14
Jan
10

paano ka magmahal?

Ang tao ay likas na mapagmahal. Pagkalabas pa lang sa sinapupunan ng ina itinakda na itong magmahal at mahalin. Basta usaping pagmamahal lagi kong sinasabi na nakatatak na sa tao ang pagmamahal maging anong klase ka man ng tao, masama, mabuti, professional, illiterate, matalino, bobo , may kapansanan o wala, sikat o siga wala kang ligtas dito tatamaan ka din ni stupid cupid ng pana nya mai inlove ka din magmamahal ka din.

At dahil everyone is unique malamang iba iba rin tayo ng pamamaraan ng pagpapakita ng pagmamahal and everything.

  1. Ikaw ba ay possesive? Gusto mo ba sayo lamang palagi ang atensyon? Lagi kang tamang hinala. Gusto mo 24/7 mo namomonitor ang mahal mo. Gusto mo lagi may text sayo, i chat ka or call. Utang ng loob get a life! Hindi lang sayo umiikot ang mundo nya . May kanya kanya tayong buhay dapat harapin at isipin araw araw. Try to enjoy kung anong meron ka sa buhay mo. Kelan ba nagiging possesiveness ang pagmamahal? Pag nagiging controlling ka na gusto mo nang paikutin ang buhay ng kapareha mo . Sobra sa pagseselos lahat ng malapit na girl sa kanya lagi mong pinagseselosan may mag comment lang sa friendster o facebook na babae jumejelling kana agad, kahit pangalan lang ng alaga nyang pusa e “kathy” e tamang hinala ka palagi. Super iyak ka na agad halos ubusin mo na luha mo at pwede ka na makapuno ng isang drum na luhang maalat.
  2. Demanding ka ba? “Dapat tawagan mo ako palagi”. “Dapat twing rest day magkita tayo.” Gusto ko ako lang ang inaasikaso mo. Ayaw kong nag susuot ka ng maiigsi, ayaw kong nagpapatubo ka ng balbas, buhok sa kili kili (ayaw ko din naman nun) Kuya .. Ate.. hindi lahat ng gusto mo ay gusto rin nya. At kapag hindi ka mapagbigyan babantaan mo na lulunurin mo ang sarili mo sa isang basong tubig, maawa ka naman sa kanya. Hindi masama mag demand pero dapat nasa tamang wisyo ka. Kung sa pilitan lagi para makuha mo ang gusto mo at minamanipulate mo na ang buhay nun tao.. oi gumising ka nga.. daig pa ang preso ng labidab mo.
  3. Expecting much ka ba? Mahal ko sya kaya binubuhos ko sa kanya lahat ng oras ko sana naman ganon din sya saken. Reregaluhan ko sya ng LAPTOP sana may regalo din sya saken.( gusto ko kasi ng LAPTOP😆 ) Binati ko sya ng good morning sana batiin din nya ako. Lahat naman ginagawa ko para sa kanya sana ganon din gawin nya saken. O baka naman ikaw ay kabilang sa mga federasyon ng ONE SIDED LOVE. Nagmamahal lang sa isang tabi umaasa na in due time maramdaman din nya yun feelings na nararamdaman mo para sa kanya. Hindi masama yun mag isip ng ganon think positive ika nga.. eh paano kung hindi? May mga taong sadyang manhid, insensitive, napalibutan na yata yun puso nila ng bakal o nag freez na ganon talaga kelangan mong tanggapin yun. Mahirap mag expect much! masakit masaktan, para di ka masaktan wag kang mag expect. At mahalin mo ng konte ang sarili mo.

“E sa inlove ako eh! Mahal ko ano magagawa ko? Ganito ako magmahal, nagmamahal lang ako… masama ba magmahal ng sobra????”

Lahat ng sobra hindi maganda… kapag sobrang lamig maninigas ka, kapag sobrang init mapapaso ka. Kapag sobrang tamis magkaka diabetes ka o di kaya langgamin ka. Kapag sobra ang make- up ng babae nag mumukhang bakla.. maganda ba yun? hindi… dahil sobra.

Mahalin mo ng sobra masasakal ito.

“Ang isang bagay na buhay kapag sinakal mo, manghihina ito, gustong makawala, in the end namamatay.”

At iyan minsan ang pagkakamaling nagagawa natin in the name of love. Am i being possesive, demanding and expecting much?

Lumalayo ang pag-ibig dahil nasasakal sya at yan ang katotohan.

Kung totoo tayong nagmamahal ” PABAYAAN MO SYA” . ” SET HIM/HER FREE” .

May kasabihan na “If you love something, set it free. If it comes back, it’s yours. If it doesn’t, it never was.”

Let me share you this text quote

GIVE but dont EXPECT…

ADVISE but never ORDER…

ASK but never ever DEMAND…


Ang pagmamahal ng totoo ay yun binibigyan natin ang bawat isa ng pagkakataon na maging SILA kung ano sila hindi kung ano yun gusto maging sila.

Pwede mo iparamdam ang pagmamahal mo sa pamamagitan ng unahin mo yun kapakanan nila , kung ano ang nakakabuti sa kanya at tulungan sila sa abot ng iyong makakaya, kung ano ang alam mong makakapagpasaya sa kanya. Magmahal ka ng walang hinihintay na kapalit tawag dyan selfless love. Masarap sa pakiramdam yun.

Ang pagiging hindi makasarili ay pagtrato sa tao ng maayos na may pag galang sa kung ano man ang gusto nya.

” LOVE KNOWS NO REWARD”



30 Responses to “paano ka magmahal?”


  1. Enero 14, 2010 bandang 1:45 hapon

    hmmmmm…isang napakadakilang post lambing

    isang mensaheng dapat malaman ng mga politiko. politiko? ehehe alam na naten sa mga sarili naten yan …

  2. Enero 14, 2010 bandang 4:54 hapon

    ako simple lang magmahal.. ahm.. totoo.. hehe
    padaan po..

  3. 6 dhyoy
    Enero 14, 2010 bandang 5:29 hapon

    UNCONDITIONAL…😀

  4. 12 gale
    Enero 14, 2010 bandang 6:37 hapon

    lahat tayo nag mamahal kahit sino pwede tlagang tamaan
    kung mahal mo talaga ang isang tao gusto mo sayo lahat binibgay ang oras at atensyon nya.
    mnsan di na tayo nag iisip sa ginagawa ntin nagiging makasarili na tayo..oO? masaya ka nga pero naisip mo ba na ang taong mahal mo ay masaya din ba sa gusto mo…
    pero pag mnsan di ka cnunod wag kang manakot da way na mag PAPAKAMATAY ka pag di nya cnunod ang gusto mo…for me pag mahal mo talaga ang isang tao dapat kung ano din yung gusto nya pabayaan muna lang ang kylangan kasi sa relationship ay trust ang understanding klangan mg bigayan…

  5. 14 dhyoy
    Enero 14, 2010 bandang 8:23 hapon

    Kaya kong magmahal nang sobra-sobra na kahit sarili kong kapakanan ay isasakrpisyo ko. Na handa akong iwanan, pabayaan at kalimutan ang sarili ko para patakbuhin ang buhay ng minamahal kong tao.Na kahit talikuran ako ng buong mundo kaya kong bitiwan lahat ng pangarap ko para sa isang importanteng tao sa buhay ko… yun na!

  6. 18 jen
    Enero 14, 2010 bandang 8:34 hapon

    dapat 60%/40% magmahal..
    60 para sa sarili mo, 40% for sa kanya..
    parang, i always say this..
    sometimes lumalagpas dun, that’s the time when irrationality and expectations begin

  7. 20 joan
    Enero 15, 2010 bandang 2:37 hapon

    bebenta nanamn tong post na to. hhaha! baka sakaling makabalik saatin si ate lhey… nu ate? wahahah.
    natatamaan naman ako dito ng konti. haha.

  8. Enero 16, 2010 bandang 5:46 hapon

    unconditional love..

    mahirap talaga mag expect ng sobra masasaktan ka..

    napadaan ate lambing..ngayon lang naka bloghop hehe..:D
    miss u much,,

  9. 24 Junice Lopez
    Enero 17, 2010 bandang 6:22 hapon

    hi ate lambing! hehe… miss you na…

    hehe natawa ako don sa tamang hinala(TH) may naalala tuloy ako… TA(tamang adik) la lang..

    nakakatuwa tong post na ito.

    likas na mapagmahal talaga ang tao… bato na ang di marunong magmahal.. hehe..

    mahalin muna ang sarili para makapagmahal pa ng marami.. hehehe…

  10. Enero 18, 2010 bandang 4:17 hapon

    we have to love unconditionally.. walang inisip na kapalit. pero tanong lang, kung nirerespeto mo ang taong minamahal mo, pero wala xang respeto sayo? sa tingin mo dba kailangan din natin ng something in favor sa atin?🙂 yun ang tinatawag na– LOVE YOURSELF FIRST.

    • Enero 18, 2010 bandang 4:37 hapon

      @ jen

      syempre naman sis kelangan natin mahalin ang sarili natin kahit ano pa man😉

      kapag ganon naman ang kapareha at hindi ka nirerespeto ibang usapan na yun

      abay mag isip ka na…

      pero minsan ehehe.. di maiiwasan somobra ng ilang percent ang love dun sa guy..

  11. Marso 12, 2010 bandang 11:00 umaga

    ,npakacmple ng love pero npakahirap qng nanjan kna..sarap mgbasa nkakarelate at tamang my napu2lot aq d2.. nkakapagod dn qng mnzan

  12. Nobyembre 26, 2011 bandang 11:12 hapon

    hmmm.. ang hirap magmhal ng taong d mo alm kng mhal ka din.. db? tnitex mo d magreply kng tatawgan mo wlang usapng mtino lhat nlang biruan.. hndi naman kayo plaging mgkasama pra hndi ka nya mamimis.. mhal ka pa kya nya kng gnun din lang..??


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Enero 2010
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: