03
Sep
09

hmmkei…

So bakit ba ako abala this past days?? Hmmm e sa busy kelangan ba mag explain, o wala lang talagang maisulat at walang medyo maganda ma i shashare ang utak ko sa blogsphere. Nakaka drained din naman kasi minsan. At bakit ba ako mag aalala kung wala akong naisusulat bakit sikat ba ako?? Marami ba nag aabang ng mga sasabihin at isusulat ko?

Well mahilig lang ako mag sulat at magbasa yun ang alam ko, pero yun galing sa pag eexplain at pagsusulat malamang marami pa akong kanin na kakaiinin.. o may gulay wag nalang palang kanin nakakataba yun.. marami pa akong dapat matutunan sa pag susulat.

Siguro nga hindi ako masyadong matalino pero hindi rin ako masyadong bobo para hindi ko mapansin ang isang bagay na biglang nag pa init ng ulo ko. Nag iisip kasi ako mag update ng blog ko kaya naisipan kong tignan ang aking blog statistic dun kasi ako minsan kumukuha ng topic base sa search engines.

Napansin ng mata ko ang kakaibang pangalan sa mga url na nakalagay sa mga tagapagsangguni eto yun .

Pumasyal ako sa blog na iyon para makapag blog hop at sa ating mga blogger parang return of favor yun kasi namasyal sa blog mo.. makikiusyoso na rin kung anong meron sa blog na iyon.. una napansin ko yun theme ng blog.. pareho kami pero okey lang naman.. napansin ko din yun title na PAANO BA TALAGA MAG MOVE ON?? hmmm interesting mahilig ako mag basa tungkol sa relationship at paano mag move on pa?? E may entry din ako tungkol dun at malapit din sa title nya eto oh PAANO NGA BA MAG MOVE ON? .

Sa totoo lang naaliw ako mag basa nun.. pero teka, wait , sandali lang parang habang binabasa ko iyon parang pareho kami ng sinulat.. Toinks!! haler! ikaw ang nag sulat nun iba dun lambing! At take note dalawang entries ko pinagsama sa iisang entry.. watta??? Hmmm umuusok ang tenga ko naiinis ako eh.. kasi bakit ganon na ang labas nun.. inaako nya na sya ang nag isip nun.. dinagdagan nya lang tapos nilagyan pa ng side comment na mura?? naiinis ako..

Hmmkei… pag palagay na natin natuwa sya sa mga sinulat ko at hindi napigilan kopyahin yun entry ko at dagdagan, kung sa bible nga bawal ang magdagdag at magbawas kasalanan yun! pero syempre hindi naman bible yun sa akin blog entry ko yun.. nang galing sa kaibuturan ng puso ko yun! Kahit medyo ganon ako mag sulat galing sa utak kong singliit ng monggo yun.

At katulad din ng iba.. naranasan ko na din naman yun.. na dedetect ko kasi kapag may nangopya sa entry ko, pero ngayon lang ako nag sulat ng entry bout that.. yun iba nga kinopya pa pati name nun kakilala ko anubayan.. so halatang kinopya nya yun.. e sa present technology natin ngayon hindi naman maiiwasan yan ganyan na kopyahan eh.. ang dali lang kaya mag copy paste.. pero sana lang.. mag paalam diba?? hindi naman ipinagdadamot.. o kung hindi man mag paalam.. dapat may citation na ito galing kay bobang si lambing.

Pwede na matawag ito na Plagiarism o Self -plagiarism na ayon sa wikepedia: at eto oo copy paste din ang ginawa ko toinks!

“use or close imitation of the language and thoughts of another author and the representation of them as one’s own original work.

Self-plagiarism

Self-plagiarism (also known as “recycling fraudis the reuse of significant, identical, or nearly identical portions of one’s own work without acknowledging that one is doing so or without citing the original work.

Hmm sa mga katulad kong blogger.. question! Ano ba ang mararamdaman mo kung makita mo ang sinulat mo na walang acknowledgment manlang? OA ba ako para bigyan ko ng pansin at pag inartehan ang bagay na ito??

watchathink???


37 Responses to “hmmkei…”


  1. Setyembre 3, 2009 bandang 2:46 hapon

    ok lang po yun

    kung kelan mo nadama na waw may maisusulat ako,
    GO LANG!!
    😀

    hwag ipressure ang sarili
    para di maging responsibility ang blogging tama po
    ate??😀

    Plagiarism… nako..
    ayoko nyan😀 mabait ang hamster

  2. Setyembre 3, 2009 bandang 4:22 hapon

    basta pag may pumasok sa utak mo ate isulat mo lang ng isulat hehe.
    at kapag nabasa mo ung sulat mo maiisip mo na lang sulat ko ba to hehe..
    di mo aakalain hehe..

    • Setyembre 3, 2009 bandang 4:28 hapon

      @ lovely ang masasabi ko lang..

      anak ka talaga ng pating heheeh

      oo nga di ka kaya magulat na ang sariling idea mo.. nabasa mo sa ibang blog

      ganon na ganon ang pagkakasulat meaning ikaw talaga ang nag isip at nagsulat non

      mababasa mo sa ibang blog na sya lahat ang nag isip nun at nag sulat

      talagang di mo aakalain diba???

  3. Setyembre 3, 2009 bandang 4:50 hapon

    nakakainit nga ng ulo yung topic sa blog na iyon, lalo na sa mga taong hirap mag move on, oppss! di ko sinasabing ikaw yun, yun lang talga ang idea ko

  4. 10 Joyo
    Setyembre 3, 2009 bandang 5:03 hapon

    nako lambing do ba si MC Duane yun? lagi pa naman niyang ipinangangalandakan ang mga blog entry nya sa friendster… actually nagcomment ako don, kasi akala ko siya talaga yung sumulat non. Ang hinalibad nangongopya lang pala. haizzz!

    Pwede sanang kopyahin kasi gusto niyang magreact or nagustuhan niya at gusto niyang ishare sa iba, pero kung angkinin niya ubang usapan na yun.

  5. Setyembre 3, 2009 bandang 7:29 hapon

    Hehehehehehe

    natutuwa ako pag nako-quote ako o namemention ng ibang bloggers…

    hehe.

    naku, ung plagiarism— bawal yan sa mundong ginagalawan ko, sa iskol namin stricto sila kaya di ko natutunan yan.

  6. Setyembre 3, 2009 bandang 7:33 hapon

    Hmmm… Sa palagay ko, kulang lang sa creativity yung taong yun kaya nangopya… Hayaan mo na, kawawa naman, hindi kayang magsulat ng kanya… Hehehe…

  7. 17 Joyo
    Setyembre 3, 2009 bandang 8:08 hapon

    magaling syang magpirate… haizzz ang galing nyang magtagpi-tagpi…
    magkocomment ako dun ulit… bwahaha… remember ko ginamit niya pa
    yung lambing lang ang katapat mo… haizzz ulit,,,

  8. 19 joan
    Setyembre 3, 2009 bandang 10:35 hapon

    ate eto na nga yun aking inay. hehe!
    relax lang. aprub ako kay Mr. coolwaterworks. waahaha! kawawa naman. walang maisip na ka originalan. watah!
    maiisip nya yan. tignan natin reaction nya sa comment mo dun. hehe.

    ily inay! :p

  9. Setyembre 4, 2009 bandang 1:22 umaga

    Plagiarism is a mortal sin in the academe. Too bad, wala pang online plagiarism law dito sa Pinas.

  10. Setyembre 4, 2009 bandang 3:33 umaga

    Tsk, did you try to talk to that blogger Lambing? Foul yun!

  11. 25 henna
    Setyembre 4, 2009 bandang 5:34 hapon

    miss lambing naklagay dun sa entry lambing lang ang katapat mo.. so ibig sbhn kasama ka din dun sa entry… nakita ko sa bulletin board ng fs nakalagay dun na pinapasalamatan ka nya dahil yung sulat mo ay dinagdagan nya… kinopy ko din ang sabi nya “salamat nga pala kay lambing, a.k.a. lambing lang ang katapat mo dahil dinagdagan ko ang mga sinabi nya dito pero patawad na din pero laking tulong sya.. hindi ko sya ka-friendster kaya di ko alam saan hahagilapin ang lola nyo… pero salamat sa kanya.. baka isipin ng iba na nanakawan ko sya ng idea… ninakawan ko sya kung di ko nilagay sa umpisa ng blog ko na may slash lambing lang ang katapat mo… yung kasi ang alam kong name nya… kaya maraming salamat sa kanya…” di ko sya close friend pero nagbabasa lang tlga ako ng ibang mga blogs nya.. thanks po

    • Setyembre 4, 2009 bandang 6:01 hapon

      to ms. henna

      kababawan … if he really want to thank me.. pwede sya mag comment sa blog ko..

      pwede syang magparamdam dun or magpaalam kaya wag nya sabihing hindi nya alam kung saan ako hahagilapin dahil kung yun dalawang entry ko nakopya halangan naman hindi nya ko makontak?
      .. sabi mo nga hindi nya ako ninakawan ng idea… pero kung babasahin mo yun entry nya meron syang acknowledgement dun.. pati kay vicky bello bakit si bobang lambing hindi nya nabanggit??

      hindi ka ninakawan ng idea kung meron syang citation na itong part na ito si lambing ang nagsulat..

      pero habang binabasa ko yun entry.. well nadagdagan nga pati mga introduction, quoutes and all so hindi na syang nagmukhang galing sa akin,,, gaya nga ng sabi ni joyo napagtagpi tagpi at lumabas na sya ang author nun..

      kahit pa may mc duane/lambing lang ang katapat mo..

      gaya nga ng sabi mo hindi kami close.. diba??? bakit nya kinuha yun idea???

      foul po yun..

      at ngayon ngang binisita ko yun blog nya wala na yun entry na yun???

      asan si mc duane??

      bakit nya binura ??

      diba may comment ako dun???

      bakit di sya nag explain dun???

      salamat sa pagdaan mo dito henna sorry napahaba ang ng sagot🙂

  12. Setyembre 4, 2009 bandang 9:40 hapon

    bad trip nga yang gnyan..hayz…yaan mo na ma3tay din ung @#$%^&*”: un! hehehe…^,^ hi ate!

    off topic:
    uy sali kn sa hws ko sa sorority sa FB..kaartehan un, asteg! hehehe ^,^

  13. Setyembre 5, 2009 bandang 11:42 umaga

    waw naman lambing…
    wala lang

    masaya lang ako ngayong sabado ng umaga

    pahugs nga..

    teka tutumbling muna ko
    at mag hahandstand!!!

  14. Setyembre 5, 2009 bandang 8:02 hapon

    Ay putek! Thats copyriGht. Bwal umangkin ng di sayo at di nagpaALam.. GraBe, kung sakin un gnawa,lintek lang talaga!

  15. 35 boypulubi
    Setyembre 7, 2009 bandang 6:21 umaga

    Maraming “automated sites” na ginawa lang para makapag-pull ng “articles from other blogs”. Mayroon ding mangilan-ilan na babaguhin ng kaunti yung sulat mo gaya ng nakita mo.

    Para sa akin hahayaan ko na lang at mahirap naman na habulin. Pero hindi naman masama kung kausapin mo kung sino man ang nangopya sa iyo. Kinausap mo ba siya? Kasi parang nabura na yata yung laman nung “link” na ibinigay mo sa taas.

  16. Setyembre 7, 2009 bandang 6:52 hapon

    nakakainis talaga yun, lambing. kahit pa sabihin mong natuwa lang siya kaya bonggang-bonggang ni-copy paste niya ang obra maestra mo sa sarili niyang site at umarteng parang kanya. lumalabas lang na indi nito kayang makagawa ng ganung entry base sa sarili niya.

    congrats sis! bilib na bilib siya nilalaman ng post mo at indi niya kinaya kaya nipost na lang niya hehe.
    😉


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Setyembre 2009
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: