08
Sep
10

Over time

Kung trabaho ang pag uusapan, ako yung taong kung kinakailangan matapos ang trabaho kahit abutin ako ng madaling araw carry lang yan. Ganyan ko kamahal ang trabaho ganyan ako mag trabaho. Tatagal ba naman ako ng 4 na taon kung hindi ako matyaga. Dati inaabot ako ng madaling araw mag encode kasi nag iisa lang ako parang call centre lang wala pang over time pay yun. Pero narinig naman ni Lord ang panalangin ko nagkaroon ako ng kasama at binabayaran na rin ang sobrang oras ko same rate nga lang.

Oo na matyaga talaga ako eh. Hanggang sa nagkaroon na nga ako ng kasama ayun gumaan ang trabaho ko simula ng dumating si ofismate na maganda nakakapag update na ko ng blog at nakakapag facebook na rin. Halos nasanay na nga akong konti nalang ang ginagawa. Hanggang sa nagkasakit sya ay kailangan kong gawin pati ang trabaho nya… ayun toxic na toxic ako.

Na miss ko mag trabaho kasi yun utak ko parang gumagana na uli wala na akong panahon na mag isip ng lablayf kong zero at kung ano ano pa mabuti naman yun. Kapag nag babanat ka naman ng buto may kikitain ka kahit paano kaya sa isang banda gusto ko rin gabihin sa trabaho meaning extra pesoses yun. Kanina sabi ko mag papagabi ako para naman madagdagan ang sasahurin ko pero ang bilis ng karma gabing gabi na ako…. gusto ko ng gabi pero hindi gabing gabi.

Isa lang ang ayaw na ayaw ko pag nag o overtaym ako lalo na at gabing gabi na.. malapit nga lang opisina ko sa bahay pero bago ka makarating sa bahay may sang katerba kang asong madadaanan..Kapag gabi na maraming aso sa daan huhu..

Gusto ko ng aso.. lalo na yun mga maraming balahibo yung cute ! wag lang wild.. ayoko ng tinatahulan ako lalo na ng MARAMING ASO as in KUMPOL KUMPOL  parang mangga lang buti sana kung isa lang kaya ko pang diskartehan yan… madilim pa naman di mo alam kung nasan na yun aso itim pa naman yung iba.. lahat na ng teknik na tinuro saken naisip  kong gawin  kagabi..

  • kagatin  ko daw dila ko tyak hihinto sa pagtahol yun at dededmahin ka…
  • sabi hawakan ko daw yung ano ko hihinto yun aso.. ( hindi ko ginawa hiya ko eh😳 baka may makakita pa saken )
  • takutin ko daw… ( paano kung takutin din ako)
  • kapag hahabulin daw ako habulin ko din daw ( di kaya mapagod ako nun?)
  • tignan ko daw sa mata ( makikipag eye to eye pa ko eh ang dami nun sino titignan ko aber? )

Natatakot na talaga akong malapa paano na ang iniingatan kong binti ? kagabi sobrang nakakarindi pa ang tahol mga hayup na yun oo mga  hayup nga sila  ! mga aso eh… wala pa naman akong dalang payong huhu… ginawa ko kumuha ako ng bato habang unti unting naglalakad kagat kagat ang dila ko,  kunwari hindi ko sila nakikita pero nanghihina na ako sa takot ayaw ko makagaaaattttt… tapos eto yun isa ang tigas ng ulo susugod pa sa likuran ko gusto ko syang wreslingin promise at durugin sa mukha nya yung hawak kong bato.. pero yun lang madami nga sila  eh..ayaw kong pagkumpulan ang beauty ko at gawing hapunan nila… kaya huminto ako nag text kunwari sabi ko sa kapatid ko sunduin ako.. ilang minuto nako dun walang dumating…  napagod ako sa kakatayo at sila rin sa kakatahol.. lakad nanaman hanggang sa nakarating ako sa bahay.

Yes!

Habang ginagawa ko itong entry na ito uuwi nanaman ako. Oo, gabi na nag iipon pa ako ng lakas ng loob umuwi… pag pray nyo ko wag makagat😥


18 Responses to “Over time”


  1. Setyembre 9, 2010 bandang 12:48 umaga

    ingat,adel.

    ang alam kong epektib kapag nagsimula kang habulin ng aso is ‘spitting’.

    oo,dumura ka sa lupa.ang tendency,aamuyin yun ng aso.epektib yun and for some reason,humihinto yung aso para amuyin yung laway ko.hindi ko sure kung bakit o anung scientific reason ang paliwanag pero eye witness ako na totoo yan.

    may kaso rin akong nakita na talagang hinarap nya sabay hagad sa paparating na aso.nanakbo pabalik yung aso.pabangisan lang siguro.yung tipong gulatan at pagpapakilala who’s the boss at sino ang nasa ilalim ng food chain.

    pero wala pa ring babagsik pa sa pag iingat.

  2. Setyembre 9, 2010 bandang 1:23 umaga

    oversipag ka pala..ingat sa mga dogs….nangangagat sila all the time!!!! nagbabalik na ako muli sa blogosperyo….

  3. Setyembre 9, 2010 bandang 1:52 umaga

    yay, kakatakot pa naman ung mga asong-gala,
    parang laging handang manlapa ng tao

    hehe, ung mga teknik na namention mo para hindi makagat ng aso
    ung nasubukan ko lang ay ung pagkagat ng dila, nung ginawa ko un hindi naman ako kinagat ng aso

    pero ung hindi ko makakalimutan na experience ko sa aso ay ung makagat ako sa braso,
    grade 1 pa ako nun, pinabili lang ako ng yelo ng nanay ko tapos dun sa binilhan kong tindahan may narinig akong nag-aaway, eh dahil tsismosa ako, sumilip ako sa loob ng gate tapos aun, may malaking aso pala sila na half-dobberman breed,

    nakagat ako at sa taranta nung may-ari, kinuskos nya ng bonggang-bongga ung kagat ko sa braso ng bawang, (kulang na lang sibuyas tapos mantika, instant ginisa na ako) haha, buti na lang kumpleto sa bakuna ung aso kundi deds na ako ngaun, ahaha

    nakakatuwa ung post mo, nakapagreminisce tuloy ako ng wala sa panahon😛

    • Setyembre 10, 2010 bandang 1:16 hapon

      ako naman may experience na rin sa dobberman na yan… nadapa ako sa pagtakbo hinabol kase ako ayun kaya trauma ako sa malalaking aso huhu .. nasubukan ko na rin kagatin ng tuta. bawang lang din katapat nun… wala pang injection noon eh 3 years old pa lang yata ako.. tingin mo may rabbies na kaya ako? haha

  4. Setyembre 9, 2010 bandang 12:14 hapon

    ingat ka lagi lambing. mahirap malapa ng aso.

    wala bang puwedeng pagrekalmuhan niyan? like yung sa brgy hall at bsdo, dapat may romoronda. though hindi ako taga-marikina. doon bawal ang pagaka-galang aso.

    sa lugar namin, asong walang amo lang ang maiiwan sa labas.

    basta ingat-ingat!

  5. 10 apollo
    Setyembre 9, 2010 bandang 3:29 hapon

    run lambing run! haha! seriously, magbaon ka ng malaking pamalo. or gaya ng nasabi mo, magpahatid ka na lang sa bahay nyo tapos ung naghahatid ang isubo mo sa mga aso. hehehe!

  6. Setyembre 10, 2010 bandang 2:44 hapon

    nice! workaholic ka pala? hehe.. ayus yan! sa hirap nga naman ng buhay ngayon! kailangan talaga kumayod ng major major!

    pareho tayong takot sa aso! pag may asong tumatahol na at yung sobrang lakas pa, powerful ba! haha.. nakakanginig ng tuhod.

    wala kong alam na technique, lalo na pag mag-isa ako. mahirap talaga! sana makagawa ng seminar ang PETA sa ganyan at i-educate tayo kung ano ang gagawing response sa mga ganyang pagkakataon! haha

    • Setyembre 10, 2010 bandang 3:26 hapon

      … juanlazzy

      honga no?? magandang idea yan sana nga ituro nila saten ang tamang teknik

      takteng mga aso yan.. ayaw nila masaktan mga aso paano naman kung tayo ang lapain

      hmmmp!

      • Setyembre 10, 2010 bandang 3:34 hapon

        kakakain ko lang kalderetang aso sa reunion ng clan namen last week. di ako ung pumatay at kumatay at nagluto, pero pinakain ako, sabi nila kambing! eh matakaw ako, wala ng kumpi-kumpirmasyon pa! haha

        sorry PETA!

        leche talaga ung pagkakataon na yun! naiimagine ko ung itsura mo hgabng pinapaligiran ka ng mga asong itim. Sarap i-video nun! haha

  7. Setyembre 10, 2010 bandang 2:48 hapon

    mwahahaha! sori ha. alam kong hindi dapat ako tumatawa sa seryosong post na ‘to pero naman. natawa talaga ‘ko dun sa hahawakan mo ‘yung ano mo para di ka tahulan ng aso. iniimagine ko pag ginawa mo ‘yun at….hindi ko talaga maimagine. bwahahaha!

    isa pa nga…

    bwahahahaha!

    aylabyu lambing. wag ka sanang magalet. pakiss nga. *chups* hehe.

    • Setyembre 10, 2010 bandang 3:28 hapon

      @ lio

      sige magtawa ka pagbibigyan kita dahil enlababo ka ayaw ko sirain yun moment mo hahaha
      ang totoo nyan nag papatawa talaga ako.. ikaw lang ang natawa yung iba seryoso haha

      wak kang mag imagine dyan di ko rin maimagine haha

      yey! may kiss ako wala din malisya yun ha??

      si joan kase nagmamasid haha

  8. Setyembre 11, 2010 bandang 3:12 umaga

    ate lambing, tama kagatin mo dila mo! di ka hahabulin ng aso. naniniwala ako dun, epektib eh xD


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Setyembre 2010
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: