09
Nov
10

Christmas rush

Nakakarinig na ba kayo ng mga christmas songs? At sa tulad kong single singelan at walang kasama sa buhay tapos makakarinig ng mga ganitong lyrics..

♪♪My idea of a perfect Christmas♪♪
Is to spend it with you
In a party
Or dinner for two
Anywhere would do
Celebrating the yuletide season
Always lights up our lives
Simple pleasures are made special too
When they’re shared with you♪

Oh yeah.. nakakapraning lang ahek.. Matagal ko gusto kantahin to eh kaso kanino?  hahays.. Nakoo malapit ng ang december .. malamig nanaman buti nalang walang snow dito sa pinas pag nagkataon sobrang obvious na malamig ang pasko ko. Ang tanong kelan ba naging mainit? ok payn ! kayo na ang lumalablayf .

Uso nanaman ang Christmas rush.. im not talking about shopping espree.. ang gusto kong sabihin yun nagmamadali magka bf bago mag pasko.. uso kaya yun naranasan ko na yan nun haha..

Meron kasi akong textmate.. si kikoy tatlong taon na yata kaming mag ka textmate hanggang sa nag propose sya na kami nalang daw try daw namin tutal single ako at single din sya try lang pag natapos ang december tapos na rin kami. Tandang tanda ko pa yun eh December 15 noon year 2004 yata yun at 2001 pa ang huling relasyon ko, oo matagal ako lumablayf kaya ko mag isa ng matagal hindi ako basta basta nag bbiep, mahirap talaga ako ligawan…

Noong  mga panahon na yun lungkot na lungkot ako at sya yun nag papaganda ng araw ko , nasasabihan ko ng hang ups ko , para syang best friend ko.. eh down na down ako that day at parang napapansin ko nakakasawa narin namang mag isa kaya ….. “lambing its time”  sabi ko sa sarili ko.

Nasa jollibee ako noon kasama ko kaibigan ko itetext ako ng ganon , sulsol naman si friend ayan sunggab ang Lambing kala nya ha… ayun naging kami.. lumipas ang pasko, ang new year, ang birthday nya nun january, ang valentines day kami pa din so far mahigit isang taon kami.. at sya ang pinakamatagal kong bf malayo nga lang kami sa isat isa. Long distance relationship yun at minsan lang kami nagkita😆 .. tapos unat huling pagkikita namin yun sa noo ako hinalikan ang gentleman no? :lol:   may asawa na sya ngayon….

naalala ko lang naman.. at bakit ba?

Eh kasi december nanaman at parang nagsasawa na rin akong mag isa ulit haha parang ilang taon na rin 4  years? Saka  may nag po propose uli saken ng ganyan,  hindi naman temporary pero hindi ako sigurado sa nararamdaman ko.. nangangati akong mag oo kapag nakakaramdam ako ng kabaliwan sa katawan pero bumabalik uli ako sa katinuan ko .. Oo nakakalungkot na mag isa pero hindi naman panandalian lang ang hanap ko.. sa huli gusto ko pa rin kumanta ng ganito …

I cant think of a better Christmas
Than my wish coming true
And my wish is you’d let me spend my whole life with you..

Gusto ko pa rin sa taong mahal ko at mahal ako.. at ang sagot ko sa tanong ni Joyo saken na ….

may lablayf ba ako at kung wala bakit?

Hinihintay ko pa yung makakapagtyaga sa pambubulyaw ko kapag nililigawan ako, sinusuyo ako kapag nagtatampo ako.. hindi ko pa nakikita yung taong magsasabi saken dito lang ako hanggang sa huli at mamahalin ako just the way i am…

“Love is not about finding the right person, but creating a right relationship. It’s not about how much love you have in the beginning but how much love you build till the end.”

Bakit ko nararamdaman yung ganitong feeling? Walang basagan ng trip sa malamig eh! ^_^


22 Responses to “Christmas rush”


  1. Nobyembre 9, 2010 bandang 7:38 hapon

    maligayang pasko, buti pa kayo may pasko ako, 3 years ng di nagpapasko

  2. Nobyembre 9, 2010 bandang 10:19 hapon

    Merry Christmas Lambing!….ganyan talaga ang tao pagmagpapasko…apektado ng klima ang naramramdaman…hmmmm darating din yan kung ukol..ako nga 7 years ng nagiisa mas sobrang lamig pa ang lugar ko kesa sayo…..laging yan din ang sinasabi ko sa sarili darating din yan..wehehehe..kelan kaya? ..baka di nako malasahan nun …wahahaha!!.

    • Nobyembre 10, 2010 bandang 10:12 umaga

      ahaha anu ba yan ate yan ganda mong yan … nakooo anu ba naman yan mga tao dyan sa inyo hindi marunong tumingin ng maganda haha ,,, natawa ako dun sa dina malasahan eh hahaha

      oo nga mas malamig dyan umuulan din ba dyan? hindi? kasi dito laging naulan hahaha .. salamat sa pagdaan sama ko sa korea lol

  3. Nobyembre 10, 2010 bandang 10:15 umaga

    Agawin mo na lang yung naging bf/textmate mo na may asawa na. Gow! =)

  4. 7 ianyce
    Nobyembre 10, 2010 bandang 10:27 umaga

    .,ou nakakarinig nadin ako at pareho taung single-singelan wahahahaha e anu naman kung single who cares! he he he he. malamig nanaman ang simoy ng hangin at masarap matulog ng matulog ng matulog at magkape ng magkape ng magkape. maagang merry xmas sayu txaka happi new year na din he he he he:)

  5. Nobyembre 10, 2010 bandang 4:10 hapon

    Makikikoment lang po namis ko ang xmas ng pinas eh, okey lang yan kahit walang BF sa Xmas kse sabi nila ang pasko raw e para sa mga bata lang. Ako kse mas gusto kong walang BF kpag xmas para di hassle sa gimik ng tropa hahaha!…

  6. Nobyembre 10, 2010 bandang 11:55 hapon

    maligayang pasko sa may ari ng blog na ito!

  7. Nobyembre 11, 2010 bandang 10:20 umaga

    wew! mukhang malamig ang pasko mo ah! tsk.

  8. Nobyembre 11, 2010 bandang 11:48 umaga

    malamig din ang pasko ko ate Lambing at christmas rush na christmas rush na ang nadarama ko😀

  9. Nobyembre 14, 2010 bandang 3:55 hapon

    Pili ka nlng sa mga visitor na bloggers dito sa blog mo… Pero cguraduhin mo lng na totoong lalaki ang piliin mo…. hahahahaha…..

    Nakikiraan lng Lambing… Tagal na kasing hindi nakadalaw sa blog mo…🙂

  10. Nobyembre 17, 2010 bandang 10:52 umaga

    si adelle lumalambing na naman.. *cozy* hayaan mo.. darating ang panahon na darating ang prince charming mo at siguradong magiging happily ever after ang love life mo.. for the meantime.. malamig.. mag lucky me noodles ka muna..

  11. Nobyembre 17, 2010 bandang 11:45 hapon

    wow! pasko na pala dito!!! ahahaha!! eto…

    mga chrstmas balls ÔÓÕ… para may pandagdag ka sa decors mo…

  12. Nobyembre 18, 2010 bandang 10:18 umaga

    Malapit n nga mgpasko. Miss ko ung mga Christmas songs sa tin. Wag madali, miss lambing. Things will one day fall into places. At di n magiging malamig ang pasko natin…

  13. Nobyembre 18, 2010 bandang 12:03 hapon

    namamasko po!!
    add kita sa blog LINKS ko ha
    dito o http://www.taragis.com/links/

    copy-paste mo naman ang badge ko dito hihi!

  14. Nobyembre 18, 2010 bandang 3:41 hapon

    hindi kasya sa widget mo yung TARAGIS hihi. sana ung maliit nalang ang kinuha mo =)
    salamat uli!!!!

    MAERRRY CHRISTMAS!!

    kamusta kana??!?!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Nobyembre 2010
M T W T F S S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: