04
Sep
10

utang ng ina mo!

May tatlong babae nag uusap..

Girl 1: Hay… sana mag bayad na yung classmate ko sa utang nya ….😦

Girl 2: Sana makasingil na ako sa mga pautang ko sa opisina..

Girl 3: Makapag tago na nga… sana huwag akong singilin ng mga pinagkakautangan ko😆

Kung may pinakamabilis na papasuking business iyon siguro ang pag papautang. Basta may pera ka tyak makakapag pautang ka.  Dito sa Pilipinas kong mahal usong uso ang utangan, andyan si DJ bumbay 5’6 , lending companies, appliances , damit, pera, sa tindahan ni aling nena,  kapit bahay mong nagtitinda ng  langonisa, avon , pati nga pag aabroad pwede rin utangin  fly now pay later.

Kahit saang lupalop dito makakahanap ka nyan,  yun nga lang ang iba halos kalahati ng inutang ang interest, napakalaki ng patong at dahil sa walang choice yun tao kakagatin naman yung offer para may pantawid gutom. Ang masaklap pa nito kung sino pa ang mga walang trabaho yun pa ang malalakas ang loob mangutang, utang dyan utang doon, uutang sa kabila para may pang bayad sa kabila hanggang sa magkapatong patong na at hindi ka na makaahon.

Nakakaenganyo nga naman kasi mangutang sa isang iglap lang may pera na at mabibili na ang gustong bilin, pero kapag dating na ng bayaran doon na nagkakaroon ng problema kasi yung perang inutang hindi ginamit sa tamang paraan. Para lang itong pag-inom ng alak sa umpisa makukuha mo yung gusto mong tama ma ha high ka pero kinabukasan humanda ka sa hang over.

May mga tao kasing mahilig mangutang, basta may mauutangan sige kuha dyan kuha dito, kahit mura pa ang paninda kung isang tambak naman ang inutang nya at mas malaki pa yung inuutang  kaysa kinikita nya at kapag panahon na ng bayaran nakow!!! Halos hindi mapakali kung saan kukuha ng ipangbabayad sa mga kinuha nya.

Hindi naman masamang mangutang lalo na at gipit ang tao, ang magpapautang ang syang nagbibigay pag – asa sa mga gipit na tao. Saludo nga ako sa mga nag papautang ng walang interest kasi binibigyan nila nang pagkakataon yung taong makaahon sa problema nila.

Nagiging problema lang kapag inabuso na ito ng tao, pinahiram ka na nga gagamitin mo pa ito sa luho, ipangsusugal, inom at kung ano ano pa lalo lang  ito malulugmok kapag yung hiniraman eh may interest at mataas ang patong.

Hindi mo rin naman masisisi ang iba, sa hirap nga naman ng buhay ngayon.. sino ba ang hindi nangutang? Pero sana lang matutunan din natin maging responsableng mamamayan. Ang simple lang naman..kapag wala kang pambayad huwag ka nang mangutang. Kasi kawawa  din naman yung napangakuan mo, at malay mo yun lang din ang hanap buhay nya, at kapag dating ng singilan hindi ka na mahagilap at kung medyo makapal pa ang mukha mo  ikaw pa ang mang bubulyaw doon sa naniningil.. kawawang nilalang. Unaunahan lang yan eh mabuti sana kung mabait yung inutangan mo malay mo ikaw naman ang bulyawan ng .. ” MAG BAYAD KA NA NG  UTANG NG INA MO!

Hay nako ang gulo sa earth! yung mga ganitong problema nagkalat lang sa paligid, lalo na sa mga hikahos sa buhay, maaring hindi ganito ka simple ang problema ng mga mayayaman pero mayron din silang version nito yun nga lang sosyal pakinggan ang credit card ekek na yan at take note million million naman ang usapan dyan.

Paano ka ba makakaahon sa ganitong sitwasyon?

There are plenty of ways to get ahead.  The first is so basic I’m almost embarrassed to say it:  spend less than you earn.

~Paul Clitheroe

  1. Siguro tamang pag gamit lang ng pera, wala kang kinikita huwag kang mangutang.
  2. Kung may trabaho ka, huwag gumastos ng malaki kaysa sa iyong kinikita.
  3. May kasabihan na matutong bumaluktot habang ang kumot ay maigsi.
  4. Kung gusto mo makamit ang mga bagay bagay na ninanais matutong mag banat ng buto.
  5. Matutong makuntento kung anong meron tayo.
  6. Sipag at tyaga.

Philippians 4:11-13
For I have learned to be content, whatever the circumstances may be. I know now how to live when things are difficult and I know how to live when things are prosperous. In general and in particular I have learned the secret of eating well or going hungry of facing either plenty of poverty. I am ready for anything through the strength of the One who lives within me.

Lahat naman nadadaan sa panalangin pero lahat ng pinapanalangin kailangan sinasamahan din ng gawa.


27 Responses to “utang ng ina mo!”


  1. Setyembre 4, 2010 bandang 2:43 hapon

    base!

    simple lang… eh di wag ka magpautang! period! ^^

  2. Setyembre 4, 2010 bandang 3:44 hapon

    ate lambing ako pag nag pautang ako, nahihirapan akong maningil sa totoo lang..

    T_T

  3. 5 myfilthyroom
    Setyembre 4, 2010 bandang 6:23 hapon

    aray! sapul ako dito..
    padaan po miss lambing..

  4. Setyembre 5, 2010 bandang 5:52 umaga

    nung bata pa ko, umuutang ang lola ko sa 5-6 pag wala pang padala si mommy. ayun, nakaraos din maski papano.

    sang-ayon ako sa’yong dapat walang interes pag nagpapautang ka. muka kasing pinagsasamantahalan mo yung taong umuutang; wala na nga siyang pera, tutubuan mo pa. naniniwala akong doble karma ang balik sa’yo pag ganun kasi ginugulangan mo ang kapwa mo. kaya ako, pag nagpapautang ako, walang interes.

    at ang kulet ng dj bumbay mp3 mo. lols!

    p.s.

    ngayon ko lang napansin. nasa haydol list mo pala ko? hanggaleng naman. salamat lambing! haha!

    • Setyembre 7, 2010 bandang 9:40 umaga

      @ lio

      ganon din ako.. ayoko din mag pa interest kapag nagpautang.. tutulong na lang ako kase takot ako kay Bosing .. sa kanya nanggagaling ang pag papala hehehe… lio pwede pautang? haha

      natutuwa kasi ako dyan sa mp3 na yan eh hahaha

      P.S din

      empre haydol eh😳

  5. Setyembre 5, 2010 bandang 4:10 hapon

    hi lambing…..

    napadaan ulit…..

    ako man pag nagpaputang ako pero alang interes ha….Hinihintay kong kusa syang mag bayad….kasi nahihiya akong maninigil….

    I agree dun sa sabi mo na “Kung may trabaho ka, huwag gumastos ng malaki kaysa sa iyong kinikita.”

    based on my co employees experience, they spend more than nung sahod nila, at nag kabaon baon sila sa utang. Dito sa UAE my mga banks na kapag na delay ka ng payments at hindi mo sinsagot yung tawag nila dadamputin ka ng mga police… To give you lesson, ikukulong ka nila for 2 – 3 days, tapos ihaharap ka sa trial court at kukunin ung passport mo tapos mangangako kang pay them in exact time….

    kaya lang habang my utang ka sa knila, wala kang lusot and hindi ka makakauwi sa pinas. Mahigpit dito kaya maraming natatakot mangutang….

    napdaan lang po….

    sa uulitin…

    mwahs….

    • Setyembre 7, 2010 bandang 9:46 umaga

      @ passingby

      pwede pautang? haha

      pareho tayo.. noon kabataan ko nanay ko kasi mabait nag rarasyon ng pagkain pinapautang nya sa opisina.. kapag dating ng maniningil na pahirapan.. tapos nakasimangot pa kapag sinisingil waaaa kaya nag aaway kami ng nanay ko kapag inuutusan akong maningil nahihiya akong mabulyawan na trauma ba..

      nakooo ang hirap naman dyan.. pero gusto ko pa rin pumunta dyan ahehe

  6. Setyembre 6, 2010 bandang 1:52 umaga

    Very timely ang post mo Lambing. Ang anim na tips ay sapat na sa akin para maging maayos ang pag manage ng finances at puwede pang tuloy-tuloy na ituro sa mga anak. Ang isa rin na di magandang ugali ay ang kasabihang ‘Keeping up with the Joneses'(pero covered na rin ito ng number 5). Ayos ito…salamat. God Bless!

  7. 13 katrinadanieles
    Setyembre 6, 2010 bandang 4:27 umaga

    note to self: kapag mangungutang, wag kay lambing. ^^ heheh. joke lang.🙂

    nahihirapan ako sa ganitong issue eh kasi nagpapautang ako pero di ko naaalala kung sino at magkano pinautang ko, pagkatapos umuutang din ako, di io rin naaalala na may utang pala ako. heheh

    sigur, dapat diyan, iklasro taalaga kung kelan ang bayaran.🙂 heheh\

    magandang araw lambing!🙂

    • Setyembre 7, 2010 bandang 9:43 umaga

      @ kat

      … actually wala akong ipapautang kahit mangutang ka saken haha, ang purpose talga nitong blog na ito para may magpautang saken haha toinks joke lang

      … tama tama kase naman kahit san ako malingon ganyan ang issue ng probs… hay nakooo nakooo

      magandang umaga din sayo binibini😉

  8. Setyembre 6, 2010 bandang 12:46 hapon

    Hay usapang utang. Ang dami kong utang. Huhuhu

  9. Setyembre 6, 2010 bandang 1:58 hapon

    ang utang nakakalimutan pagbayaran na….

  10. Setyembre 6, 2010 bandang 2:34 hapon

    korek ka d’yan. napakasarap mangutang pero pahirapan na sa pagbayad. Mas masarap pa rin matulog ng walang iniisip. kaya dapat bago isipin ang mga materyal na bagay, isipin muna kung may uulamin na ng isang linggo dahil tingin ko un ang mas importante. mas masarap mangarap ng busog hehehe…
    🙂

    • Setyembre 7, 2010 bandang 9:52 umaga

      @ alingbaby

      yun nga eh.. kapag patong patong ang inutang ang hirap nung matutulog ka sa gabing binabagabag ka ng mga babayarin mo haaaayyyy

      parang ganito lang yan eh… bilhin ang kailangan at hindi ang gusto..

      tama tama haha mahirap nga naman mangarap ng kumakalam ang sikmura hehehe

  11. Setyembre 6, 2010 bandang 8:31 hapon

    do not spend more than what you earn. ang lipunang marunong gumastos ang siyang lipunang maunlad.

    dahil baon ang gobyerno natin sa utang,ganun din ang mamamayan.sinasalamin natin ang ating gobyerno.sinasalamin din tayo ng ating gobyerno.

    kung sana lang,mas pagtutuunan natin ang pagtulong kaysa pagpapahirap sa pagbabaon sa kapwa natin sa utang,mas masarap ang magbayad ng utang na loob.

    adel,pwedeng pautang?

  12. 23 Dorm Boy
    Setyembre 6, 2010 bandang 10:04 hapon

    I follow 70:20:10 rule.

    70% ng takehome pay ko panggastos sa daily needs, rent, load, internet and lahat ng pagkakagastusan.

    10% sa offering sa church, charity, panglibre.

    20% for my savings. Sana lahat tayo marunong magsave.

    Sana maging debt free tayo by following 70:20:10.

    • Setyembre 7, 2010 bandang 9:56 umaga

      @ dormboy

      ang galeng naman ng 70:20:10 rule mo

      daming expenses no?? pero ayun tama yang 10% tithes na yan kasi ibabalik ni God yan kapag marunong kang mag share ng blessings sa ibang tao..

      dun nagkakatalo sa saving huhu wala akong nasa save😥

      mabuhay ka dormboy!

  13. Setyembre 7, 2010 bandang 9:07 hapon

    Madali lng mangutang pero ang hirap bayaran….😀

  14. Setyembre 7, 2010 bandang 11:58 hapon

    yan ang isa sa problema ko e. masyado akong maawain sa mga nangungutang sakin. di ko matanggihan. tuloy, ito, ako na halos ang nangungutang. nagkabaliktaran.

  15. Setyembre 8, 2010 bandang 2:16 umaga

    minsan na ko nagpa-utang, di na naulit nung di sila nagsibayad. sa ngayon, ako na ang magaling mangutang🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Setyembre 2010
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: