06
Aug
09

Kulam

WitchFaceWO184Kung nakikita mo itong mukhang ito… medyo ganyan ang nangyari sa mukha ng tita kong pagka ganda ganda. Una napansin ko na namamaga ang mukha nya parang katatapos umiyak ang mga mata, tapos maga ang mukha parang may manas. Dalawang buwan na syang may sakit, pabalik balik sa hospital wala naman daw makitang sakit.

“Ate nakulam daw si tita..”

Ako yun taong hindi naniniwala sa kulam, kasi malakas ang faith ko kay Bosing.. Kahit yun mga bati bati na yan, isama mo na ang mga dwende at nuno sa punso , tyanak ekek na yan.. hindi mo talaga ako mapapaniwala dyan. My God is enough. No questions ask, sa kanya lang ako naniniwala kahit sa multo di rin ako takot.. wag lang ipis .. peace tayo please…

Ilang buwan nang nakaratay sa kama ang tita ko.. naawa ako noong makita ko sya, kasi panay brown na yun mukha nya parang maliliit na paso ng sigarilyo, tapos yun tyan nya malaki, puno daw ng tubig.. kaya nag research ako about KULAM .

Pinakulam daw sya ng isang kagalit nya, tapos malakas daw yun nangkulam kasi di mapaamin nun albularyo. Di na makabangon ang tita ko ngayon.. kaya yun albularyo na ang nagpupunta dito sa bahay.. eto ang nadatnan ko.

“Ate! nakukulam din daw ang nanay mo! hinawakan lang kanina yun daliri nya ng albularyo sumisigaw na sya”

Syempre may i worry naman ang lambing sa madir, sugod ako dun sa kwarto..

” Ayan pala si Lambing sa kanya nalang kaya sumanib yun mangkukulam kaya mo ba?” (sabi ng tito ko.)

“Sorry naman, di ako tatalaban ng sanib sanib na yan.. dipo ako naniniwala dyan. “

Worried pa rin ako sa nanay ko, kinulam din daw, pareho kami ng faith ni Madir di naniniwala sa ganon kasi meron kaming JESUS na pinapaniwalaan. Kaya yun nag tanong ako kay madir.

Lambing: Nay ano nangyari pati daw ikaw nakulam? naniniwala ka??

Madir: Sabi ko nga di ako naniniwala dun, sukat ba naman diinan ng krus yun daliri ko natural masasaktan ako kaya ako sumigaw. Akina yang kamay mo….

abot naman ng kamay si lambing.. ( diniinan ng kutsara yun daliri ko napasigaw ako ARAAAAY!

E di nakulam din ako??😆

Seryoso… sabi ni madir tinatablan daw yun mga naniniwala at yun mga hindi naniniwala hindi tinatablan. Its a matter of faith at kung sino yun mas malakas yun ang nanaig. Gusto ko tulungan ang tita ko pero thru prayers lang pero yun magpagamit sa albularyo na saniban ng mangkukulam ekek no way.. eto may sinabi pa si madir

Ayaw ko din pagamit dun sa albularyo… ang sakit ba naman nun bakal na krus na dinidiin sa daliri ko baka mamaya bigla akong mapaamin na ako yun kumulam

“ARAAY! TAMA NA PO! SIGE PO AKO NA! AKO NA ! YUN KUMULAM! ” (baka daw sa sobrang sakit yun ang masabi nya para tigilan na yun pag diin ng krus sa daliri nya)😆

Patawa pa tong si madir.. natawa naman ako.. kulit eh.. eto pa si ofismeyt..

Ofismeyt : Ate nakita mo ba yun betlog nung albularyo?? Parang ang laki.

Lambing: Soska naman napansin mo pa yun betlog..

Ofismeyt: Parang ang laki eh.. may umbok sa hita..

Lambing: Baka nakukulam din sya!😆

“Mamang albularyo baka nakulam din kayo?? yun betlog mo daw malaki sabi ni ofismeyt” ( syempre imagination ko lang yun sinabi ko sa albularyo)

Ofismeyt: Ate punta ulet tayo dun tignan mo..

Lambing: tara..

Pagdating dun di ko na nakita kasi nakatakip na ng bag..😆 tsk!!

Seryoso uli…

Let’s pray for my tita’s recovery.. di ko talaga alam ano nangyari sa kanya.. sana gumaling na sya.


48 Responses to “Kulam”


  1. Agosto 6, 2009 bandang 12:17 hapon

    wait lambing ha may boss d2 maya maya ko na basahin

    share ko lang:

    naturuan ako ng clasmate ko nung Higshchool
    na mag jinx.

    creepy.

  2. 9 joan
    Agosto 6, 2009 bandang 2:30 hapon

    ..loko si opismeyt.pagtripan ba naman si manong? hahaha! ahhhhhhhhm isa pang loko si mami mo ate. haha! talaga nga naman. ako di pa ko nakaka kita ng mga ganyang pang yayari. ewan ko lang. pero tama ka ate. faith lang kay God ang dapat nating isaisip.pag meron tayo nun. wala na dapat pag alala. hehe.
    ..kakatakot ang peechur. ahmf!!
    ..sana gumaling na tita mo.😉

  3. Agosto 6, 2009 bandang 3:35 hapon

    katakot naman..natry nyo na bang ipacheck sa doctor? baka kasi may kaukulang lunas jan..

  4. Agosto 6, 2009 bandang 4:36 hapon

    nakakasakit ka ofismeyt..ako ung albularyo dun…

    anak ng tokwa…wala akong paniniwala sa kulam na yan…

    magdasal tayo..haiz

  5. Agosto 6, 2009 bandang 5:51 hapon

    OK nabasa ko na!!

    ang ganda

    hehehe😀

    yun naman pala..

    tinotorture para aminin kung sino kumulam hahahaha

    natawa ko sa joke ng nanay mo😀

    ano talaga nangyare sa tita mo?
    kamusta na sya ngayon?

  6. Agosto 6, 2009 bandang 6:25 hapon

    sa probinsya ng nanay ko ( samar) uso rin ang ganyan… ewan di ko alam ang sentimiento ko.
    basta ang sabi nila mas malakas ang manbabarang sa mangkukulam.

    at may mga anting-anting pang nalalaman. ang mga mangkukulam at gumagamit ng black magic matindi ang parusa… nabasa ko yun sa…inferno ( divoine comedy) ni dante. hehe

    sana maging okay na nga tita mo. may God bless her

  7. 21 shea
    Agosto 6, 2009 bandang 7:43 hapon

    ganun? kakatakot ung pic..

    hmmm..

    di rin ako naniniwala sa kulam, need talaga makita yan ng specialist…

    batet naman kukulamin tita mo? may ginawa ba siya?

    ilang beses nyo na siyang pina check up?

    sabihin mo kay tita mo, pray siya. mas malakas panlaban un..

  8. Agosto 6, 2009 bandang 7:49 hapon

    hala, baka skin disease lang naman ito, pacheck nyo rin.

  9. Agosto 6, 2009 bandang 8:02 hapon

    ish-ca-ry! waaaaaa…..”thriller, thriller…” hindi ko matuloy ung kanta, hnd ko kabisado eh..
    hahaha…

  10. 31 Dorm Boy
    Agosto 7, 2009 bandang 1:44 hapon

    Ako naniniwala pero wala namang mawawala if maniniwala ka ryt?

    Pero madalas hinahanapan ko pa rin ng logical at scientific reasons ang lahat.

    Napadaan lang po!

    http://dormboy.wordpress.com

  11. Agosto 7, 2009 bandang 2:42 hapon

    napadaan lng po at kulam agad ang nabasa.
    nakow!

  12. 36 dencios
    Agosto 7, 2009 bandang 4:54 hapon

    hahaha. natawa ako sa betlog

    kulit!

    pero ang kulam seryoso at nangyayari talkaga iyan

    may kakilala din kame sa bulakan na nakulam dahil sa inggit

    di rin biro ang pinsala na pede ring ikamatay

    gayunpaman albularyo lang ang katapat nyan

    at

    ipagdasala na lang ang mangungulam na iyan

    para matauhan sa

    kaulolan nila

  13. Agosto 8, 2009 bandang 4:54 umaga

    noong una indi ako naniniwala sa kulam, kagaya mo, kasi after all malakas parin ang paniniwala ko sa taas. until one time na nagkasakit sister ko. always nilalagnat, eh pina admit na nga sa ospital eh indi pa rin naging Ok ag kalagayan niya.

    Hopeless na kami hanggang sa nirecommend sa amin ang isang healer, dun niya sinabi na kinulam daw sister ko, pati ako. kaya inag alay siya ng manok at anek anek sa kung sino na yun. tapos pinainum kaming dalawa ng bato…

    sa day na yun naging OK na kami ng sister ko….iwan ko ba, pero naniniwala na ako sa kulam na yan.

  14. Agosto 9, 2009 bandang 2:05 umaga

    Katakot naman to. Hindi rin ako naniniwala sa mga kulam kulam na yan, pero anu nga kaya ang reason behind kung bakit nagkaganun ang Tita mo?

    Get well soon na lang din kay Tita.🙂

  15. Agosto 9, 2009 bandang 10:01 umaga

    yeah.let’s pray for your tita’s speedy recovery.

    trust in Him. faith can move mountains. :p

  16. Agosto 9, 2009 bandang 12:50 hapon

    wow!!! i admire your faith!
    astig kayo ni mader mo.
    hehehe.
    ako din di naniniwala sa ganyan.
    covered to ng blood. hehehe

    hehehe.
    siguro its time for you to lay
    hand sa tita mo, and engage in warfare..

    malakas ang faith mo!
    sobra!
    at tingin ko taob yung makukulam
    magsalita ka lang.. hehehe

    im declaring your victory
    and ur tita’s recovery..
    =)
    apir!

  17. 48 im_aphrodite
    Disyembre 9, 2009 bandang 2:42 umaga

    napadaan lang din.. ano na latest sa tita mo.. kase me friend din ako ngaun na me saket. pero ewan ko, sabe me nag patrabaho daw sa kanya. (me nagpakulam) nagpatingin nsa sya sa doktor, me findings naman.. kaso syempre sabe nila ala naman daw masama kung maniwala din sa albularyo paminsan minsan dahil wala nga naman mawawala. ako din hindi naniniwala sa kulam.. pero gusto ko din ipa try sa albularyo friend ko, ala nga naman mawawala kase..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2009
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: