25
Feb
10

ang sarap

Gusto ko ng …

MASARAP…

MABANGO…

MALAMBOT…

at

MAINIT – INIT NA..

MAINIT NA PANDESAL

Diba ang sarap nitong kainin sa umaga lalo na may parkner na mainit na kape with cream ( may cream pa talaga dapat syempre naman). Sabay sabay sawsaw ng pandesal sa kapeng may cream sabay inom.. i labit!

Pero mabuti sana kung ganon talaga ang nangyari pero sa kasamaang palad hindi ko naisakatuparan ang pantasya ko sa pandesal.

May mamang nagtitinda ng pandesal , sa takam kong kumain ng mainit init na pandesal inutusan ko bumili yung batang pinsan ko, sabi ko tawagin nya yung magpapadensal .

Nakabili ng 20 pesos na pandesal ang nangyari di na pala mainit, syempre nabili na di pagtyagaan nalang makukuha nalang ito sa kapeng mainit. Nang kainin ko na ang pinaka aasam asam na pandesal.. anakngpitongipisnaputi lasang AMAG! Bagong gising ako nun baka kako bunganga ko lang. Uminom ako ng kape sabay kagat ulit kakainis lasang amag talaga!

Ang sabi bagong bago daw ang pandesal sa lahat ng bago yun ang bagong inaamag na.

Panloloko ang tawag dun. Isang kaugalian ng pinoy na hindi maalis alis. Nakakasuka. Paano ka pagkakatiwalaan ng tao kung ang motibo mo ay malinlang ng kapwa mo para kumita ka lamang.

Wag ganon!

Kung dati naaawa ako sa mamang magpapadensal sa pag bibisekleta nya ng maagang maaga para makebenta ng pandesal nya ngayon ay parang gusto ko syang hantingin at ipakain sa kanya lahat ng pandesal nyang amoy amag.

Nabitin tuloy ako😦


19 Responses to “ang sarap”


  1. Pebrero 25, 2010 bandang 12:57 hapon

    yan din sinasabi ni kengkoy e, bakit daw yung iba hindi na lang magtinda ng matino edi mas kikita pa sila dahil marami silang suki. pero kasi kapag minsang naloko ka na, ayaw mo ng umulit di ba? paborito ko rin ang pandesal, yum! at ang mga little kengkays? nakakasampung pandesal sila sa isang upuan, hehehe

  2. Pebrero 25, 2010 bandang 1:21 hapon

    ay bad trip ngayan! hmmmp!

    ang pampasaya sana sa maghapon ang umagahan, lalo na kung nalimlaman ka sa kinain mo.

    hayyy sumusuport ako sa iyo Cute. ganyan din ginawa ko sa mambabalot sa amin. di ko na pinapansin. bibili na lang ako ky mamang sa kanto.

  3. Pebrero 25, 2010 bandang 1:47 hapon

    wew…patirin mo si manong pag nasalubong mo isang umaga.sabay alok ng kape, ung pinakamasarap na kape…wag po magalit, wag po mainis. baka sa isang masarap na kapeng ibibigay mo sa kanya, magising sya sa katotohanang hindi lahat ng tao ay may galit sa puso at doon sya magsimulang gumawa ng mabuting bagay, malay mo pag bumili ka sa kanya sa susunod, fresh na ang pandesal at mat kasama pang keso para sa may mabuting pusong katulad mo… “wag mong batuhin ng bato ang mamang nag-abot ng may amag na pandesal – updated”

  4. Pebrero 25, 2010 bandang 1:50 hapon

    hahaha, ganun sana unang entrada palang, nakaka enganyo ng basahin! ahahaha…🙂

    hahah, tapos may amag pala! nyaks… sarap talaga ng pandesal tapos may dairy cream na palaman, sawsaw sa coffee.. hahays..

  5. 11 Joyo
    Pebrero 25, 2010 bandang 8:47 hapon

    yung ibang tinapay walang lasa, nakadepende sa palaman kung masarap siya… pero ang pandesal mainit man o hindi kahit siya lang swak sa lalamunan ko yan!😆 sarap isawsaw sa kape!

  6. Pebrero 26, 2010 bandang 11:19 umaga

    ay ang sarap! tapos tapos tapos palamanan mo ng nutella! susme! pakakamatay na ako!

    mahilig din ako sa pandesal. sa tanghali’t sa gabi at umaga! lol! promise! ang sarappppp!

  7. Pebrero 27, 2010 bandang 4:37 hapon

    Di ako mahilig sa tinapay eh. Kumakain lang ako ng tinapay kapag No-choice and gutom na gutom na hehehe.. Hindi naman ako maarte sa pagkain besides nung bata ako yun lagi almusal ko sa umaga, Pandesal. Nakakasawa din kasi lalo na ngayon maxado na nila tinitipid ang pagawa ng pandesal. Yung quality nya wala na. Natatandaan ko pa nga noon nagrereklamo na ermats ko dahil walang laman ang pandesal, kumbaga “ampaw”. What more ngayon diba? Mahal na ampaw pa.

    Hayz! Nakakabagabag http://nakapagpapabagababag.blogspot.com na talaga ang nangyayari sa Pilipinas. Lumiliit at nagmamahal na ang pandesal..Big deal yun diba? dapat naba tayong magorganisa ng malawakang kilos protesta laban sa mga mapagsamantalang magpapandesal?

    Napakaganda ng iyong blogs… Marami akong nakukuhang teknik para sa isang nagpapangap na blogistang tulad ko.. More Power!!!

  8. Enero 9, 2013 bandang 5:55 hapon

    masarap ang pandesal lalo na pag mai kape pro mas msarap ang tinapag pag may gatas na nilalagay sa tinapay lalo na pag milo ng iinumin mho mai kxama na tinapay wow ang sarap sobrang sarap


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Pebrero 2010
M T W T F S S
« Jan   Mar »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: