01
Mar
10

LOL

Bukod siguro sa pagkanta isa sa mga namimiss ko ay ang humagalpak ng tawa. Masayahin naman akong tao (minsan kapag walang toyo) pero namimiss kong tumawa ng halos maihi ka na sa salawal mo. Iyon bang halos sumakit ang tyan mo sa kakatawa.

Nakakawindang na pakiramdam kasi yun. Mahilig akong humagikgik ng tawa lalo kapag pinapatawa ako ng mga close friend ko lalo naman na ang mama ko. Magaling kasi magpatawa yun , sobrang machika tapos dadaanin kapa ng walang kapares na facial expression nya.

Kapag daw komportable ka sa tao nakakatawa ka ng malakas. Kaya nga kelangan siguro lagi kong kasama ang bestpren ko kasi napapatawa ako nun ng kulang na lang maubusan ako ng hangin sa tyan.

Tulad kahapon bonding moment namin may isang matandang lalaki at medyo bata sa kanyang babae na nagtatagpo sa tindahan nya, kasalukuyang nasa likod namin habang kumakain kami ng indian mangong manibalang at sawsawang alamang parisan pa ng pritong talong at galungong na may sawsawan namang bagoong at kalamansi ( hindi ko kasi makalimutan sarap ng kain namin hehe)

Habang nagchichikahan kami yung mata ng bestpren ko puti nalang ang natira kasi yung itim ng mata nya eh nakatingin dun sa dalawa sabay tingin nya saken ganon din yun direksyon ng mata ko. Hindi ko maintindihan ang itsura ng mata namin dalawa parang duling lang😆 . Bakit ba kapag pinipigil mong tumawa lalo kang natatawa hangang yun tawa eh nagiging halakhak nakakahawa lalo na kapag may kasalo kang tumawa.

Close friends contribute to our personal growth. They also contribute to our personal pleasure, making the music sound sweeter, the wine taste richer, the laughter ring louder because they are there.

nag research ako  sa google ang sabi maraming benifits ang pag tawa

  • Laughter dissolves distressing emotions. You can’t feel anxious, angry, or sad when you’re laughing.
  • Laughter helps you relax and recharge. It reduces stress and increases energy, enabling you to stay focused and accomplish more.

at heto pa! tingin ko bagay saken to..

Research has shown health benefits of laughter ranging from strengthening the immune system to reducing food cravings to increasing one’s threshold for pain. ( in short nakakawalang gana kumain ayus!)😆

Once again bespren saves my day.. i laughed out loud

Check out this pix baka sakaling matawa kayo

suicidal-orange

mini body builder

PHAILED

we found nemo

SIGE KUHA NA RIN AKO JOWKS😆 galing ito sa pinoyjoke.blogspot.com

lumubog ang barko, patay lahat ng tao. Ita lang ang naiwan.
ITA: halika pating, kainin mo ko.
PATING: wag mo kong lokohin. Di ako tanga! Pusit ka!

Pedro: ang tapang talaga ni Paeng! Biro mo, tumalon sa eroplano nang walang parachute.
Leo: oh totoo? Saan mo naman nabalitaan yan?
Pedro: dun sa burol niya!

Kung mayaman ka, meron kang “allergy”**
Kung mahirap ka, ang tawag dyan ay “galis” o “bakokang”**

Sa mayaman, “nervous breakdown” dahil sa “tension and stress”**
Sa mahirap, “sira ang ulo”**

Kung mayaman ka, “pneumonia” daw ang sakit mo**
Kung mahirap, “TB” yon**

Sa mayaman, “hyperacidity”**
Kapag mahirap, “ulcer” dahil walang laman ang tiyan**

Sa mayamang “malikot ang kamay”, ang tawag ay “kleptomaniac”**
Sa mahirap, ang tawag ay “magnanakaw” o “kawatan”**

Pag mayaman ka, you’re “eccentric”**
Kung mahirap ka, “may toyo ka sa ulo” o “may topak” o “may sayad”**

Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may “migraine”**
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay “nalipasan ng gutom”**

Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is “scoliotic”**
Pero kung mahirap ka, ikaw ay “kuba”**

Kung ang señorita mo ay maitim, ang tawag ay “morena” o “sun tanned”**
Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay “ita” o “negrita” o “baluga”*
*

Kung nasa high society ka at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay “petite”**
Kung mahirap ka lang, ikaw ay “pandak” o “bansot”**

Kung socialite ka, ikaw ay “pleasingly plump”**
Kapag mahirap ka, ika’y “tabatsoy” o “lumba-lumba”…pagminamalas ka,
“baboy”**

Kapag mayaman, “fasting” ang hindi kumain**
Kung mahirap, “nagtitiis”**

Kung well-off ka at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay
“socialite”**
Kung mahirap ka, ikaw ay “pakawala” o “pok-pok”**

Kung mayamang alembong ka, ang tawag sa iyo ay “liberated”**
Pero kung isa kang dukha, ang tawag sa iyo “malandi”**

Kapag mayaman, “misguided” o “spoiled” ka**
Kung mahirap ka, “addict” o “durugista”**

Kung may pera ka, ang tawag sa iyo “single parent”**
Pero kung wala kang trabaho, ang tawag sa iyo “disgrasyada”*
*
Kapag mayaman at sexy, “fashionable” daw**
Kung mahirap, sigurado “GRO” o “japayuki” ka**

Ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain, “vegetarian”**
Habang kakaawa ang mahirap na ” kumakain ng damo.”**

Sa exclusive school, “assertive” ang mga batang sumasagot sa mga guro**
Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang tawag sa
kanila ay “bastos!”**

Ang mayamang tumatanda, “are graduating gracefully into senior citizenhood”*
*
Ang mga mahihirap ay “gumugurang”**
Ang anak ng mayaman ay “slow learner”**
Ang anak ng mahirap ay “bobo” o “gung-gong”**

Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says,
“masarap kang kumain and I like you, you do justice to my cooking”**
Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host
will say to himself na ikaw ay “patay-gutom”**

Kung graduate ka ng exclusive school at sa ibang bansa ka nagtatrabaho, ang
tawag sa iyo “expat”**
Kung mahirap ka lang, ikaw ay “contract worker”**


13 Responses to “LOL”


  1. Marso 1, 2010 bandang 12:46 hapon

    yeab iba ang nakakatawa ng malakas. hehehe. hindi ko na rin kailan ako nakatawa ng malakas. pangsi-ngisi lang ako lagi eh.

    nanay ko naman ang lakas tumawa. one time nga nasa kanto pa ako namin feeling ko nagba-vibrate yung bahay namin at mga 2 bahay bago sa amin eh naririnig ko na ang halakhak niya. pero ang pinakanakakatawa ako ay kapag gumagamit siya ng sarili niyang termino. example…

    “ikaw napaka-troso mo talaga, ikaw ang matanda dapat ikaw ang maging moderno sa mga kapatid mo.para kang walang pundasyon!”

    translate ko ha – “ikaw napakatuso mo talaga, ikaw na matanda dapat ikaw ang maging modelo sa mga kapatid mo. para kang walang edukasyon.

    minsan naringgan ko siya na pinapagalitan kuya ko na galing sa pagba-baskteball.
    “ano ba yan, maligo ka nga! hindi na makatao yang amoy mo!”

    eto pa… pinapagalitan naman niya ako kasi nilalaro ko yung upuan ko (parang rocking chair). siguro mga 10 ako noon.

    “ayusin mo yang upo mo, hahangarin mo bang mabagok ang iyong ulo!” wahhh na-amaze ako sa lalim ng Tagalog. hehehe

    ayos di ba! si Nanay talaga, jokeness! hehehe

  2. Marso 1, 2010 bandang 6:17 hapon

    tagal ko na din di nagawa ang tumawa ng malakas, yung mapapaluha ka talaga sabay mapapa (fart) oops! =))

    pero, si paeng😆 waaaahhhhh :ol: tapang nga!

  3. Marso 1, 2010 bandang 6:53 hapon

    @ miss.dr4gonfly

    nagawa ko yun kahapon eksuli halos maihi pa nga ko hahaha

    oo nga ang tapang ni paeng ahehehe

  4. Marso 1, 2010 bandang 8:55 hapon

    bwahahahaha ako mababaw ang kaligayahan ko as in sobrang babaw ko minsan bigla na lang ako tumatawa… napapalingon nga sa akin si mama ko sabay iiling, nabuang daw ako😆 talent kaya yown friendd! sabi mo nga kanina nakakabata rin yun diba… yan ang sikreto nating magaganda😆 ako kapag laftrip moments, matingnan ko lang yung mukha nung isang tao natatawa nako.

    • Marso 2, 2010 bandang 9:33 umaga

      wahahahaha pareho pala tayo ng talent friend!

      nakakabata talaga ang pagtawa.. pero iwasan natin magtatawa sa mga maiitim ang buto baka matuluyan tayo maging bata😆

      relate much ako sa laftrip moments friend hahah baka pag tayo nagsama laftrip galore tayo😆

  5. Marso 1, 2010 bandang 10:19 hapon

    laughter is the best medicine.. pag ako nakasama mo tatawa ka ng OOOVEERR..

  6. Marso 2, 2010 bandang 2:49 umaga

    nakakamis talagang tumawa yung todo at ung totoo.. hayst! =)

  7. Marso 2, 2010 bandang 7:36 hapon

    ui namimiss ko anrin tumawa! yung sobrang lakas. ay hidni pala malakas. kai pag tawang-tawa ako walang sound na lumalabas. basta! hindi na ako makahinga! yun na yun!

  8. Setyembre 6, 2011 bandang 7:02 hapon

    hello, lambing…

    super like ko ang kwento sa itaas. yes, our friends surely can spice up our days and make us laugh like silly… ang kulit ng ginawa nyo, yong parang mga duling lang, ahaha…

    ang sarap pati ng kinain nyo. sure ka bang nakakabawas ng kain ang friends? kasi, sakali, magdadagdag ako, huweee! 🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Marso 2010
M T W T F S S
« Feb   Apr »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: