24
Nov
10

ilang dahilan kung bakit makikipagpatayan o mag iiyak ang babae sa isang lalaki kapag nakadama ng pagmamahal nito ^_^

Ayan! wecome back lambing! Masaya ko ngayon kasi nakatakas ako bwahahaha ayan nanangangati yun utak ko mag daldal kaya eto sisimulan ko na mag tipa!

Bakit nga ba nagiging martyr ang isang babae sa isang lalaki kahit minsan niloloko na ito? O bakit nga ba kahit ikamatay nito mananatili pa rin ito sa tabi ng lalaking pinakaiibig? Kamartiran ba ang tawag dito? Malamang oo pero minsan hindi rin.. maraming ganitong babae.. at siguro nga isa na ako dito..

Napanuod ko kasi yung till my heartaches end nila kim chu at gerald.. baduy pakinggan yun title saka parang nakakaasiwa lang pero nung pinanuod ko yun my lesson naman sya tungkol sa relationship.. Ang layo na sa title nang pinag sasabi ko ..

oh ano nga ba dahilan bakit makikipagpatayan ang isang eba manatili lang ang isang adan sa piling nya pag katapos matikman ang pagmamahal nito?

  1. Kung ikaw yung tipo ng lalaki na hindi nawawalan ng surpresa araw araw , laging may inaabangang bago sayo yun babae at hindi mo ito pinaglalagpas na hindi mapangiti araw araw pogi points yun.
  2. Kung ikaw ay 24/7 naka tune in sa kanya.. malamang mahalin ka ng lubusan kahit hindi palagi basta lagi kang may oras sa kanya malamang hindi ka na nun pakawalan kasi  we love attention. Kaya kung sakaling sinanay mo sya na lagi ka nandyan para sa kanya at bigla ka nagbago malamang away yan.. pero dyan mo rin makikita yun totoong nagmamahal sayo na kahit binabalewala mo na sya eh nandyan para rin palagi para sayo.
  3. Kung may pera ka.. oo karamihan kumakapit sa lalaki dahil stable na ito.. yung mga babaeng hindi kumakawala dun eh yun mga babaeng di kayang tumayo sa sariling paa kaya makikipagpatayan talaga yan makuha lang ang gusto.. at meron talagang mga ganon.
  4. Kung mapagmahal ka.. hmmm isali na lahat natin lahat ng klase ng pagmamahal.. dyan.
  5. Kung palagi ka nakikinig sa lahat ng mga sinasabi nya, meaning malawak ang pasensya mo at maunawain ka. Kasi hindi naman lahat ng lalaki nakikinig kadalasan yun iba nakikinig lang sayo kapag gusto maka score .
  6. Kung mapag alaga ka.. lagi mo iniintindi lahat ng kailangan nya.
  7. Kung napapatawa mo sya palagi.. kahit sino naman eh.. sino ba ang gusto makasama ang puro simangot na lang ang ginawa sa buhay nya.
  8. Kapag wala kang bisyo.😆 pwede naman mangarap diba? kasi ang lalaki daw tatlo ang bisyo, sugal , alak at babae… sana lang may natitira pang species yung mga ganong lalaki gaya nga ng sabi ni nicole Hyala ang lalaking gwapo, mayaman, honest ay isang guni guni lamang ..😆 wag naman sana …

Pero minsan mayron mga babae na mahal ka  talaga kahit walang dahilan mahal ka  kahit sa anong paraan … eh sa tumibok eh ano magagawa mo?

Hay nako tama na nga nasosobrahan nanaman ako sa daldal..

Kaya nga ang sabi kung ayaw mo na iyakan ka at makipagpatayan sayo ang mga babae eh nako may kasabihan na ..

” ang babae ay parang isang bulaklak.. wag mong pitasin kung sisirain mo lang”.

– a love story –

Hindi masama ang magkamali dahil duon mo lang malalaman kung anong nawala sayo, at kung ano dapat mong pinahalagahan. Pero sa pag gawa ng mali, duon mo din malalaman na hindi lahat ng bagay may pangalawang pagkakataon.ü


22 Responses to “ilang dahilan kung bakit makikipagpatayan o mag iiyak ang babae sa isang lalaki kapag nakadama ng pagmamahal nito ^_^”


  1. Nobyembre 24, 2010 bandang 11:51 umaga

    Parang roller coaster ang emosyon dito sa blog mo. Kahapon malungkot, ngayon masaya.🙂

  2. Nobyembre 24, 2010 bandang 12:30 hapon

    parang walang klase ng lalakeng ganiyan ngayon, lambing. tae lang, parang si mr. perfect na ‘yan eh. nobody’s perfect kaya!😄

    honga, ‘yung huli, emo. ngayon naman, nemo! loljoke!

  3. Nobyembre 24, 2010 bandang 4:29 hapon

    naku lambing, pasensya, ngayon lang ulit ako nadalaw dito. pero teka, nag eexist ba yang lalaking yan? LOL

  4. 7 Jam
    Nobyembre 24, 2010 bandang 5:14 hapon

    Basta ako naniniwala na kayang mabuhay ng babae na hindi kinakailangan ang kalinga ng lalaki..yun lng po hehehehe….

  5. Nobyembre 24, 2010 bandang 6:15 hapon

    hi lambing….

    napadaan lang ako ulit….

    wala naman lalakeng ganyan, di pa ako nakakita….baka pag nakita ko na, baka i sa din ako sa makikipagpatayan….hehehe…. Pero alam mo, minsan kahit wala man yang mga yan sa isang lalake kung mahal mo talaga handa kang makipag patayan….hehehe….

    ingats po…

    sa uulitin….

    mwahs….

  6. Nobyembre 24, 2010 bandang 8:42 hapon

    Padaan po sa maganda at makulay niong bahay!

    Usaping pagibig ito… na kahit sino makakarelate… sa buhay pagibig ay parang mahika, mas mabuti ng maramdaman nating umibig at ibigin … at maging leksyon o aral ang anumang resulta nito😀

  7. Nobyembre 28, 2010 bandang 3:04 umaga

    ako naman lambing eh nagooffer ng sekan chance kaso kapag di na talaga keri… babachi na rin!😆 at yang mga sinabi mo, nag-eexist ba yan dito sa mundo? haizzzz pero sabi mo nga minsan wala naman talagng dahilan, minsan sarili natin di natin maintindihan kung bakit sinisinok ang ating mga puso sa mga taong hindi naman dapat…

    • Nobyembre 30, 2010 bandang 3:45 hapon

      sad to say meron my friend pero gaya rin ng sinabi mo babachi na lols

      meron ako na encounter hindi kasing perfect nang sinabi ko pero ayun nga nasapul nya😉

      pero may prend ang sarap sinukin ng puso try mo sarap kaya hahaha mwaah

  8. 16 Junice Lopez
    Nobyembre 29, 2010 bandang 12:24 hapon

    hmmm ate lambing! sana nga may ganun pang lalaki.. hehehe!!!

    agree ako sa mga sinabi mo! sana marami ding makabasa nito na guy! hehe

  9. Disyembre 11, 2010 bandang 10:39 hapon

    wow…bigla kong naisip ang kakapusan ko sa mga binaggit mong kategorya.

    sabagay,ok na rin naman kesa makadagdag pa sa dinadala ko sa konsensya ko ang mga babaeng nagpatayan na pala dahil sa akin kung magiging ganyan ako.

    ang totoo, maraming katangian ang lalaki at paraan ng pagpapahayag ng pagmamahal na minsan, hindi sinasadyang maging lihim kahit pa sa babaeng mahal nya. isang halimbawa, ang aming paglayo minsan at pag-iwas ay nangangahulugan din ng aming pagmamahal.

    nagpaliwanag pa ako eh no?

  10. Disyembre 16, 2010 bandang 3:33 umaga

    Posible ba na ang isang babae at isang lalaki ay maging mag kaibigan lamang sa mahabang panahon.

  11. Abril 25, 2014 bandang 4:56 hapon

    Reblogged this on jontilla20 and commented:
    nobodys perfect!!!!!

  12. Hunyo 25, 2015 bandang 12:23 hapon

    isa aq dun sa mga babaeng ayaw iwan ang isang lalaking minahal ko ng lubusan ng di ko alam ang dahilan,,ang masakit kc pakiramdam ko minsan binabalewala nya na ako pru ayaw ko syang pakawalan..:(


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Nobyembre 2010
M T W T F S S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: