08
Aug
09

Sinong kikay??? ( ano daw laman ng bag ko)

Na tag ako ni Machong Butiki, way nya daw ito para makilala nya ako ng mabuti. Hmmm ano nga ba ang laman ng bag na ito???

ang aking bag

ang aking bag

Ito po ang laman nya…

Img00085

  1. Malaking wallet na puro pictures ang laman..
  2. Cellphone kong old model yun isa may cam yun isa walang cam toinks! isang globe at isang sun.
  3. Perfume- mahilig ako sa pabango, syempre dapat laging mabango para pag may nakatabi ako bango ko ang masisinghot nya at hindi baho toinks! Para laging amoy fresh diba diba??
  4. Baby Powder- walang pakialaman feeling ko baby pa ako eh, pawisin kasi ako at medyo lumalabas sa mukha ko yun excess fats ko.. kaya nag o oily fez ako.. so kelangan ko ng baby powder sa fez, sa likod , sa batok at sa dibdib.
  5. Blusher- Babae ako, hindi ako bakla kaya may karapatan ako gumamit ng blusher ano bee… eksuli nakalagay yun sa kikay kit ko nailabas lang para medyo dumami yun numbering ko haha. Ginagamit ko to sa labi… toinks! jowk lang ginagamit ko yan sa cheeks ko.. para enhance nya pa daw yun cheekbone ko..
  6. Make up kit- hmmm pang paganda .. kasi kailangan presentable lagi sa pagharap sa tao.. babae talaga ako promise kaya wag nang mag react hmmkei???
  7. Lip gloss- Para shiny lips at kissable leps tayo haha
  8. Suklay kong kulay red- para sa mahaba kong buhok sa kili kili di na kasi kaya ng toothbrush eh.. toinks! jowk lang ule syempre sa long hair ko..
  9. Kikay kit ko- maliit na pouch yun hihi nilalagay ko din sa bag ko, ang laman non i rereveal ko mamaya.. di na kasya sa cam eh..
  10. Pens- Nakita nyo halos pula lahat yan ballpen, signpen, marker at kung anek anek na klase ng panulat.. ibina bag ko kasi may naninikwat ng ballpen sa office maibaba mo lang mawawala na agad yun ballpen ko, kaya naka bag sya.
  11. Lotion- Kinukulang ako ng oras mag lotion sa bahay eh, kaya dinadala ko sa office, di naman talaga ako madalas mag lotion pag feeling ko girl ako, yun nag lolotion lotionan ang beauty ko, at pag naka shorts nga pala ako o mini skirts para di dry ang logs ko.. hehe
  12. Coin purse- binili ko pa sa baguio yan noon haha, bumili ako uli nyan kasi naaalala ko yun eksmen ko nun ganyan ang coin purse nya may i gaya naman si ako. Wala lang sa gusto ko eh.. dalawa nga yan eh.. yun isa sa isang bag ko naman .
  13. MP4 – hinahanap mo ba nawawala no? Pati yun number 13, e kasi naman ginamit ko syang pang picture pano gagawin ko aber??? Mahilig ako sa music.. kaya lagi ko bitbit ang MP ko..
  14. Snack- biscuit yan new product namin.. cookies with choco wafer oha!! tamis nyan.. wala lang gusto sya kainin pag gusto ko kumain ng matamis..
Laman ng number 9 kikay kit ko

Laman ng number 9 kikay kit ko

oo na panay pang pa beauty yan.. nakalagay silang lahat sa kikay kit para di magkalat sa bag ko .. ..

sinoo toooo???

sinoo toooo???

Di pa rin tumalab yun mga ginagamit ko tsk!!!!

IKAW ANO LAMAN NG BAG MO???


53 Responses to “Sinong kikay??? ( ano daw laman ng bag ko)”


  1. Agosto 8, 2009 bandang 4:50 hapon

    teka pa base muna!!!

    na kakaexcite naman tong basahin

  2. Agosto 8, 2009 bandang 4:55 hapon

    ayos naman!!!

    aNG DAMI

    di ka ba nabibigatan dyan!

    heehhehe😀

    -patikim naman nung wafer.
    -asan ang pera na kalagay hehehe sa mga pics ba nakaipit?
    -kala ko sa labi nga ang blusher ,, ano ba ang blusher blush on ba to?
    -tawwa naman ako ng tawa sa mga banat mo lambing
    😀

    have a nice day!

    BASE ako hahaha

    • Agosto 8, 2009 bandang 5:14 hapon

      dami no??

      medyo mabigat nga sya.. di ko pa nga nasama yun charger ng cp at mp4 😆

      -alika bigyan kita sarap to!
      – wala ngang pera kaya picture nalang pinakita ko
      – hahaha oo blush on nga ang blusher hamster para maiba naman
      – sige tawa ka lang
      🙂

      kaw din have a nice day

      oo base ka! pero si joan daw tlaga ang base haha😆 di makapag comment may error daw

      waaaa!

  3. Agosto 8, 2009 bandang 5:38 hapon

    2nd vase! nyahaha! abay grbe namang dame ng bitbit mo lambing! talo pang make up artist! hehehe..

    nga pala ate, cnxa na nung mgka chat tau sa ym sa off line aq. smart brod lang kc xa..c”,)

  4. 17 Junice Lopez
    Agosto 8, 2009 bandang 8:41 hapon

    grabe ate! andami!! talo ang bag ko! hehehehe!!!!

  5. Agosto 9, 2009 bandang 2:26 umaga

    base!
    hehehe inabutan ako ng traffic ate!!!
    hehehe
    apir!
    buks na lang ako magcomment…
    ng maaus..
    maraming salamat po!

  6. 24 hisnameisdencios
    Agosto 9, 2009 bandang 2:28 umaga

    pasin ko ang babae may maliit p ana bag sa loob na malaking bag at nakakatakang yung maliit na bag ay mas madami pang laman sa malaking bag haha

    pretty.

    kaso mukang mabilis maubos ang mek up sayo kasi madalas magpaganda🙂

  7. Agosto 9, 2009 bandang 9:58 umaga

    lahat yata ng pinoy at least may 2 cellphone,pansin ko lang.

    curious lang ako ms.lambing, bakit ang babae ang laki ng bag? dami laging dala,papalit-palit ng bag?

    ganyan mommy ko,daming bags!mga frens kong babae ganyan din.

    hangkuleeettss.

    • Agosto 9, 2009 bandang 11:32 umaga

      hmmm.. yun siguro mga isa ang cellphone eh naka dual sim FD..

      – malaki ang bag? kasi dapat mailagay namin lahat dun ng mga abubot namin..

      – papalit palit ng bag para naman mabagay sa damit yun kulay ng bag.. *fashion*

      – minsan naman nakakahiligan nalang mag collect ng bags.. hindi ko rin alam kung bakit

      pero i love bags..lalo ang white bag..

  8. Agosto 9, 2009 bandang 12:02 hapon

    gagawa rin ako ng tag..

    pero baka bukas na.
    o nest time..

    hehehe mahirap kasi nakakahiya mga laman ng bag ko puro
    basura hahaha

    lilinisin ko muna
    😀

  9. Agosto 9, 2009 bandang 1:01 hapon

    hayun!!!!

    unang una.
    maraming salamat sa pagtugon
    sa akin tag..
    hehehe
    natutuwa akong
    mas lalo kang makilala
    sa ganitong
    pagkakataon.

    hehehe.
    isa kang dyosa!
    babae ka nga.
    hehehe.
    at kikay tlga.
    hindi na kapag tatakang
    madaming nagkakagusto sau.
    hehehe

    ehehhee
    -masarap ba tlga ung wafer na un?
    heheheh?
    -tapos yaman mo naman nakachanel ka pa..
    hehehe
    -siguro sa sobrang ganda mo at
    banidoso mo magmumukha akong
    P.A u, hehehe.

    its nice knowing you…
    tpos daming make up ah?
    hehehe parehas kau ni ate..
    hehehe. panigurado.
    mga 2 hours ka kung magmake up?
    hehehe. excluded ang pagpili ng damit.
    hehehe

    apir!
    apir!
    maraming salamat po ulet!!!
    madami akong nalaman sayo.
    hehehe

    • Agosto 9, 2009 bandang 6:39 hapon

      – walang anuman MB😉

      – kung natutuwa ka syempre ako rin😀

      – oist sobra na yang dyosa nakakahiya kay ann curtis ahay
      – oo kikay ako at walang nagkakagusto sa akin.. seryoso haha
      – masarap yun choco cookies wafer.. hanapin mo sa tindahan combi cookies haha nag endorse eh
      – wag kang maingay .. fake yan 😆
      – hindi ako sobrang ganda … maganda lang wahahaha baka maniwala ka..

      nice knowing you too😉

      – hmmm di naman ganon katagal mga 15 min lang.. pag may pupunthan 30 mins
      at tama di pa kasama ang pag pili ng damit dun haha
      – apir at welcome🙂

  10. Agosto 9, 2009 bandang 1:29 hapon

    wow! ganda ganda namn miss cute!!
    apir!

  11. 38 aubu22
    Agosto 9, 2009 bandang 5:04 hapon

    wow, daming laman ng bag mo ms.lambing..buti ka pa marunong magmeyk up..ako hindi..haha..

  12. Agosto 9, 2009 bandang 8:53 hapon

    Waahahahhahahaha natawa ako dun sa biscuit mo parang nag indorse ka pa. hehehe

    pareho tayo kailangan talaga dalawa cellphone sun & globe text text naman d’yan.. tawag tawag na lang pala heheheheh😀

    heksayted na rin akong ipakita laman ng bag ko🙂

  13. Agosto 9, 2009 bandang 9:52 hapon

    ako may kikay kit din…

    pero ang laman ay…ehem…ipapakita ko na lamang pag nagkasama tayo…

    uhmmmm.. napansin ko lang bakit nid ng 2 mobiles?

    roaming ba ung isa?

    watah

  14. Agosto 9, 2009 bandang 10:38 hapon

    sino ang nagsabing kikay ka? base sa laman ng bag mo..hindi ka kikay..hehe penge ng biskwit.🙂

  15. Agosto 9, 2009 bandang 10:45 hapon

    yan ang pasanin mo araw-araw?
    pagdating plng ng ofc pagod na agad.
    peace!
    hehehe

    dami laman ng bag🙂

  16. Agosto 10, 2009 bandang 11:28 hapon

    sana naging beautician ka nalang.ha ha ha..sa laman ba naman ng bag mo na yan!ha ha ha…
    buti nalang wala kang dalang frigeder.lols

  17. 50 shynyrd
    Agosto 13, 2009 bandang 5:32 hapon

    ui natag ka na pala. anyway, atleast nakita ko na laman ng bag mo. ayos sa make up kit. kala ko isang box na eh, yyung pang artista hehehe…

    danda…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2009
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: