19
Nov
09

katanungan

Habang kumakain kami ni opismeyt kanina.. may tinanong sya sa akin na hanggang ngayon gusto kong sagutin ng may katarugan.. pero pilit kong kinakapa wala akong maisagot na maayos.. eto ang tanong.
” Ate masaya ka ba sa buhay mo?”

Ahmmm eh… ih… masaya naman ako.. teka ang lalim naman kasi ng tanong eh.. saan banda ba? present , future , past?? Masaya ba ako sa buhay ko? Ang alam ko masarap mabuhay.. kasi na e experience mo lahat ng pwede ma experience, ang malungkot, maiyak, matakot, matuwa , mag mahal at kung ano ano pa. Pero ang tanong masaya ka ba sa buhay mo???

Hmmm may mga times na dumadaan tayo sa matitinding pag subok sa buhay siguro yun mga time na yun malungkot… pero hindi ko rin masasabi na malungkot ang buhay ko.

Masaya ka ba sa buhay mo???

Ahmm.. minsan masaya pag may nagpapatawa sa akin, pag kasama ko mga mahal ko sa buhay , pag nagtetext o nakaka chat si special someone.. o pag may napagtripan ako.. masaya yun.. pero ang tanong masaya ka ba sa buhay mo???

Hmmm..Paano mo ba masasabing masaya ka sa buhay mo??? Kung binabato ka ng mga pagsubok, kalungkutan madalas, mga dissappointments.. yun mga pangarap mo sa buhay hindi makuha pero hindi ko pa rin masasabi na hindi ako masaya sa buhay ko.. Kasi ang buhay natin ay ang pinaka special na gift sa atin ni Bosing.. ang huminga lang tayo at makita ang mga creation nya isa na itong dahilan para maging masaya ako sa buhay ko. Dahil binigyan nya ako ng buhay at nakakapag blog pa ko ngayon.

May pag subok man kelang nating maging patient.. at oo kelangan nating magkaroon ng malaking pang unawa sa mga hindi magagandang nangyayari sa buhay.. kung bakit ito nangyayari lahat may dahilan, may mapapait, may hindi katanggap tanggap.. pero sa huli.. sa sarili mo lang nakasalalay ang kaligayahang hinahanap mo, kung matututo kang makontento kung anong meron sa buhay mo. Hindi masamang mangarap at abutin ang mga pangarap. Pero kapag hindi mo na maabot.. pwede mo namang tanggapin nalang na hindi pwede at gumawa ng ibang paraan.

Happiness napakalaking palaisipan.. hindi mo ito kayang bilhin sa kahit saang tindahan, kahit ikaw pa ang pinakamayaman sa mundo . Hindi mo rin ito pwedeng nakawin sa iba. Dahil ang happiness ay nagsisimula sa sarili mo.. ikaw lang ang makakatulong kung paano ka magiging masaya at makotento.

Maraming paraan para maging masaya.. at meron ding ibat ibang paraan ang tao para maging masaya sa buhay, may kanya kanyang cravings yan.. pero sa huli.. sarili mo lang ang nakaka alam kung saan ka talaga sasaya .

At ang sagot ko sa katanungan?

KONTENTO NA AKO😉

Gratefulness is the key to a happy life that we hold in our hands, because if we are not grateful, then no matter how much we have we will not be happy — because we will always want to have something else or something more.


19 Responses to “katanungan”


  1. 1 jen
    Nobyembre 19, 2009 bandang 2:09 hapon

    at the end of the day, you either focus on what separates you or holds you together’

    hindi marunong makuntento ang tao, that’s the root of all unhappiness, ahmmmn hula ko lang yon😉

  2. Nobyembre 19, 2009 bandang 3:23 hapon

    good to hear na masaya ang ate lambing ko!! yahoo!!

    ako, masaya rin ako!!!!!!!!

    haa

    tambling tambling!!!!!!!!!!

    hindi porke may mga problema at mga pangit ang sitwasyon, mahahadlangan nito ang
    pagiging masaya natin o pagkontento sa buhay

    kasama lahat yan, kung baga formula.

  3. Nobyembre 19, 2009 bandang 3:49 hapon

    una sa lahat ang gnda ng pangalan ah? dyosa ng lambing.. ahahaha.

    magiging happy ang lahat ng tao kapag tanggap nya kung anung meron sya.
    hehe napadalaw lang. dagdag kita s links ko ha?

  4. 9 dhyoy
    Nobyembre 19, 2009 bandang 5:23 hapon

    marami namang way para maging masaya eh kahit bumabagyo ng problema may
    puwang pa rin dapat lagi ang happiness sa buhay natin…

    nasa tao nga lang ang desisyon kung gusto niyang maging masaya o malungkot siya…

    may mga taong nasa kanila na lahat pero hindi happy, pero may mga hindi
    masyadong pinalad makuha ang lahat pero happy…

    Happiness..a feeling of contentment that comes from within… mwaah!

  5. Nobyembre 19, 2009 bandang 6:34 hapon

    ate…easy lng…

    pare2ho tau ng iniisip..

    kakaloka no…

    pray lng kay papa God…

  6. Nobyembre 22, 2009 bandang 11:40 hapon

    Teh! Huhuhu. Ako naman ang may confusion :((

    • Nobyembre 24, 2009 bandang 10:46 hapon

      @ sapphire anong confusion mo???

      na absorb mo na yata lahat ng problema sa isang entry ko ahaha😆

      • Nobyembre 25, 2009 bandang 7:53 hapon

        Di naman kasi ung iba di ko rin alam isasagot ko. HAHA.

        Ayun kasi, ung gagong ex ko nga diba pinagpalit ako sa ibang babae. Tapos ngayon nagpaparamdam ulit. Okay lang daw ba na magkaron pa rin kami ng contact so civil lang kaya ok sakin. Tapos ba naman sabi sakin, mas gusto raw niya ko kausap kesa sa new gf niya. Kaso may hinahanap xa sakin. Parang sira talaga nakakainis. Huhu.

  7. Nobyembre 24, 2009 bandang 12:12 umaga

    It’s funny kase kanina lang naisip ko na I’m not happy with my life now, but I guess no one’s really completely/perfectly happy with his/her life, lage kase tayung may hinahangad, laging may ineexpect, laging nadidisappointment. Amd I’m guilty of that.😦


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Nobyembre 2009
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: