03
Mar
10

Relationship tips (try lang)

Sabi nila huwag daw masanay sa pagmamahal kapag nasanay ka naku kawawa ka. Totoo nga naman ang taong sinanay mo sa isang bagay pagkatapos hindi mo na ginagawa ang dati iisipin nito na nagbago na sya. Hindi ka na mahal, may iba na syang mahal, may iba nang pinagkaka abalahan. Eto namang kapares mo mapa praning na.

Hay naku buhay pag-ibig. Siguro hindi naman mag iisip ang kapares mo na nagbago ka na kung wala talaga syang napapansin. Eto lang ha kapag nagloloko ka at di pa napapansin ng kapares mo malamang hindi ka mahal non.. o di naman kaya nagloloko din sya.😆

Hindi ba pwedeng kapag pumasok sa isang relasyon maging masaya nalang? Pero at isang malaking pero wala namang perpektong relasyon.. am sure maraming ups and down yan pero kung gusto mong mag level up ang relasyon mo may tip ako sayo. Ui tumitip si Lambing try lang😉

  1. Trust- pinaka importante ito,  paano  kayo magiging masaya kung sa umpisa pa lang eh wala ka nang tiwala dun sa ka pair mo?
  2. Honesty – Paano ka pagkakatiwalaan kung hindi ka tapat. Kelangan nyong maging tapat sa isat- isa para walang praningan moments na mangyayari. Kelangan lagi mo i assure dun sa kapares mo na wala kang tinatagong secrets.. kapag walang secrets walang mapa praning diba?
  3. Usap-usap – open- communication essential po ito sa isang happy relationship, hindi lang basta usap,  kelangan nanggagaling sa puso. Yung deep, ewan ko ha sa akin kasi kelangan ko talaga ng connection pag nakikipag usap mapuso akong tao. Hindi naman kelangan minu minuto kelangan mag usap, pero spice din yun ng relationship na palagi mo sya nakakausap.
  4. Oras sa isat isa- kailangan din na mag bigay ng oras para sa isat -isat mga lambingan moments , mga sweet nothings medyo korni pero kelangan natin yun.. kung baga lambing lang ang katapat mo diba?
  5. Maghiwalay – yup tama nabasa mo.. kelangan nyo din naman maghiwalay at isipin ang mga sariling buhay nyo. Kasi may kanya kanya naman kayong interes sa buhay i develop nyo yun. Mahirap naman yun palaging magkadikit magkakasawaan na kayo. Naalala ko tuloy kapag araw araw kayo nag uusap halos wala na kayong mapag usapan.. papasok na dyan na magkakasawaan na at yung isa maghahanap na ng mas interesadong tao. Kaya mag pa miss din kayo sa isat isa.
  6. Pasensya- kelangan natin magkaroon ng patience kung gusto mo maging masaya ang relasyon mo, minsan sabi nila kamartiran daw yun ganon.. sa lahat ng hindi pagkakaunawaan kung wala kang pasensya walang patutunguhan ang pinakaka asam asam mo na mahaba at masayang relasyon.
  7. Pagpapatawad- Kapag may nagkamali, lawakan ang pag uunawa at bigyan ng panahon makapag paliwanag ang kapares, makinig . At huwag nang halungkatin ang nakalipas . Sabi nga past is past. Forgive 77x awts.. e mahal ko eh?
  8. Respeto sa isat isa. Dont try to change your partner. Kelangan i respeto mo kung ano sya at ano ang gusto nya. Kapag walang respeto sa isa isa i doubt na magtatagal kayo.
  9. Learn from each others mistakes. Walang perfect relationship, may nagkakamali rin.. kaya dun sa mga pagkakamaling nagagawa natin piliin mo yun lesson kung anong itinuturo sayo nun at isa puso mo. Para next time wag mo nang gawin . Kelangan mag eeffort ka naman na ma improve pa ang relasyon kapag nakikita mong medyo gumegewang gewang na.. kelangan kumapit ka ng mabuti at itama mo uli sa dating ayos.
  10. Love – kelangan wag mawawala yun. Yun na yun kahit sino pa man sya at kahit praning pa rin sya. Dapat huwag mawawala ang lab para sa isat isa😉

Pero sabi ng iba huwag mo daw masyado ipakita na mahal na mahal mo sya.. Bakit? kasi kapag dumating yun time na iwasan ka na nya.. yun ang sakit na walang gamot! Kasi sobrang sakit nun pag nagkataon

Kaya relax lang.. take it easy.. at maging masaya nalang tayo😉 Kelangan marunong kang sumabay sa agos at mag balanse para hindi ka malubog.


74 Responses to “Relationship tips (try lang)”


  1. Marso 3, 2010 bandang 12:25 hapon

    Love this post.😀 parang may naalala lang ako..😀 alam mu… applicable tong mga tips mo sa lahat ng klase ng relationship..😀 at proud akong sabihing ginagawa ko lahat yang mga tips mo…😀 wala langtinatapatan lang ang lambing mo.. hehe.. kidding aside: naniniwala akong masyadong maikli ang panahon ng tao para iparamdam sa mga mahal nila yug love na nasa puso nila..:-D hehe, kaya, as much as possible, tama lang na i grab naten, lahat ng mga tips… para maipakita naten sa kanila kung gaano naten sila ka-Lab…😀 hehe…

    Smile! Ako lang ang katapat mo… Naglalambing.

  2. Marso 3, 2010 bandang 1:14 hapon

    Siguro yun ang naalala ko…😀 haha! hindi hinihingi (o nililimos) ang pagmamahal…🙂 ibinibigay yun sa mga taong karapatdapat para dito…😀 siguro nagkataon lang na may mga maling tao tayo na inaalayan ng Oras, panahon at pagmamahal, kaya sa tingin natin… hindi nako compensate… pero ang totoo… hindi lang talaga sila marunong magbalik ng mga pagmamahal na natatanggap nila. Hehehe… Dapat maraming tao ang makabasa nitong pointers mo.. 😀

  3. Marso 3, 2010 bandang 3:29 hapon

    bakit may mga mali? para maihiwalay sa tama…pero mas madalas para may spice ang pakikipagmahalan (okay sa akin lang yan ha)

  4. Marso 3, 2010 bandang 4:15 hapon

    salamat sa TIPS! ganun pala yun, dapat pala hindi ako magmahal ng sobra! hays! tagos hanggang kalamnan ko ang post mo! ouch! etu at nilalasap kopa! ouch ulet!😦

    Pero sabi ng iba huwag mo daw masyado ipakita na mahal na mahal mo sya.. Bakit? kasi kapag dumating yun time na iwasan ka na nya.. yun ang sakit na walang gamot! Kasi sobrang sakit nun pag nagkataon! TRUE!!!!!!!!🙂

    • Marso 4, 2010 bandang 10:22 umaga

      @ PD

      tumatagos ba? sorry na napapa ouch ka na eh..

      yup mahirap kasi mag invest ng emotion sa isang tao.. tapos wala kang assurance kung san ka ba talaga sa buhay nya.. hahaha pero tao lang.. dun nga tayo nagkakamali.. pero ako kahit ang ending laging nasasaktan ko pa rin to the highest level pa rin magbuhos ng lab wata..

  5. Marso 3, 2010 bandang 5:56 hapon

    bago ang lahat, natuwa daw ako sa music at ngayon ko lang ito napansin dahil, okay ang headphone ko. hehehe

    magaya nga. hehehe

    ayos sa mga tips, approved;)

    tama lahat, pero ang isa sa gusto kong segundahan ay yong maghiwalay. love one another and love yourself as one individual. hindi sa makasariling paraan pero dahil may sarili kang happiness na ikaw lang ang pupuno. i don’t know kung masyadong idealistic ako, pero may ilan kasi na inasa lahat sa asawa. kaya hayun, nagsawa.

    hiwalay din konti to see the difference.

    • Marso 3, 2010 bandang 9:04 hapon

      Hahaha! agree ako sa yo Star (Hoshi in Japanese) hehe… Kahit na sabihin natng the two will become one… ang relationship para sa akin ay decision ng dalawang buong tao…😀 yung hindi naghahanap ng kalahati ng sarili niya sa kanyang kapares…😀 buo siya sa simula… sa ganitong paraan lamang siya maaari magmamahal ng buo…😀

    • Marso 4, 2010 bandang 10:26 umaga

      oh yeah di ba diba ang kulet ng music hoshi

      opo.. un kasi minsan ang hindi natin nakikita kasi nga naman kapag bago pa kayo talagang di kayo mapaghihiwalay.. pero yun nga sa sorbrang araw araw nyong magkasama.. nagkakasawaan din..

      @ sa katapat ko..

      wow ang galing ng sinabi mo.. apir

  6. Marso 3, 2010 bandang 6:31 hapon

    huwaw, ay lab ur post ms. lambing😉
    napatigil ako sa ika pito.
    pramis, di ako mahilig maghalungkat ng nakaraan.

  7. Marso 3, 2010 bandang 7:08 hapon

    For some, love is respect; for others, love is adoration; but for many, it is simply understanding – the understanding of where the other is coming from and where they are going.Love by itself cannot last forever; it needs to be rekindled from time to time. Without both parties working toward the same goal,love will eventually wane.Love, in its most optimistic form, is boundless – able to forgive even the worst of sins. Unfortunately, optimism can only take a couple so far. It’s up to them to decide how far THEY can take the relationship…. *hindi ko alam sino nagsabi niyan*😀

    spread the love! alabyu friend!

  8. 20 Joyo
    Marso 3, 2010 bandang 9:09 hapon

    nadale mo friend! wala na akong maidadagdag pa…

    ay ishare ko pala ito…

    For some, love is respect; for others, love is adoration; but for many, it is simply understanding – the understanding of where the other is coming from and where they are going.Love by itself cannot last forever; it needs to be rekindled from time to time. Without both parties working toward the same goal,love will eventually wane.Love, in its most optimistic form, is boundless – able to forgive even the worst of sins. Unfortunately, optimism can only take a couple so far. It’s up to them to decide how far THEY can take the relationship. *hindi ko alam kung sino nagsabi nyan*

  9. Marso 4, 2010 bandang 5:48 umaga

    love is truly complicated…ehehhe..kaya nga as much as i want it, im keeping my hands out of it. you know, mahirap.lols.

    i like the part na each oother needs space. tama..thats the part i failed the last time.ahahhaha…

    hmmmm…noted na po to mam!lols

    • Marso 4, 2010 bandang 10:30 umaga

      @ maldito sobra ngang complicated hahaizzzz

      musta na ba ang lablyp wahahaha nang intriga pa ano?

      sobrang dikit nyo ba sa isat isa hahaha

      salamat sa pagdaan😉

      • Marso 4, 2010 bandang 11:41 umaga

        wahaha! nakakalungkot naman yung ganun nuh?… yung ilang mga OCW’s iniiyakan yung mga gabing hindi nila kasama ang mga mahal nila… pero dapat palang mag hiwalay ng mga partners paminsan minsan..:-D hmn… pero i agree. tama tama… hihi..

        morning lambing…

  10. Marso 4, 2010 bandang 12:20 hapon

    sa pakikipag relasyon kailangan talaga ng love,respect and time

    bigyan halaga ang taong mahal kung ikaw man ay isang taong sobrang bc maglaan kahit konting oras

    lamang… dapat magkaroon ng tiwala sa isat-isa upang sa gnun maganda ang pa22nguhan ng

    relasyon…

  11. Marso 4, 2010 bandang 12:22 hapon

    Aprub! Ise-share ko rin ito para kapulutan ng aral hehehe. Maraming salamat!!!

  12. 29 J. Kulisap
    Marso 4, 2010 bandang 1:05 hapon

    Sana nabanggit mo ang “level” ng relasyon.

    Gusto mo ba landian lang, seryosohan, pa-experience lang.

    Sana isinama mo din ang matyuriti ng isang tao pagdating sa ganyang unawaan.

    At hindi maganda ang gulong kapag isa lamang ang gulong, dapat may kapareha para tama ang balanse.

    Palambing pa nga.

    • Marso 4, 2010 bandang 3:19 hapon

      @ J KULISAP

      hmmm meron po sa intro ahehe sabi ko

      pero kung gusto mong mag level up ang relasyon mo may tip ako sayo. Ui tumitip si Lambing try lang😉

      syempre gusto ko po seryosohan naman! kaya nga po nabanggit ko yun mga tips kasi gusto ko mag level up ang relasyon..😉

  13. Marso 4, 2010 bandang 1:26 hapon

    hmm, wala na pwedeng idag-dag…naisulat na lahat…haha

  14. Marso 4, 2010 bandang 3:17 hapon

    I have to respectfully disagree with no. 5. Sa aking abang tingin, mas maganda kung makapaghanap kayo ng bagong gagawin together. Although I’m speaking in the context of marriage-level commitment, hindi yung BF/GF lang.

    Saka gusto ko lang din idagdag ang commitment. Yung tunay at lubos na commitment, na anything short of extreme is not an excuse para maghiwalay. Madali lang naman kasi maghanap ng dahilan para maghiwalay (lalo na kung pinayagan na nung isa o nung dalawa na may mapusuan silang iba), mas mahirap na gumawa ng paraan (ang parehong panig) para tumagal pa ang relasyon.

    Bow.

    • Marso 4, 2010 bandang 3:30 hapon

      @ tim noted po…

      Maghiwalay – yup tama nabasa mo.. kelangan nyo din naman maghiwalay at isipin ang mga sariling buhay nyo. Kasi may kanya kanya naman kayong interes sa buhay i develop nyo yun. Mahirap naman yun palaging magkadikit magkakasawaan na kayo. Naalala ko tuloy kapag araw araw kayo nag uusap halos wala na kayong mapag usapan.. papasok na dyan na magkakasawaan na at yung isa maghahanap na ng mas interesadong tao. Kaya mag pa miss din kayo sa isat isa.

      kaya ko po sinabi na maghiway sa sariling salita ko , kasi kapag lagi nagsasama nagkakasawaan din.. may iba iba tayong interest hindi naman ibig sa sabihin na yun interes nya eh interes mo rin.. kasi mag kaiba kayo… kelangan din natin ng time para sa sarili natin.. although agree po ako dun sa para maging strong ang bond nyo kelangan humanap ng gagawin nyo together syempre same interes po..😉

      pwede po natin idadag yan mga nabanggit mo kasi sumusubok lang po ako😉

  15. 35 pruelpo
    Marso 4, 2010 bandang 6:04 hapon

    Pakipakinabang itong mga tips mo Igan Lambing. Agree ako…salamat, napadaan lang.

  16. Marso 4, 2010 bandang 7:15 hapon

    Ang palagay ko po kasi sa magkaibang interes ay dapat may effort yung isa na makisali rin. Para magkaintindihan kayo. Halimbawa si girl, gusto ng yoga, edi si boy, dapat din mag try ng yoga. Kung si guy, mahilig na maglaro ng airsoft, edi pwede rin isama si girl. Nagkakasawaan lang naman kung gusto nyong magkasawaan. Bakit yung mga older generation, kahit matatanda na, magkakasama pa rin sila? Nito lamang nauso ang hiwalayan at sawaan eh. I personally think, (this is just my opinion lamang naman po) na dahil iyan sa lumalaking emphasis sa individualism ng bawat isa. “Kasi ako ganyan, ikaw hindi” na mentality. Kung hindi kasi kayo magsasawsawan sa buhay ng bawat isa, hindi nyo maiintindihan yung isa’t isa kasi it’s an individual / “me” thing. Hindi involved yung partner, so hindi nya maintindihan yung interes ng isa. Kaya nga kapag kinakasal, ang sinsabi ay “ipinag-iisang dibdib”. So hindi na sila dalawa, iisa na sila. Ganoon din ang sinabi ng isang nagkakasal na narinig ko, “Wala nang ‘ako’ at ‘ikaw’, ang meron na lang ay ‘tayo’.” Of course, again, I’m speaking again more in the context of a marriage level relationship. Pasensya na kung parang argumentative ako, medyo malapit lang sa akin ang mga ganitong mga usapin sa pagrerelasyon kasi matagal ko itong pinag-isipan dulot ng ilang mga kasawiang naranasan ko noon. Hahaha.

    • Marso 4, 2010 bandang 7:32 hapon

      wehehe! Grabe tim! apekted sobra?… Agree ako sa sinabi mo..🙂 sabi nga sa bible: For this reason the man (and wife) will leave their father and mother to have their own family.. at silay magiging isa. … naniniwala din ako sa salitang kahati ng puso… pero: hindi natin maibibigay ang isang bagay na wala tayo…🙂 kung hindi ka marunong magpahalaga sa sarili mo… paano mo mapahahalagahan ang ibang tao?… kung hindi naten mamahalin ang sarili natin… paano natin matututunang mahalin ang ibang tao?… sa huli: “Love your neighbor AS YOU LOVE YOURSELF…” sabi nang bible…

      • Marso 5, 2010 bandang 12:46 umaga

        Hindi naman sobrang affected. Hehehe. Na-a-attract lang ako sa mga usapang ganito na relationship theories / dynamics ang tema.

        Hindi naman ibig sabihin nun na hindi mo minamahal yung sarili mo. I’m speaking in terms of a normal relationship ha, yung normal pareho yung tao, walang mga scenario na may cheater or beater or anything. Saka hindi ba pwedeng sa pamamagitan ng pagmamahal mo sa iba ay minamahal mo rin ang sarili mo? Saka isa pa, sa sinabi mong dapat mahalin mo ang isang tao kagaya ng pagmamahal mo sa sarili mo, pano mo masasabing pareho sa pagmamahal sa sarili mo ang pagmamahal mo sa partner mo kung meron kayong “kanya-kanya”? Di ba pwedeng masabi na being ‘individual’ is loving yourself more than the other kasi hindi mo naman sya ka-share doon, diba? Sa palagay ko, loving somebody equal sa pagmamahal mo sa sarili mo ay hindi ibig sabihin na magtitira ka, kundi magshe-sharan kayong dalawa, constantly. Siguro sobrang idealistic, pero that’s what I think. Hehehe.

      • Marso 5, 2010 bandang 10:51 umaga

        ahehehehe ayus po yun mga sinabi nyo.. ahmmm dahil single pa po ako malamang pang gf /bf yun sinasabi ko dito. thumbs up po yun mga sinabi nyo.. gagawin ko yan kapag nag asawa na ako.. ahehehe

        at naniniwala pa rin po ako na kailangan ko ng space para sa sarili ko😉

  17. Marso 5, 2010 bandang 11:35 umaga

    sigurado ka epektib yan? hakhak!
    paano kung hindi? lololol!
    sige iaapply ko yan sa future.

  18. Marso 5, 2010 bandang 12:13 hapon

    xge try q nga ang mga tips mo(try lng h) hehhe..
    eh teka panu q mtratry e loveless p me hehhe
    xge s susunod n dmting.. ttndaan q nlng🙂

  19. 42 Lee Mi
    Marso 6, 2010 bandang 6:02 hapon

    kakaiba tong post mo.. tinamaan ako ng magaling!!

    2 times pa naghang pc ko kaya balik-balik drama ko..ang dami mo hits sa kin pare..=)

    bakit parang laging #5 ang katapat ko? wahhhh!!!

  20. Marso 6, 2010 bandang 11:27 hapon

    miss lambing,nagtataka ko kung bakit pa minsan kailangang pang magpaliwanag ang taong mahal natin,sa gayung kahit anu namang sabihin nya,yun ang tatanggapin nating katotohanan dahil nga sa pagmamahal natin sa kanya.

  21. 45 ELIment
    Marso 25, 2010 bandang 10:47 umaga

    ayos ang tips. susundin ko yan. hehe

  22. Setyembre 14, 2011 bandang 8:49 hapon

    hello, lambing.

    hehe, nagawa mo ba ang mga payong ito? lalung-lalo na ito? “Pero sabi ng iba huwag mo daw masyado ipakita na mahal na mahal mo sya.”

    haha, wala lang, naitatanong lang. nangungulet lang. musta?
    🙂 ate moh

    • Setyembre 15, 2011 bandang 5:04 hapon

      ate ko hello hihi sa kasawiang palad hindi ko nasunod yung wag ipakita na masyadong mahal ang tao, kasi ako pag nagmahal bigay todo wala nang tago tago o limitasyon basta naiparamdam ko na mahal ko sya.. hindi man ako magtagumpay na maging akin sya.. alam ko.. kapag sumagi ako sa utak nya.. maalala nya ako na minsan may isang lambing na nag mahal sa kanya ng sobra at hindi na ako talo dun hihi.. that’s life😉

  23. Setyembre 18, 2011 bandang 2:51 umaga

    hi ate lambing
    ako po si sacelyn taga mindanao po.. hihinge lang po ako ng payo…..

    ano pong pwdi kong gawin? kasi po parang nag kakalaboan napo kami ng bf ko 2months pa ngalang kami.. saka nag aasume po ako ng tatagal kami at sya na sana ang makasama ko habang buhay….. hindi po kasi kami mag kakasundo sa ibang bagay eh nalilito na ako… eto po story ko:
    isang araw po nag desisyun po kong makipag hiwalay kaso ako ung umiyak kasi na realize ko hindi ko kayang wala xa sa tabi ko.. gusto ko kasi palagi sya sa tabi ko, pag wala naman sya namimiss ko sya agad agad .. tapos para sakin halos lahat ng bagay ay silos, nagagalit ako sa konting dahilan binitawan ko ng makipag barkada at inuman na fofocus na kc ako sa kanya kaya yan… nong una po kasi mahilig po ako sa barkada kong san inuman andon ako. at kong my bf ako hindi ako papayag na iisa lang.. gusto dalawa o tatlo takot kasi akong masaktan muli kaya hito ako ngayun ate lambing napa focus ako ngayun sa isang lalaking mahal na mahal ko.. na hindI ko kayang iwan kahit na hndi ko na xa naeentindahan paminsan minsan at kong my mis understanding kami pinipilit ko pareng mgpa kombaba at mg bago para hindi sya mAWALAY sakin.. ano po bang dapat kong gawin ate lambing misan kasi nasabi nya na sawa na sya palaging nag aaway napapagod na daw sya wala napo daw patutunguhan ang relASyun nato atsa hindi ko kayang mwala sya pinontahan ko sya s kanyang dorm kong san ako dati nag dodorm.. nakipag usap ako ng maayus at tinanong ko sya kong pagpapatoloy paba yung relasyun namen medjo matagal syang naka sagot kc nag dadalawang isip sya… at ng naka pag isip isip sya sinabi nya na epagpatoloy nalang ang amin relationship ayon masaya nga ako ng narinig ko un.. pero may napansin na ako sa kanya na nag bago na po sya ibang iba napo sya kaysa nong una…

    ate lambing ano po dapat kong gawin? please help me naman oh🙂

  24. 51 deathkisser
    Setyembre 24, 2011 bandang 9:45 hapon

    nice one lambing…the bhest ka!!…..just what i need now….
    medyo nagkakawalaan na kc kami ng oras sa isat isa…busy na kasi…naiintindihan ko nmn sya pero minsan lang talaga nd maiiwasang mapaisip sa mga bagay na nd nmn dapat na sumasagi sa isip ko…kc alam kong mahal nmn nia ako

  25. 52 crazy in love to julius
    Oktubre 2, 2011 bandang 2:22 hapon

    hrap mag mahal ng taong ikw lng ang nagmamahal !!! ang mahal nya ay barkda nya !! sbi nya mas mahalaga ao sknya bkit hindi ko ramdam !! ang skt sobra !!

  26. 53 wobit
    Oktubre 2, 2011 bandang 4:06 hapon

    first time ko nagkaroon ng serious relationship sa 20years na nabuhay ako dito sa inang kalikasan.🙂
    00 marami akong mga pagkakamale pero ayun di ko inaasahan na bigla nalang sya sumuko ng di oras, nakaset na sa mind ko na maski ano pa mangyare samin sa huli kame at kame parin.. tama ba yun lambingko?🙂
    naging sobrang kumplikado lang ngayun sobra, diko din inaasahan na may involve na other guy. alam ko kasi di nya magagawa yun kasi ibang iba sya sa mga babaeng nakilala ko.. As iN! sagaaaad! ibang iba..
    ano tong ngyare sakin? ndi sa sinasabe kong ako lang ang biktima,di ko naman sakanya sinisisi lahat eh, meron padin yung t0ts ko na nangyare to kasi may purpose my ras00n.. hayyy pero mahirap lang sa akin kasi first time ako ngmahal first time pang ngyare sakin to..

  27. 55 Rebecca R. Cripino
    Marso 15, 2012 bandang 12:27 umaga

    ang ganda ng tips………. sana magawa ko po yan,, tama past is past sana magawa ko un. tnx po..

  28. 57 marryl1903
    Abril 1, 2013 bandang 3:47 hapon

    tnx po tips lambing:)

  29. 58 Kayte
    Mayo 27, 2013 bandang 4:05 hapon

    Nice and helpful tips.:)

  30. Abril 25, 2014 bandang 4:38 hapon

    Reblogged this on jontilla20 and commented:
    side effects parin..huhu

  31. 61 ciekie j lisondra
    Hulyo 1, 2014 bandang 12:17 umaga

    ang saKiT TaLaga pag waLang TiwaLa Sayo ang Gf mo noH pini piLiT mona nga maGeng ToToo pero BaKeT Ganun parin ang pag iisip nya😦

    Hangang KaiLan maG TiTiis😦

  32. Agosto 25, 2014 bandang 7:41 hapon

    ..hayzZz nakatulong talaga to sa akin sobrA.. thankZz nga pala sana meon pang mas maganda dyan pero sa tingin ko wlla na eh.. haha<(@ ̄︶ ̄@)>

  33. Setyembre 21, 2014 bandang 1:09 umaga

    paana yung girlfriend muna siya tapos ayaw siya na mag pahawak o magkatabi kayo……what is the solution….

  34. 64 princess
    Enero 30, 2015 bandang 4:14 hapon

    ano ang gagawin kapag nawalan nang tiwala sayo ang taong mahal mo at kung kaylangan pa bang pagpatuloy ang relasyon nyo kapag hindi na nagtxt sayo nang 2 to 3 days..

  35. Pebrero 11, 2015 bandang 2:11 umaga

    paano kung ang partner mo sa konti tampuhan o hindi pagkakaunawaan hiwalay agad ang gusto. Ano ba ang dapat itugon ko hiwalay na din sa pag away hindi mawawala ang pagsasabi nya ng “MAGHIWALAY NA LANG TAYO! Guys? Take it or leave it? Please advise.

  36. 66 john albert
    Marso 29, 2015 bandang 5:54 hapon

    paano may mahal nga ako eh….parang nagbago sya hinihngan ko nang cp# ayw nang ibigay….nagbago na nga ba sya?ndi naman ko nagkulang sinasabihan ko nang 143 eh ndi naman sumasagot may posibilidad ba na nag sawa na sya sakin o may bago na ba sya?

  37. Hulyo 22, 2015 bandang 12:41 umaga

    tanung lang po bakit po ganun yung bf ko po kasi iniwan nya yung mga magulang nya para sken pero bali nag sama po kami ng 1yr live in kaya lan po puro hirap po kame pero nakaya naman po namen kaso po mag 3yrs na po kame , ang sabi pu nya sken mag gagamitin daw cia para maka ipon para mag sama na kame ulit , hindi kame magipit kagaya dati pero po nalaman ko po na may kalive in na po ang aking bf anu yung gagawin nakikipag break na ko sa kanya ayaw nya ang sabi po nya antayin ko daw cia sa sahod tska daw kame mag sasama ulit help po jan anu pu yung gagawin ko naguguluhan na ko

  38. Agosto 13, 2015 bandang 9:46 umaga

    hahaii paano ba mag kabalikan kami ng mahal kasi hiniwalayan ko sya dahil may iba sya

  39. Oktubre 26, 2015 bandang 6:28 hapon

    hi po ako po princess eh my bf po ako na paka seryoso niya tao yung super tahimik niya ako lang po nag papa smile sa kanya kahit sa panaginip nun mag kasama kami sa bahay nila actually 7days ako nandun sa kanila eh ako lang kasi yung napaka selosa ng tao kasi una sinnira niya yung tiwala ko kasi na laman ko sa friend ko na my gf na sya tumagal lang sila ng !month eh kami ngayung mag 9months na eh eeh mahal ko po sya at mahal nya din ako kaso nga lang ng cool off kami ng dahil sa drama ko sya yung tipong pikon at naiinis na tao gusto ko nga po huminge ng sory sa kanya kaso nga lang manhind na sya kahit mahal nya ako ng sobra … hindi na sya yung dati nakilala ko na malabingt pero sinusunod nya lahay ng ayaw ko ….

  40. Pebrero 17, 2016 bandang 7:55 hapon

    slamat pu s bnigay nnyo ng cmnt mrami pu aku ntotonan s inyung lksion sna ipatuloy nnyu yng gnawa nnyu at sna rn mtutonan ito s x gf k ngayun lng kmi nag hiway dhil hndi cya msaya s akin at sa ngyun ay dla k prin ang skit ng puso at sna mgbgo ntu ang lvelife n mkaintindi s gf or wht elzs

  41. 73 dianna
    Hunyo 30, 2016 bandang 4:17 umaga

    panu maging sweet sa text?? ldr c kmi ng bf ko 😔

  42. 74 James
    Agosto 20, 2016 bandang 12:36 hapon

    Ano po yung under ? may nagtatanong kung under ko daw ba gf ko ? ano po meaning nun ?


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Marso 2010
M T W T F S S
« Feb   Apr »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: