20
Mar
10

may wento ako !

Isa siguro sa pinaka memorable place ko ay ang Bataan. Bakit kasi dito namatay ang nanay ko, talagang di ko iyon makakalimutan. Hindi naman ako taga Bataan pero doon napadpad ang mga kamag anak ko at iyon nga dun na rin gusto mag stay ng nanay ko.

Ang ganda pala ng Bataan bukod maraming dagat meron din silang Mt. Samat
at memorable din saken itong place na ito bakit? Bukod na sa maganda sya may experience akong di makakalimutan dito. Eto tignan mo muna ang pictures kung gaano sya kaganda.

ang taas ano?

view eto kapag nasa itaas ka na ng cross

Ang ganda diba at ang taas ng krus kelangan mo pang umakyat sa mabatong lugar bago mo maabot yan krus na yan pero pwede naman gumamit ng sasakyan paakyat sa door ng krus ang kaso mabibigat kami kaya di carry ng sasakyan kaya nilakad namin at inakyat yung pagkataas taas na hagdanan. Okey lang  naman kahit katanghalian ng tapat pang burn din ng nagsusumigaw kong fats .

Madalit sabi natapos ang kalbaryo ko sa pag akyat ng mabato at mataas na hagdanan.. nagpahinga kami sa ilalim ng mga puno dahil 12 pm pa lang close ang elevator paakyat sa krus.. Wala akong pictures kasi kalilibing lang ni nanay nag aya agad sila umakyat ng Mt. Samat para siguro malibang ako.

Sa wakas sumakay ako ng elavator kung ilang floor yun hindi ko alam ang alam ko lang mataas. Pag dating mo sa taas mawawala ang pagod mo kasi makikita mo talaga ang creation ni God.. mga puno, bundok at dagat.. ang ganda talaga ng view sa taas at ang lamig lamig ng hangin.. sayang uli wala akong pictures.

Eto na yun kwento.. hak hak haba ba? Pababa na kami sa cross nasira ang elevator sa gitna ng cross.. so yun guard sa cross pilit binuksan yun door ng elevator ang sabi ” mam, sir akyat nalang po uli kayo sa taas at aayusin lang namin ito..” so  at pinaakyat ulit kami sa hagdanan.. ang taas na kaya? paakyatin uli kami. So sa taas nun naakyat uli namin nanginginig na ang tuhod ko nang makarating ako sa taas.. wala pa ko tulog non… Pag dating namin sa taas pahinga ng konti..  eto nanaman si mamang guard.. yari na ang elevator kasi nakaakyat na sya.. maya maya sabi ulit  ” sir, mam, yun gustong bumaba na baba nalang kayo sa hagdanan kasi hindi maayos yun elevator

Tignan mo uli kung gaano kataas itong cross na ito binaba namin yan. Hilong hilo si Lambing at nanginginig ang tuhod hangang kinabukasan.


27 Responses to “may wento ako !”


  1. Marso 20, 2010 bandang 12:53 hapon

    pa base!. siguro konting sakirpisyo lang para na rin sa LENTEN season. ^^ nagawa mona yung part mo! yehey!!

  2. Marso 20, 2010 bandang 2:40 hapon

    oh yeah may bumebase na si sir boni

    honga pala malapit na lenten season ayus nauna na ko magpinitensya hahaha😆

  3. 3 Joyo
    Marso 20, 2010 bandang 6:14 hapon

    wow namiss ko ang bataan… sarap jan umakyat kapatid… kahit yung paakyat pa lang papunta jan sa krus masaya na… tapos kapag nasa taas ka na… ang lakas ng hangin! saya yan! sana pag-uwi ko sabay tayo akyat jan hihi… pampasexy yan!

    • Marso 20, 2010 bandang 6:18 hapon

      naku fwend nanginig nga tuhod ko nung umakyat ako papuntang krus.. tapos pag dating namin sa itaas ng krus nahinto yun elevator sa gitna pinaakyat uli kami.. pag dating namin sa itaas baba nalang daw kami kasi di magawa yun elevator wata.. sumeksi ako ng half inches wahahaha… dali pag uwi mo pasyal tayo😉

  4. Marso 20, 2010 bandang 9:37 hapon

    hindi pa ako napunta dyan..ngayon ko lng nalaman na may elevator pla yan sa loob ng cross..nice one

  5. Marso 21, 2010 bandang 8:35 hapon

    adbans na adbans sa holy week.
    may ganyan pala sa bataan. ang taas taas ah!
    grabe!
    pero ang ganda ganda niya!
    sayang walang pic!

  6. Marso 22, 2010 bandang 10:25 umaga

    Akam mo kung ako sa iyo inaway ko ng bonggang bongga yung guard, promise! Ay naku ewan ko lang talaga.😛

  7. 11 shea
    Marso 22, 2010 bandang 1:16 hapon

    sama mo ako dyan ha? pasyal pasyal tayo… lakarin lang natin.. hakhakhak…

  8. Marso 22, 2010 bandang 6:42 hapon

    tambayan namin dati ang balanga bataan😀 sorry to hear about your loss, hugs!

  9. 16 maelfatalis is in the sky with diamonds
    Marso 24, 2010 bandang 9:13 umaga

    whoa ang taas! Alam ko nagpunta rin ako ng bataan nung bata ako. pero wala na akong maalala na memorya nun. Nakakamiss magbakasyon.

  10. 18 joan
    Marso 24, 2010 bandang 7:12 hapon

    Gusto ko din umakyat jan =(

  11. Marso 25, 2010 bandang 2:19 umaga

    Aw. Masaya po diyan! Nakapunta na rin ako diyan at napasok ang malaking Krus. Marami nga akong pictures diyan, kaso di ko nilalabas sa public. Haha!

    Maganda po diyan sa Bataan! Pumunta kami diyan kase nanalo kami ng P15K sa sayawan nung last last Christmas Party. Hehe!

    Aw, di pala maayos yung elevator nung nagpunta kayo.. Nung time namin, okay naman siya!😉

  12. Marso 25, 2010 bandang 6:56 umaga

    huwaw. galeng naakyat mo yown kung ako bka chopper nlng. hehe

  13. Marso 25, 2010 bandang 11:57 umaga

    wahhh kapagod! dapat dyan nakapag=warm up muna bago mag-aakayat. daig mo pa ang umakyat ng mt. apo e.

    in a way sulit naman ata sa view.

  14. Marso 28, 2010 bandang 8:33 hapon

    whaaaa…instant exercise.nakapunta na ko jan sa mt.samat particular jan sa building na korteng krus.field trip namin nung hi-skul.ang ganda rin naman.dahil siguro sa kalumaan at kakulangan ng mainteance kaya nasisira madalas yang elevator na yan.(manual akyatan din kasi yung ginawa namin jan).

    corruption talaga ang problema.whahaha!!!

  15. Oktubre 18, 2011 bandang 11:47 hapon

    ahaha! ang dami kong tawa sa post na ito, ang kulit.

    btw, 2010 lang pumanaw si mama mo?🙂

    hey, i hope you’re fine at busy lang si sister lambing, ahaha…🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Marso 2010
M T W T F S S
« Feb   Apr »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: