15
Sep
10

hapontukin

“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?” – Bob Ong-

Wala itong kinalaman sa buhay pag-ibig ko hehehe. Noong kabataan ko madalas akong pinagagalitan ng nanay ko at kinukurot sa singit kapag ayaw ko matulog ng tanghali. E sa hindi nga ako inaantok eh? Kahit nandun lang ako sa kama nakahiga tulog na nanay ko pero yung mata ko bilog na bilog pa rin, kapag titignan nya ako nag  kukunwaring nahihimbing ako.

Gusto kong ibalik yun panahon na nakakatulog ako ng tanghali. Kasi ngayon wala na akong panahon na matulog. Masubsob ka ba naman sa trabaho. Ewan ko ba kahit nakakatulog naman ako ng maayos kapag gabi pero pag dating ng umaga inaantok pa din ako kahit tanghali.. Du ma damoves nanaman ako ng instant teknik para di makatulog sa opisina.

  1. iinuman ko ng kape para magising ang kalamnan ko pero lalo akong inaantok
  2. minsan nagtatatalon ako para magising ang dugo.. sandali lang aantukin nanaman ako
  3. Iinuman ko ng cobra energy drink.. pero wala pa rin..
  4. Minsan nag papakurot ako sa katabi ko pero ayaw ko sanayin magpakurot baka maging dalmatian ako at mapuno ng pasa sa braso..
  5. Tinatapik tapik ko ang pisngi ko..
  6. Nagpapatugtug ako ng malakas.

Gustong gusto ko matulog ngayon siguro dahil sa pag tulog lang natatahimik ang isip ko, ang puso ko lahat lahat … pero minsan nga kahit tulog yung isip ko layo pa rin ng nilalakbay.. medyo nakakapagod.. lagi akong pagod. Ano kaya ang sakit ko? Madikit lang ako sa unan tulog ako.

Kaya naisip kong pagbigyan ang sarili kong matulog ng breaktime, umuwi ako ng bahay para matulog sandali kasi nakaka boost daw ng energy kapag umiidlip kahit sandali. Kaya heto binuksan ko ang electricfan at pinindot ang number 3 humiga sa malambot na unan ko.. SARAP!  umiikot na ang paningin ko hikab dyan hikap dito.. wala na ko makita nakapikit na ako .. hay sarap ..parang nanaginip na ako bigla tumunog  yung cell ko na may  message tone na ” rah rah rah ah ah ruma ra ah ah.. want your bad romance princess version” may nag text! sabi..

” sis! anong ibig sabihin ng panaginip ko? Napanaginipan ko jowa ko deni deny daw nia ako hindi nya daw ako kilala.. tapos tumaba sya at gumwapo sya.. ano sa tingin mo?

Anak ng pitong pung tupa! sumagot ako..

” aba malay ko? Siguro iniisip mo sya.. pero may tanong ako sayo  ano naman tawag mo  sa babaeng antok na antok na  at makukuha na nya tulog nia  andun na ohhh makakatulog na tapos makaka receive ng napaka importanteng tanong mo. NABITIN! 



27 Responses to “hapontukin”


  1. 1 diwangtanglaw
    Setyembre 15, 2010 bandang 1:08 hapon

    Hahaha! Gustong-gusto ko yung part na may nagtext. Hapontukin din ako kapag nakakaligtaan ko ang exercise. Ang remedyo ko dyan e foodtrip.

    Hapon na maulan, walang pasok at malamig ang paligid.
    Paggising mo sa pagkakatulog ay merienda ang kaharap.

    Ang sarap!

    • Setyembre 15, 2010 bandang 1:19 hapon

      hello jen🙂

      andun na yung moment no tapos may mag tetext hmmmpttt

      hindi kasi ako nakakapag exercise sa umaga kaya siguro hapontukin ako haha..

      nakoo nakoo buti sana ganyan kaso pag ka gising mo kailangan mo nang pumasok
      tapos mainit pa tsk tsk

      salamat sa pag daan mwahh

  2. Setyembre 15, 2010 bandang 1:58 hapon

    Madalas kong gawin ang #6. Sabi ko nga sa mga ka-Plurk ko, binabasag ko ang eardrums ko.

  3. Setyembre 15, 2010 bandang 2:23 hapon

    makamasa ka rin pala ate lambing… MASANDAL TULOG.

  4. Setyembre 15, 2010 bandang 6:06 hapon

    aok pag inaantok dito sa opisina, kinukurot ko ang betlogs ko. epektib naman. pero andami nang chikinini sa may bandang kulubot na betlogs.

    hindi ko rin alam kung ano ibig sabihin ng panaginip ng sis mo pero kung panget ang boyfriend niya, malamang sa malamang, panget din siya. :p

    • Setyembre 17, 2010 bandang 12:38 hapon

      @ lio

      lols hindi saken pwede yang tips mo wala akong belogs haha hahhaa ang kulit mo.. pwede siguro ako nalang mangurot ng belogs kaso wala din belogs yun katabi ko har

      hahahaha uu malamang sa malamang panget pa rin waahahaha ayus nagising ako papa lio

  5. Setyembre 15, 2010 bandang 7:20 hapon

    Simply lng ang ginagawa ko pag inaantok ako sa office mag-blog lng ako magsulat ng article okay na yun sa akin mawawala na ang antok ko… Hindi na kailangan ng cape oh kung ano-ano pa dyan….😀

  6. 12 supaflip
    Setyembre 16, 2010 bandang 12:20 hapon

    hapontukin rin ako,lalo na kapag inaatake ako ng “tamaditis”…isa rin yata sa mga sintomas yun…mabuti na lang at pwedeng matuog dito sa office namin anytime na gustuhin namin…kaya bukod sa “cat nap” na ginagawa ko sa tanghali,(kasi adik rin sa catnap si rizal at einstein nuong araw)…eh tumitira rin ako ng hapontukin kapag trip ko…

  7. Setyembre 16, 2010 bandang 12:55 hapon

    kapag inaantok ka sa work.isip ka ng nakakatuwang pwedeng gawin.example:
    1.pilitin ang katabing makipag karera gamit ang gaslift chair.
    2.gumawa ng instant fire drill.simulan sa pagsigaw ng sunog.
    3.tunayo sa malapit sa switch ng ilaw at pindutin ito patay sindi.sumigaw ng lets party para mas masaya!
    4.kung di talaga maiwasan,matulog sa ilalim ng table.pag may sumita,idahilang nagpapa praktis ng earthquake drill.

    no charge para sa mga payong nabanggit!

  8. Setyembre 16, 2010 bandang 10:07 hapon

    Hahahaha… Okay din pala ang idea mo bossing duking…😀 Magaling ka din palang maggawa ng mga idea…😀

  9. Setyembre 16, 2010 bandang 10:31 hapon

    ahahha ate.. ako ang gising na gising kahit madaling araw.. minsan naman knock out talaga kahit sa busy opis umaarangkada ang hikab ko.. pero ngayon..😀 kahit mulat ako 24hours.. okay lang.. at ako na ang may plantation ng eyebags.. masaya pa rin

  10. Setyembre 17, 2010 bandang 12:39 umaga

    yung sa no.3 epektib yun, kaya lang 3 cobra na nasa bote dapat ang tirahin mo. try mo ubusin within 1 hour tas jumping jack ka ng mga 20 times para halo at matagtag yung cobra sa katawan mo. hilamos ka saglit tas ayun gising ka na nun. (ingat lang sa mga taong nagpapapalpitate pero epektib yun)

  11. Setyembre 17, 2010 bandang 5:45 umaga

    hmmm.. kapag in.na-antok ako sa work… isa lang ang nakakabuhay ng duko ko… yun ai..

    MANGA!!!!!!!!! kawaiiiiii…….. gusto ko talaga Magbasa ng manga.. ahehehehe…

    syepre update na rin ng blog ko…

    ayun poh….

  12. 23 lipadlaya
    Setyembre 17, 2010 bandang 6:20 hapon

    oo nga, ako din antuken talaga,,, kahit sa work,, kainis…

    tawa naman ako sa nagtext na yun,,, ang kullit….

  13. Setyembre 18, 2010 bandang 3:12 umaga

    pareho tayo ate Lambing from 1 to 6, pangontra antok ko din yang moves na yan :))

  14. Setyembre 19, 2010 bandang 4:25 hapon

    sakto ang blog post mo sa inaantok kong diwa, ms. Lambing, sana malapit lang ang bahay namin ng makatulog din ako saglit, (yawn) I-) antok na talaga ako,

  15. Setyembre 19, 2010 bandang 7:45 hapon

    kapag inaantok ako sa opis nagbablog hop ako, kahit hindi pala inaantok

    kami din nung bata napapalo kami pag hindi kami natutulog sa hapon/tanghali
    magandang technique ang kumain ng kalamansi para magising
    yan ang effective promise, kasi yana ang kasalo ko nung college days.
    kalamansi balatan lang at presto tulo laway ka na at kikiligin sa asim, gising na gising!
    yay!

  16. Setyembre 19, 2010 bandang 10:28 hapon

    waahhh!! nakikiramay rin ako sa pagpanaw ng iyong antok..😦 nararamdaman ko rin yan… moral lesson?: wag kang matutulog ng katabi mo ang cellphone… o kaya…. get a lullaby ringtone…

    musta na katapat?…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Setyembre 2010
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: