27
Jun
10

Lutang( KAMALAYANG MALAYA)

Nais kong bumuo ng isangpangungusap ngunit hindi ako makabuo. Pinid ang utak at puso sa gustong ipabatid ng isip kong hindi mapalagay. Ilang araw na akong nag iisip ngunit wala akong maisip, marahil pagod lang o maaaring nababagabag lang sa takbo ng buhay ko.

Paano ba ako makakapagsulat ng kamalayang malaya gayong ang puso at utak ko ay abala sa pagtibok at pag – iisip ng mga bagay-bagay na hindi ko maunawaan.  Ang gulo ng mundo ko ngayon,  parang isang tahiin na  buhol-buhol di mo makakayang ilarawan kahit  isulat mo pa sa lapis at papel o iguhit man ng pintura at pinsel.

Minsan ayaw kong magsulat . Bakit? Dahil kapag sinimulan kong magsulat baka lumabas ang katotohanang nalulungkot ako ngayon at yan ang ayaw kong mang yari. Nais kong maging payaso, makapagpasaya ng tao at magkapag bigay ng ngiti sa labi ninuman. Ganyan ako kababaw pero ngayon ano ba ang nais ipabatid ng damdamin ko? Maari ko bang sabihin na napapagod din ako, nanghihina sa mga balakid na kinakaharap ko ngayon.

Gusto sabihin na natatakot ako sa maaring mangyari sa kinabukasan. Mga agam agam na bumabagabag sa akin. Ang bilis kasi ng takbo ng panahon, ngunit bakit sa bawat pag usad nito tila ako ay napag iiwanan. Gusto kong sumabay sa pag-ikot subalit nawalan ako ng panimbang  at nadapa, nawalan ako, nasugatan ng malalim. Gusto kong sumigaw ng sandali lang, tama na! Huminto ka muna, hintayin mo ako.. babangon ako, kailangan ko ng panahon, tulungan mo ako, nawa ay mauunawaan mo ako, kailangan kita. Pero bigla ko naisip hindi hihinto ang pag ikot ng mundo para sa akin. Sa ngayon nais ko muna mag pahinga pagkatapos ay sumabay uli sa ikot ng mundo. Alam kong kung hindi man ngayon ang panahon ko baka bukas.

Lucas 6:21

MAPALAD KAYONG TUMATAGIS NGAYON, SAPAGKAT KAYO’Y MAGAGALAK

P.S Kasalanan na lolo Jkul ito sinabi nang hindi ako marunong nito haha subok lang mapagbigyan lang ang lolo kong maharot😉


11 Responses to “Lutang( KAMALAYANG MALAYA)”


  1. Hunyo 27, 2010 bandang 8:12 hapon

    base kami ni mam kuhrach!

  2. Hunyo 27, 2010 bandang 8:14 hapon

    head shot ako dito sa post mong ito ate lambing.
    Mapalad ang mga tumatangis, sapagkat kayo’y magagalak. Thank you Lord!

  3. Hunyo 27, 2010 bandang 10:28 hapon

    Maraming maraming salamat po.
    Ikinagagalak ko naman.

  4. Hunyo 28, 2010 bandang 5:11 hapon

    papano ka magpapasaya kung ikaw mismo ay nalulungkot, hindi naman sapilitan ang pagsulat, hinog sa pilit ang kalalabasan kapag nakatapos ka pero hindi pinagukulan ng tamang damdamin.

  5. Hunyo 28, 2010 bandang 11:50 hapon

    adel,huwag mong pigilan yung tibok ng puso mong sumulat kahit anu pa man yung naiisip mo.palayain mo yung damdamin mo sa pagsusulat.ang laking bagay kapag nailabas mo yung nararamdaman mo sa mga sinusulat mo.

    hindi mo kailangang maging payaso ninuman.mas kailangan ka ng sarili mo.mas unahin mo sya lagi.

    naks.ang seryoso ng komento ko!hahaha!

  6. Hunyo 29, 2010 bandang 9:34 umaga

    Entry No 39 pala ito Adel. Kamusta Mrs. C?

  7. Hunyo 29, 2010 bandang 1:24 hapon

    pa comment lang po, tama🙂 malapit kay Kristo ang mga taong naghihinagpis
    at mapalad din tayo dahil makakatanggap tayo ng kaaliwan🙂
    galing , d ko po mapapayo sayong wag pigilan ang totong damdamin at ilabas kung talagang nasasaktan. hehe
    magigingplastik po ako sa sarili ko pag ganun^^
    Godbless po

  8. Hunyo 29, 2010 bandang 1:49 hapon

    Chillax ka lang your days will be ok. Tama ka kung di man now, maybe tomorrow! Cheer up!

    Nice piece good luck sa pakontes!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Hunyo 2010
M T W T F S S
« May   Jul »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: