22
Feb
10

makulit

Kadalasan kapag bata ang pinag uusapan ano una maiisip natin? Diba ang bata ay mga cute, adorable at higit sa lahat makukulit.

They are also great imitators. Lahat ng nakikita o naririnig ginagaya. Ako noong bata ako sobrang kulit ko daw kaya lagi akong may palo sa nanay ko. Ang nanay ko kasi sobrang gaan ng kamay. Nakuu ginagawa akong punching bag kapag walang napaglilibangan😆

Hindi rin magandang ipinaririnig sa mga bata ang mga bad words , ewan ko ba bakit kung ano pa yun masasama yun pa ang unang natutunan kapag naririnig. Gaya nalang ng minsan inutusan ako ni nanay kunin yun mga sinampay sa labas. Nakita ng batang Lambing ang mga panyo nagkanda hulog na.

Lambing: ay si gago nahulog na, tarando kasi itong mga panyong ito blah blah blah (nag momonologue habang kinukuha ang mga sinampay gamit ang mga salitang naririnig)

Andoon pala si nanay sa likuran ko narinig lahat ng sinabi ko, nanlilisik ang mga mata nakatingin sa akin parang alam ko na mangyayari sa akin pag katapos ko makita mga mata ni nanay. At tama nga ako. May tama ako.😆

Isa pang batayan kung gaano ako kagaling manggaya noong kabataan ko. Nakita ko maganda yun panty ng nanay ko sinuot ko ito kahit maluwang pumasok sa school. Nang nasa school na ko medyo nahuhulog ang panty na maluwang kung di ko aangatin mahuhulog talaga sya.

Kung mamalasin ka nga naman ,  inutusan ako ng teacher ko magbuhat ng mga unan dahil may mga visitors kami. Hayun nakaangat ang kamay ko syempre dala dala ang dalawang malalaking unan at nakapatong sa ulo ko. E naka palda ako that time kasi naka uniform ako.

Ang siste habang lumalakad ako yun panty unti unti nalalaglag, palapit pa naman ako sa room ng ultimate kras ko nun bata, recess noon kaya nasa labas silang lahat.

Pinagpapawisan nako ipit na ipit na yun paglalakad ko para di mahulog kaso di ko maiangat yung pagkakahulog kasi may hawak ako sa ulo ko. Nasa tuhod ko na yun panty at naka piki na ko maglakad at tamang tamang naitapat pa  sa room ni ultimate kras nahulog ang panty hanggang paa ko.

Kung paano ko naitaas ang panty ko at naibaba ang mga unan hindi ko na alam. Basta ang natandaan ko diko na ulit isusuot ang panty ng nanay ko.

Ang sarap alalahanin maging bata, wala ka kasing problema kapag bata ka, ang gaan ng pakiramdam mo kahit madaming kapalpakan.Ang sarap mag reminisce  ng past.. i miss my childhood and most of all i miss my mom.

Back then I didn’t know why
Why you were misunderstood
So now I see through your eyes
All that you did was love
Mama I love you.Mama I care

Train a child in the way he should go,and when he is old he will not turn from it.

BIBLE, Proverbs 22:6


2 Responses to “makulit”


  1. Pebrero 22, 2010 bandang 1:40 hapon

    nung bata naman ako, masunurin ako, lagi ako nakangiti, at super galing din ako manggaya…wahahaha

    ngayon kaya, pag nag trip si nanay at ikaw naman ang may magandang panty, mahulugan din kaya sya?

    • Pebrero 22, 2010 bandang 2:04 hapon

      @ boi san ka naman po magaling manggaya??? kwento na dali😉

      ahmmm di na sya mahuhulugan sir kasi magka size na yata kami ni nanay😆

      at tama ka. Nang aabor na sya ng panty ngayon wahahaha pero syempre bago naman yun binibigay ko😆


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Pebrero 2010
M T W T F S S
« Jan   Mar »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: