16
Oct
10

kamusta ka na?

Lately nagiging sakitin ako andyang matrangkaso , magka sore eyes , mawalan ng boses at itong huli ang mag ka bronchitis. Wala lang naman saken kung magkasakit  ako sabi ko sa sarili ko walang namang mag aalala eh. Dati nanay ko lang ang nag aalala kapag nagkakasakit ako, nag aalaga saken kapag may sakit ako.. pero ngayong wala na sya.. mas malungkot magkasakit.

Naisip ko habang nakahiga at iniihit ng sunod sunod na ubo.. para saan pa ba ang pag galing ko?  Kung sakaling kunin ako ni Bosing okey lang, wala naman sigurong masasaktan kase yun gusto kong kamustahin ako, yun taong gusto kong tapunan ako ng konting atensyon wala namang pakialam saken.. mahalaga pa ba ang pag bangon ko?

Kagabi.. may mga tumawag saken.. nag text , nangangamusta.. nung malamang nagkasakit ako nag alala…

  • Wag na daw ako maligo ng gabi
  • Wag na daw ako uminom ng malamig
  • Uminom daw ako ng maraming tubig
  • May nag dala ng kalamansi ..timplahin ko daw sa mainit na tubig

Na realize ko marami pang “ibang”  nandyan  para saken..  pero kailangan pa ba hanapin ko sa iba ng atensyon na dapat ay sya ang nagbibigay? minsan kasi sa isang tao lang ako nakatingin.. Hindi naman ako mapag hanap.. maramdaman ko lang na mahalaga ko sa kanya ok na ako. Isang kamusta ka na anak? Ok na ako nun. Pero siguro hindi nga talaga sya ganon.

Habang naglalakad ako papuntang office may nasalubong akong magkakapatid akay akay ang isang taong gulang na babae. Nakatingin sya saken yun bata…ngumiti sabay sabi….

” mama”…

Napangiti ako, tumalon yung puso ko..hindi ko anak yun, dalaga pa ako haha. Pero ang sarap pala tawagin ng mama, paano pa kung talagang anak mo na..

Na realize ko.. meron pa namang mga iba..

May  mga iba pa na  mangangailangan saken

wala man ngayon

baka

bukas..

babangon ako sa mga ngiting iyon..

There’s nothing more complicated in someones life… if he do lives in complicated situation… stuck there the doors  shut!. And if never trying to step forward and push the door.. Life is really competeting and our first fight is in ourselves.. we must first beat it.. so we continue to live life into the fullest.. for in the end of the battle.. in our last breath we can say with a smile on our face.. feel contented..  i win!


14 Responses to “kamusta ka na?”


  1. Oktubre 16, 2010 bandang 4:53 hapon

    o eh kumusta ka na lambing? sana magaling ka na. kulang ka lang sa kisspirin at yakapsul. gusto mo i-hug kita? hihihi! lambing lang ang katapat mo malamang,

    ‘yung prince charming mo, darating din ‘yan. malay mo bigla mo na lang matalisod habang naglalakad di ba? hehe.

    magandang araw, lambing!

  2. Oktubre 16, 2010 bandang 10:54 hapon

    naku sis, bakit ganyan? parang napapadalas ata ang pagkakasakit mo.. ingatan po ang sarili habang di pa nakikita ni COCO MARTIN ang daan papunta dyan sa bahay nyo.😀

    teykalatopingatstentayms!😀

  3. Oktubre 16, 2010 bandang 11:20 hapon

    hindi ko alam, pero parang nakikita ko ang logo ng “Nescafe” sa post mo na ito: at ang ad nilang: “Para kanino ka bumabangon?”

    hahaha! wala lang, babangon ka kase, babatukan ka ng mama mo, kapag maaga kayong nagreunion sa tabi ni Bossing.. smile!

    saka nga pala, wag sa mainit na tubig itimpla ang kalamansi, namamatay ang vitamin C sa mainit na tubig, walang sense…. dapat maligamgam lang.

  4. Oktubre 17, 2010 bandang 12:55 umaga

    ako,eto,ok lang.

    kulang sa lambing.kulang sa tulog,kulang-kulang.

    ikaw naman,nagiging sakitin.kaya dapat,magpagaling ka.

    simple lang ang solusyon sa anu mang karamdaman.eto lang.

    HUWAG KANG MAGKAKASAKIT.yan ang lunas.sayo na lang.libre yan.no prescription needed.

    sign,
    doktor kwek kwek.

  5. Oktubre 17, 2010 bandang 10:32 umaga

    Hi!napadaan lang..hirap din talagang magkabronchitis.few months ago,nagkasakit din ako nito.

  6. Oktubre 18, 2010 bandang 11:29 umaga

    What is life without complications? Ume-englesh lang.🙂

  7. Oktubre 18, 2010 bandang 12:00 hapon

    I sekan the mosyon.

    Kamusta ka na Lambing? Kamusta na ang nilalambing mong si Mr. C?

  8. Oktubre 18, 2010 bandang 5:36 hapon

    wahhhh dapat hindi pabayaan ang sarili ate lambing ko nako nako nako

    miss you ate lambing ko🙂

  9. Oktubre 20, 2010 bandang 5:40 hapon

    bat nga ba patg nagkakasakit, ganyan ang nararamdaman.

    ako pag may sakit, feeling ko rin malapit na ako … tas nai-imagine ko na yung what if pag pinaglalamayan na ako . hayyyy

    pero get well soon cute, health is wealth talaga!

  10. Oktubre 21, 2010 bandang 6:32 umaga

    wala man ngayon naka bukas talaga ate Lambing🙂
    uhmm … gusto ko din na balang araw ay may tatawag sa ‘kin ng “mama” ^^

  11. Oktubre 22, 2010 bandang 3:50 hapon

    hala! ate lambing!
    ngayon lang ako nabisita dito tapos may sakit ka pa…
    ingat po lagi at pagaling ate lambing….

    infinite Xs and Os.
    baka yan po ang kelangan niyo…

    hakhak!

  12. Oktubre 27, 2010 bandang 2:31 umaga

    drink your vitamins everyday, Ms. Lambing!para hindi ka nagkakasakit, hehe

    pagaling ka!take care and Godbless!😛

  13. Abril 25, 2014 bandang 3:13 hapon

    Reblogged this on jontilla20 and commented:
    move on


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Oktubre 2010
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: