29
Dec
10

Lambing vs. Zombies

Matatapos nanaman ang isang taon pero imbis na salubungin mo ang bagong taon at pasko ng may ngiti saka ka tatamaan ng matinding sakit.

Naranasan mo na ba na sa sobrang sakit na nararamdaman mo hindi ka makapagsalita. Gusto mong umiiyak ng umiyak para mawala ng one time yung sakit pero hindi maalis alis?

Nag iisip ka kung hanggang kelan kaya matatapos yun mga dagok na dumadating sa buhay mo. Matino ka namang tao, pero bakit parang sayo lahat binabato yung mga bagay na hindi kaaya aya? Minsan naiisip mo karapat dapat ba itong mga pinag daraanan ko? Nakahanap ka nga ng mga taong nagsasabing hindi ka iiwan pero kung kailan mo sila kailangan saka sila nagsiwalaan…

.

.

.

.

.

.

Ang buhay ko ay parang paglalaro ng plant vs. zombies…

 

 

 

Kailangan ko ng liwanag  sa pamamagitan ng Panginoon at mga kaibigan… kasi kapag walang liwanag kakainin ako ng buong buo ng mga zombies. Kailangan kong lumaban .. gumamit ng mga teknik para malabanan ang mga sankatutak na zombies na gustong kumain ng utak ko.

Hindi pwedeng nakatunganga lang ako at hintayin kainin nila, hindi dapat maghintay lang matapos lang ang  lahat sa wala na  hindi lumalaban. Dapat dagdagan ko din ang panlaban dapat may shield ako sa mga gustong pumasok sa buhay ko, meron rin akong bala sa mga zombies na gustong sumira sa pagkatao ko dapat  maging handa palagi  sa zombies,  kasi hindi mo alam kung gaano sila karami, saan sila mang gagaling… aatakihin ka nila sa oras na hindi mo aakalain kaya kailangan malakas  ka para hindi ka matalo.

Marami sila hindi mo alam kung  ilan silang aatake sayo at kailan sila aatake sayo.  Kailangan  lumalaban ng may excitement pag hindi mo ginawa yung best  mo  matatapos nalang ang buhay mo ng walang ka excite excitement..

Kailangan mong tapusin ang adventure  na ito, daanan lahat ng level para kapag dumating yung pinaka bigboss kayang kaya mo na I handle. Hindi bale na matalo ka sa ibang level,  unang dagok, pangalawa, pangatlo…  may second chance pa naman eh…

Kung hind mo  itutuloy   paano mo malalaman na natapos mo na ang laban kung hindi mo ulit susubukan lumaban kapag natalo ka, O weno  ngayon kung  matalo ka sa una, baka kulang ka lang sa diskarte,  kailangan mong isipin kung saan banda ka ba nagkamali baka next time mas malakas na yung sandatang gagamitin mo at magiging abo lahat ng mga zombies na gustong kumain ng utak mo.

Dati takot ako sa zombies… nakakataranta kapag sabay sabay na silang umaatake.. pero kapag may tamang diskarte ka malalabanan mo lahat yun ..  at kapag nakikitang mong natatalo mo at nakakapatay ka ng zombies ang sarap sa pakiramdam nun. Kailangan lang  may sandalan ka, liwanag at tapang para harapin lahat ng laban sa buhay.

Kapag natapos mo yung unang level may susunod pa.. pero habang pataas ng pataas yung level mo dumadami din  ang natutunan mo. Anong level na ba ako?

 

May we never let the things we can’t have, or don’t have, or shouldn’t have, spoil our enjoyment of the things we do have and can have. As we value our happiness, let us not forget it, for one of the greatest lessons in life is learning to be happy without the things we cannot or should not have.

Gusto kong salubungin ang bagong taon ng maayos kahit may pagdadalamhati sa puso ko.. maayos rin ito.

 

Happy New Year sa lahat. ^_^

 

Lambing ….🙂


9 Responses to “Lambing vs. Zombies”


  1. Disyembre 29, 2010 bandang 6:51 hapon

    Ouch! Alam ko ang pakiramdam na yan. Para ka din inilagay sa isang garapon tapos tatakpan hanggang maubos ang hangin mo sa loob.

    Ang kailangan mo lang ay maraming sun para makabili ka ng maraming sandata para sa pakikipagtunggali. Kapag tapos na, magkakasiyahan ang lahat. Ikaw yung masayang kumakanta sa gitna habang nagsisisayaw ang lahat.

    Happy New Year Lambing!

  2. Disyembre 31, 2010 bandang 7:13 umaga

    Happy new year lambing! I hope ok ka lng. God bless sayo. Lahat tau may mga zombies sa buhay pero always remember na marami ring available na sandata.

  3. 5 apollo
    Enero 4, 2011 bandang 3:43 hapon

    sino sya at ipapatumba natin. lols. happy new year! Ü

  4. 6 shea
    Enero 4, 2011 bandang 6:20 hapon

    Happy New Year Ate ko.. pasensya ka na kung nawawala ako sa hulog. lam mo naman un. hehe..

    basta keep in touch. mwah.. God Bless!

  5. Enero 4, 2011 bandang 7:14 hapon

    How’s your blog doing in 2010? How many visitors viewed it and which of your post was most read? All of these , and many more, are emailed to you by WordPress. And to top it all, you can directly post these data to your blog as I just did. Click on this to see. We, WordPressers must have this on our blog.

    Go to your email now and look for this: Your 2010 year in blogging [your blog URL]

  6. Enero 8, 2011 bandang 3:02 hapon

    mabuhay ang mga adik sa plants vs. zombies!🙂

    merry new year, kapatid!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Disyembre 2010
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: