27
Aug
09

Im afraid of..

Well im back! hmmm medyo nanahimik ako ng isang linggo kasi naman dami ko ginagawa lately, nataon pa na na aaddict ako facebook, lalo na sa farmtown , ewan ko ba bakit libang na libang ako sa larong iyon. Kaya ayan tuloy wala akong maiisip maisulat.

Lagi kong sinasabi sa mga entry ko na strong akong tao, pero kahit naman strong tayo meron pa din syempre kinakatakutan ang Lambing tulad nito:

ipis na malupet

ipis na malupet

ewan ko ba dito at bakit ako takot na takot madapuan ng linsyak na ipis na ito.. ayoko ng itsura nya , lalong lalo na ang madapuan nya… anu ba naman, di ko ma explain yun feeling pag dumadapo ang ipis sa akin eh.. pero carry ko pa naman makakita pero wag lang talaga syang dumapo sa akin. Kasi maglulupasay ako .. ewan basta hindi ko sya carry.

ilove spiderman but i hate spiders

ilove spiderman but i hate spiders

Eto pa ang isang makapanindig balahibo.. Ayoko nakakakita ng malalaking gagamba. . haizz para akong mamamatay.. basta ! Basta nakakakita ako nito sa kurtina.. o kaya sa mga lumang sapatos bigla lalabas dun sa sapatos may bitbit pang itlog hayzz mapapa eeek!! ka talaga ng sigaw! ang liksi pa naman lalo na kung yun mga galamay nya eh naglalakihan tapos yun tyan sobrang laki.. oh may shomai wag naman! wag ka nang lumapit sa akin.. Actually naglalaro naman ako ng gagamba nun bata ako nakakahawak pa nga ako.. hindi ko lang talaga ma take yun sobrang lalaki na spiders.. ayoko talaga.. Pasaway pa yun pinsan ko , ihahagis pa sa akin.. anu bee…  O baka naman kaya ako takot sa spiders eh napanuod ko yun arachnophobia noon.. Kakatakot yun movie na yun ..

uod oh now!!!

uod oh now!!!

Wala akong balak sumali sa fear factor kaya okey lang.. Hinding hindi mo ako mapapahawak ng uod. Tumatayo ang balahibo ko dito.. hindi lang balahibo lahat na yata ng buhok natayo pag nakakita ako ng uod. E di lalo naman na pag nahawakan ko accidentally, pag naghihimay ako ng gulay.. pasaway naman kasi yang mga uod na yan, nagtatago ba sa kasingit singitan ng gulay , na iitsa ko tuloy ang gulay sa sobrang takot ko. Oo di naman sya nangangagat, pero ayaw ko talaga sya..

dugo!!

dugo!!

Takot ako sa dugo.. ayaw ko nakakakita ng dugo.. pero yun dugong lumalabas sa akin montly exempted yun..😆 Hindi ko lang kaya tignan yun mga taong nasusugatan, siguro mauuna pa akong mahimatay dun sa nasugatan pag nakita kong dumadaloy ang dugo sa kanya..

injection

injection

Waaa!!! di pa ako natutusok ule.. na experience ko na ma injectionan nun elementary days ko, at oo pahirapan pa bago ako nainjectionan, ang Lambing nag tatago sa ilalim ng desk ko.. halos hilahin pa ako ng teacher ko non.. napapayag lang ako ng sabihin nyang parang kagat lang ng langgam..  nun natusok na ako.. parang kagat ng langgam your face!! masakit talaga no??? Sa awa naman ni Bosing hanggang ngayon di pa ako nahohospital.

Hindi ko alam kung heriditary ba ang mga kinakatakutan ko.. papa ko kasi takot yun sa injection at dugo, nanay ko naman takot sa uod. Hmmmm ano sa palagay mo??? Last.. takot din ako dito..

huhuhu mabiyak ang puuuuso

huhuhu mabiyak ang puuuuso

Hmmm eto naman may explanation bakit takot akong ma heartbroken ule.. dahil naranasan ko na yun feeling and it feels like hell.. Yun eh.. kaya nagka phobia.. pero carry pa din…

Ikaw san ka takot???


57 Responses to “Im afraid of..”


  1. Agosto 27, 2009 bandang 5:10 hapon

    ay base pala ako, di ko alam yun a

  2. Agosto 27, 2009 bandang 5:59 hapon

    sa mga yan.

    takot ako lahat,.

    kasi naman kahit anong ipang gulat mo sakin epektib..

    may sakit ako sa nerbyos..

    hahahahah

    kahit simpleng bulaga natatakot ako.
    ewan ko ba.

    sa dugo naman pag galing sakin,
    namumutla ako.

  3. Agosto 27, 2009 bandang 6:00 hapon

    mabiyak ang puso?….

    hmmmmmmmm

    isa pang hmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm

  4. 14 dhyoy
    Agosto 27, 2009 bandang 6:14 hapon

    nako nako… ang ipis ay wanted sa akin… hindi ko yan sila tatantanan…

    mabiyak ang puso?….. nako! panghorror yan! haha!

  5. Agosto 27, 2009 bandang 7:00 hapon

    Waaa!!! di pa ako natutusok ule..

    naagaw nyan ang atensyon ko at panandalian kong nakalimutan ang takot sa gagamba, sa lahat ng yan sa malaking gagamba ako natatakot. pero gaya mo naman nung bata ako ay ang dami kong alagang gagamba, naalala ko pang sa gabi pa kami naghahanap ng gagamba habang may dalang sulo, wala kaming flashlight, mga mayayaman lamang sa amin ang meron nun. pero ngayon ay takot na ako sa gagamba…

    hayaan mo, kapag ka may tutusok sau, ahmm pikit ka lang muna at hinga ng malalim sabay…”cge dok ready nako”…

    • Agosto 27, 2009 bandang 7:12 hapon

      di ko napansin yun ah… lols… di pa nga ule ako natutusok ule anubey…

      what is sulo ??? lols

      kk nice advise ma try nga yan😉

      • Agosto 30, 2009 bandang 9:24 hapon

        sulo – ang pangunahing gamit na pananglaw ng mga mamayan sa probinsya. ito ay kadalasang gawa sa isang tubo na kulay stainless at nilalagyang ng malaking mitsa, kerosine o gaas ang karaniwang gatong dito pero maari rin ang langis ng nyog. ito ang nagsilbing ilaw sa huling dalawang dekada sa mga lalawigan ng katagalugan. ang pang karaniwang sulo ay may taas na 12 punto 2365 pulgada at may diameter na 2 punto 165. ang isang sulo na may punong gaas bilang gatong ay tumatagal habang may pangkaraniwang lakas ng sindi ng halos 20 punto 126 oras na walang patayan.

        kung nais mo ng mas detelyadong impormasyon hinggil sa sulo, lumiham lamang sa email adress sa ibaba.

        donald_s1983@yahoo.com.

        anak ng… sulo ay di mo alam, ano bang gamit nyo ngayon jan sa inyo? lampara?kingke?

        ***
        LAMBING:
        haylabit and halabyu toinks!!!

        okey sa olryt ah.. umeeffort talaga mag heksplayn.. now i know..

        talagang lumiham pa eh no??

        gamit ko ngayon?? kandila po.. ayaw ko magising na maitim ang ilong ko hahaha😆

  6. Agosto 27, 2009 bandang 8:32 hapon

    isang bagay lang ako takot….

    TAKOT AKO NA IBIGAN KA DAHIL AYOKONG MASAKTAN😦

  7. 23 Junice Lopez
    Agosto 27, 2009 bandang 9:08 hapon

    ate lambing! kinilabutan naman ako sa mga pics!!!

    wEew! ayoko ng spiders..

    kinilabutan talaga ako!

  8. Agosto 28, 2009 bandang 11:58 umaga

    hi ate lambing

    pa hugs !!

    😀

    magandang tanghali sa iyo!!!!!!!!!!!

  9. Agosto 28, 2009 bandang 4:37 hapon

    waahh sino bang di takot sa tarantula? hehe.. pag nakagat tayo nyan.. patay.. hehehe… di ako takot sa injection.. medyo lang, hehe.. pero nurse ako kaya.. dapat lakasan ang loob..🙂

  10. Agosto 28, 2009 bandang 6:36 hapon

    hi!! ggeegegeheheheh

    malapit na uwian awoooooooooo!!!

    EHHEHEHEE

  11. Agosto 28, 2009 bandang 6:46 hapon

    ako sa ipis lang takot…hmmm..nandidiri lang pala, hnd takot..hehehe

    the rest? mismatch! panis! bwahahaha! (braguda laugh!)

  12. 32 boypulubi
    Agosto 28, 2009 bandang 8:41 hapon

    Ewan ko pero ako di na ako takot sa mga iyan. Maliban na lamang ang huli. Siyempre iyan ang pinakamasakit sa lahat.

  13. 34 joan
    Agosto 28, 2009 bandang 8:43 hapon

    ..malamang late nanaman ako! ahmf. hehe. sorry busy for the past few days! haha gumaganun.,

    ..aylabit. hmmmmmmm nakaka hmmmmm talga yung biyak na puso! nako mamamatay talaga ate pag nabiyak yan, talagang scary ever! hehe. :p

    ..takot ka sa injection? sa ipis? sa gagamba? sa uod? sa dugo? anak mo ba ko? pag sinabi mo ateng oo, hereditary nga yan! wahahhahaha! lolz.

    ..mwah!!😉

    • Agosto 29, 2009 bandang 12:00 hapon

      syempre late nanaman hehe

      eh bakit naman bumibisi bisihan???

      wahehehe kaya nga ayaw ko mabiyak yan anubey.. kakabiyak nga lang eh…

      wahahahaha kaw ba ang nawawala kong anak???

      o anak… kumain kana ba??

      nag aaral ka ba ng mabuti??

      miss you mwaaah !😉

  14. Agosto 29, 2009 bandang 11:31 umaga

    nakakatakot tlga ang pinakahuli.
    ksi hindi ito ung mahirap at matagal maghilom.
    hehehe. ganda ng post mo.
    alam ko na kung anong pananakot ko sau.

  15. Agosto 29, 2009 bandang 11:19 hapon

    mommy ko takot na takot sa ipis kaya tinatwanan namin.hehe

    ako pala takot sa snakes…yoko ng mga yun..wahhhh

    **
    Lambing:

    hehehe ganon talaga pag di takot sa ipis no??

    pag tatawanan na lang yun mga takot😦

    wahahaha takot sa snake??? ako din pala hehe

  16. Agosto 30, 2009 bandang 10:44 umaga

    hmmm magandang umaga sa linggo!!

    kanina nakakita ko ng higad..

    di ako natakot pero iniwasan ko sya baka kasi atakan ko. yun lang ang dailan. di ako takot.

    ahahahaa

    pag nasugatan ba ko
    tutulungan mo ong gamutin ito??

    hahah cheesee

    **
    Lambing:

    talaga jason??

    nasugatan ba puso mo??? shore jason tutulungan kita😉

  17. 46 Mr. Nonsense
    Agosto 31, 2009 bandang 1:16 umaga

    i get scared when my sons get sick and when my wife travels alone.

    ***
    Lambing:
    me too. natakot din ako nun magkasakit ang papa at mama ko…
    thanks for dropping by..

    mwaah

  18. Agosto 31, 2009 bandang 7:30 umaga

    wag kana takot im here na!!
    LUB YOU bhe….

    achut.

    ***
    Lambing:

    nice nice! ur back! lols

    bhe??? lols ule😆

    musta aga??🙂

  19. Agosto 31, 2009 bandang 9:58 umaga

    hehehehe!

    ayan na naman ang dugo!

    **

    Lambing:

    father takot ka ba o tinatakot mo ako? lols

  20. Setyembre 1, 2009 bandang 1:47 umaga

    Apir! Takot din ako sa dugo. Halos himatayin ako pag nakakakita ako ng taong nasusugatan tapos biglang may tumutulong dugo. Waaaaa!

  21. Setyembre 2, 2009 bandang 6:37 hapon

    akala ko naging ipis ka na kaya ka nawala… joke lang… wag ka na matakot sa mga yan, nandito ako… tahan na… aawww

  22. 54 Lhey
    Setyembre 3, 2009 bandang 12:56 umaga

    ok lang sa akin ang lahat ng mga kinatatakutan mo lambing,… ito lang ang talagang takot na takot ako…AHAS…even in tv di ko carry panoorin… lalo na pag in real, mamamatay ako sa takot… huhuuuh…yoko talaga..

    ngayon lang napadaan mejo busy kasi lately… yong buks nga pala, nxt week padala ko..😉 mwah

  23. Setyembre 8, 2009 bandang 1:29 umaga

    Totoo ba ‘yung green worm na ‘yun? Yayks, bat ang laki?😐


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2009
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: