05
Jun
10

My life begins at 30 toinks!

Kapag nagtatahi ako at tabingi ang pagkakatahi o buhol buhol madalas tinatastas ko ito at  sisimulan ko uli ang pagtahi para maging maayos ito.

Naisip ko tuloy pwede ko rin pala gamitin iyon sa buhay ko.

Minsan may mga pangarap tayong gustong abutin, pero minsan kahit gaano mo ito gustong maabot may mga panahon na di umaayon ang pagkakataon.

Ang buhay ko ay parang isang pelikula.. ang daming extra, ang daming kontrabida, best supporting actress at leading man oh yeah! Star studed kung baga pero empre ako ang bida. May mga eksenang masasaya, nakakatawa , nakakatakot, jombangan moment, love story, drama at iba pa! sa sobrang dami ng eksena minsan nakakahilo, nakakapagod pero carry pa rin at para mahirang na batikan sa larangan ng pag arte dapat kayanin lahat ng eksena. Pero minsan hindi ka magiging batikan kung hindi ka marunong makinig at magtiwala sa director.

Ang buhay ko ay parang pag aaral sa eskwelahan, ang daming pagsusulit , may mahirap meron namang sisiw lang ipasa. Minsan mataas ang grade perfect score minsan naman bagsak kapag hindi napaghandaan ng mabuti, depende kung saan ka subject magaling.Kung i ka classify ako siguro ako yun average student hindi magaling hindi rin naman bobo..

Ang buhay pag -ibig ko ay parang subject ng math.. lagi akong takot matawag ,  minsan kahit nag review ka namemental block ka kasi kinakatukutan mo yun subject na yun at kahit alam mo yun formula nabobo pa rin.. ganon talaga .. bobo kasi ako sa math.

Ang dami kong pagkakamali sa buhay , mga hinanakit, mga tanong.. yun mga tipong ” nag aaral naman ako ng mabuti ah.. bakit ako bumagsak?

Gusto ko baguhin ang bansa ko, pero di ko nagawa, gusto ko baguhin ang pamilya ko pero di ko rin nagawa.. Siguro kelangan ko muna umpisahan sa sarili ko, baka nga may mali.. kelangan ko nga siguro tastasin ang mga nasimulan ko at ituwid ang  pagkakatahi. Mag uumpisa uli ako baon ang mga natutunan ko sa tatlong pung taon ng  buhay ko toinks!. Pero syempre mapa sa pelikula man o sa eskwelahan kelangan ko ang gabay ng director at teacher ng buhay ko para magtagumpay sa mga mithiin ko sa buhay.

Its never late to learn kasi life is a learning process . I may have failed but im not afraid to try again because God loves me and  i have friends and love ones out there who loves me so much and they believed in me that’s why i continue to live and be happy. I am blessed indeed🙂

Lesson we learn from our failures are lessons that help us succeed, and if we are wise and heed them, then failure is just what we need…

Sometimes we are not ready to see the wonder of God’s wisdom and strength until we are grasping for breath in the exhaustion of our own strength.

– Mart De Haan-

OUR DAILY BREAD

LEARN FROM YOUR FAILURES, OR YOU WILL FAIL TO LEARN.

Why are you cast down O my soul? Hope in God ; For I shall yet praise Him.

Psalm 42:5

P.S

Kanina pag bangon ko medyo malungkot ako… ganon yata kapag tumatanda na waaaaaa pero bigla ako sumaya nang makita ko yun account ko sa FACE BOOK ang daming nag greet saken..  may mga tumawag sa cell phone  at nagpapasalamat ako sa mga naka alala minsan ang kasiyahan nasa contentment lang ng tao talaga.. learn to appreciate the things around you  sa lahat ng mga blessings na natatangap . Ayun Happy na ang birthday ko😉 At yun mga gifts.. ipadala nyo nalang hahaha.. ahmmm gusto ko pala ng :

  1. Laptop
  2. i-phone
  3. i -pod
  4. digi cam
  5. Chocolate with almond
  6. House and lot
  7. threadmill😆
  8. Tour sa Europe
  9. Flowers
  10. boyprend toinks!!!😆

Joke lang .. pero pwede rin seryosohin hahaha pero ang totoo nyan kahit text lang  masaya na ko ganon lang ako kababaw😉


20 Responses to “My life begins at 30 toinks!”


  1. Hunyo 5, 2010 bandang 1:43 hapon

    masayang kaarawan…masayang masayang kaarawan.

    sagot ko na ang #10 sa mga regalo na gusto mo.

    at muli, kaibigan, happy birthday!

  2. Hunyo 5, 2010 bandang 9:17 hapon

    happy birthday adel.eksakto pala ang biglang dalaw ko sa bahay mo.may party…may kainan…may tugtugan,may sayawan.may inuman at may kantahan (hindi mawawala ito kase nabasa ko dun sa previous entries yung hilig mo sa kantahan)

    may dala nga pala akong threadmill.EDSA ang brand.kung masyado kang nalalayuan,saan ka ba banda nakatira?hahanap ako ng mas angkop na brand.SLEX,NLEX?pili na ng threadmill.hahaha!

    again,i know you have a lot of things to celebrate about.life begins at 30…but hey,life begins when you choose to begin it.

    be the happiest from this day forward,adel.that would be my birthday wish para sa’yo.HAPPINESS!

    • Hunyo 7, 2010 bandang 11:45 umaga

      @ duking salamat salamat

      yeah dinaan nalang namin sa kantahan…. namamaos nga ko ngayon eh haha

      wahahaha parang mangangayayat talaga ako sa brand mo ng threadmill kung manggagaling pa ako ng isabela toinks!

      again thanks duking …😉

  3. Hunyo 5, 2010 bandang 10:23 hapon

    happy birthday lambing, bigay mo number mo, bibigyan kita textmate.. malay mo yun na ang sagot sa number 10 ahahaha wag ka paloloko dyan ke boi hahahaha

  4. Hunyo 6, 2010 bandang 3:40 hapon

    haberdei Lambiing!!🙂
    stay happy and healthy. sana matupad na ang lahat ng hiling mo.🙂

  5. Hunyo 6, 2010 bandang 10:20 hapon

    piberdey to you…

    piburpday na rin…

    GodBless and Enjoy!

  6. Hunyo 7, 2010 bandang 10:31 umaga

    Syet naman!!!! Number 10 ang pinaka matindi. Bigyan na lang kita ng #9.🙂

  7. Hunyo 7, 2010 bandang 1:53 hapon

    Happy birthday Cute!

    ganda naman ng reflection mo sa iyong edad. kahit tumatanda at least tumatanda tayong masaya at may patutunguhan. kaysa manatiling mukhang bata pero hindi pinapahalagahan ang buhay.

    parang nabasa ko rin yang part na yan,ang ganda pa rin.

    mabuhay and happy 30th birthday toinks!

  8. 19 shea
    Hunyo 7, 2010 bandang 7:42 hapon

    ate blind date gusto mo? yun lang kaya ko ibigay kasi yun lalaki ang hirap ipadala sa isabela..nyahaha..

    happy birthday!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Hunyo 2010
M T W T F S S
« May   Jul »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: