05
Oct
09

FRIENDSHIP

Ako na siguro yun tipo ng taong mabilis magkaroon ng kaibigan, kasi friendly akong tao, medyo masungit nga lang tignan pero pag nakilala mo na ikaw na bahala mag judge kung for keeps nga ba ang lola mo maging fwend. Sabi ng isang kaibigan ko para daw akong “kanin” madikit lang na aa attach na.

269210339_8e9258be7a

Friendship kamag-anak ng relationship, ship at scholarship basta may ship yun na yun. Kahit sa isang relasyon kelangan din ng friendship para maganda ang flow ng pagsasama. Ang kaibigan ay parang damit.. may mga bagay o okasyon na binabagayan.. pang office, pang school, pambahay o yun damit napinaka gustong gusto mo sa lahat.

Sa 29 years ko sigurong nabuhay dito sa mundo dami ko nang nakasalamuhang klase ng friends yun iba for keeps yun iba naman masabi lang na kaibigan.. Mahahanap mo ang ibat ibang klase ng kaibigan sa mga eto:

It runs from the blood friendship – Eto yun tipo ng kaibigan mo na kadugo mo. Pwedeng nanay mo, tatay mo, kapatid, pinsan, 1st cousin hangang sa pinsan mo sa talampakan.. basta kadugo mo. May mga kamag anak ka naman na hindi mo ka close diba? Yun tinutukoy ko dito is yun close talaga kayo.. magkasundo ba.

Childhood Friendship- Mga pagkakaibigan na nadevelop non bata ka pa, mga kalaro, ka eskwela, kapitbahay ganon.

Kaibigan sa School – Eto yun mga friends na nakilala mo lang sa school nun college, highschool and elementary.

Workmate Friendship-Mga pagkakaibigan na nabuo sa workplace.. o kung saan ka man lupalop mapadpad.. kapitbahay ganon..

Cyber Friends – Mga kaibigan na nakilala mo lang thru internet.. ang galing na ng technology no pwede ka na makahanap ng friend, mag online ka lang. Kasama na rito sa cyber friends yun mga blogger , nagkakaroon ng exchange of ideas.. tapos kalaonan nagkakakuhaan ng loob.. nagiging mag kaibigan at minsan ka- ibigan pa.

Pero wag ka meron din ibang klase ng pakikipagkaibigan

  1. Prospective jowa – kinakaibigan ka kasi kursunada ka
  2. Friends with benefits – Eto ayaw ko to, meron kasi ako naririnig na ganitong sitwasyon.. yun kaibigan tapos pwede ka makipagtalik sa friend mo .. anu ba yan. Hindi ako sang ayon dito dahil kawawa ang girl
  3. Tropa thingy friends- yun mga kaibigan mo lang sa saya, sa inuman sa kalokohan pero hanggang dun lang yun panay saya lang . Kapag kailangan mo na di mo na pwedeng asahan .
  4. Pahawa ng popularity – Yun dumidikit sa gwapo, maganda, sikat, mayaman, matalino para masabi lang na may kaibigan syang sikat o parang to belong. Ito yun mga tipo na ginagawang alila ng tropa, utusan… tsk!! kawawa naman.
  5. Ex jowa friendship – Itinapon na pagibig para hindi masakit friends nalang kayo… eto pinaka ayaw ko.. ang masasabi ko lang marami na akong kaibigan bakit kelangan maging friends pa! ( may galet?)

Meron din mga level ng pagkakaibigan eh.. gaya nga ng sinabi ko kanina para syang damit meron kang paborito , meron ka din pinaka ayaw..

Kaya ang friendship kelangan din alagaan.. parang laro sa FACEBOOK yun yoville.. kelangan mo dalawin araw araw yun kapitbahay mo.. para madevelop ang friendship sa pagiging best friends.. eto yun level

  • AQUAINTANCE- gaya ng mga term na ginamit ko sa itaas.. ito yun first level bago maging friends.. pwede mo sya makilala sa kung saan saan.. at nasa iyo iyun kung gusto mo ito ituloy sa pagiging friends.
  • FRIENDS- Mayron kang bagay na nagustuhan sa kanya, maaring may pagkakapareha kayo sa ibat ibang bagay.. pareho kayo ng trabaho, pareho kayo mahilig sa music, pareho kayong course, natutuwa ka sa kanya, nag cacare sya sayo kaya feel mo na syang maging kaibigan. At nasa iyo rin kung dito sa level na ito eh gusto mong paabutin sa pagiging .. BESTFRIENDS.
  • BESTFRIENDS –416098197_418794c9c3

    “Best friends are the siblings God forgot to give us”

    maihahantulad sa pinaka paboritong damit.. gusto mo lagi isuot, kahit gutay gutay na gusto mo pa rin. Ito yun pinaka strong na form of friendship. Minsan mas higit pa sa kapatid ang turing mo. Kahit may kabulukan sa pagkatao ng kaibigan mo tinatanggap mo pa din. Sa kanya mo sinasabi yun pinaka sensitibong bagay sa buhay mo at sa kanya ka lang nagtitiwalang sabihin ito. Makita mo lang mukha nya okey ka na, isang text lang everythings ok, magkasama lang kayo buong araw na kayong masaya.. parang mag bf / gf din.. yun nga lang pag sinabing bestfriend dapat walang malisya hmmmkei?? walang bastusan hmmkei ule… sa mag best friends na opposite sex ha. Kasi ako wala pa akong bestfriend na opposite sex eh..

  • MORE THAN FRIENDS -eto hmmm nadevelop na friendship sa opposite sex.. meaning may malisya hehe.. eto yun pagkakaibigan na higit pa.. there’s more .. kaya pag bigyan mo na.. meron talagang ganon.. sa sobrang close nyo, nadedevelop sa may malisyang pagmamahalan. Naranasan ko na ba ito?? Ang sagot… hindi pa.. kasi wala pa akong naging super close na kaibigang lalake.. kung meron man.. una pa lang bago ko maging kaibigan may malisya na hehe.. kaya hindi na dumaan sa level level lols..😉

“Many people will walk in and out of your life, but only true friends will leave footprints in your heart”

1_107368376l

Lagi nating tatandaan na walang permanente sa buhay natin.. lahat pwedeng magbago.. may kanya kanya pa ring buhay ang mga kaibigan natin.. kung may naliligaw man nang landas.. basta ba nagawa mo na yun part mo.. wag mo nang sisihin yun sarili mo bakit hindi mo sya maiayos..

“Friends are angels who lift our feet when our own wings have trouble remembering how to fly.”

At ang pagkakaroon ng matalik na kaibigan ay hindi lamang natutuon sa iisang tao.. kasi sa bawat yugto ng buhay mo.. meron at meron kang makikilalang matalik na kaibigan.. panahon man ay lumipas.. kung matatag ang foundation ng friendship nyo.. nandun pa rin yun habang buhay..

3536964087_062016e6fa

“True friends are like diamonds, precious and rare. False friends are like leaves, found everywhere.”

Mahirap humanap ng tunay kaibigan.. lahat pwede mo ituring na kaibigan…pero ang tunay na kaibigan na di ka iiwan sa lahat ng laban mo, yun ang mahirap hanapin.. kaya pag nahanap mo yun diamond na iyon.. kailangan i value mo ito..

At anu ano pa man ang mangyari.. kelangan natin irespesto ang differences natin.. pagtanggap at pagmamahal sa kung sino pa man sya..

“To have a good friend is one of the highest delights in life; to be a good friend is one of the noblest and most difficult undertakings.”


17 Responses to “FRIENDSHIP”


  1. Oktubre 5, 2009 bandang 5:12 hapon

    ako din madaling magkaroon ng kaibigan kaso ganoon din kabilis mawala.

    aw. hug*
    😦

  2. Oktubre 6, 2009 bandang 4:35 hapon

    nice article lambing…

    naniniwala ako sa saying na ito…

    “Many people will walk in and out of your life, but only true friends will leave footprints in your heart”

    yun lang… ehhe… joke… pero honestly, sa dami ng nakikilala ko, kaunti lang talaga yung totoong kaibigan… im not saying na ganun din ako, pero i believe na lahat tayo may kakayanang magkaroon ng frens but not ol of us has the talent to keep them…

  3. 8 jmsaavedra23
    Oktubre 6, 2009 bandang 5:40 hapon

    gud day!
    “pano kung friends are turning to enemies?”

    la lang.
    gud blog!

    ^_^

  4. Oktubre 6, 2009 bandang 5:43 hapon

    can u be?

    and can i be? hehe..^_^

  5. Oktubre 6, 2009 bandang 5:49 hapon

    ava ate lambing! lambing lang katapat niyan! hehe..kw b ung ngtxt sken? tama bang intindi ko? heheh…

    mhrap tlg makakuha ng real friend/s..kya maswerte akong merong isa.. ^_^

  6. 13 aubu22
    Oktubre 7, 2009 bandang 3:36 umaga

    naku, sana ganyan din ako, hehe, mahiyain kasi ako:)

  7. Oktubre 7, 2009 bandang 7:36 hapon

    True friends are like diamonds, precious and rare. False friends are like leaves, found everywhere.”

    -un un oh! nasama pa ko! hekhek…ok lng yan te lambing..prends tau ah..hugs nga! ^_^

  8. 16 dhyoy
    Oktubre 10, 2009 bandang 1:39 umaga

    totoo yan, maraming taong darating sa buhay natin, hindi alam kung kelAN at saan, may mag biglang susulpot may biglang mawawala, may laging nanjan,kakwentuhan, kabaluharaan, kainuman, katsismisa,yung iba naman walang pakialam…. pero ang pinaka the best yung di nang-iiwan😉

  9. Oktubre 13, 2009 bandang 2:23 hapon

    syempre naman malambing ka na cute ka pa😀 ayeee kaya madami ka prends ate. hehehe

    hmmmmm internet friends… hmmm

    hehehe

    kamusta ka na ate lambing!!

    patumbling muna ha!😀 Arrrk!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Oktubre 2009
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: