05
Aug
10

PAG-IBIG

Nagtanong ako sa tatlong tao kung ano ang pag-ibig sa kanila?

  • Ang pag-ibig ay makapangyarihan dahil kapag ito ay nawala apektado ang lahat.
  • Ang pag-ibig ay pag luha, dahil luha lang daw ang dulot ng pag-ibig sa kanya.
  • Ang pag-ibig ay pag tanggap ng buong puso.

Tama silang lahat.

Ano naman ang banat ko? Para sa akin ang pag-ibig ay parang____

KAPE. Oo kape nga, kailangan sakto ang timpla. Mayroong gusto ng mapait, mayroon din gusto ng matamis at may gatas.

Masarap kapag mainit at bagong timpla, nakakawalang gana kapag lumamig na.

Malas mo kapag nadapuan ng kulisap este langaw pala.

Hindi masarap kapag sobrang tamis, lalo naman na kapag puro pait lang.

May hindi kuntento sa iisang tasa lang, meron namang sa tikim at amoy palang kuntento na. Mayroong  ayaw na ayaw sa dito mayroon namang gustong gusto ito.

Kapag nasobrahan ka, may hindi magandang epektong dulot sa katawan, pwedeng kang hindi makatulog o madalasang pagbilis ng pagtibok ng puso.

Kapag hindi nakatikim  pwedeng ang buong araw mo ay masira at sumakit ang ulo mo.

Katulad ng kape adik ako sa pag-ibig.

Ang kape este pag-ibig ay nanalaytay na sa aking dugo. Maaaring marami naging hindi magandang epekto sa akin ang pag-ibig pero kapag ako ay umibig para akong isang bayani na kapag nasusugatan ay lalong nag iibayo. Batuhin man  ng ibat-ibang hamon dulot ng pag-ibig di pa rin matitinag , di pa rin titigil dahil para sa akin ang pag-ibig ay hindi nagmamaliw.

Para itong isang damong sinubok ng panahon, bagyuhin man o maarawan, durugin man o sirain paulit – ulit pa rin itong tutubo sa puso ko. Hindi ako magsasawang maniwala sa hiwaga na dulot ng pag-ibig dahil naniniwala ako na ang pag-ibig ang kailangan ng bawat isa.

Maaring nasa iyo ang lahat ng karangyaan sa mundo kapag wala kang pag-ibig tila ay buhay mo ay walang kabuluhan.

Salat ka man sa lahat ng bagay kapag may pag-ibig na naghahari sa puso mo, hindi matutumbasan ng anong mang karangyaan sa mundo ang ligayang maiihatid ng pag-ibig sa buhay mo.

Pag-ibig mayroong dakila mayroon ding huwad. Pero syempre ang nais ko  ay ang tunay na pag-ibig.

Pag-ibig na marunong magparaya, umunawa , hindi nakakasakit, hindi nagagalit, kayang mag tiis, hindi makasarili.. mapagpatawad…katulad ng pinakadakilang biyaya sa atin ng Diyos …

ang Pag-ibig nya.

Dahil ang Diyos ay pag-ibig.

Unang Sulat sa mga Taga-Corinto 13: 1-13:

Ang pag-ibig ay matiisin… may magandang loob;… hindi nananaghili, hindi nagmamapuri, hindi palalo; hindi lumalabag sa kagandahang-asal, di naghahanap ng para sa sarili, di nagagalit, di nag-iisip ng masama; hindi natutuwa sa kasamaan, ngunit ikinagagalak ang katotohanan…

At katulad ng kape hindi pa rin ako magsasawang tumikim nito. Kaya  sa mga mahihilig sa kape… pakape ka naman dyan😉

****

ito pala ay lahok ko sa patimpalak ng nag iisa kong lolo sa mundo ng blogsperyo para sa iyo ito lolo jkuli


91 Responses to “PAG-IBIG”


  1. Agosto 5, 2010 bandang 11:02 umaga

    Ang galing, isa na namang interpretasyon ng pagibig ay kape. “Pag-ibig” topic is not bad after all. =)

  2. Agosto 5, 2010 bandang 11:18 umaga

    Masama rin ang kapeng sobrang init. Nakakapaso. hehe🙂

  3. Agosto 5, 2010 bandang 11:31 umaga

    Kape, sa paglunok may tamis, may pait..may tinitimpla.

    Hindi nagmamaliw, walang galit…huwad.

    Adelle, mahal kita.

    Salamat

  4. Agosto 5, 2010 bandang 12:19 hapon

    kaya pala adik na rin ako sa kape ngayon hehe..
    gudluck ate sa pag-ibig mo sana’y makatagpo ka na rin ng totoong pag-ibig na pang habang buhay..:)
    lablab..
    lovely

  5. Agosto 5, 2010 bandang 1:00 hapon

    Pabisita Miss Lambing. Talagang maselan din ang pag-ibig…may tamang timpla parang isang napakasarap na kape.

  6. Agosto 5, 2010 bandang 2:24 hapon

    wow ang galing😀 tsaka me linyang magkatulad tayo? ang Diyos ay Pag ibig🙂 paborito ko ang kape at hindi ako nakukuntento sa isang tasa lol pero kung pag-ibig ang pag-uusapan, iisa lang ang aking tasa para dyan

    • Agosto 5, 2010 bandang 5:12 hapon

      dahil dun naman talaga nag mula ang pag-ibig kaya ko naidagdag jong😉

      ako din nakaka dalawang tasa sa isang araw isa sa umaga isa rin sa gabi

      at kapag usapang pag-ibig naman nag lalaan din ako nag iisang atensyon para sa kape ng buhay ko😉

  7. Agosto 5, 2010 bandang 6:44 hapon

    ay hnd ako umiinom ng kape =(
    pero dahl tama ang interpretasyon mo iinum nko ng kape jowk ehehhhe,,

  8. Agosto 5, 2010 bandang 7:59 hapon

    isang decaf nga jan ate lambing!!
    ingats!

    ganda neto!😉

  9. Agosto 6, 2010 bandang 2:58 umaga

    pareho tayo🙂 adik din ako sa kape sa parehong paraan na adik din ako sa pag-ibig ^^

  10. Agosto 6, 2010 bandang 12:17 hapon

    maaari po bang makahingi ng kahit kaonting kape nyo ?:)

  11. Agosto 6, 2010 bandang 12:55 hapon

    wow parang ang sarap ng kape…gusto ko bitter sweet na timpla…hehehehe

    ganda ng pagkakapaliwanag at pagkumpara sa kape at sa pag-ibig…umaapaw ng kape dito…yuhooooooo!!!! este pag-ibig pala..:-)

  12. Agosto 6, 2010 bandang 3:24 hapon

    ina’t iba poh talaga tayo ng interpretasyon sa pag-ibig noh ms. lambing? hehe sainyo kape kay beef tapa ay sinigang naman, sinigang na bangus sa miso🙂 hehe

    padaan din poh🙂

  13. Agosto 6, 2010 bandang 6:29 hapon

    ay my friend tama… ang kape masarap kapag mainit kasi kapag lumalamig na kahit sobrang sarap di mo na iinumin pa… saka dapat sakto lng ang timpla…

  14. Agosto 6, 2010 bandang 7:03 hapon

    haha, kape naman pala.. tama, sana sakto ang timpla, para sakto ang lasa..😉

  15. Agosto 7, 2010 bandang 12:34 umaga

    matibay na sandata ang pag-ibig mo miss lambing.
    maganda yan. kakaiba. mas masaya.

  16. 40 lipadlaya
    Agosto 7, 2010 bandang 6:23 umaga

    me libre bang kape dito? hehehe… pero ayos yung interpretation… kape at pag-ibig,, parehong nakaka adik,,, hehehe.

    parang puro ako hehehe,, exchange link na lang tayo para masaya,, hehehe

    http://lipadlaya.wordpress.com

  17. Agosto 7, 2010 bandang 1:48 hapon

    nice analogies and object lessons ate lambing
    peyborit ko din ang buong chapter na yan sa book of Corinthians

    kagaya ng pag-ibig ng Diyos kung ito ang maghahari sa atin, wala ng magiging dahilan pa para may masaktan.

    be blessed po!

    without sugar ako ate lambing wait ko kape ha.

  18. 44 joan
    Agosto 7, 2010 bandang 1:52 hapon

    ate lambing, gumaganun ka ah.. ayie.. kape kape ka pang nalalaman. ehem
    Gudluck sa contest!! di ako nakasali kase wala akong blog😦
    nakakalungkot. anyway malapit na. hehe. magbblog na rin ako.
    miss ko na kayong lahat!🙂

    • Agosto 7, 2010 bandang 2:23 hapon

      dapat sumali ka.. gawa na now na.. gusto kong mabasa ang pag-ibig ng batang late.. soska late ka nanaman san ka ba nag sususuot..

      miss ka na rin namin

      lalo na ako..

      yun isa miss ka na rin nun😉

  19. Agosto 7, 2010 bandang 4:08 hapon

    pareho tayo ng pananaw. dapat talaga sakto lang ang timpla ng pag-ibig. hindi matamis. hindi mapait. swabe lang talaga.

    kapeng barako, meron ka ba lambing? :p

  20. Agosto 7, 2010 bandang 4:56 hapon

    NAMARKAHAN KO NA!

    una maganda sapagkat sumunod ka sa pangunahing panuntunan na pag gawa ng SANAYSAY (essay) hindi ka nalito sa kung ano ang sanaysay vs kwento…

    maaring sumobra ka sa itinakdang bilang ng mga salita, ngunit bukod don wala na akong makitang iba pang dahilan para ikaw ay matalo.

    salamat

  21. Agosto 8, 2010 bandang 8:06 umaga

    tama.. parang kape nga ang Pag-ibig
    katulad ng kape ko sa maghapon
    *ako dapat ang nagtimpla
    *dapat mejo mapait, yung magigising ang bawat senses ko sa tapang ng timpla
    *hindi ako kontento sa isang mug lang.. (may koneksyon ba sa pag-ibig to?..🙂
    *hindi ako pang starbukcs, Nescafe ako since birth!!

    ate.. ang dami mong Pag-ibig.. penge naman kahit isang higop lang..

    • Agosto 9, 2010 bandang 10:10 umaga

      @ leemi
      ..pareho mahilig din ako sa medyo mapait kasi kapag matabang hindi ako nagigising haha parang inulit ko lang naman yun sinabi mo diba diba?

      … pareho uli tayo.. sa isang araw nakaka 2 mug ako.. ( at sa tingin ko walang koneksyon pag dating sa pag-ibig ko yun dahil ako kontento na sa iisa haha)

      … apir uli tayo ! nescafe ang brand ko at dipa ako nakapasok sa starbucks na yan😳 ikaw nga yata ang nawawalang kapatid ko… waaaaaa hug mo ko yung mahigpit !!! napunta kaya tatay ko sa batangas noong araw?😆

      >>> ang pag-ibig hindi pinagdadamot .. ask and you will receive.. ipagtitimpla kita kalahati hating kapatid tayo hihi lablabsyuuu leemi

  22. Agosto 8, 2010 bandang 11:55 umaga

    Hello po! magandang personification po ang ginawa nio sa poste na ito. Mahilig din ako sa kape at kung pag-ibig naman ang paguusapan, gusto ko din ung sakto lang ang timpla.😀

    Nagbigay po ng puntos. Salamat! ingat.

  23. Agosto 8, 2010 bandang 12:27 hapon

    Ang adik… hehe. Kasi ako adik sa kape. Mapait, minsan may konting asukal o kaya ilang patak ng gatas. Pero kapag nagmamadali 3-in-1 pwede na! Three cups a day keeps the doctor away. LOL

    Seryoso na nga… salamat po Ate Lambing sa pagbisita sa lungga ko. Hehe… Pero di ako mahilig sa mamahaling kape. Nanghihayang ako. Basta may connection sa love din yang comment ko. :]

    • Agosto 9, 2010 bandang 10:21 umaga

      @ taga bundok

      lol ano naman connection sa pag-ibig nun three cups a day na yan ha? hehe

      walang anuman yun… salamat din sa pagdalaw dito

      ako din.. simple lang ako at ilang ako sa mga mamahalin😉

  24. Agosto 8, 2010 bandang 2:19 hapon

    ganda naman nito at inihambing mo sa kape, ang paborito kong kape. saglit timpla muna ako ng kape

  25. Agosto 9, 2010 bandang 12:40 hapon

    maki-kape narin ako..wala na kong masabi..hahaha

  26. Agosto 9, 2010 bandang 1:59 hapon

    ang sarap ng kape mo. tunay ka ngang naglalambing.

  27. 66 Sphere
    Agosto 9, 2010 bandang 8:09 hapon

    nahilo na ako sa dami ng poste about PAGIBIG merong sinigang meron kape patambay po muna magbabackread na lng muna ako🙂

    coffee please dalawang 3in1 sa isang cup try mo masarap🙂

  28. Agosto 9, 2010 bandang 10:43 hapon

    Ai sarap tlaga pag pag-ibig na ang pag-uusapan pra bang gusto kung ipatigil muna ang mundo pra pag-ibig nlng lahat….😀 I want love and that makes me happy..!!

    Nakikiraan lng po… Pwede po bah makipagkaibigan kung pwede paki add nlng sa friend list mo sa ung blogroll sya nga pala na add na kita sa friend list ko… Salamat….😀

  29. Agosto 10, 2010 bandang 4:59 hapon

    NADAAN SI YIN. NAGBASA. NAGHANAP NG KAPE. KULISAP MAGBABAYAD KA NG MAHAL. DALHIN MO KO SA TUKTOK NG SUSONG DALAGA.

    NA-RATE KO NA. DI NA KO KOKOMENTO.

    (GANITO LAHAT NG KOMENTO KO SA ENTRIES. ANG IMPORTANTE MABASA AT MAINTINDIHAN KO YUNG KUWENTO AT MA-RATE NG MAAYOS AT MATAPOS BAGO AKO HIMATAYIN SA GUTOM, HAHAHA)

    ate adelle!! hehehe. enge kape!!

  30. Agosto 10, 2010 bandang 7:41 hapon

    like dahil mahilig ako sa kape.muntik na kong di makarating dito para mag koment.

    ang kape,dahil mayroon syang caffeine ay ‘di nagpapatulog,nagpapabilis ng tibok ng puso,nagmamantsa sa damit kapag natapunan ka,mahabang proseso dapat ang pagdaanan bago sumayad yun sa ating mga labi.

    at oo,parang pag-ibig talaga.

    dalawang like.

    tatlo na pala.

  31. Agosto 11, 2010 bandang 11:06 umaga

    Alam kong ikaw ay abala, pero nais ko pa ring ipaalaala na hanggang Agosto 12,2010, 11:59pm ang pagpapasa ng iyong marka,

  32. 80 jex009
    Agosto 11, 2010 bandang 3:17 hapon

    Walang halong pambobola. “Nalasahan ko ang pag-ibig mo.”

    salamat sa kape.😀

  33. Agosto 11, 2010 bandang 4:56 hapon

    napaisip ako bigla…..kanina dumako ako sa blog ni joyo, ang pag ibig sa kanya ay isang sinigang na bangus sa miso….at sau naman lambing ay isang kape….sakin kaya?…. hmmm….wait mag iisip ako…ipopost ko sa blog ko..nakiuso ba..hehehe….

    napadaan lang ako…..

    isang magandang kwento…..

    ingats…..

  34. 84 Abe
    Agosto 12, 2010 bandang 7:11 umaga

    Gandang araw po. ang sarap nga naman ng kape, , hehe….copy-paste ako sa Unang Sulat sa mga Taga-Corinto 13: 1-13: nagpapatunay lamang na ang DIYOS ay pag-ibig. parang kape sa umaga, mainit, masarap igupin at ulit- ulitin hehe..wish kolang makita muna rin ang tuany mong pag-ibig. yong lalaking may takot kay Lord, para yong pag ibig sa unang Corinto ay hindi mawala ang (kape) ay mali… init ng pag ibig pala.. hehe.. pero tulad mo, madalas din sabihin ng wife ko LAMBING LANG ANG KATAPAT MO.. like it.

    Napadaan lang po. madalas kasi kitang makita na naka park sa bahay ni panyero.
    salamat…

    • Agosto 12, 2010 bandang 9:43 umaga

      hello po sa i nyo.. hihi napapansin pala ang pag gala ko sa panyero toinks

      tama tama po.. sana makita ko na sya at makita na rin nya ako ayiiii

      lahat naman po tayo Lambing Lang ang Katapat hihi

      salamat po sa pag daan natutuwa po ako sa pag parito nyo😉

  35. Agosto 12, 2010 bandang 6:13 hapon

    nawindang ako hayuuuffff!! hehehe at pano pag lalamig na ang kakape pakukuloan ulet? lol wala lang this was a sweet post.. kung ikaw ay malambing ako nman nakikiemote ako sa blog mo LOL hehehe

  36. Setyembre 14, 2010 bandang 5:59 umaga

    ♥isa sa mga paborito kong bersikulo sa Bibliya.. ;)♥

  37. Setyembre 8, 2013 bandang 4:40 hapon

    magandang ipamahagi sa lahat ng umiibig ,,,,.,.,,,><


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2010
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: