18
Aug
10

6’7

Gabi inaaya ako ng kaibigan ko mag punta ng Baguio para sa isang mahalagang bagay, namatay daw yun cousin nya. Dahil wala akong budget at may work ako hindi ko sya pinaunlakan sabi ko next time nalang. Madaling araw may tumatawag sa cp ko sabi ” sis sige na samahan mo nako wala kong kasama masama pakiramdam ni mama at may sakit ang pamangkin ko wag ka mag alala ako na lahat bahala sa pamasahe sunduin kita  mamaya.”

Anak ng pitong gatang

  • ni hindi pa ako nakakapaghilamos,
  • nakakapag paalam sa boss ko,
  • ang gamit ko wala pang naayos ano dadalhin ko?
  • Anong outfit ko?????
  • uminom pa ako ng biguerlai kagabi paano kung abutin ako sa daan nun?
  • last day ng queen seon deok di ko mapapanuod si bidam my labs

Nakaka stress yung kaibigan ko. Madali’t sabi nag paalam ako sa boss ko pumayag naman na mag leave ako ng 3 days . Ang kaso lang eto dami ko pa naiwan na trabaho sa office, buti nalang mabait yun office mate ko at pumayag humalili sa ibang gawain ko.

Yes! makakapasyal ako, pero di ako nakapaghanda kung ano ano nalang ang inilagay ko sa bag ko isang jacket lang tapos sandal na manipis ang strap . Sabi nya mag rubber shoes nalang daw ako kaso di bagay yun rubber shoes ko sa skinny jeans ko wata na yan kaya tsinelas at sandal lang talaga ang baon ko. Alas dose alis na daw kami anu ba yan.

Halos 10 oras ang byahe 7 hours from isabela  to Urdaneta Panggasinan at 3 hours hanggang Baguio. Ordinary bus kasi nasakyan namin kaya medyo mainit pa tapos  medyo hindi maganda ang kulo ng tyan ko humihilab yata dahil sa  slimming tea na ininom ko.

Pag sakay namin ng urdaneta  aircon bus ang sinakyan namin sobrang ginaw naman. Brrrrrrrr gininaw ako sobrang lamig hindi ko alam kung saan ko isisiksik ang kamay ko  buti nalang medyo naaaliw  ako at may tv sa bus yihiii mapapanuod ko ang ending ng queen seon deok sabi ko sa isip ko medyo malayo layo pa naman ang Baguio, kaya tyaga tyagaan kong  pinanuod  lahat ng teleserye sa siete bago mag queen seon deok akalain mong isang teleserye nalang pinatay nung kundoktor yung tv😥 its so amperrrrr.

Kinabukasan naglakad naman kami sa kahabaan ng session road napigtas naman  yung sandal ko anu ba yan so nilakad ko ang buong session road na pigtas yung isang strap ng sandal ko,  iika ika ako mag lakad sa kahabaan at ganong kataong lugar, buti nalang hindi ako kilala dun.. so nag hanap ako ng mga shoe store dapat mura lang kasi wa budget ang beauty ko punta kami sa ukay ukay pero mas mahal pa sa  brand new  kaya alis agad ang lambing sa ukay -ukayan.

ang daming tao sa session road

Nakakita ako ng footstep may SALE . May napili na ko sandal din mahal kasi ang rubber shoes eh kaya worth 170 yung napili ko.  Sabi ng friend ko eto oh black shoes  ang mura , yan nalang sis para pag uwi naten di kana ginawin 30 pesos lang naman eh. Nag isip ako medyo hindi ko trip yun design di ako sanay mag suot ng flat shoes 30 daw pero  mura nga .. so tinawag ko yun sales lady miss  etong 30 nalang wag na ito,  pengeng size 7 nito. Tinignan ako nun sales lady…

sales lady : ma’am eto pong 30 ? Okey lang po sa inyo?

Lambing : Oo yan nalang mura eh, saka napigtas lang kasi tong sandals ko kaya yan nalang .

Sales Lady : ( tumitingin pa din samin ng friend ko.) Okey lang po ba sa inyo kahit mag kaiba ang size? 6 at saka 7 konti lang naman po ang difference.😆

6 & 7 halata ba?

Oo binili ko yung shoes una sa lahat mura care ko kung tawanan ako nun mga sales lady dun, pangalawa ayoko na ginawin pag uwi ko.😆


21 Responses to “6’7”


  1. 1 shea
    Agosto 18, 2010 bandang 1:38 hapon

    wow 6’7… tara ate, dito ka naman sa manila, samahan mo ako..nyahaha…

  2. Agosto 18, 2010 bandang 9:47 hapon

    hahaha!hindi naman halata eh.

    oo halata!hahaha!

    teka kasi,30 pesos lang naman so hindi masyadong issue kung mas malaki yung isa.

    besides,baka may kumuha rin ng 6’7 na size kaya ayan ang natira talaga para sayo.

    • Agosto 19, 2010 bandang 10:00 umaga

      @ duking

      hahaha ano ba talaga halata o hindi hihi

      oo nga no? iniisip ko rin usually may damage kapag sale hahaha

      di ko iniexpect na mag kaiba ang size haha pero okey carry lang hihi buti nalang hindi 6’9 toinks!

  3. Agosto 18, 2010 bandang 9:53 hapon

    Hahahaha… Nakakatawa nman itong post mo lambing… okie lng yan bsta may naisuot kaysa sa wala.. :D… Kaya nga sa susunod dpat girl scout kana dapat… Laging handa…😀

  4. Agosto 18, 2010 bandang 9:56 hapon

    kaya pala 30 kasi walang kaparehas na size! hehe.. nadaan sa salestalk.. hehe

  5. Agosto 19, 2010 bandang 2:47 umaga

    HAHA! ang kulet naman. alaala ng Baguio yang pares ng sapatos na ‘yan. cool!

  6. Agosto 19, 2010 bandang 3:26 hapon

    Ayos…solve ang problema…mura pa(di na pansin yung difference ng size). I miss Baguio…kaya lang haba ng biyahe…parang SF to Pinas.

  7. Agosto 19, 2010 bandang 7:16 hapon

    komportable naman bang isuot ate lambing? hindi ba naman mahigpit at maluwag ang isa be blessed ate lambing ko!

  8. Agosto 19, 2010 bandang 9:29 hapon

    Carry mo teh?! haha. 6’7 nga. lols.
    Nga pala ate pa update ng link ko. eto na ang aking bagong blog. maraming salamats!🙂

  9. Agosto 20, 2010 bandang 12:50 hapon

    Hahaha! Talagang dapat iblog ang mga ganitong adventure!🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2010
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: