30
Apr
10

Step father ko si sam milby (jealous)

Ilang gabi na akong tuliro, nagigising ng madaling araw, parang may sumusuntok sa dibdib ko, pinipigilan ko ang umiyak pero hindi ko napigilan kasi habang pinipigil lalo lang sumasakit… okey fine bumigay ako sa emosyon ko… tahimik akong nagiiyak sa kwarto ko pero palakas ng palakas hanggang sa naging hagulgul na… impit pa rin ang mga labi ayaw pakawalan ang nagsusumigaw na iyak.. napagod ako .. sinabay ko sa music ang pag iyak .. gusto ko kasi umiyak ng malakas one time lang para maalis ang kirot sa puso ko na paulit ulit na sumusumpong .

Kung sana madadaan lang sa pain reliever ito para isang inuman lang wala na ang kirot o kaya bawat sumpong isang tablet ang kaso hindi eh… kelangan ko tiisin ang sakit na walang gamot. Sige pa rin ang ang paguunahan ng mga luha ko, suko na ang mga mata ko.. sobra na kasing maga.. Bakit ganon ang hirap pigilan ng emosyon?  Kung pwede lang mag pa confine sa hospital gagamitin ko ang phil health ko para may pakinabang naman ang kaso hindi rin pwede wala pa akong ID binabayaran ko buwan buwan yun eh… ( naisingit lang naman). Para hindi ko na maramdaman ang lintik na pakiramdam na ito.. pero parang may sariling isip ang emosyon ko na naguutos sa katawan ko na mag emo mode … sinubsob ko mukha ko sa unan at dun itinuloy ang pag iyak , hikbi, singhot iyak nanaman… kung sana may naghahagod ng likod ko ok lang kaso sariling kamay ko lang hahagod saken di ko pa abot ang hirap kaya non? Sariling kamay ko lang ang hahawak saken.. (😦 ) sarili kong mga kamay aakap saken … 😥

Naalala ko tuloy si nanay… dati rati sya taga punas ng luha ko tapos hahalikan ako sa noo kapag may nararamdaman akong sakit…

mama…

mama…

mama… sambit ko sabay iyak nanaman ( nakakainis no ang iyakin ko? ayaw maubos ng luha ko eh… ganyan ako kapag sinusumpong ng emo mode) para ba akong nagpapatulong sa sakit na pinagdaraanan ko… napagod akong umiyak nakatulog ako.. napanaginipan ko si nanay kasama ko daw sya… na miss ko sya sobra… andyan pa rin sya palagi para pagaanin ang loob ko…kahit sa panaginip dinalaw nya ako para patigilin.

Pero nag tataka ako sa panaginip ko.. nakasakay daw kami sa owner jeep tapos asawa daw nya si Sam Milby! :lol:  Pag gising ko tuloy nagtatawa ako .. nanay talaga kwela pa rin oo. . hmmm bakit kaya nasama si Sam Milby dun sa tingin mo??  ( nga pala kras ko si Sam lagi ko nababanggit kay nanay noon pag nanunuod kami ng t.v… nakakaselos ha.. )

Tears are God’s gift to us.  Our holy water.  They heal us as they flow.  ~Rita Schiano, Sweet Bitter Love,


31 Responses to “Step father ko si sam milby (jealous)”


  1. 1 jason
    Abril 30, 2010 bandang 4:34 hapon

    hahaha base

    grabe

    hahahaha natawa ko ate lambing…

    andon na ang moment mo eh..

    biglang umeksena si sam haha!

    ate lambing!! kamusta ka na!

  2. 4 jason
    Abril 30, 2010 bandang 4:44 hapon

    magandang hapon ate lambing ko!!! akap ko?
    😀😀

    ate!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  3. 6 ???
    Abril 30, 2010 bandang 6:28 hapon

    2nd base..😀 hehehe, medyo busy sa work, kaya minsan na lang makadaan sa wordpress…

    nakakatuwa naman yung mama mo.. hahaha!!!

    • Mayo 4, 2010 bandang 9:43 umaga

      sobrang nakakatuwa talaga ang nanay ko nun nabubuhay pa ??? nakukuha nya akong pahalakhakin kahit sa simpleng bagay lang… sobrang kwela nun kaya naman miss na miss ko sya kapag emo mode ako🙂

  4. Abril 30, 2010 bandang 6:35 hapon

    no matter how painful it is, you will continue. bakit? kasi there is something in you that is eternal. i believe kayang kaya mo yan. watever man ang dumating. for you are more than a conqueror.🙂

    aba. ang haba ng hair ng mama mo ate lambing. wahahah apir!!!

  5. Abril 30, 2010 bandang 6:37 hapon

    atleast may pambawi sa pait ng pain? hehehhe. tama po ba?
    ngete ka lang palge.

  6. Abril 30, 2010 bandang 7:00 hapon

    asteg nasama pa c sam milby! ako nman nung kasagsagan ng F4 mania napanaginipan kong pinag-aagawan dw ako ni dao ming xe at watze lei. haha.

    kakaloka db..😆

    • Mayo 4, 2010 bandang 9:48 umaga

      wahahahaha ayus yun natatawa talaga ako napapasama sa panaginip no feeling close lang…😆

      ang bongga mo naman sows pinagaagawan ni dao ming xe at watze lei akin nalang si dao ming xe… PLS….

  7. Mayo 1, 2010 bandang 9:59 umaga

    nakaintriga ang pamagat ng isang ito…
    eye-catching, ‘ika nga

  8. Mayo 2, 2010 bandang 12:13 umaga

    Nice blog. You are so cute. I think I love you.

    PS: Let’s vote for Dick Gordon and Bayani Fernando!

    Check this out:
    Gordon SLAMS Noynoy, Villar, Erap and Gibo

  9. Mayo 2, 2010 bandang 1:05 hapon

    pinapatuwa ka lang ni mommy… tahan na raw kasi sa pag-iyak!

    :cyberhug: ate!

  10. Mayo 3, 2010 bandang 2:37 hapon

    Ayan biniro ka ni mommy, sigurado happy yun dun, huwag ka na daw mag-emo. *tap-tap
    smile na!

  11. Mayo 3, 2010 bandang 5:08 hapon

    kamusta adel?may mga gabi pa rin pala na nalulungkot ka at umiiyak.

    you have to start finding a reason para sumaya ka.your grieve and loss over your mother will not mend by my words.you should always remember the happy moments mo with her para hindi ka masyaadong malunod sa lungkot.

    at eto ang tip to make you busy.stalk mo si sam milby.hahaha!!!

    • Mayo 4, 2010 bandang 9:55 umaga

      @ duking salamat palagi sa salita galing sayo… minsan lang naman ako nangungulila pag lungkot na lungkot ako.. nag iisa nalang kasi ako kaya minsan di maiwasan mag mukmok…

      yeah salamat sa mga paalala.. eka lang …

      alam mo ba san nakatira si sam?😆

  12. 26 Joyo
    Mayo 3, 2010 bandang 7:20 hapon

    friend natawa ko dun sa ikaw maghahagod sa likod mo … eport yun hahaha! sa kagustuhan mong humagod malilimutan mo na umiyak😆 bwahahahaha at may message si nanay mo sa dream mo… si sam milby kailangang hanapin mo… hihihi

    payakap nga… mwaaaaaaah!

  13. Mayo 4, 2010 bandang 2:23 umaga

    hhahaha, nataw naman ko don. nakakaselos din ha?! Love ko si sam eh.. lol
    🙂

  14. Mayo 5, 2010 bandang 9:56 umaga

    wahhhh talo ka pala cute eh. hehehe

    okay lang yan dahil mama naman ang kumabog sa iyo. hehehe
    pinapasaya ka lang niya at kinikilit ang iyong imahinasyon.

    (“,)


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Abril 2010
M T W T F S S
« Mar   May »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: