03
Aug
09

Im Home

istock_000000357240small_child_crying_1

Gaya nga ng sabi ni blueroseguy welcome home daw. After two long years ng pagkakalayo ko sa bahay ( few steps away from home lang toinks ! hmmm mga 10 house kamo ang pagitan)

Simula kasi ng nag asawa ang nanay ko uli last 2001, nag inarte na ang Lambing kasi feeling ko wala nang natira sa akin.

Nag iisa lang akong anak tapos at age seven naghiwalay na ang magulang ko, umalis kami sa tinitiran namin kasi ang nanay ko may dugong pasaway at sa tingin ko namana ko din. May iba na rin family ang papa ko at may mga kapatid ako dun, pero iba pa rin pag sarili mong kapatid.

Ang hirap ng nag iisa, feeling ko nun wala na akong karamay. Pero nagpapasalamat ako at di ako gaanong pasaway dahil may takot ako kay Bosing at alam ko na kung mag rerebelde ako … ako lang din ang kawawa pag dating ng panahon, so kahit maraming temptations.. naka survive naman ako at nakapagtapos ng pag aaral.

Naging struggle sa akin ang pag aasawa ng nanay ko nun college days ko, kasi yun nga nanay ko nalang ang natira sa akin, tapos nag asawa pa. Nawalan ako ng self belongingness. Muntik na kong di nakapagtapos sa pagdaramdam ko pero cheers ule kasi nanaig ang pagiging fighter ko.

Nakapagtapos ako na feeling ko nagiisa pa din, nandun nga sa bahay ng papa ko pero parang kulang pa rin, pag nasa bahay naman ako ng nanay ko ganon din.. Yun pa rin ang struggle ko non kasi gusto ko ng buong family. Pero sadyang may mga bagay na hindi na pwedeng ayusin… at ang tanging magagawa mo nalang ay pagtanggap ng katotohanan.

Dahil mahal ko ang nanay ko, tumira ako sa kanila nang magkatrabaho ako ng malapit sa amin. Binigyan ko ng chance yun step father ko, hmmm ginalang ko, pero syempre iba talaga pag tatay mo sya.. (papa’s girl kasi ako).

Umiinom kasi yun palagi at madaldal pag nakainom. Pero pag matino naman okey din halos ayaw nga kong tignan eh. Nagkakaroon sila ng mis understanding ni nanay syempre kanino ba ko kakampi sa nanay ko. At ang laging solusyon non ay hiwalay, alsa balutan. Mula 2001 na nag asawa sila hanggang ngayon taon taon nag aalsa balutan ang nanay ko.

rebellious-teenager-thumb293109So napagod ako dun sa ganoong set up. Nag sarili na lang ako. At sa tuwing magtatampuhan o mag aaway sila sa akin tumatakbo ang nanay ko. (baliktad kami sa akin umuuwi pag nag away sila) .

Syempre burden sa akin yun, ayaw ko nasasaktan ang nanay ko, at syempre galit na rin ako sa step father ko, kasi kung ano ano sinusumbong ni nanay sa akin. Hindi naman ako bata na konting suhol ok na, naipon na yun galit ko hanggang sa wala na akong mailuha.

Nasaktan din ako dahil laging pangako ng nanay ko na iiwanan nya na ang asawa nya at ilang beses na rin nya kinain ang sinabi nya dahil lagi syang bumabalik dun. Lagi ako umaasa na magiging okey na uli ang lahat kung dalawa lang uli kami. Pero lagi nya ko nasasaktan sa mga pangako nya.. hanggang sa naging manhid na ako, tumigas na ang puso ko sa sakit.. napagod.. kaya tinitikis ko ang nanay ko. Nabastos ko na rin sya ng hindi sinasadya at nasaktan.

Alam kong nahihirapan ang nanay ko sa pag pili sa aming dalawa. Hanggang sa nag sawa na rin akong mag inarte.. Sabi ko uuwi na ako. Bibigyan ko na uli ng chance si step father ko.

Kaya eto ako ngayon.. Kapiling ng nanay ko.. at may kasamang step father. Hindi madaling maghilom ang sugat lalo na at malalim ito, pero nag tyatyaga akong gamutin ito, para maging maayos ang lahat alang ala sa nanay ko.

I’M HOME….CBR002218

Kung ang mamahalin mo lang ay yun mga madaling mahalin at mahal ka din… anong mapapala mo? Ginagawa din ng iba yun.

Share ko lang po itong bible verse na ito :

Matthew 5:43-47


29 Responses to “Im Home”


  1. Agosto 3, 2009 bandang 2:01 hapon

    Waw

    gusto ko ang bonding nyo ng mommy mo
    sobrang sweet…
    😀

    sana maayos na lahat ng problems mo!😀

    para masaya diba? at di magatatagal
    makakapalagayan mo na rin ng loob ang stepfather mo

  2. Agosto 3, 2009 bandang 6:03 hapon

    ahaha, your home ha e sabi mo nga 10 na bahay lang ang pagitan
    dapat nangangapit bahay ka na lang ano

  3. Agosto 3, 2009 bandang 9:03 hapon

    hehehe…wla lng…aus ah sweet switan..ahhaha…
    toxic sa office…im all alone, im all alone…close the window, (kumanta? hehehe!)

  4. Agosto 4, 2009 bandang 12:26 umaga

    mahalin mo sya at ipakita mo ang pag-aaruga ng isang anak sa kanyang ina dahil una sa lahat musmus at uhugin kapa lang o pagkasabi mo ng unang uha pa lang eh nanay mo na sya…ang isang boi ay di rin biniyayaan ng pusong mapagmahal sa mga magulang at kelan paba ako huling tumawag sa nanay ko…hindi ko alam kung bakit ‘di ako at home o ‘di ko feel na palagi silang tawagan..sinasabi ko ito hindi para i-discourage ang sinumang makakabasa nito kundi dahil ‘yun ang totoo sa akin…maaring sabihin mo o ng ilan na nagpapakatotoo na may pagka masama ako…at karapatan mo ‘yon at dito sa comment box mo…karapatan ko rin sigurong magsulat kahit gaano man kahaba ang sasabihin ko bakit?

    1. una at importante sa lahat, itinuturing kitang kaibigan
    2. ang mga sasabihin ko sa iba ay sasabihin ko rin sa iyo dahil mahalaga ka sa akin.
    3. dahil ikaw ang nilalang na may buong tyagang umiintindi sa akin anuman ang nagawa ko kasama ng iilan ko pang totoong kaibigan jan.
    4. dahil boi kana noon pa man..
    5. dahil magulang din ako at nauunawaan ko anuman ang pinagdadadaanan mo at ng nanay mo, di man lubos pero may nahahagip ako kahit paano.
    6. at sa huli dahil kahit kailan pinaramdam at pinaparamdam mo pa rin sa akin hanggang ngayon na gaya ng iilan, mahalaga ako sa iyo…

    ano ang sabi ng nanay mo nung bumalik ka?

    bebeko?

    • Agosto 4, 2009 bandang 10:33 umaga

      ayos lang yan boi… tawagan mo nanay mo.. wag nang mag inarte😉 kung hindi mo feel kailangan i feel mo haha

      at nagulat daw ako sa haba comment.. at oo wala akong pakialam..

      at ang totoo nyan natutuwa ako at may isang sulok sa puso ko nagagalak at nagdiriwang
      sa muli mong pag iiwan ng mga heart felt comment.. hmmmm

      masaya naman sya … at katabi ko sya sa pagtulog ko ngayon haha

      at sa huli ….

      bebeko???😉 parang pato lang eh no?? haha

  5. Agosto 4, 2009 bandang 12:37 umaga

    burden, struggle, self control, love, hm… gusto kitang kausapin..
    kahahanga hanga ka. apir!!!

  6. Agosto 4, 2009 bandang 2:18 hapon

    home is where mom is, hehehe — ayan, catch up na kayo. sama akong mag shopping sa inyong dalawa😀

  7. 18 dencios
    Agosto 4, 2009 bandang 2:52 hapon

    alam mo lambing kapag usaping pamilya napaka sensitive ko and
    i guess lahat naman tayo. kita mo ang nagyari sayo hindi ba? bilib
    ako sayo kasi andun pa din yung pinipilit mong maging OK ang lahat
    at MAGANDA yan talaga lalo para sa nanay mo. Hindi ko alam ang
    sitwasyon kpag may stepfather na kasama pero syempre dahil mahal
    ni nanay ay kailangan matanggap mo din. kapag may nakita kang mali
    karapatan mo na sabihin sa kanila. ipakita mo yung authority mo in
    a way na malalaman ng stepdad mo yung “nanay ko to wag mong
    sasaktan”. syempre alam naman siguro ng stepdad mo ang responsibility
    nya, kasi ang kapal ng muka nya kung magiging pabigat pa siya.

    para sa nanay mo, nako tama talaga ang ginawa mo kasi ISA lang ang
    nanay mo sa mundo kaya habang may chance kapa to show the love ay
    GAWIN mo na. kasi 2 na lang kayo na magkatulong sa buhay. ok lang
    yung minsan may away kasi normal yun.

    tandaan mo yung iba dyan wala ng mga magulang. ikaw may nanay ka pa
    ka i-enjoy nyo ang moments nyong 2 sa bahay. ok?

    teka sama din ako sa shopping (sabi ni kengkay) kahit taga bitbit
    basta may pang yosi, ok na sakin haha

    • Agosto 4, 2009 bandang 3:35 hapon

      salamat salamat🙂

      tama papa denz ( may bago nanaman ko naisip itawag sayo haha)

      okey na kami ni stepdad… wag lang uli sya pasaway sa akin

      maghahalo nanaman uli ang balat sa tinalupan haha…

      sana nga tuloy tuloy na to…

      yosi ba kamo???? tsk tsk

      kendi nalang papa denz.. sing sweet ko haha

  8. 20 joan
    Agosto 4, 2009 bandang 3:16 hapon

    ..ayan sa wakas ate lambing! nakapagkoment na ko!! yehey. apir!😉
    ..ate. maaayos din yan. at alam ko kaya mo yan. hehe. goodluck!! mwah!😉

  9. 24 joyce agojo
    Agosto 4, 2009 bandang 3:58 hapon

    ang bait mo naman lambing…

  10. Agosto 4, 2009 bandang 6:32 hapon

    tinutubuan o tlgng nakatago? fish tau! hehehe

  11. 28 shynyrd
    Agosto 4, 2009 bandang 9:30 hapon

    Welcome home!

    Di ka na Papa’s Girl, Mama’s Girl ka na. aheheh.. sarap talaga matulog katabi nanay noh? makauwi na nga rin sa bahay..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2009
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: