27
Jan
10

Bedtime stories

Kung papipiliin ako kung ano ang pinaka gusto kong bahagi ng bahay ang pipiliin ko ay ang bedroom ko. At wala na kong karapatan palang mamili dahil ang tinitirahan ko pala ay buong bedroom toinks.

Sa aking bedroom nagagawa ko lahat ng gusto kong gawin lalo na pag nagiisa ako, nakikinig ng music habang nagsusulat sa papel ng kung ano anong pumapasok sa isip ko. Ang bedroom ko ang saksi kapag umiiyak ako, naiinis ako o nakangiti mag isa pag naiinspire. At syempre sya lang din ang saksi kapag nagbibihis ako pwera nalang kung may naninilip saken😆 . Close kami ng bedroom ko dun lang ang place na natatahimik ako…pangalawa ang comfort room😆

Mahilig kasi ako matulog kaya kapag galing sa trabaho ko ang bed ko ang unang takbuhan ko para makapag pahinga. Kung di nyo naitatanong isa sa hilig kong gawin ay matulog kapag walang ginagawa.

Bakit?

Sa pagtulog lang kasi ako natatahimik pwera nalang kung naglalakad ka matulog pero hindi naman ako naglalakad matulog actually behave nga ko matulog.

Paano ako matulog?

Hmmm ganito yun…

  1. LIGHTS OFF PLEASE! Wag kanang mag ano ano pa dyan basta ayaw ko ng may ilaw pag natutulog ako. Para kasing may nakatingin sayo.. at talaga ayaw ko ng liwanag pag natutulog ako. Hindi mo ako mapapatulog ng maayos nun.
  2. Syempre dapat nakapikit😆
  3. kelangan marami akong pillow. Sa bed ko 6 ang pillow ko, 4 na magic pillow, tapos isang purong bulak na ginagamit kong unan sa ulo paborito ko yun at isang body pillow halos kasing laki ko lang. Kelangan yakap yakap ko talaga yung body pillow na yun kung san direksyon man ako maharap.
  4. Kelangan may kumot. Kahit mainit, kahit tanghaling tapat kelangan talaga nakakumot ako kahit sa loob ng kumot eh di na ko mag damit😆 basta dapat naka kumot ako .
  5. Mas maganda kung may music habang natutulog . Nagigising ako ng alas dos para patayin ang radyo paano ba naman kasi panay ilocano ang tugtog pag ganoong oras.
  6. Syempre dapat naka kulambo ako. Yung telang kulambo parang prinsesa lang😆 Bakit kelangan ng kulambo? Ang daming lamok at ipis sa amin … ang skin ko manganganib.
  7. At mahilig akong dumapa, tumagilid pero di ako nakakatulog ng nakatihaya. Laging nakasubsob ang mukha ko sa unan.
  8. Dati pala kelangan nakahawak ako sa dede ng nanay ko pag natutulog… pero simula ng paluin ng lola ko ang kamay ko nang minsan nag tabi kami.. hayss dina ko humahawak… at ngayon grown up nako?? wag ka na.😆

Gusto mo makita bed ko??

Ahmmm kulambo lang ang akin dyan😆

IKAW MAY BEDTIME STORIES KA BA?


15 Responses to “Bedtime stories”


  1. 1 eli
    Enero 27, 2010 bandang 11:55 umaga

    hello po.

    naku ako rin mas feel kong matulog kapag light off.
    di ako mahilig dumapa. si ako sana. nahihirapan ako kapag ganun ang posisyon ko.

    hehe. bongga naman ng bed mo ate lambing.

    bed time story. wala akong masyadong maishare. ayaw ko nang may naririnig na naghihilik kaya dapat tulog na ako bago pa maghilikan ang bayan.

  2. Enero 27, 2010 bandang 2:38 hapon

    unang puna, madaya ang pamagat, takaw pansin sa google search…wahahaha

    uy, wag ka lagi naka subsub sa unan…basta wag ka!

    ‘yung hawak sa dede…hmmm wala lang

    sulusyunan nyo ung lamok at ipis…hindi kulambo ang sulosyun jan…maglinis kayo at maglinis ulit kayo…patayin nyo sila…

    ako dati ayaw ko ng maliwanag pero ngayon train ko sarili ko sa maliwanag at sa madilim…

    • Enero 27, 2010 bandang 3:02 hapon

      wahahaha wag ka na din hahaha takaw pansin ba??? akala mo ha??

      bakit nga wag nakasubsob sa unan?? bakit bakit?

      hawak sa dede? wag ka na mag ano ano pa dyan , di ko na ginagawa yun😆

      opo nag lilinis naman ah …

      – basta ayaw ko ng may ilaw!

  3. Enero 27, 2010 bandang 4:38 hapon

    pareho tayo. talagang kahit ano pa sabihin ng iba. kingdom/haven/territory ko talaga ang aking Purple Nassau (name ng room ko).

    dating magkarugtong na CR at kusina namin yun. tas noong ni-renovate bahay namin naging kuwartong bodega. unang nagkuwarto doon ang kuya ko. kaso hindi nagtagal, isang part lang kasi noon ang may kisame at pinaggigitnaan ng dalawang kuwarto. sira at mallit pa ang bintana.

    nag-decide ako na doon magkuwarto kahit ganoon. sawa na kasi ako sa palipat-lipat ng kuwarto kapag may bisita yung mga kapatid at nanay ko. tas yung mga damit ko, kapwa iskwater ko rin. kung san-san na lang. nagtiyaga na ako mainitan o malamigan, magising na may dahon na sa lapag ( di ba walang kisame eh pati yung dahon nng kalapit na puno pumapasok doon). at minsan nakakakita ako ng spider at mga bubwit. sabi ko, tyaga lang, makakaahon din ako( villar ba ito o si binay?! hehe)este mapapaayos ko rin ito.

    hinila ko yung libreng kabinet, luma at umaatungal naming electric fan at kinuha ko yung kutson na di na ginagamit. pinagtatawanan ako ng mga kapatid ko, mukha raw ako ewan. pero di naglaon sila na nakikitulog sa akin. unti-unti napapaayos na kasi at nagkakaroon na ako ng sariling gamit kahit mga pasa lang at mumurahin ( siempre dakilang kuripot ako at nanghihinayang sa mga luma na mapapakinabangan pa naman)

    wahehehe kaya kong di lumabas ng kuwarto ng buong weekends. ligo, kain at pupu lang ang break. partida wala pang computer saloob yan.

    (parang haba ata ng comment ko, puwede ng blog post)

    pero kung pag-uusapan natin ang tulugan. hmmm iba at mahabang kuwento yun.

    mabuhay!

    • Enero 27, 2010 bandang 4:45 hapon

      wahahaha apir star ganyan din plano ko irenovate unti unti yun bedroom ko marami pa aayusin

      kuripot din kasi ako eh hahaha

      ayos makakaahon din tayo sa hirap binay yun lolz

      kulang pa wala ka pang bedtime stories wahahahaha

      • Enero 27, 2010 bandang 5:56 hapon

        mahilig ka ba sa horror at suspense? medyo ganun ang theme ng sa akin. ay sa bagay pag tulog na pala ako noon. anyway.

        sige nilalambing mo ako. kukuwnto ko na nga.

        1. makumot din ako. at ang mga kumot ko pambata – yung may mga characters pa.
        2. di ko na kailangan kulambo. kusang namamatay ang ma lamok at ipis sa sobrang init ng kuwarto ko. kapag malamig nga panahon, normal temperature pa rin doon.
        3. gusto ko mana pumaling sa left side ko. hindi ko magawa. everytime na ginagawa ko yun binabangungot ako, ganoon din kapag halimbawa na baliktarin ko ang puwesto ng pagtulog ko na yung headboard ang gawin kung tuntungan ng paa. siguro, dahil dating CR yung part na yun. (superstition ko)
        4.imbes na unan, napapaligiran ako ng mga stuff toys na binigay sa akin. ang arrangement noon ay mula sa pinaka-close hanggang sa medyo lang. hehehe
        5. tatlo unan ko. isa na super baba para sa ulo ko. hindi ako sanay na masyadong mataas ang unan. pangalawa, yung parang throw pillow. yun ang ginagamit ko pag nagsusulat ako sa kama o mapatungan lang. yung pangatlo na mataba at mataas. dantayan at pangharang ko. nagiging tao yun pagdi-daydream ako. hehehe
        6.gusto ko rin ang dumapa. yun ang ginagawa ko pag nahiirapan ako makatulog. pero once na makatulog na ako, nagigising din ako dahil nahihirapan na ako huminga.
        7. may mga times na nagigising ako ng 2-4am. ng wala lang at sunod-sunod na araw.
        8. madali akong magising lalo na pag puyat.
        9. ayokong iniistorbo ang pagtulog ko, lalo na pag papatulog pa lang. mas mainit ulo ko noon kaysa matagal na tulog ko. parang ang feeling ko kasi nakaangat ako at biglang lumagapak pag ginising ako.
        10. nagsasalita ako habang natutulog. ako rin ang nakadiskubre nito. kasi bago ko pa makumpleto yung sasabihin ko, nagising na ako.
        11. i feel something bad pag nagising ako na umiiyak ako.
        12. nagtatakip ako ng salamin before matulog. ayon sa nalaman ko sa “ANG PINAKA” hindi maganda na may salamin na makikita mo ang sarili mo habang nasa kama ko or something.
        13. trip ko lately ang nag-o-aidiobook. nakakaantok talaga. nanghihinayang lang ako sa kuryente katya tatayo pa rin ako para patayin yun.
        14.iba na ngayon, para makatulog ako, nagkakape ako.

        tama na ito baka mapadami na naman. hehehe
        mabuhay!

      • Enero 27, 2010 bandang 7:04 hapon

        salamat star sa bedtime stories mo ayos nabusog akong magbasa🙂

        ganyan din minsan ang epekto ng kape saken apir tayo dyan..

        madalas din akong bangungutin kasi nag tatalukbong ako minsan , tapos yung nga pintuan.. although wala kong superstition madalas ako bangungutin..

        natawa ako dun sa nagsasalita ka pag natutulog haha paano kung ikaw gumising sa sarili mo di badtrip ka sa sarili mo hehe

  4. Enero 27, 2010 bandang 5:14 hapon

    wala akong maicocomment! dahil WALA na akong BEDROOM na sarili😦 kawawa naman ako.. ang dati kong BEDROOM na kulay Pink(pinintahan ko), ay kasalukuyang ginagamit na ng brother ko, at ang supposed to be room namin ng baby ko, ay nakikitulog ang nanay at lil bro ko, at ang mga damit,books,lahat ng gamit ko ay nasa dating kwarto ko pa rin…

  5. 11 dhyoy
    Enero 27, 2010 bandang 10:33 hapon

    hahahahaha lambing ayos sa olrayt ito ah…

    sige ikukwento ko rin ang akin… nyahahaha…

    -ako kahit di nakapatay ang ilaw o nakapatay ang ilaw basta masandal… tulog ako! Kahit may nagvivideoke sa paanan ko kiber🙄

    -uhmmm dapat nakapikit din ata sa akin😆 dapat yun ang no. 1 lambing… ipagpalit mo hahaha!

    -ako 4 lang unan ko isa dapat nakatakip sa mukha ko, wak mo itanong bakit dahil di ko rin alam, yung isa ulo syemps, isa sa may gilid… yung isa sa paa ko…

    -ako rin kailangan may kumot bago matulog ang problema lang pag-gising ko wala na akong kumot..😆

    -ayw ko ng kulambo, kapag may takbuhan na magaganap baka di ako makalabas agad hahaha!

    -ayw ko ng may katabi… kasi naninipa ako…

    uhmmm ang sekreto ko lang para mahimbing tulog ko, umiimom ako ng kape!🙂

  6. Enero 28, 2010 bandang 11:11 umaga

    ako rin walang bedroom na sarili… ano ba yan… huhuhu


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Enero 2010
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: