10
Feb
10

Puso

Paano ba tumibok ang puso pag enlab? tugtug tugtug tugtug… (kinakabahan parang laging high sa drugs o kaya katol na sininghot)

Paano naman kung broken hearted? tug.. tug.. tug..( dahan dahan na sa pag tibok.. kasi nagdadalawang isip na kung gusto pa ng puso nya na magpatuloy tumibok bok bok )

Kapag sobrang broken hearted? ______________________________ ( in hale exhale nalang ang naririnig kasi pinipigilan na nya tumibok ang puso)

Hahayss araw ng mga puso daw.. ano ba meron sa puso bakit nadadamay ang puso kapag valentines day?

Pero para sa akin ang valentines day ay hindi para sa mga couples lamang.. para rin ito sa mga inlove, gustong ma inlove, broken hearted at all the singles out there. Kasi lahat ng tao may puso o ha?? Siguro kasama na rin pati saging kasi may puso rin sya , korny? hmmmkei.

Wag ka nang mag bitter bitteran dyan na para lang sa kanila ang araw ng balentayns para rin ito sa iyo at sa akin dahil aminin mo man o hindi umiibig ka din, pana panahon lang iyan. Nagkataon lang na ngayon ay wala kang ka pakner.Oweno naman ngayon?

Mag isip ka nalang ng mga bagay na nakakatulong sa pagkatao mo.. ano uli yun .. sensya na di pa ako nagkakape eh.. o kaya basahin mo yun post ko last year bout v-day

Kung sabagay nakakainggit nga naman hahays na iyong iba nasa restaurant o kung saan saang lugar na nagkalat para mapatunayan ang pagpamamahalan nila. . (pagmamahalan?? anu daw ? weh! ) sa araw ng mga puso.

Kung baga araw lang naman yan isang araw lang so wag ka nang komontra sa gusto ng nakakarami…. >>>>

  • May ari ng mga hotel/motel/ inn
  • Mga nagbebenta ng cards
  • May ari ng mga Restaurants
  • May ari ng mall/ sinehan
  • Nagbebenta ng mga pulang damit, lingerie at kung anek anek pa.

Wag na kontrahin.. Sa huli masarap pa rin ang magmahal at mahalin. Pag ganitong panahon ang daming humihingi ng definition nang love.. o sige papauto uli ako i – de define ko uli ang lab ayun sa experience ko ( umeexperience pa😆 )

Ang Love… ang tawag ko sa ex ko dati😦

Pag-ibig -ito ay nakakabaliw na pakiramdam na pwede mong maramdaman sa buong buhay mo. nakakapag patirik ng mata( nakatulala ka kasi maghapon sa kakaisip sa kanya kapag inlove o pag nabroken hearted naman titirikan mo nalang sya ng mata tulad nito🙄 )

Para kang kinukuryente ng ilang boltahe kapag nakikita mo sya o nakakadikit (nakow!) nakakapag blush na di na kelangan mag lagay ng cheek stain o blusher.Nakakaganda kapag blooming, nakakapanget kapag sawi. Parang may kung anong kumukulo sa tyan mo, di mo maintindihan kung natatae ka o kung ano pa man yan. O hindi ba nakakabalaliw na pakiramdam non??

Pero aminin mo masaya makaramdam nito diba? Napapangiti ka maghapon kahit walang nagpapatawa sayo parang adik lang din na nakahihit ng katol high to the highest level talaga.

Kinig ka muna ng music kong cheezy mapapangiti ka rin.. damhin mo ! 😆

Ikaw anong nakakabaliw na pakiramdam ang experience mo?

Happy balentayns haters and lovers😆

I LOVE YOU ALL😉

Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”Bob Ong-


48 Responses to “Puso”


  1. 1 Ravy
    Pebrero 10, 2010 bandang 12:41 hapon

    tama…, tama…, napa isip ako du ah?…,

    ikaw mismo ang kumokontrol sa emosyon mo…,

    napakaganda namang magbasa ng mga ganitong post sa ganitong oras ng araw…,

    nakakapagpagaan ng loob…,

    musta?…

    bago lang ata ako dito sa blog mo…,

    maganda ang tugtog…

    …,

  2. Pebrero 10, 2010 bandang 1:17 hapon

    feb 14, 2010

    manonood ako ng boxing “pinoy power 3”

    may love doon, mahal ko ang sports na ito at ang mga kababayan naten…

    may nabanggit ba tungkol sa entry mo na yan…

    wala? dahil nasa puso ko lang yan…

  3. Pebrero 10, 2010 bandang 1:36 hapon

    ang taba-taba nman ng puso mo. anong klaseng pataba ba ginamit mo? hihi. padaan.

  4. 13 ⓙⓞⓨⓞ
    Pebrero 10, 2010 bandang 2:21 hapon

    kakanta muna ko… hahahaha!

  5. Pebrero 11, 2010 bandang 12:50 umaga

    friend nga pala ang ex sa akin ay example!😆

  6. Pebrero 11, 2010 bandang 8:56 umaga

    pumapag-ibig nga ang ate lambing. at una talaga sa list yong hotel/motel/ inn ah.bakit kaya?hehe

    ayos sa background music. tumitibik-tibok pa!

  7. Pebrero 11, 2010 bandang 1:40 hapon

    Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!” -Bob Ong-

    happy balentyms seo!🙂

  8. Pebrero 11, 2010 bandang 3:15 hapon

    Gaano ka kalambing?

    Kaya mo bang tunawin ang yelong namahay sa aking puso prinsesa?

    Wehhh.try lang umepleng.

    Ano bang isishare ng lolo dito.

    ayon,

    Noong unang date ko sa aking minahal, para akong lumipad sa sobrang excited. Hindi ko namalayang nasa harapan na ako at nakikipagshake hands. Shake hands talaga. Bakit kaya?

    Kapag nawala ng kuryente effect, magpakarga sa meralco, para todo todo ang pagkahigh.

    Salamat sa iyong pagdaan.

  9. Pebrero 11, 2010 bandang 3:39 hapon

    hi cute!

    hmmm ang Happy Valentine’s day sa ating lahat!

    hmmm basta sa pagmamahal, kapag nasaktan wag kalimutan ang masasayang alaala at karanasan.
    iba kasi pag sawi sa pag-ibig parang walang naramdaman na kasiyahan

    mabuhay!

  10. Pebrero 11, 2010 bandang 3:47 hapon

    happy valentines day ate ko!!!😀
    ayeee

    nakakakilig naman dito..
    hahaha

    ganda ng post. lalo na ang pusong paglaki laki
    sarap kagatin.

    sana naman pagkatapos ng valentines
    hindi ako makakarinig ng

    Ang pag ibig kong ito
    luha ang tanging nakamit buhat sayo
    kayat sa may kapal twinay dalangin ko
    sanay kapalaran ko ay magbago

    • Pebrero 11, 2010 bandang 4:00 hapon

      happy vday kapatid ko pagka sweet sweet din haha

      sinadya ko talaga yan para kiligin ang mapapadpad dito para kung sakaling may dinadala man sia sa simpleng paglalambing ko eh mapangiti ko sila😉

      ayyy sana lang wag na ngang makarinig non wahahaha

      talagang kumanta pa eh..

      sige sampolan mo ko kantahin mo yan live sa akin🙂

  11. Pebrero 11, 2010 bandang 5:30 hapon

    aba lage ata sumasabit c bob ong ngyun s mga entry ah..
    indemand pagdting s usaping puso hehhe..

    xperience?hmm.. kakapost q lng ng entry bout dun ahihihii..
    w/ d title of huh! =)

    aliw ung background song u h🙂

  12. Pebrero 11, 2010 bandang 6:19 hapon

    kulit ng mixpod mo hehehe.. hahaha. napatawa mo ko. hapi puso cute!!!

  13. Pebrero 11, 2010 bandang 11:22 hapon

    happy volantoys!!! nice yung background music ah!!! nakaka-inlab!!! hahaha!!!

  14. 38 kaspangarigan
    Pebrero 12, 2010 bandang 11:37 umaga

    Parang hindi pa yata ako na in-love.

    Wala pa kasi akong na feel na parang natatae. Abnormal ba ako?😆

  15. 40 The Lady in Green Ruffles
    Pebrero 12, 2010 bandang 12:45 hapon

    hi ate lambing…inlove? happy hearts day!

  16. 42 joan
    Pebrero 12, 2010 bandang 12:57 hapon

    http://www.youtube.com/watch?v=OayiGSqFPnQ ———> to ba yun?? hende nga? wahhaha.

    ate nakakapuso naman ang post na to. inspired ka ata ah?? alin ka ba sa dalawa? yung lover o yung hater? hmmmmm :p

    • Pebrero 12, 2010 bandang 1:05 hapon

      @ joan

      kase naman kase… 😆 i love that song naman kase.. waahaha natutuwa lang ako dyan ..

      lagi akong nasa side ng lover joan… masarap kaya magmahal.. kahit sabihin pa ng ibang corny… masarap sa pakiramdam yun😉

      miss you miss you miss you naman kase kase…😆

  17. Pebrero 12, 2010 bandang 1:50 hapon

    kapag tumibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sundin ito. hahaha. apir!

  18. Pebrero 13, 2010 bandang 1:38 hapon

    yeeheee! at talagang ginawa ng music ang kase kase kase

    ah basta ako hidni ako bitter! masaya ako ngayong balentayms!
    aylabbalentayms! kasi kasi kasi!

    happy balentayms ate lambing! ang ganda ng banat mo!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Pebrero 2010
M T W T F S S
« Jan   Mar »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: