20
Sep
10

so sick

Pagkatapos kong antukin ng bonggang bongga at naisin makapag pahinga ng maigi, napag bigyan ang aking munting kahilingan nakatulog ako ng dalawang araw . Tama mga kalambingan napagbigyan ko ang sarili kong matulog yun nga lang kailangan ko pang magkasakit para lang makapag rest ng bonggang bongga.

Bakit ako nagkasakit? Hmmm gusto kong maawa sa sarili ko ng minsan akong abutan ng bathroom dance habang umuulan.. pasintabi sa mga kumakain.. nag deposit ako ang kaso sa loob ng cr umuulan din ang lakas ng tagas ng ulan , nagpayong ako sa loob habang nag coconcentrate, at dahil umuulan nagtagal ako  sa cr dahil umuurong ang dapat lumabas kapag nababasa yung likod ko, nag tagal ako dun.. at wag mo nang alamin kung paano ako nakapag hugas habang nakapayong napakahirap maniwala ka.

Kinabukasan, maliligo nalang ako bigla ko naiisip na giniginaw ako .. at oo hindi na ako naligo kasi bigla akong nanginig.. nag jacket ako , medyas at pajama .. at nag text sa opisina na Im sick. Oh yeah.. Bawal daw ako manuod ng tv at mabibinat, wag din daw ako uminom ng biogesic .. ang gulo nila sa earth dami bawal. Ano ako nanganak? Wish ko lang! ahihi. Ano ba magagawa ko kundi matulog nalang .

Dami mo palang naiisip kapag may sakit ka hanu?? Meron akong namimiss.. Nagdedeliryo na kaya ko nun? Bigla ko naisip na sana sana.. merong nandito sa tabi ko, nag aabot ng gamot at paiinumin ng royal, pupunasan yung pawis ko sa noo , sa likod , sa kili kili.. ang kaso walaaaaa.. ayoko na magkasakit , nakakabagot, parang lalo ako magkakasakit kapag nakahiga lang mag hapon hang dami ko pa naiisip kapag nakahiga wait a minute stopppp!  Naiisip ko sya at ang mapupula nyang labi.. nakangiti saken… na sana sana  hinahawi nya ang mahaba kong buhok sa mukha habang nakatitig saken.. tapos i ha hug ako… sasabihin saken “huwag kang mag alala iingatan kita at aalagaan.. ” At sabay kakantahan ako ng I’ll be ther for you.. oh may papa coco !

Pasensya na epekto siguro ito ng panunuod ko ng Idol ahek.. Pero ayoko na ulit mag kasakit kasi mahirap ang nag iisa at walang nag aalaga.. kaya sana yun prince charming ko dumating ka na at alagaan mo ako at aalagaan din kita alagaan tayo ahek may ganon! Sa mga nag tetext  nung panahon may sakit ako salamat pala … mwah!


36 Responses to “so sick”


  1. Setyembre 20, 2010 bandang 2:02 hapon

    Kisspirin at Yakapsul lang. At sige na nga! Okay din ang may kasamang Coco. =)

  2. Setyembre 20, 2010 bandang 2:23 hapon

    napadaan lang po ulit….

    pagaling ka…..

    uu nga mas masarap parin ung my taong nag aalaga sau habang my sakit ka….

    dont worry dadating at dadating din yun….

    hintay hintay ka muna…

    alagaan mo muna ang sarili mo….

    habang wala pa sya….

    ingats parati….

    mwahs….

  3. Setyembre 20, 2010 bandang 8:11 hapon

    Ako rin nagkasakit din last week. Hirap magkasakit kaya dapat alagaan natin sarili natin. Get well soon Lambing!

  4. 7 Junice Lopez
    Setyembre 20, 2010 bandang 9:15 hapon

    ok ka na ate lambing??

    hehe si coco lang pala!

    infairness ang gwapo nya talaga ha!

  5. Setyembre 21, 2010 bandang 8:24 hapon

    siguro kaya ka nagkakasakit kase lagi mo niiisip si papa coco. lols
    baka lagnat laki nga lang talaga ang naganap ate ko.
    be safe! mwahh. miss you.

  6. 13 ianyce
    Setyembre 21, 2010 bandang 8:58 hapon

    aha ha ha. pauyuz nyo na kasi tagas sa banyo ntu lalot maulan na ngayun he h he. bakit ka naman bawal lumaklak ng biogesic? eh diba gamot yun? ha ha ha. nagdidiliryo ka siguro nung mga time na yun at malungkot at the same time kaya ganun nangyari. keep safe always and bawal paulan ahemmmpft…🙂

  7. Setyembre 22, 2010 bandang 1:02 umaga

    Bawal magkasakit sa ngayon kaya mag clusivol araw-araw… Hahaha…

    Lalo na sa ngaun na maulan na ber months na kasi…😀

  8. Setyembre 22, 2010 bandang 11:56 umaga

    sana magkaron ka ng coco sa buhay mo, not just only named coco but a true coco martin, hihintayin ko yan, for sure hindi ka na magkakasakit. sarap noh.

  9. Setyembre 23, 2010 bandang 1:24 hapon

    wow! coco martin talaga?.. hmn..kumakanta ba siya sa idol?.. pasensiya walang time para manuod ng tv…😀

  10. Setyembre 24, 2010 bandang 5:57 hapon

    ahahahahha. natawa ko. hindi ko inaakalang si coco martin ang pinapangarap mo. aahahahha
    hindi kaya nagdedeliryo ka na? :)) tawa pa. pagaling ka!!1🙂 malay mo makita mo si coco martin pag magaling ka na! ? akap!

  11. Setyembre 24, 2010 bandang 9:37 hapon

    mahirap talagang magkasakit kapag walang mag aalaga sa’yo.tapos,maaawa ka pa sa sarili mo.tapos lalo kang made depressed.tapos maiisipan mong sana hindi ka na lang nagkasakit.tapos sisisihin mo ang sarili mo kung bakit ka nagkasakit.tapos gagawa ka ng blog na may sakit ka.tapos mag aaalala kami.tapos tungkol lang pala ‘to kay coco martin.tapos mare realized ko na ang gwapo nga pala nya.tapos mababading ako.tapos…ayoko na imaginin na bading ako.

    pagaling ka na lang adel.

  12. Setyembre 24, 2010 bandang 10:31 hapon

    Made-depress ka nga pag walang nag-aalaga sayo tama nga yan… Diba na feel nyo din ba na pag andyan si mama ang dali mong ma heal at pag wala nman ang tagal-tagal mong ma heal… Dahil yan sa alam na alam na neh mama kung ano ang gagawin…. Hehehehe….!

    • Setyembre 25, 2010 bandang 10:48 umaga

      @ frankie

      waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
      waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!😥

      na depressed ako huhuhu kase kase wala na si mama😦

      kaya nakaka depressed talaga kapag nagkakasakit ako

      kasi dina nya ako maaalagaan😦

      pero ok lang nasa puso ko naman sya palagi🙂

  13. Setyembre 25, 2010 bandang 3:56 umaga

    kelangan ko din atang magkasakit para makatulog din ng mahaba?🙂

    ate lambing, pareho tayo ng sentimyento pag nagkakasakit … “bat walang nag-aalaga sa ‘kin. bat sarili ko ang inaalagaan ko, eh may sakit nga ako.” mga ganung bagay. hihi ^^

    ingat! biogesic.

  14. Setyembre 25, 2010 bandang 6:37 hapon

    gusto mo ng kisspirin, lambing? pero pano ‘yan, may pandecoco ka na.

    ako rin eh. may sarah g. na. lols!

    natawa ako dun sa tumatae ka nang may payong sa banyo. hindi ko maimagine masyado. :p

    pagaling ka, lambing. usung-uso pa man din ang kung anu-anong sakit ngayon.🙂

  15. Setyembre 28, 2010 bandang 8:56 umaga

    bathroom dance!!!!!! waaaaaaaaaaah namiss kita lambing!! kamusta kana!

  16. 32 mayyang
    Setyembre 28, 2010 bandang 3:43 hapon

    awwww.. ngayon lang ulit ako napadaan lambing. yaan mo, darating din ang “coco martin” sa buhay mo na mag aalaga sayo. Just pray sis… Ingats!

  17. 33 shea
    Setyembre 28, 2010 bandang 5:15 hapon

    ate ko alagaan mo po sarili mo.. miss you…

  18. 34 Joyo
    Setyembre 29, 2010 bandang 5:06 umaga

    at bakit naulan sa banyo? nagtataka ako promise haha! at si papa coco tlga ang gusto mong mag-alaga sayo. ako siya gusto ko alagaan hahaha ano ba yun! haizzzz eto na lang, pagaling ka sabi ni coco pinapasabi niya, naliligo siya eh, hehehe.

    Miss you lambing!

  19. Setyembre 29, 2010 bandang 3:32 hapon

    s##T. di ako makatitig kay coco. parang bibigay ako.ahaha

  20. Oktubre 6, 2010 bandang 11:15 hapon

    ayeee.. oo, masarap nga yung ganun.. yung pag may sakit ka, aalagaan ka nya. o kahit dalawin ka man lang nya. haha. naexperience ko yun e two months ago. nagkasakit ako, dumalaw sa bahay si THE ONE, with two of our closest friends. ang masama nito, mayamaya, dumalaw din ang sandosenang estudyante ko. fail. haha.

    aw. apir sis! haha. i love COCO MARTIN too! hati naman tayo, pwede? haha.😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Setyembre 2010
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: