22
Sep
09

Nagbabalik

Ayan nandito nanaman ako, nag iisip ng kwento ma iishare ko sa inyo. Ano nga ba nangyari sa akin bakit ako nanahimik nang pagkatagal tagal?

  1. Unang una sa lahat  busy ang lambing sa work.. isa kasi akong secretarya / encoder sa isang private company, ang trabaho ko mag encode ng mag encode ng sandamakmak ng orders ng sumarkets at market stall sa aming lugar. Gumagawa ng sandamakmak na reports mula lunes hanggang linggo. Tama ka ng narinig hanggang linggo , pero nagpapahinga naman ako ng kalahating araw ng linggo . Minsan nakakapagod, at nakakabato kasi puro papel ang kaharap ko wala kong chance as in chance makahanap ng super papabol prince charming according to joyo my fwend.. nakatengga ang lambing sa isang sulok ng kwarto ang kaharap ay computer. Kaya ang aking social life ay sa mundo nalang ng internats… kaya ayun busy sa facebook.. kahit paano naaaliw ako ng panandalian.
  2. Nag ayos ako ng passport, may isang mabuting kaibigan na tumulong sa akin , para maumpisahan ko na pag aayos ng passport ko.. para maiba naman ang takbo ng buhay ko. Kasi sa dami ng problema kahit siguro maghapon magdamag ako magtyaga sa trabaho ko kulang pa rin.. di ko pa rin maibigay ang gusto ng mga umaasa sa akin, gusto ko din naman makatulong , hindi naman sa hindi ako tumutulong yun nga sapat lang talaga at kulang pala.. gusto ko din magkaron ng maayos na buhay ang nanay ko habang andyan pa sya, hindi pa naman siguro huli para mag desisyon akong mag grow.. sabi nga ng isang kaibigan ko there’s always room for growth. Sana i bless ako ni Bosing at will pa din nya masusunod.
  3. Na hospital ang papa ko. Mahal na mahal ko ang papa ko, nun time na na confine sya.. hindi ako makakausap ng matino, kasi first time nya ma confine, ayun inalagaan ko sya ng one day, ayaw naman nya ma kulong sa hospital ng matagal , gaya nga ng naikwento ko sa inyo takot sa injection si papa parang ako lang. Okey naman na sya ngayon naging aware na sya sa kinakain nya, healthy living na sya kasi panay veggies na ang kinakain nya. Ang hirap lang talaga ng galing sa broken family.. di ko masubaybayan ng sabay yun dalawang mahal ko sa buhay, pero carry pa rin .. at least may nag aalaga sa papa ko, yun tita ko (stepmom).
  4. Emoness- Ayan nakaka busy ang magpakaemo.. ewan ko ba emo queen ako eh. Pero carry lang hindi naman ako matagal mag senti mode eh..

Ayan.. dami pumapasok sa isip ko, sana maayos na lahat ng gusot.. para makapag lambing na rin ako😉


11 Responses to “Nagbabalik”


  1. 1 dhyoy
    Setyembre 22, 2009 bandang 1:59 hapon

    payakap naman Miss Lambing….😉 just pray magiging ok ang lahat.

  2. Setyembre 22, 2009 bandang 6:49 hapon

    GROUP HUUUUUUUUGGGG!!!

    Welcome back lambing!!!

    Kahit busy ka, alagaan mo sarili mo ha. bawal magkasakit…at mahirap magkasakit, kaya find time to relax and relieve your stress.

  3. Setyembre 22, 2009 bandang 9:48 hapon

    Welcome back Miss Lambing!

    Okay lang magsenti… Take your time…🙂

    But when God pulls your hand to move on, please do…

    God bless!!!

  4. 8 aubu22
    Setyembre 23, 2009 bandang 8:25 umaga

    welcome back po!think positive!Wag kang aayaw!😛

  5. Setyembre 24, 2009 bandang 8:31 umaga

    There’s always room for growth….. Tama nga naman. Marami naman opportunities para makapag trabaho ng mas higit pa sa kung anong meron ka ngayon. Konting tiyaga, tiis at madaming dasal aabot ka rin don.

    Promise, until Sunday ka sa Office? Hindi na naawa ang boss mo ano? Di bale, mas mabuti na yung tinatiyaga na work kesa naman namumuti mata mo na wala ka naman trabaho. Carry lang yan.

    Special Life Events Photography: Capturing life’s special moments for as low as Php 5000 for 4 hours of unlimited shots and a 20 page colored photobook. Please visit our website for more info on our Photography Packages.

  6. Setyembre 26, 2009 bandang 10:06 umaga

    welcome back sateng lahat!

    pakanta muna, “take a little tym baby, see the butterfly’s colors…..there’s a such a wonderful place to be…there’s a rainbow always after the rain..”

    ^,^


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Setyembre 2009
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: