21
Aug
10

ang benda, kaibigan, pag-ibig at iba pa

Kung gaano ka zero ang lablayp ko kabaligtaran naman sa pag kakaroon ng maraming kaibigan. Im blessed with friends. Kung lalaki lang siguro ako mapagkakamalan akong babaero kasi kaliwa’t kanan ang gustong makipagkita saken na girlfriends ko, minsan nagkakaselosan pa sila. Ngayon nauunawaan ko na ang kalagayan ng kaliwa’t kanan ang karelasyon kapag sabay sabay itong humiling na makipag date sa parehong araw.

Hindi naman sa pag mamayabang ewan ko ba kung bakit adik na adik yung isang kaibigan kong makasama ako, magkasama lang kami nag bakasyon gusto nanaman ako makita kung lalaki lang ako malamang buntis na yun kasi madalas  kami mag katabi matulog😆 Kaya minsan nagseselos ang matalik kong kaibigan dahil hindi na kami madalas magkasama, paano naman kasi may pamilya na sya kaya syempre mas priority na nya ang pamilya nya at nauunawaan ko naman yun.

May nag text saken..

friend 1 : ” sis punta ka dito sa amin dito ka na matulog”

Lambing: sige mamaya after office hour

Bestfriend : Best punta ko now dyan sa inyo.

Lambing: Best dito ka ba matutulog saken? miss yu na..

Sino ang pag bibigyan ko? Pag dating ni best sa office..

Lambing: san ka matutulog?

Bestfriend : uuwi ako.. sama ka nalang saken punta tayo kay friend 1

Lambing : ( smiling problem solved)🙂

Magkasama kaming tatlo at syempre ang topic? PAG-IBIG nanaman. Minsan nakaka drain din mag bigay ng advice sa kanila nakikinita ko pareho lang kami ng problema, napagdaanan ko na yun pinag daanan nya.

Friend 1: Mahal daw nya pero mali.

Sabi ko kapag mali mali. Eh masaya daw sya dun, mas hindi nya kakayanin kapag nawala eto. Sabi ko basta know when to stop.. dapat may limit marunong ka mag control.

Friend 1: Magpaanak nalang kaya ko sa kanya?

Napaisip ako dun ah..Sabi ko huwag! Kawawa lang yun bata sabi naman nya at least sa mahal ko.  Bakit nung ako nag iisip na ganon din ang gagawin ko okey lang saken  pero pag si friend na ang nagsalita parang may mali dun sa sinabi nya. Hindi ko ma justify yun sagot kasi ako din sinabi ko na sa kanya yun. Tama nga siguro ang sabi nila na kapag umiibig ka nabubulag ka.

Lambing: Kung san ka masaya yun ang sundin mo? Basta dapat may limit. Kasi kahit naman pigilan kita susundin mo ba yung sasabihin ko?

Bestfriend: Kung san sya masaya? bakit ako masaya doon hindi mo ako sinusuporthan?

Lambing: Paano mo susuportahan ang mali? Basta ako sinasabi ko sayo na mali, pero hindi ibig sabihin nun na kagagalitan kita. Kasi ikaw gagawin mo parin yun gusto mo , hindi ka makikinig pero tandaan mo..

” kapag mahal ko hinahayaan ko sa gusto nya.. mapapagod lang ako kasasaway sa kanya ,, masasaktan.. pero kapag nasaktan sya.. dito lang ako sasalo at yayakap sa kanya kapag kailangan pa nya ko .”

Minsan ang hirap din mag advice kasi ako sa sarili ko, hindi ko rin alam kung ano i aadvice ko sabi nga dapat practice what you preach..

Minsan ang magmahal ng tao  sa maling panahon  ay  parang pagsuot ng benda… alam mo sa sarili mo na kailangan mo ito, hindi mo kaya kapag wala ito..  kasi kumportable kang suot suot ito, pero alam mo din sa sarili mo na hindi habang buhay suot mo ito. Kapag may pilay ka pa huwag mo munang pilitin  tanggalin , kasi baka lalo lang hindi ka gumaling.. learn how to wait.. kasi lahat ng ng pilay at sugat naghihilom din.


13 Responses to “ang benda, kaibigan, pag-ibig at iba pa”


  1. Agosto 21, 2010 bandang 6:36 hapon

    Wow aus ng post mo huh… Na touch ako sa last paragraph mo… Tlagang totoo yan learn to wait din, learn to be patience dadating at dadating din ang oras pra sa lahat ng mga kinakailangan mo.. Yung mga pangarap mo… Pero yun nga ang sabi ng Diyos kailangan din ng “Gawa”…😀

    Nakikiraan link exchange tayo miss lambing… Na add na nga pala kita… Salamat…😀

  2. Agosto 21, 2010 bandang 7:08 hapon

    basta know when to stop.. dapat may limit marunong ka mag control.

    nakaka relate ako dito..

    seryoso totoo naman yan …

    mabuti yung mga payo mo..

  3. Agosto 21, 2010 bandang 8:42 hapon

    Practice what you preach. ehem. wula lang. hehe.
    Feeling ko isa ako sa BEEEEEEEST Friends mo. nakakarelate naman ako sa ilang sinasabi mo sakanila.😀 hehe,. mwaaaah!!

    Ang solusyon? WAG NANG UMUBIG! TAPOS! WALANG PALIPALIWANAG! =))

    • Agosto 23, 2010 bandang 10:47 umaga

      @ joan

      awww awwww kasasabi ko lang sa kabilang comment section ayunnnn practice what u preach daw hahayzzz

      hindi ka isa sa best ko pwede ba??? kase ikaw ay anak at kapatid / friend ko rolled into one oh san ka pa?? mwaah!

      tama.. tama minsan tama rin yang sinasabi mo eh WAG NA UMIBIG . TAPOS! lolz ang bitter😆

  4. Agosto 21, 2010 bandang 9:26 hapon

    mirror image din kasi yung mga kaibigan minsan.importante sa atin yung tingin sa kanila ng iba.thats why nagpapayo tayo sa kanila ng magagandang payo,kahit pa nga minsan,hindi rin natin mai-apply sa sarili natin.

    kamusta na adel?

    magandang araw!

  5. Agosto 23, 2010 bandang 2:39 umaga

    ang sarap mo namang maging kaibigan lambing🙂

    ako kasi, madalas nanghihingi ng payo sa friends ko tas sila naiinis lang kasi daw di ko naman sila sinusunod. tas away away away na kami. tas oks na ulit. masarap mainlab pero mas masarap ang feeling na madami kang kaibigan na nagmamahal ^^

    • Agosto 23, 2010 bandang 10:50 umaga

      @ jec

      haha ganon talaga… pasaway ang mga kaibigan eh.. kaya kapag ikaw ang nakakaunawa .. unawain mo sa abot ng makakaya mo.. wag kang bibitiw..

      tama mas masarap yun maraming kaibigan sa tabi mo😉

  6. Abril 6, 2011 bandang 11:51 umaga

    MISS LAMBING… TINAMAAN NA NAMAN Q SA WEB. Mo,,, HuHUH heheheh pero nakakatuwa nkikita q sarili ko sa mga post mo.. GALing mo tlga,,, more power teh! god bless yoU!!

  7. Abril 25, 2014 bandang 2:29 hapon

    Reblogged this on jontilla20 and commented:
    nakakalakas ng loob


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2010
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: