06
Apr
10

alon

May isang buwan na pala ang nakalipas. May nag text sa akin ng 6 am , “ate ang nanay mo  dadalin na namin sa hospital masama na ang lagay nya”. Kaya pala hindi ako makatulog ng maayos ng araw na iyon ang aking ina may nararamdaman.  Noong araw na iyon hindi na ako mapakali. Naghagilap na ako ng pera para pang tustos sa gagastusin ko sa Bataan para sa nanay kong may sakit.

Tinawagan ko sya.. ang sabi ko nanay magpalakas ka .. lakasan mo ang loob mo uuwi na ako dyan. ” Nay i love you hintayin mo ako uuwi nako mamaya dyan. Tugon sa kabilang linya ” hirap na hirap na ako”…

Kahit hirap ang kalooban kong marinig iyun tinatagan ko ang loob ko at sinabing nay i love you.. gusto ko sya yakapin ng mga panahon na iyon kaya lang di ko magawa kasi malayo sya.. pero umaasa ako na magkikita kami kinabukasan. Kaya kinapalan ko bumale sa boss ko ng pera pang gastos sa pagkaka hospital ni nanay.. nangutang sa mga kakilala dahil alam kong gagastos ako, pilit kong  tinapos  ang buong araw ko sa opisina para may maidagdag na pamasahe.

Alas tres.. may tumawag patay na daw si nanay..

.

.

.

.

.

.

.

Kagabi umiiyak ako.. hirap na hirap ang kalooban ko, kung bakit dahil pinipilit kong kayanin ang isang sakit na mahirap gamutin ng isang iglap. Umiiyak ako hanggang sa nakatulog… nanaginip ako.. gaya daw ng dati namin ginagawa nakayakap ako sa kanya palagi at hinahalikan ako sa mukha…

Ang pagkawala nya ay masakit pa rin. Aaminin ko mahina ako.. pero minsan kelangan mo rin naman aminin na mahina ka para maging malakas ….

Nakikipag buno pa rin ako sa ibat-ibang struggle. Parang pakikipaglaban sa malalakas na alon ng buhay.. may alon na masarap sabayan.. may alon din na malakas ang hampas sayo at pwede kang maibato sa buhanginan.. masasaktan. gugulong.. makakainom ng maalat at mapait na lasa.. psa huli aahon ka parin.. Tatanawin ulit ang malalaking alon na paparating pero sa pangalawang pagkakataon dapat nakahanda kana para pag hampas ng malaking alon masabayan mo ito ng may balance at mag enjoy sa huli..

God allows dark moments in our lives to trust Him more.

Salamat sa Panginoon sa mga ganitong pagkakataon na natatauhan ako.. minsan masakit man ang itinuturong lesson.. alam ko naman na God is Good all the time.

Salamat sa mga taong naka alalay sa akin sa panahon na dapang dapa ako..

Salamat sa isang taong nag paparamdam sa akin na palagi nya akong mahal  lalong lalo na noong nawala si nanay ramdam ko ang pag aalala mo saken lalo na pag nagkakasakit ako.. salamat at hindi ka nagsawang hawakan ang kamay ko kahit madalas akong nangangawit sa pagkakahawak sa kamay mo mahigpit pa rin ang hawak mo saken. Nagpapasalamat ako sayo sa pag mamahal at pag uunawa mo sa akin. Hindi ko alam kung anong meron ako bakit hindi ka nagsasawa … at ipinagpapasalamat ko ng malaki iyon salamat dahil mahal mo ako.

P. S

Patawad po…Adik ako.. isang araw lang ako nag paalam😀 Mahal ko talaga ang blog ko.


15 Responses to “alon”


  1. Abril 6, 2010 bandang 7:51 hapon

    my heart goes with you… hmn…

    mamas boy ako… kaya mahal na mahal ko ang mamay ko…

    hmn.. tapik tapik…

    ok lang yan… iyak lang.. mga five minutes… two hours.. one day…

    basta pagkatapos.. tayo ulit…

    sulat ulit..

    blog ulit…

    it will help…

    welcome back…

    Smile…

  2. Abril 7, 2010 bandang 6:45 umaga

    Ganyan tlaga ang life… “There were always an ending” ikanga….

    Kaya iyak mo lng kung hindi mo tlaga makayanan… Hanggang sa matapos na ang kalungkutan mo…

    Then go back ulit sa mga masasayang araw mo with us bloggers….

    We will make you smile though your smile is breaking….

    h3h3h3h3…..

  3. 5 shynyrd
    Abril 7, 2010 bandang 12:10 hapon

    miss you ate adelle…

  4. Abril 7, 2010 bandang 4:29 hapon

    hi cute!

    hope na paunti-unti ay umokei ka na.
    agree ako sa sibabi ni katapat ng naglalambing.

    tC

  5. Abril 7, 2010 bandang 4:37 hapon

    Adelle,

    Minsan lamang akong dumalaw sa blog mo. Lika nga, yakapin mo na lang ako.

    Ayan.

    May mga pangyayaring minsan mahirap maintindihan pero ibinibigay para magpatuloy ang makulay na pakikipagsapalaran sa mundong ito.

    Payakap ulit

  6. Abril 7, 2010 bandang 7:36 hapon

    Ate… adik ka rin noh. pinaiyak mo rin ako ah..

    sa kahit anong alon.. sasabayan kitang lumangoy kahit sa malalim na bahagi ng tubig.. nababasag din ang alon sa dalampasigan gaano man yun kalaki.. at laging ikaw pa rin ang ate ko.. mmwah.. Love you Ate.

  7. Abril 8, 2010 bandang 12:35 hapon

    :cyberhug:
    ano ka ba ate? andito kami oh. gusto mo ng kayakap, ako na lang! hakhak!
    kung gusto mo ng maiiyakan, andito lang ako! hakhak!
    ay bakit ang tweet tweet ko? ahay!
    okay lang yan! nilalambing lang naman kita ate.

  8. Abril 8, 2010 bandang 1:36 hapon

    my condolences lambing…

    i will pray for you… remember that this too shall pass…

    GodBless lambing…

  9. 11 dencios
    Abril 8, 2010 bandang 4:11 hapon

    be strong lambing! umiyak ka lang ng umiyak, ok lang yan. basta ba tuloy pa din ang buhay mo!

  10. Abril 9, 2010 bandang 4:27 umaga

    I’m sorry to hear that! :(… Just be strong and always pray, God will give you strength to overcome your struggle.

  11. Abril 9, 2010 bandang 3:13 hapon

    been a month ago and yet narramdaman pa rin naman yung kalungkutan mo miss lambing.i hope that everything,aas the days go by,maging ok ka na ulit.it’s like you wont need to remember,pero sa susunod,yung mga happy moments mo with your nanay,yun na lang makakapag pangiti sayo.anjan lang sya lagi para sayo.malayo na sa sakit at anu mang bagabag.minamasdan ka lang nya habang nakangiti sayo.

    ingat ka!

  12. Abril 9, 2010 bandang 3:14 hapon

    add nga pala kita sa blogroll ko.sort of way to come back sa malambing mong blog!!!magandang araw!

  13. 15 machongbutiki
    Abril 12, 2010 bandang 11:34 hapon

    im so burden to read your blog.. my prayers are with you..
    if theres anyway para makatulong pa, let me know. basta im so saddened reading this post.
    but Still, wala tayong option kundi to really believe HIm even if its hard to believe.. hayst..
    gusto kitang yakapin.. mahigpit na mahigpit.. things will be fine. ;(


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Abril 2010
M T W T F S S
« Mar   May »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: