12
Jul
10

reklamador ka ba?

Sabi nila kapag bagsak ang career ang lovelife eh bongga, kapag bagsak naman ang lovelife umaarangkada ang career. Asan ba ako dun? Isang malakas na TOINKS! ahahay… buti pa sila may lablayp na nga panay pa ang reklamo, selos dyan , selos dito, away dyan , away dito.. nakakasawa.. meron naman may lablayp na nga andyan na nga si wishart sa tabi nya ang dami pang pang pa praning na ginagawa sa sarili nya. Hindi ko ba maintindihan bakit hindi nalang makuntento ang tao.. Sana kung may lablayp sya ayusin hindi yun konting tampuhan parang big deal palagi.. nakakapagod din kasi maging absorber no? gusto ko nga ipagsigawan sa kanya na buti ka pa nga may lablayp eh ako? SINGLE!

Eto pa.. umaarangkada ang career may kinikita kumakain naman ng tatlong beses sa isang araw ang dami pa ding reklamo, kesyo ganyan, ganon.. stop it wait a minute kapeng mainit! Meron iba dyan na hirap na hirap kung saan kukuha ng kakainin sa araw araw, susweldo nga pag dating ng sahod pambayad naman lahat sa utang walang natitira.  Pambaon pa ng mga anak nyang anim.. Hindi ba mas nakaka praning yun  tapos yung bahay eh butas butas , kapag umulan baha agad, madaming daga sa kisame kung mamalasin ka pa makakagat ka pa ng daga sa daliri. Kahit gusto mo ipagawa yun bahay wala ka magawa kasi kapos ka sa pera wata!

Kung siguro ikikwento ko dito yun pinagdaraanan ko ngayon baka mapraning na kayo.. Pero hindi ko ikukwento ayaw ko kasi malipat yun burden sa inyo haha.. nakakatuwa ang tao bakit kaya ganon ang daming reklamo hindi nila alam may mas mabigat pa yun pinag dadaanan kaysa kanila. Paano ko ba nahaharap lahat ng mga dinadala ko? Simple pinapabuhat ko sa iba.. ang bigat bigat na kaya alangan naman pilitin kong buhatin, kapag hindi kaya magpatulong diba?

Paano kung walang tumutulong ?

  1. Unang ginagawa ko umiyak.. ang hirap kasi kung magkukunwari kang okey ka lang pero deep inside you malapit ka nang sumabog, hindi nakakababa ng pagkatao ang umiyak, it only shows na strong ka kasi hindi ka takot ipakita na naiiyak ka din, na may kahinaan ka din.
  2. Nagdadasal ako… kung hindi mo na kaya pwede mong ipaubaya sa itaas yun… tyak SYA may magagawa just keep up the faith🙂
  3. Nagpapasalamat sa Panginoon sa mga binabato nyang pagsubok, kasi pinagkakatiwalaan nya akong i handle yun mga ganon kabigat na probs meaning He trust me na makakaya ko iyon.. pero kapag medyo nabibigatan ako sasabihin ko  Lord di ko na kaya helping me naman please.. kung hindi man kinabukasan yun sagot.. siguro sa ibang araw.. pero malakas ako sa kanya kasi may sagot agad Sya sa akin hindi pa inaabot ng kinabukasan kasi naniniwala ako na matutulungan nya ako, ewan ko lang kapag lablayp ang pinaguusapan :lol:  sabay ganon!
  4. I smile. Kasi kung sisimangot ako at aawayin ko lahat ng mga nakapaligid sa akin , malamang lumayo ang tao saken at komonti ang kaibigan ko. Unlike kung naka smile ka dadami pa admirer ko kasi i have a killer smile daw ahek sabay ganon.
  5. Nagpapaganda ako.. kapag napapraning ako nagpapagupit ako, o di kaya nag aayos ng mukha. Therapy ko yun pagkatapos ay nag pipicture ng bonggang bongga.. dun kasi ako sumasaya.. kaya kung ano yun nakapag papasaya sayo iyon ang gawin mo para hindi ka tumanda sa kakaisip ng problema mo.


25 Responses to “reklamador ka ba?”


  1. 1 jOYO
    Hulyo 12, 2010 bandang 4:55 hapon

    aray ko may mga tumama sa akin… isa kasi ako sa reklamador sa buhay hahaha! pero ayon madalas tinatawa ko na lang, may problema na nga ko sisimangot pa ba ako…

    ako din prend madaming problemang nakadikit… para kong magnet haha di ako nawawalan ng problema pero keribels ko naman kasi ang tindi ng katag team ko… si BRO! Madalas hinahayaan niya lang ako dumiskarte sa sarili ko,tapos KAPAG ALAM NIYANG bugbog sarado na ko,yung kamay NIYA NAKAEXTEND NA para maabot ko…

    sabi nila kapag umuulan at wala kang payoong, sumilong ka muna. Kung wala kang masisilungan ienjoy mo na lang ang ulan…nabasa ka na rin naman… let it rain, dance in the rain. Titigil din yan.

  2. Hulyo 12, 2010 bandang 6:31 hapon

    Ay, pagkaganda naman ng iyong sinabi ah.

    Ang maganda dito, hindi ka kailan man susuko. Laban lang. Sugod lang.

    Hi Adelle

  3. Hulyo 13, 2010 bandang 1:31 hapon

    na-inspire ako sa lahat ng sinabi mo Ate,
    mamaya magpapa-Spa na ko, magpapagupit na rin ako, at ngingiti ako lagi.. ayun oh.. tanggal stress at self pitty na rin,

    sana laging ito ang unang pumasok sa kukute ko tuwing may gusto akong bangasan.. heheh..

    miss you Ate..

    • Hulyo 14, 2010 bandang 5:29 hapon

      @ leemi bakit nag seself pity? wag ka…

      twuing gigising ka isipin mo lang si ate na nakangiti para ma inspire wata? hahaha

      sino nanaman ba ang gusto mong bangasan ha?

      miss yuu more😉

  4. Hulyo 13, 2010 bandang 5:39 hapon

    sbi ng kapatid kong ng uumapaw sa suitors, “ate, hnd sa wla kang appeal, hnd ka lng marunong makimingle.”
    ayun. shinare ko lng.

    ingats po plge sa lahat ng endeavors mo.

    ate lambing. usta?😉

  5. Hulyo 13, 2010 bandang 11:38 hapon

    ganyan din ako,naniniwala ako na ang problema sa simula,dalawang klase lang.kung kaya mong solusyunan,hindi na sya problema.kung hindi mo kaya,hindi mo na siya dapat pino problema.in other words,walang problema!!!

    magandang araw,adel!anu man ang pinag dadaanan mo,malalampasan mo yan.

    sabi nga,’what doesn’t kill you make you strong.’

  6. Hulyo 14, 2010 bandang 10:40 umaga

    Ang reklamo ay nagsisimula sa maling pagtingin at pag-iisip sa mga nirereklamo natin. Halimbawa, kung inisip mo na kaya ‘di ka tinetext ng bf mo ay dahil nawawalan na siya ng panahon sa ‘yo, magrereklamo ka talaga. Pero baka naman di ka rin nagtetext sa kanya maski text ang iniabangan mo. O di kaya nagrereklamo tayo ng maliit na sahod, pero baka naman hindi ka nagpapakita ng dedikasyon at extra-ordinaryong performance sa trabaho kaya hindi ka umaangat sa posisyon. O di kaya nagrereklamo kang bakit ang hirap ng buhay, e hindi ka naman nagsusumikap o kaya’y gumagastos ka ng higat sa kinikita mo. Ang reklamo, naiiwasan sa mas maliwanag na pananaw sa buhay.

    Ika nga nila, kung pero lemon ang dumadagok sa buhay mo, ibenta mo tiyak kikita ka pa🙂

    • Hulyo 14, 2010 bandang 5:34 hapon

      so dapat talaga i kundisyon ang pag iisip kuya ano para hindi maging reklamo ano??

      ayun may natutunan nanaman ako , salamat kuya😉

      eka lang nag iisip tuloy ako kung ano ibebenta ko para kumita haha

  7. Hulyo 14, 2010 bandang 4:29 hapon

    yes me too

    i also want to cry and pray a lot. pero hirap ako when it comes to smile and pagpapaganda. although madalas ang victim kapag may something sa aking utak na hard to bear ay ang aking buhok.
    the irony lang ay i try to entertain others kapag ako malungkot. parang beam light and mirror lang. papatamin ko yung light there sa mirror para maibalik sa akin ang light.

    siguro pag malungkot ako or frustrated mas gusto ko na lang tahimik na paligid. lonely but yun ang time ko to reflect. makikipag-usap ako pag ready na ang utak at puso ko sa comments and suggestions. hehehe

    magandang pambasag itong post mo sa mga mareklamo. awooooo!

  8. Hulyo 15, 2010 bandang 12:34 umaga

    nice blog naman lambing.. checked!😀

  9. Hulyo 16, 2010 bandang 8:40 hapon

    Padaan Ms.Lambing…Ganda naman ng iyong sinabi.. hehe isa nako sa nasapul …

    “Unang ginagawa ko umiyak.. ang hirap kasi kung magkukunwari kang okey ka lang pero deep inside you malapit ka nang sumabog, hindi nakakababa ng pagkatao ang umiyak, it only shows na strong ka kasi hindi ka takot ipakita na naiiyak ka din, na may kahinaan ka din”

    —Naranasan ko ang umiyak ng dahil sa Pagibig hindi kinaya ng tabo kinulang kaya kinailangan ng balde ang walang katapusang luha na umagos…***weeee!…Crying really helps pero after nun wala na ang sakit believe me… hugs to u!..^___^

    • Hulyo 17, 2010 bandang 2:38 hapon

      @ heart in seoul

      may reader pala ko taga korea kamusta mo ko kay bidam kim nam gil ahekk ahahaha

      awww isang balde talaga… tama iiyak lang ng iiyak pag wala na tumutulo stop na diba? o kaya uminom ng isang baldeng tubig ulet para may tumulo ulet hahah

      mwwaaah

  10. Hulyo 19, 2010 bandang 5:07 hapon

    ganda naman ng post mo….ay isa na ako sa mga taong ito…Mahilig ako mag reklamo lalo na sa pag ibig….heheehe…..aus at hindi ka sumuko sa anumang pasanin na dinadala mo….Let it be…Tsaka anuman ang ibigay sau ni God kaya mo yan….TC…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Hulyo 2010
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: