05
Mar
10

Paalam na muna

Alam kong darating talaga ang panahon na kelangan ko munang magpaalam sayo…

Sana maintindihan mo, kailangan kong gawin ito..

Alam kong mahirap mabuhay ng wala ka..

Pero nag tanong tanong ako..

Kung gusto ko daw matupad ang pangarap ko kailangan maghiwalay muna tayo ng landas.

Oo nanghihina ako kapag wala ka..

Kasi isa ka sa nagbibigay ng kalakasan ko

Pero wala akong choice kundi iwan ka

Kung kelangan ko aminin.. sige aaminin ko na adik na adik ako sayo

Kaya naman eto nagiging worse ang kalagayan ko.

Sa maniwala ka o hindi mahal kita talaga..

Pero kelangan ko muna magpaalam sayo..

Kung hanggang kelan hindi ko alam..

Pero diba alam kong hindi kita kayang iwasan..

Pero kailangan kong lakasan ang loob ko..

Para sa ikabubuti ko magpaalaman na muna tayo sa isat isa

Huwag kang mag alala babalikan pa rin kita pero sa ngayon paalam muna

Mahal kong

Kelangan ko muna iwasan ang kanin..para mangayayat ako ng konti. Alam kong mahirap kasi matakaw ako sa kanin. Pero sana ma abot ko yun goal ko.😉


12 Responses to “Paalam na muna”


  1. Marso 5, 2010 bandang 3:06 hapon

    ahaha! akin na lang siya Lambing..😀 hehe…🙂 medyo nangangayayat na kase ako nitong nakaraang araw…😀 kakapuyat…😀

  2. 3 Joyo
    Marso 5, 2010 bandang 9:30 hapon

    bwahahahahaha lambing ilang beses ko na ring nakipagbreak jan sa pinapapaalamanan mo… kaso binabalikbalikan ko siyaaa…. haizzz friend! tinanggal mo sadness ko hahahaha! alab-ala-alabyu!🙂

    bawasan mo lang wak mong tuluyang iwan…😆

  3. Marso 6, 2010 bandang 3:17 hapon

    hahaha..ginawa ko na din yan.. cool-off muna for a while. pero saglit lang bumamalik pa din ako sa kanya.. di ko kayang wala sya.. minsan gumagawa nalang ako ng ibang paraan para mabawasan ang pagkahumaling ko sa knya.. nag-ja-jog ako, badminton, cycling at itong bago.. mountain climbing!! pawis lang katapat nya.. lahat ng to ginagawa ko para sa kanya. hindi kasi pedeng sya lang, lolobo ako ng husto. mabagal pa naman metabolism ko.. haha..

    nice post.. naaliw ako sobra..

    seriously, bawasan mo lang konti kanin oks na yun.. malakas maka “chubby” sa ting natural chubbyness (hehe) eh junk foods and in between meals. try to eat more veggies and fruits instead (ako naadik sa bayabas after lunch… sa canteen kasi namin me binebenta.. yung sliced na.. crunchy so parang yun na dessert ko) tapos papawis.. eto sure talaga to.. ganda pa sa kutis🙂

  4. Marso 6, 2010 bandang 3:29 hapon

    di ko kayang wala sya.. nakakahilo..
    pero try ko naman na konti lang..=)

  5. Marso 6, 2010 bandang 11:21 hapon

    nyahaha…

    extra rice pala yun!

    yung kaibigin ko,pinili na iwasan yung salamin kesa sya.and they live heavily everafter!

  6. Marso 8, 2010 bandang 2:11 umaga

    akala ko magpapaalam ka muna sa blog mo ahaha sa kanin pala😀

  7. Marso 8, 2010 bandang 4:59 umaga

    Riceless, pwdi rin maging restless para madali pumayat pero ingat, mas madali pumayat pag nagkasakit.

  8. Marso 8, 2010 bandang 11:07 umaga

    LOL. Akala ko ano na.😉 Cool blog. I hope you don’t mind me visiting once in a while.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Marso 2010
M T W T F S S
« Feb   Apr »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: