18
Mar
10

Im back ulet

Pag katapos malugmok sa kalungkutan, eto ulet si Lambing, magbabalik.. Hindi man kasing saya ng dati o kasing kulit bumabalik ako para mabuhay ulet..

Pagkatapos mawala ng pinakamahalaga sa buhay ko.. ewan ko kung paano ako babangon muli.. masakit pala mawalan.. ang iwanan ng tuluyan.. nasanay ako na andyan lang sya.. pero ngayon wala na.. parang may kulang na. Mahal na mahal ko ang nanay ko. Nakakalungkot akala ko naipakita ko na sa kanya lahat ng pagmamahal ko pero kulang pa iyon.. marami pa akong pangarap kasama sya.. hindi pa nya nakikita ang mamanungangin nya ang mga apo nya.. marami pa akong pangarap para sa amin.. pero.. hindi na nya nahintay.

Haizz nanay naman kasi eh.. ayan wala na akong greatest fan.. wala nang matatawa pag gusto kong magpaka lukaret.. paano na yan.. di mo na maririnig mga love stories ko na palpak.. wala na akong kakandungan tapos itutulak ako kasi ang bigat ko daw. Wala na akong hahalikan palagi at ihuhug nang mahigpit..Wala nang magluluto ng masasarap na ulam..wala na rin akong sasawayin.. ang dami dami kong mamimiss.. Kasi buong buhay ko nay ikaw lang ..

Oo na nag da drama lang ng konti.. ang sakit naman kasi ng pagkawala mo.. hindi mo ako hinintay.. pauwi na ako nang araw na iyon eh.. ayaw mo pa na makita kitang naghihingalo.. pero tingin ko ayaw mo lang talaga ipakita saken yun paghihirap mo dahil alam mong mas mahihirapan akong makita kang nagkakanganyan.. alam mong nanghihina ako kapag nakikita kitang nahihirapan.. nay ako pa rin ang iniisip mo.. Mahal na mahal kita talaga.. sana kung may time ka paramdam ka naman.. kiss mo ako ulet.. hug mo ako ng mahigpit kapag natutulog ako.. miss na miss kasi kita palagi..

Ayan na carried away nanaman ako.. hmmm alam kong masaya na si mama sa piling ni God..

Magiging okey na rin ako. Alam kong mas gusto nya makita na masaya ako kaysa umiiyak. Kaya kahit may lungkot sa puso ko.. magpapatuloy pa ako mabuhay para kay nanay.


15 Responses to “Im back ulet”


  1. Marso 18, 2010 bandang 1:10 hapon

    condolence ulit.

    yeah saan man siya ngayon, makapagpahinga na siya. no more pain, no more sadness and just resting and relaxing.

    good for you na magpatuloy at maging ok para sa iyong mama.
    keep it up Cute!

    (mabuti pa pala ako na maagang namatayan ng daddy, hindi ganun kasakit kasi hindi naman kami nagkasama ng matagal at bata pa ang aking isipan. parang curious lang ako sa mga kabagayan)

    • Marso 18, 2010 bandang 4:35 hapon

      Salamat hoshi..

      yup.. nakakainip din yun iyak ng iyak… kaya kelangan ko na ulit bumalik sa katinuan ko ehehee

      ( totoong mahirap mamatayan lalo na at yun ang taong kasa kasama mo sa hirap at saya.. for sure talagang great lost.. pero life must go on.. kaya eto… move on na😉 )

  2. Marso 18, 2010 bandang 1:24 hapon

    nice nice nice!…si mama promoted na, nalipat na sya ng branch, nasa head office na ba…si boi ayun nasa UAE pa ren…(seduction)

  3. 5 dhyoy
    Marso 18, 2010 bandang 4:15 hapon

    wow friend welcome back! payakap!!! go go go go na ulit… im sure happy si mama mo pinapanood ka sa tv sa heaven… mwaaah!

  4. 6 Jeck
    Marso 18, 2010 bandang 4:48 hapon

    late na pero condolence po. naramdaman ko yung pagmamahal mo sa mama mo. lahat naman tayo darating sa puntong mawawalan ng mahal sa buhay. naiiyak ako habang binabasa ko tong post mo. naisip ko kung darating na rin ako sa puntong ganyan, kakayanin ko kaya? mahal na mahal ko rin ang nanay ko pero minsan na lang kaming magkita ngayon.
    salamat sa post mo, lalo kong papahalagahan yung mga tao sa paligid ko ngayon.

  5. Marso 19, 2010 bandang 4:23 umaga

    hugs! (nakigaya langh ako kay tsenn’) diko kase alam sasabihin ko, wala naman talagang katulad ang sakit pag ang nanay ang nawala,, basta, isipin mo palagi andyan lang sya sa tabi mo. hindi kaparin nya pababayaan, may representative kana sa heaven, at direct contact kay God..

    alam ko ok kana ngayon, nagpupumilit maging ok, masasanay ka din, kaya dapat maging masaya na.. yan din gusto ng nanay mo.. yung masaya ang anak nya… =)

  6. 9 lee mi
    Marso 19, 2010 bandang 5:34 umaga

    welkam ate.., namiss ko ang sigla mo eh…, at di ko pa rin lam sasabihin ko.., kiss na lang kita sa noon…=)… mmmwahh!!

  7. Marso 19, 2010 bandang 3:25 hapon

    Sabi nga ni pareng Johnnie W. “Keep Walking”. tuloy tuloy lang ang buhay, masarap mabuhay sa mundo lalo na’t masayahin kang tao. kaya dapat share mo sarili mo sa iba… para lahat tau enjoy hahaha…

  8. Marso 19, 2010 bandang 4:42 hapon

    welkam back po. kayang kaya mo yan.🙂

  9. 12 mayyang
    Marso 20, 2010 bandang 12:24 hapon

    sis lambing… condolence!

    Pasensya na.. ngayon lang ako nakadalaw d2 sa homey mo… be strong sis! mas gusto ng mama mo na maging maayos ka kahit wala na siya…

    Hugs sistah =)

  10. Marso 20, 2010 bandang 2:39 hapon

    @ joyo yes my friend embak hihi didikit lang ako am sure madali ang recovery ko hugs hugs😉

    @ jeck thanks tama yun pahalagahan natin ang mga mahal naten sa buhay hanggat andyan pa kasi life is too short😉

    @ shea hugs hugs

    @ boni opo close na sila ni God thanks thanks sir boni pa hug na rin😉

    @lee mi your kiss is enough.. thanks thanks mwaah

    @ mumbaki.. opo.. nagpapalakas pa ng powers haha.. medyo na drain kasi lately😉

    @ neil thanks mwah

    @ mayyang i miss you sistah… na miss talaga kita.. sure sure nag papalakas pa😉 mwaah

  11. 14 hisnameisdencios
    Marso 20, 2010 bandang 10:26 hapon

    di ko alam sasabihin ko. nung mabasa ko na “nawalan ka” nagulat ako kasi masakit, kasi malungkot tlaga yun! lalo pa at talaga namang close kayo. pero wala eh, ganun talaga ang buhay. life has to move on. kasi mas gusto ni nanay na makita kang masaya kahit wala na sya, actually hindi naman talaga siya nawala eh.

    lakasan mo lang loob mo.

    think positive.

    focus.

  12. Marso 21, 2010 bandang 8:41 hapon

    ate hug kita ulit.
    hug lang talaga.
    kasi pati ako affected din.
    hindi ko alam kung ano gagawin ko kung may mawawala.
    masakit. sobrang sakit.
    hayyy…
    pero maging masaya na lang tayo para sa kanya.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Marso 2010
M T W T F S S
« Feb   Apr »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: