04
Feb
10

KISSABLE

Kapag naririnig natin ang salitang kissable lips iisipin natin dapat malambot at mapula ang labi nito at hindi nakuha sa lipstick lamang. Nakakatakot naman yata halikan ang isang labing punong puno ng lipstick.

I’m not a fan of lipstick. Kasi pag gumagamit ako noon kung hindi magbiyak biyak ang labi ko na da dry ito. Anong connect?

E kasi naman malapit na ang valentines day uso nanaman ang lova palooza. Ehem, at hindi ako kasali dun kasi ten thousand yearsssss na ko walang ka ehem. Gumaganon pa eh no? Mag bibigay nalang ako ng tips paano mag kakaroon ng mapulang labi para sa araw ng mga ♥♥♥

Para daw mag karoon ng natural red lips

what you need?

  1. toothbrush
  2. lip balm
  • Lagyan mo ng lipbalm ang labi mo tapos saka mo sya i brush ng toothbrush para yung mga dead skin sa lips ay matanggal at maging bago ang balat mo sa labi.
  • Lagi ka mag lagay ng lip balm bago matulog para laging soft ang lips.
  • Bite your lips every now and then .

Meron naman mga taong sadyang pinanganak na hindi kapulahan ang labi tulad ko kaya ang ginagawa ko naglalagay ako ng lipstain para parang natural pa rin tapos lip balm o lip gloss para hindi mag dry.

Meron naman gumagamit ng toothpaste binababad sa toothpaste ang labi kapag gabi, tapos kina umagahan mamumula talaga ang labi mo sa unang araw pero sa pangalawang araw o pangatlo dry na ito kasi nasunog na ito ng toothpaste . Ilang araw pa mangingitim din sya at hahapdi pa dahil magbabalat na sya.

Bakit ko alam? Kasi ginawa ko yun nung college days ko… paunawa wag maglalagay ng toothpaste sa pagtulog ng may katabi .. bakit uli? Ganito kasi yun..

Naglagay ako ng toothpaste bago matulog kasi nga nakakapula daw, ito namang si Lambing nuknukan ng ignorante kaya ginawa naman. Katabi ko matulog ang mga kapatid ko, e napasarap ang tulog ko . Gising na silang lahat ako tulog pa. Ang siste yung kapatid kong lalaki gigisingin na ako, nakita nya maputi na labi ko. (dahil sa toothpaste natuyo). Takot na takot at nag sisigaw ba naman.

PAPA! PAPA! SI ATE PATAY NA!



33 Responses to “KISSABLE”


  1. Pebrero 4, 2010 bandang 11:15 umaga

    Hahahaha! Natawa naman ako. Problema ko ang dry lips. As in mas dry pa sa mukha ko. Nagtutuklap (at minsan dumudugo pa, yacky talaga!) kapag hindi nalalagyan ng lip balm. Pero ngayon ko lang narinig ang toothpaste. Masubukan nga.🙂

  2. Pebrero 4, 2010 bandang 1:36 hapon

    wahahahahaha…nakita nya maputi na labi ko. (dahil sa toothpaste natuyo). Takot na takot at nag sisigaw ba naman.wahahahaha ulit!

    tanong at bakit ka nagnanais nun ng mapulang labi, nung college ka?

  3. Pebrero 4, 2010 bandang 1:44 hapon

    ang huling namukadkad ay huling malalanta…

    ganun ka rin ba?

  4. Pebrero 4, 2010 bandang 9:12 hapon

    hahhaa bumulwak laway ko don ah.. papa si ate patay na. nyahahahay. sige nga masubukan nga mamaya. have a nice day.. teka epektibo ba tlga un?

  5. 11 maelfatalis
    Pebrero 5, 2010 bandang 12:00 umaga

    hahahaha! natawa naman ako dun. Ako ang ginagamit ko sa oras oras e lipbalm. Napabili ako ng myra e na lip balm sa watson’s kahit pa chapped stick talaga ang gamit ko, binili ko yun kasi may libreng salamin pag nakaworth 1k ka ng pinamili including the participating items, so gora naman ako. Ok pa riin ang chapped stick na cherry flavor kasi yung isang bading na kaklase ko yung ang ginagamit niya super pula ng labi ng bading, hehehe.

    Pero bago matulog binababad ko sa petroleum jelly yung mukha ko kasama na rin ang lips, tapos yun gmukha ko e lalagyan ko ng pulbos. Paggising ko mapulapula at malambot na rin naman ang labi kko.

    Saka siyempre wag kakalimutang uminom ng maraming tubig, kasi hindi naman magdadry yan kung hindi ka dehydrated e.🙂

    Ang haba. Haha!

  6. Pebrero 5, 2010 bandang 8:09 hapon

    yoko rin ng lipstips! who cares?

    haha!

  7. 15 maelfatalis
    Pebrero 5, 2010 bandang 9:08 hapon

    ginagamit ko yung petroleum jelly sa mukha +pulbos for moisturizer.. ayaw ko kasi ng mga moisturizer na available sa market e, masaya na ako sa petroleum jelly.🙂

    • 16 Esmina
      Pebrero 6, 2010 bandang 9:56 umaga

      naglalambing: para saan ang petroleum jelly at pulbo sa mukha?
      maelfatalis: ginagamit ko yung petroleum jelly sa mukha +pulbos for moisturizer..

      Ah, akALa Ko PaRa hiNdi MaGkArasHes Ang SkiN Ng BaBy, loLz! bGo aQ sA BahAy mU, (aLa BanG juiCe? o KaPe Man LanG? JoKe!) aDd kiTa Sa bLog RoLL ko ah? daAn ka diN sa KahAriAn Ko PaG maY oRas.

      Love thE SiXpenCe NoNE the RicHer sA sIde Bar: KiSs Me! MuWah! CiAo!

    • Pebrero 7, 2010 bandang 3:05 hapon

      moisturizer hmmmm masubukan nga.. ahehe.. tamad ako magpahid😀

  8. Pebrero 6, 2010 bandang 5:19 hapon

    ate lambing ko wag ganon!
    hahaha kahit ako baka mag
    tatambling ako hanggang ospital
    bitbit bitbit ka hahahahaha

    kissable lips ka naman ate ko kahit wla ng mga
    seremonyas na ganyan ayeeeeeeeeeee
    😀
    happy valentines ate
    kong napacute at napakalambing!!!

    lablab ate lambing!!!

    nagmamahal, kapatid na hamster

  9. Pebrero 6, 2010 bandang 8:47 hapon

    napadpad dito sa kwarto mo..

    aliw naman ako pagbabasa sa mga posts mo! lmao

    madalas din magdry at magbakbak ang lips ko.. lalo pag ginamitan ko ng chapstick at lip balm.. pinababayaan ko na lang..

    kaya pala kissable lips mo e no?

  10. Pebrero 7, 2010 bandang 12:30 umaga

    Toink…. hahaha napagkmalan ka pang patay sa sususnod mag lipstain ka na nga lang. Buti di ka idineretso ka sa funeral house🙂

    Happy V sa’yo lambing *wink wink*

  11. Pebrero 7, 2010 bandang 10:50 hapon

    Padaan lambing🙂

    Natawa naman ako dun! Lipstick nalang ang gamitin mo sa susunod kesa matuyuan ng toothpaste! hehehe. Happy Hearts day sau. GBU🙂

  12. 27 Joyo
    Pebrero 9, 2010 bandang 2:55 hapon

    bwahahahah! adik ka! nagtry din ako nyan minsan kaso pakiramdam ko ang laki-laki ng labi ko kinabukasan… hahahaha parang namaga! ako din di mahilig sa lipstick pero di ako mabubuhay ng walang lip gloss😆 kasama na sa sistema ng katawan ko yun!

  13. Hulyo 12, 2011 bandang 9:49 hapon

    ei pag nag babad po ng toothpaste sa labi magdamag tapos kinaumagahan pula na? ang then kinabukasan ulit ay dry and magbabalat? pagtapos nun ano na po? NATURAL RED na???

  14. Enero 8, 2014 bandang 5:51 hapon

    Ate Lambing, nangyari din sakin yung sa paggamit ng toothpaste eh. Ganon din po yung effect. Mawawala pa po ba yung naging dark na part? Mga ilang days po mawawala yung pamamalat? Babalik pa po ba ulit sa dati yung natural lips ko?🙂😦

  15. Oktubre 20, 2014 bandang 1:02 hapon

    ate naglalabing na cute na try mo na yung petrollum jelly at powder?


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Pebrero 2010
M T W T F S S
« Jan   Mar »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: