21
Oct
09

Drained

Kung wala kang pakialam saken wag mo nang ituloy basahin ito, at kung di ka mahilig sa drama.. ikinalulungkot kong sabihin sayo na ito ako… puno ng drama..

Ang blog kong ito ay ginawa ko para mailabas ang mga damdamin kong itinatago.. dahil ang blog ko tahimik.. hindi ako huhusgahan sa kung ano man ang sasabihin ko.. at pag may naantig at nagbigay ng komento.. bonus na saken yun.

Ang buhay ko ay puno ng pag eevacuate…  sa twenty nine years kong nabubuhay sa mundo… namulat na yata akong mag lipat ng gamit … kung di man taon taon.. minsan inaabot ng 2 taon mag tatagal. Parang bola.. pabalik balik.. aalis .. lilipat.. nakakahilo…… at sa huli.. ganon pa din.. lilipat pa din.. aalis.. paulit ulit lang..

Sa anong dahilan? Dahil sa isang di maayos na pamilya. Isang pamilyang binuo ngunit sinira ng isang babaeng nanghimasok sa buhay  namin.. Ang alam ko lang nawalan ako ng karapatan. Nawalan ng sariling pamamahay.

Simula noon.. ganito na ako.. Wala kong sinisisi sa mga nangyari… kung meron man hinanakit , siguro nahilom na iyon ng panahon..

Kung noong mga unang taon.. naglulumuhod ako sa Panginoon na maibalik ang pamilyang kinagisnan ko.. baka sakaling may chance pa.. ginawa ko lahat para maayos.. pero di na naayos.. Hanggang sa sumuko nako.. nag paraya at tanggapin nalang na wala na talaga.. Hindi lahat ng gusto mo pwedeng ibigay ni Bosing. Siguro nga alam nya na mas kaya ko mag isa kaysa sa mga kapatid ko sa labas.. mas kelangan nila mabuo.

Dahil ako nasanay na. Inilayo ang sarili.. nangarap na lang at nanalangin na mahanap at makabuo ng sariling pamilya pag dating ng panahon.. Pinangarap na pag dating nang panahon na yun siguro liligaya na rin ako..

At kung bakit ako nalulungkot ngayon ay dahil sa isang tao..ang dahilan ng  pag pupursige ko.. ang isang babaeng minahal ko na simulat simula pa lang.. Ang babaeng nagbibigay saken ng kalakasan at pakpak.. At hindi ko kakayanin pag nawala sya sa buhay ko. Ang babaeng maraming nang pinag daanan sa buhay.. Sya lang ang mahalaga sakin.. Gusto ko mabigyan sya ng magandang buhay..

Pinilit kong maging masaya para sa kanya.. sa nahanap nyang mundo.. sa pag iwan sa akin, dahil inaakala nyang.. pag dating nang panahon iiwan ko sya at magkakaroon ng sarili kong pamilya. Sumabak sya sa isang relasyon.. Siguro nga naging masaya na sya dun.. pero panandalian lamang.. Bigo sya mahanap ang kaligayahan.. At sa tuwing magkakalabuan sila sa akin sya tumatakbo..

Palaging bukas ang pinto ko para sa kanya.. at hanggang ngayon hindi ko pa sya iniiwan di gaya ng iniisip nya.. Mahalaga sya sa akin.. At ngayon.. ngayon na naguguluhan ako.. napapagod sa kakaisip.. sa emosyon , sa trabaho ko.. Isa lang ang gusto kong mangyari.. mabigyan sya ng ngiti.. kapayapaan.. siguro saka na yun happiness ko.. mauna muna sya.. at sana maibigay ko sa kanya iyon.

Kakayanin ko lahat ng pagtitiis para sa kanya.. kasi mahal ko sya.. ako lang ang meron sya.. nay mahal kita.. para sayo mag papakatatag pa ako.. kakayanin ko pa lahat ng bagyong sasalanta satin..


21 Responses to “Drained”


  1. Oktubre 21, 2009 bandang 3:38 hapon

    Base…

    alam ko kung nagbabasa ang nanay mo nito ngayon, umiiyak yon, umiiyak sa tuwa…

  2. Oktubre 21, 2009 bandang 5:16 hapon

    lika ate, hug kita!

    mmmmmwahugs!

    kaya mo yn..
    🙂

  3. Oktubre 21, 2009 bandang 6:18 hapon

    pero may boi sa dako pa roon…

  4. Oktubre 21, 2009 bandang 7:48 hapon

    iilan na lang talaga ang mga anak na tulad mo…who opted to stay behind the one’s they love. mapalad nanay mo…kasi nandyan ka lang talaga parati…..
    …pero madalas.. in life…we cannot really design happiness for other persons, even if these happened to be our loved ones….happiness is a choice…a way of life….
    …stay healthy…i mean emotionaly and psychologically ….kasi pag meron ka nun…may paghuhugutan ka pagdating ang mga unos sa yong buhay….

    …salamat for sharing your innermost being to us….

  5. Oktubre 22, 2009 bandang 3:30 hapon

    hmmm… oo nga nakaka-sad pero okay lang … that’s life eh , di ba!

    medyo same tayo ng drama sa buhay and nanay ko na nga lang din ang natitira sa akin. yun nga lang sobrang dami kong siblings sa mother and father side (bukod sa tatlo kong tunay na kapatid na as in kapareho ko ng mommy and daddy).

    ang siste na lang ay mahalin siya kung ano siya. nakakapagod pero ganoon siya e, ganoon namulatan at yon ang naging siya after ng ilang taon niyang journey sa buhay. iba pa rin yung nahihirapan ka pero nandyan siya kaysa naman sa wala siya at wala ka ring maramdaman.

    mabuhay! brave ko sa pagtanggap sa mga bagay-bagay.

  6. Oktubre 22, 2009 bandang 4:19 hapon

    padaan poh. =P
    everything is perect in God’s plan poh. mutu ku yan hehe. kahit may gap kami ni fafa jeesas nayun. ayt!

  7. Oktubre 23, 2009 bandang 10:00 umaga

    lambing… sa wakas! nakadalaw na naman ako sa iyong homey🙂

    hmmmm… kaya pla ganun mga status mo sa ym mo… may isa plang kwento na nakatago dun…

    been sad with ur post sis… pero i know kaya mo yan. be strong! kelangan ka ng nanay mo at i know kelangan mo din xa… you both need each other to be strong…

    keep praying! Godbless…

  8. 16 SHEA
    Oktubre 23, 2009 bandang 10:16 hapon

    LAMBING LANG ANG KATAPAT MO.. hUG KITA.. HEHEHE

  9. Oktubre 23, 2009 bandang 11:41 hapon

    What a touching post, I hope mabasa ‘to ng mom mo. Nagiging madali ang lahat ng bagay basta may kasama tayo eh, mapalad ang nanay mo for having you.

    God bless!

  10. Oktubre 24, 2009 bandang 12:51 hapon

    Si Teacher mo ito. Hindi Si Ate Charo.

    Lamo Lambing, atin atin lang to ah(gumaganun pa)… produkto din ako ng broken family. At nakarelate din ako sa sinabi mo. Ang hirap kasi ang mga anak ang nagsuffer sa pagkakamali ng mga magulang.-Correct? dahil dun nakita ko yung mga kapatid ko na naghanap ng diversion at attention through many things. drugs, barkada… etc… madaling salita nafrustrate sila. Pero ang masasabi ko lng sayo… u have the power to choose your destiny. Amidst all the negativities na nakita ko sa paligid ko at naging consequence ng maling choices… sinabi ko sa sarili ko… I DON’T WANT TO BE LIKE YOU. Ginamit ko yong wisdom na meron sa situation. Parang yun yung naging street sign sa daanan ko na ganun pala ang mangyayari pag ginaya ko sila so iiba ako ng direction.
    THank your mom and tell her u love her till u have the time. And thank the Lord for His goodness that you’ve been steadfast and strong after all. Pinakita nya sayo yun situation kasi He wants you to be smarter. So pag nagkapamilya ka na… That time,YOU KNOW THE RIGHT THING TO DO for the sake of your kids.

    Godbless. We luv you!

  11. Nobyembre 16, 2009 bandang 11:38 hapon

    Ay nako te. I feel for you. Talagang galit din ako sa mga babae at lalaking nanghihimasok sa isang relasyon, at galit din ako dun sa mga nagpapapasok. Wag kang mag-alala sa kung anumang i-comment at isipin ng iba. Blog mo to e, paki ba nila. Ramdam ko yan dahil kaya rin ako nag-blog kasi tahimik. Libreng maglabas ng kahit ano na walang iniisip na ibang tao.

    Balik ulit ako here basahin ko yung iba. Ngayon ngayon lang kasi ako nag-eexplore ng ibang blog. Masyado kasi akong loner sa page ko. HAHA.

    Mwahugs! Ayan, lambing para sayo.🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Oktubre 2009
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: