang dati ko room. Pero masaya na rin kasi dun sa kwarto ko ngayon malakas ang signal ko 😆



28 Responses to “I love you …. goodbye”


  1. 4 hisnameisdencios
    Hulyo 31, 2009 bandang 5:24 hapon

    nako ang sarap tumira sa kubo. malamig pa sa gabi kahit walang bintilador.

    neweys enjoy mo lang yan! mas masarap kasi anjan si nanay.

    na miss ko tuloy sa bahay namen na kapag nagutom ay may gulayan kame😀

    di tulad sa magandang flat na tinitirhan ko, ercon at modern nga malungkot ka naman.

    enjoy mo lang at gawin ang lahat para makatulong sa pamilya at hindi maging pabigat.

  2. Hulyo 31, 2009 bandang 6:11 hapon

    hehehe akala ko kung ano — boarding house pala…

  3. Agosto 1, 2009 bandang 12:00 umaga

    Makikigaya ako kay kuya Blu… Welcome home… Nakakapanibago parati ang paglilipat ng tahanan…. Naalala ko tuloy previous reflection ko:

    <Every homecoming is more of reacquainting with my own self.

    – from Homecomings

    At nagpromote na naman ako… Hehehe…

    Pero seriously, nagulat ako na hanggang ngayon wala pa rin kayong kuryente sa bahay ninyo… Pero okay lang, malakas naman signal mo dun… hehe…

    Be well on your homecoming…

    • Agosto 1, 2009 bandang 11:15 umaga

      haha opo im home na after two years of pag tatampo.. di naman super tampo .. hmmm kelangan ko lang talaga mag isa hehe

      waaa! naputulan kasi sila ng kuryente kuya matagal na.. nagtyaga silang walang kuryente.. payak lang kasi pamumuhay namin hehe

      magpapakabit na nga ko .. mahal pala mag pa kabit hehe

      salamat pala😉

  4. Agosto 1, 2009 bandang 1:42 hapon

    i love you goodbye..?

    ibig sabin tanggap mo na at mahal mo ang pamamaalam na naganap.

    Nung una akala ko makikipag break up ka..

    bording haus pala..
    hehe

    kaw talaga.

    syempre ag pinaka mamimiss mo dyan

    yung amoy nung room.
    hehehe

    diba>

    yung ambiance, ung kama, yung pagkakaayos na sana ay
    sa lilipatan mo ay gnun pa rin.

    ang kuboo..

    ang kubo!!!
    gusto ko tumira sa kubo
    kahit one time lang

    mukang napaka aliwalas nun at malayo sa mga problema..

    lunchtime na po naglalambing na cute!!

  5. Agosto 1, 2009 bandang 2:35 hapon

    alam mo kung ano ang masarap gawin jan kapag bago ang bahay?

    binyagan!

    welcome welcome…ayus lang yan sa una lang naman yan

  6. Agosto 1, 2009 bandang 5:17 hapon

    nku mas masarap nga yung ganun eh.. yun bang simple living.. thou its really hard but wen u get used to it ok na…

    if noong mga unang panahon nagsurvive sila db? bkit di ngayon? kaya enjoy lang…😉

  7. Agosto 1, 2009 bandang 10:38 hapon

    hi ..favor naman po pa update naman po ng url ko
    http://www.anakngpating.com/

    salamat..hugs..lovely po hehe.,..

  8. Agosto 2, 2009 bandang 12:43 umaga

    wow! congratz balik bahay ka na… hmmm naging ma-adventure ang nakaraang two years mo sa inyong borading house. ako di ko naranasan ang mag-boarding house pero sana wag na rin muna. hehehe medyo may nmga bagay na hindi ko kayang gawin. kaya naman elib me sa mga gaya mo na nakayanan. hehehe

    hehhe kahit ano pa ang dahilan at pinagdaanan, iba pa rin ang manirahan sa sariling bahay di ba?! siempre pag kasama ang magulang. mabuhay!

  9. Agosto 2, 2009 bandang 9:21 umaga

    waw gusto ko yan

    magduyan…

    di ko pa naexperience mahiga sa duyan,,

    hahahah sorry naman late reply.

    lumipas na ang lunch. ehehhehe

    magandang umaga

    happy sunday!

  10. Agosto 4, 2009 bandang 4:44 hapon

    kala q madramang vuhai feg iveg eh..hahaha..hay uo nga sang-ayon ako kay dodi, nakakamiss sa porbinsya…maaliwalas..blah blah..hehehe… ayan may bago nakong post kakahiya naman sau eh..hahaha


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Hulyo 2009
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: