05
Jan
11

Now i know why i love chocolates

Kagabi pa ako di makatulog ng maayos, dami bumabagabag sa isip ko. Sinasamahan ko din ng dasal na huwag na maapektohan sa mga nangyayari saken ngayon. Okey naman ako physically pero emotionally medyo di maayos. Im trying to be brave to face my problem , kinalimutan ko na nga yung nararamdaman ko, halo halo kasi, galit, galit , galit.. ay teka bakit ba puro galit na type ko.. ewan ko ba.. ang hirap kasi intindihin nung bagay na nangyari saken.. parang akong binagsakan ng malaking depression..  ayoko na idetalye kasi bumabalik yun sakit..  Ayun i thought everything was ok untill i received a message.. ewan ko.. nakakapraning..

Gusto ko magkaroon ng temporary amnesia.. para kalimutan yun araw na yun.. araw  na akala ko magiging maayos ang lahat, araw na puno ng saya ang puso ko, lahat ng magagandang bagay inisip ko na mangayari sa araw na iyon..  hindi ko inisip ang pagod ko , hindi ko inisip yung isang araw na byahe ko,  hindi ko inisip na may sakit ako, hindi ko inisip yun araw na mawawala saken na hindi ako papasok sa trabaho ko, makasama ko lang sya.. makita lang kahit saglit lang..ang pagkakamali ko lang hindi ako naging handa sa magiging resulta kasi lahat tinignan ko positively… i break down…… hindi natuloy..😦

Umuwi ako blanko..  buti sana kung isang oras lang ang byahe ko kaso sampung oras ako nasa loob ng bus.. mainit… mahangin.. maalikabok hindi ko alintana yun gusto ko lang makauwi agad..Naguunahan yun mga luha ko kahit pigil na pigil akong umiiyak ayoko ko na kasi umiiyak, nakakapagod lang saka nakakahiya dun sa matandang katabi ko… Punong puno ng katanungan, naisip ko…. “masama ba akong tao?” .  humahanap ng magsasabi na ” tama na yan okey lang yan…”  may mga nagalit, may natuwa, may nanisi.. may mga yumakap …  naglasing ako, tinawagan lahat ng mga may gusto saken.. buti nalang walang pumatol nun araw na iyon.. feeling ko kasi ako yung pinakapangit na tao sa buong mundo…

Lumipas ang pasko , bagong taon.. i need to be ok.. i need to smile para sa ibang tao though my heart is aching.. Para kay papa ngumingiti ako, sa kapatid ko at sa mga kaibigan ko.  Nagpaganda ako.. nag adik sa plant vs. zombies, nagbabad sa trabaho…  ganon talaga yun i need to be ok.. hanggang sa akala ko ok na ako.. hindi pa pala..

Kaninang umaga nagdasal ako, tumawag sa kaibigan gusto ko maging okey.. Nagpaganda ulit ako,  nag facebook para malibang.. tapos yung kasama ko nagbigay saken ng ……


chocolates.. bigla ako sumaya ahaha takte chocolate lang pala ang katapat ko .. ewan ko ano meron sa chocolates pero eto ang katunayan…  nag status message ako sa fb:

is eating hershey’s chocolates .. nakakatangal ng stress hihihi thanks to Jennelyn Jacinto

sabi nun new friend ko sa fb blogger din sya

“chocolates is a medicine for loneliness may sangkap yan na nagpapasaya ng ating utak”

“yes mas lalo raw effective kung bigay at hindi binili ng sarili mong pera hahaha! penge”

Ayun naman pala yun eh.. saka may dinagdag pa sya …

“chocolates, icecream, marsmallow lahat yan may sangkap na nagpapasaya ng ating utak.. kaya always eat chocolates..”

Naisip ko lang yung mga katulad kong chubby siguro kaya nanaba dahil lonely rin.. toinks!  saken lang naman yun  kaya….

now i know..

hahaha nako naman sabi ko pa naman magpapayat nako! Banat ng brother ko ilang new year ko na daw sinasabi yun toinks!

Para sa mga gustong sumaya ako bigyan nyo ako ng sokoleyts with almonds ha???😆

Just kidding……

i just need a hug…🙂

.

.



with chocolates😀


10 Responses to “Now i know why i love chocolates”


  1. Enero 5, 2011 bandang 2:44 hapon

    Pahug Lambing! (wala nga lang chocolates, ahihi!)
    Gaano man kagulo ngayon yan, babalik din sa ayos ang lahat..

    Parang tubig lang yan sa lawa, kahit na bulabugin mo ng ilang ulit, titinang din ng kusa.

  2. Enero 5, 2011 bandang 9:27 hapon

    happy new year adel!

    ok lang ba kahit wala akong dalang chocolates? ang alam ko lang, masarap ang chocolates kapag binigay lang sa’yo ng ibang tao. pero kapag ikaw ang bumili, parang nawawalan ng bisa. ewan ko lang ha. baka sa akin lang. hehehe!

  3. Enero 5, 2011 bandang 10:33 hapon

    penge! hershey yummy yan!

  4. Enero 6, 2011 bandang 3:35 hapon

    Hi Lambing….

    *hugs*

    Magiging Okei din ang lahat, ganyan naman ang buhay, hindi pwedeng laging masaya, kelangang din ng lungkot , ganyan din sa sitwasyon mo hindi laging malungkot, dadating din yugn time na magiging maayos ang lahat, yung magiging masaya ka…..

    Ang lau ko kasi ililibre sana kita ng ice cream…hehehe…

    Be strong…. andito lang kami mga bloggers nag mamahal sau….

  5. Enero 12, 2011 bandang 11:22 umaga

    haaaay lambing! nasasad ako sa kwento mo😦
    anyways, it’s nice to hear naman na parang ok ka na.. sana…
    pareho tayo, like na like ko din talaga chocolates, kaya lang mas type ko yung walang almonds.. hehe..
    para akong matanda kumain nun, kasi kakainin ko ung chocolate pero ititira ko ung almonds at itatapon..hehe..
    pero basta, sana maging ok na ang lahat.. isipin mo na lang Lambing. Everything has a reason🙂

    • Enero 12, 2011 bandang 11:33 umaga

      ahahaha sabay tayo kumain ng sokoleyt chel.. akin lahat yun almonds hihi

      ok na ba ako? hahaha talagang nakakasad… hmmmp!!! litsugas kasi yun eh hahaha… yun nalang iniisip ko.. everything happens for a reason…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Enero 2011
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: