09
Jun
10

para sa babaeng naka violet & company

Kapag hindi ako nakapag umagahan asahan mo pag dating ng tanghali  gutom na ang mga bulate  sa tyan ko. Itaon mo pang sobrang inet dito sa pilipinas at kahit anong ganda ng araw mo kapag nainitan at pag pawisan ang lahat ng pwedeng pagpawisan sa kasuluksulukan ng katawan mo dahil sa nakakapasong sikat ng araw malamang uminit ang ulo mo.

Kaya naisipan nalang namin kumain ng tanghalian sa malamig na lugar yun may malaking bubuyog sa harap at sa tagalog ay masayang bubuyog.

Aminado ako na maraming nagmamahal sa bubuyog na ito ,ako rin naman mahilig kumain dito syempre bee happy dito yun nga lang alam ko din na matao sa lugar na ito at kadalasan unahan sa  upuan. At dahil pass 12 na maraming na ngang tao at halos walang bakante, anong magagawa namin eh di maghintay ng upuan sa mga natapos na kumain.

May nakita kaming tapos na kumain at nagkwekwentohan nalang kaya lumapit kami sa upuan. Hindi naman kami bastos para paalisin sila agad kaya nag hintay kami ng  ilang minuto.. anak ng ayaw pa rin tumayo… nagsisipagtawanan pa at nag paparinig na oorder pa daw sila at bakit daw ba ayaw pa nga nyang tumayo.. gusto ko tuloy sabihin sa babae na…

Hoy!  miss na naka violet at mga kasamahan mo, alam mo na ngang mabigat yun dala dala ko titignan nyo pa ako nang parang nakakaloko, hindi pa ba kayo busog sa kinain nyo na nahalata namang ubos na ubos na at puro buto nalang ang natira sa plato nyo, ang french fries nyong said na said na,  na asin na lang yata ang natira kulang nalang dilaan nyo ito para mag tagal pa kayo sa kinauupuan nyo. Nakukuha mo pang mag tatawa at makipag harutan sa boyprend mo ng katanghaliang tapat habang yun mga tao nakatingin sa inyo at nag aabang na umalis na kayo utang ng loob tumayo na kayo.. pero sadya yatang makapal ang mukha nyo at naghahagikgikan pa kayo.. ibuhos ko kaya sa mukha mo itong dala dala ko baka sakaling tumigil ka sa kamalditahan mo? Ang sakit mo sa bangs katanghaliang tapat pinakukulot mo ang kilay ko wata ka! Hindi ka naman siguro bulag para hindi mo makita na maraming taong nakatayo na may bitbit ng tray na may laman na soft drinks.. nakakapang galaiti ka!!!!!!

Namumula na ang mukha ko parang anytime gusto ko nang magtaray biglang may humawak sa kamay ko.. maam dito nalang kayo maki share nalang kayo akina po yang hawak nyo.

Saved by the bell.. muntik nanaman ako mapaaway.. umalis kami dun sa lugar nila at tinitignan pa rin sila sige pa din ang tawa at harutan yun mga tao na walang maupuan at mga staff nakatingin pa rin sa kanila. Hay buhay bakit kaya may mga taong ganon ang ugali nakaka inis! Buti nalang uminom nako ng softdrinks kahit paano nabawasan ang ang init ng ulo ko.. pamhirang babae.


9 Responses to “para sa babaeng naka violet & company”


  1. 4 dhyoy
    Hunyo 10, 2010 bandang 3:54 hapon

    ay naku friend kung ako nandon alam mo gagawin ko, tatayo talaga ko sa tapat ng mesa nila hawak lhat ng dala -dala ko pati yung tray… ewan ko lang kung hindi sila lumayas😆 kaimbyerna… uminit ulo ko sa kwento mo hihihi!

    • Hunyo 12, 2010 bandang 11:05 umaga

      @ joyow

      nakooo my friend pahingi ng konting tapang!!! wahahaha ako kasi yun tipong nag pipigil pa.. pero pag once na naubos yun time frame ko patay sya! hahahaha

      palamigin natin ulo mo ahek mwaaah!

  2. 6 joan
    Hunyo 11, 2010 bandang 6:14 hapon

    AHHhh baka first time lang nag jabee? yaan mo na. hahah. mga ganun di na pinapatulan, they are not professional as you are. hmmkei? labyouw!! :p

  3. Hunyo 12, 2010 bandang 8:07 umaga

    HAHAHA ang bitter baka yung babaeng naka violet ay yung UBE na Mascot sa McDOnalds? haha!!

    nakakainis nga yung ganun insensitive! ^^ hayaan mona sya PANGET sya! haha


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Hunyo 2010
M T W T F S S
« May   Jul »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: