18
Jun
10

Maganda ka ba?

Sino kaya ang nakaimbento ng salitang maganda? Kanino kaya galing yung idea na maganda ka lang kapag matangos ang ilong mo, maputi ka, at sexy ka, maayos ang ngipin, makinis ang kutis.

At kanino rin kaya galing yun idea na ang panget kapag pango, kulot ang buhok, maitim at mataba?

Hindi ba pwedeng sa loob na lang tumingin. Pero ito talaga ang mundo natin.. sa pang labas na anyo tumitingin.

Kapag maganda ka halos sambahin ka, at kapag pangit ka pinag lalaruan ka. Its so unfair. Unfair talaga. Nakakarelate tuloy ako sa palabas sa channel 7 yun Diva… ahek sobrang pang aapi sa kanya. Talaga bang pag paparetoke lang ang solusyon para matanggap ka ng lipunan? Kiber.. beauty is in the eye of the beholder naman diba?  Paano nalang kung wala kang pang paretoke? Di lilibakin ka na ng bonggang bongga.

Bakit ko ba ito nasabi? Wala lang habang nag sasalamin kasi ako naiinis ako sa nakikita ko sa salamin. Habang tumatagal  kapag nag gain ako ng weight lumalapad ang ilong ko.. tanggap ko naman na pinoy  ako huwag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango! YO!

Eka lang di ko kinahihiya ang ilong ko o ang mga taba ko sa katawan mega picture pa nga ko eh ang kaso ang di ko ma take ang pang bubuska ng mga pinsan ko soska.. nakakapikon din pala minsan..

Pero nagkaroon ako ng pag asa ng may nakita ako kanina sa isang botique oh yeah , di ko na kailangan mag paretoke ng ilong ito na ang solusyon ko!!!

😆 wish ko lang di ako maubusan ng hininga kapag ginamit ko ito😆 Hmmm para makatipid tingin ko pwede na rin yung pang- ipit ng sampayan namin ginagawa ko kasi yun noong bata pa  ako eh😆

Pero syempre mga kalambingan.. ang pinaka magandang beauty product pa rin ay magkaroon ng confidence sa sarili kahit ano pa itsura mo.. good heart at smile palagi .. kapag ganon perfect ka na saken😉

“People are like stained-glass windows. They sparkle and shine when the sun is out, but when the darkness sets in, their true beauty is revealed only if there is a light from within.”


25 Responses to “Maganda ka ba?”


  1. Hunyo 18, 2010 bandang 6:11 hapon

    “People are like stained-glass windows. They sparkle and shine when the sun is out, but when the darkness sets in, their true beauty is revealed only if there is a light from within.”

    totoo ang bawat salita sa kowt.

    ako,aminado na nabubulag din madalas ng panlabas na kaanyuan.dati yun.ngayon minsan minsan na lang.

    naisip ko kase,so far,puro kabiguan lang ang hatid sa akin ng mga inibig kong may pisikal lang na ganda.(buti nga sa’yo hahaha!…naririnig kong tawa ng inner self ko)pero ang hirap kasing tumingin sa kalooban ng isang tao kung hindi mo muna makukumbinsi ang pagkakataon na bigyan ka nya ng sapat na oras para mas makilala yung iba.kadalasan kase,kailangan yung pisikal na atraksiyon bago mo pa makita yung mas malalim na katangian.

    pero aaminin k na rin…lambing lang ang katapat ko.hahaha!

    • Hunyo 21, 2010 bandang 10:12 umaga

      @ duking

      guilty din ako dyan hahaha syempre yun ang una nakikita eh.. hindi naman agad agad na yun loob ang mahahalukay mo.. kelangan talaga mag bigay ng chance haha wag maging impulsive hahaha..

      uyyy minsan nalang?? ako ganon pa din haha

      empre! lambing talaga dapat ang hinahanap lolz

  2. Hunyo 19, 2010 bandang 1:34 umaga

    “People are like stained-glass windows. They sparkle and shine when the sun is out, but when the darkness sets in, their true beauty is revealed only if there is a light from within.”
    –>tama ka lambing

    alam ko, hindi ako maganda, photogenic pwede pa😀 yung tipong, maganda sa picture, pangit sa personal😀 sa picture mura lang kasi ang editing compare sa personal😀

    dati tinanong ko din yan, pero walang may alam sa sagot eh. kaya tumahimik nalang ako😀

  3. 5 joan
    Hunyo 19, 2010 bandang 12:25 hapon

    gumaganun ka na ah. may pinapatangusan ka na ilong ano?? hahaha.😛

    • Hunyo 21, 2010 bandang 10:15 umaga

      @joan

      empre! pero di ko na need ang matangos na ilong naaliw lang ako sa nakita ko sa mall may ganon talaga pala… mamatay ka pa ng di oras dahil di ka makakahinga hahaha..

      gaya nga ng sabi ni duking dadaanin ko nalang sa lambing!😉

  4. Hunyo 21, 2010 bandang 11:07 hapon

    Musta na lambing?…

    Nakakatuwa naman ang post na ito…

    Hmn…

    Masyado nang naikahon sa panlabas na anyo ang ibig sabihin ng salitang maganda…

  5. Hunyo 23, 2010 bandang 7:45 hapon

    natawa daw ako sa ini-endorse mong product. may purple at blue ba yan, bibili ako. hehehe

    yes i feel beautiful kapag feeling ko confident ako at high na high angenergy. i don’t care kung ano ang sinasabi ng iba.

    tama ng cute tayo, sa kanila na ang salitang magandang physical. heheh

    mabuhay!

  6. Hunyo 24, 2010 bandang 5:30 umaga

    Ang ganda ko pala Ate kung ganun.. wahahaha…

    Beauty is Confidence..
    yun lang yun.. mano bang pango ilong ko?,, dami ko bulges sa tyan, kulot buhok ko (pero nagpaparebond na ko ngayon para hindi mahirap suklayin sa umaga.. tamad ako magsuklay eh..heheh..=).., other than that.. wala na.. naliligo lang ako ng dalawang beses sa isang araw, deo, Bench Cologne (oo ate, iniexport ko pa sa Pinas cologne ko para sosyal.. yun lang Cologne gusto ko eh.. Blue Bambino=) pulbos, ngiti, konpidens, bilis ng utak, maldita effect at tiwala sa sarili..,
    hay Ate.., ang ganda ay hindi lang sa lalim ng cleavage, wala sa laki ng pwet, at walang wala sa kulay ng balat..

    Maganda ka ate katulad ng Maganda rin ako.. (hindi talaga patalo sa pagbuhat ng kagandahan.. wahahha).., at panget din tayo minsan sa pagkakataong panget din ang mga taong nakakasalamuha natin araw araw..,

    Hay Ate., miss na kita.. ang tagal ko nawala dito.., Ingat lagi ha.. mmmwah.

    • Hunyo 28, 2010 bandang 11:27 umaga

      @ leemi

      syempre maganda ka!! maganda ka ang bangooo mo bench cologne ako baby bench haha

      basta mabago ka maganda ka na sure yan!!

      natawa ako dun sa lalim ng cleavage😆

      miss na din kita yaan mo pag nakalaya ako dadalawin kita😀

  7. Hunyo 25, 2010 bandang 4:45 hapon

    ahahha natawa ko dun sa pix..
    hmmm. bkt ate lambing danda nman ikaw ah.. hmmm
    aktwali ung pang aapi ng mga pangit eh sa pinas lang tlga yun..
    pero sa ibng bansa esp sa america, pangit ang nag aapi! ahahaha. (seryoso) ^^

  8. Hunyo 25, 2010 bandang 11:43 hapon

    i agree friend mas higit na magnda yung kagandahan hindi nakikita ng mata… kung gaano kabusilak ang pagkatao mo magrereflect ito sa mga ngiti ng tao.. sa aura ng tao, pero kung puro kabulukan ang nakatago, sisingaw at sisingaw ito… i misssssssssssshooooooo!

    • Hunyo 28, 2010 bandang 11:31 umaga

      super agree ako my prend talagang kahit di kagandahan mag rereflect kapag busilak ang puso oh yeah! mwaah! super haymishoooo na rin.. pag nakalaya ako talaga mag bababad ako sayo blog mo mwaah!

  9. Hunyo 26, 2010 bandang 7:47 hapon

    Sinong nagsasabing mataba ka Adel? Sino? Ginagalit nila ako ha. Hindi ka mataba, malusog na malusog ka lang. May pambili ka ng pagkain kaya ka ganyan. Nihahayblood ako.

    Eto na seryoso ako.
    Tamang pagdadala lamang ng sarili yan, kung ang tingin mo sa sarili mo ay PANGIT..NGIT..NGIT..NGIT.ttttt…halos nag-iecho ang pagkakabanggit, pangit ka talaga
    pero kapag ang tingin mo sa sarili mo ay MAGANDA..tamang simple lang…ambisyosa ka naman…tama…hindi..ano ba kuli ang gulo mo..huwag ka nga…ganito ‘yan..ang mahalaga wala kang depekto sa katawan.

    Ang pangit. ay yaong walang pagmamahal sa sarili at sa iba

  10. 21 AnAlyn
    Hulyo 9, 2010 bandang 1:30 hapon

    “beauty is in the eye of the beholder naman diba”
    Ate napaka ganda nmn ng blog mo….
    kaya lang ako di nmn mataba,payat…ever since ata ganito n ako…
    mga guys ngayon sa panlabas lang talaga tinitingnan…kpag may korte ang katawan ng babae n dadaan halos mabali ang leeg kakasunod s paglingon..,kapag hind,napapailing…
    pero ang totoo ang tunay n ganda ng isang tao eh nasa loob ng kanyang puso at kung ano ang laman nito…at importante p rn ang attitude diba??…^_^

  11. Oktubre 30, 2011 bandang 1:19 umaga

    hello po te LAMBIG..i just wanna know where can i buy this product..?>>
    sa mall po ba????san po doo…pwede po ba give me some places where can i buy this ..:i just wanna make my nose*matangos*thank u …and godbless….need ur reply tnx:)

  12. Nobyembre 3, 2011 bandang 5:14 hapon

    oo maganda ako ako si shanaiah shyrille dela cruz
    add po kayo sakin


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Hunyo 2010
M T W T F S S
« May   Jul »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: