18
Jan
11

ang cooking ni lambing

Matagal tagal na rin akong hindi nakakapag luto ng lutong bahay. E kasi naman ultimo linggo may pasok ako. Paano ba naman ako makakahanap ng time para maghanap ng juwa nyan at balang araw eh ipag luto ng straight from the heart eh parang sa disyerto lang  madalang pa sa pagpatak ng ulan ako magkaroon ng time para maglamyerda hahay, nagkaroon nga ng time palpacatious naman ayan bitter mode nanaman haha.

Ayan haba nanaman ng intro ko. May nagkatay ng baboy sa amin at pinutang ako ng isang kilo nun linggo ang kaso wala kong ref kaya kailangan kong lutuin lahat yun isang kilo na yun. Nakapakarami na nun isang kilo para sa aming magkapatid kaya ginawa ko hinati ko sa tatlong putahe yun isang kilong liempo ng baboy . At kelangan umabot yun ng matagal tagal , ako na ang kuripot ang hirap kaya ng buhay ngayon..

  1. Sinigang na baboy – maasim asim na malapot dahil sa gabi na may siling mahaba, talong at kangkong . Bagay ngayong panahon ng tag lamig kasi sobrang ginaw dito sa amin soska kaya kailangan ko ng mainit init na  sabaw at mahilig talaga ako sa may sabaw .

2. Adobong Baboy sa suka- asin lang ang halo lpinakuluan ko lang sa madaming bawang  , paminta , sibuyas saka pinag mantika untill golden brown.

P. S. hiniram ko lang yun picture kase panget yun camera ko sa phone😆

3. Binagoogang baboy – Sangkap:

Baboy
Alamang, kung ayaw ng maalat kailangan hugasan mo at pigain ang katas
Sibuyas
Bawang
Siling mahaba na green; hiwain ng maliliit
Seasoning
Paminta
Mantika

Paraan ng pag luto:

  • Igisa ang baboy sa mantika , sibuyas, bawang, hanggang maging kulay brown
  • lagyan ng konting toyo, pamintang durog  para bumango .
  • Ilagay ang alamang , haluin ng haluin hanggang maging kulay brown
  • Kapag luto na ang alamang at baboy ihalo ang siling green mga 5 minutes tapos viola luto na ang binagoongang baboy.

Enjoy your meal.🙂 Pwedeng magtagal ng ilang araw yun adobo at binagoogan kasi yun sinigang  binatan na namin kagabi. Wala muna diet diet bukas nalang😀

Eka coconnect ulit ako..

Ang pagluluto ay parang pagmamahal lang… mahinto ka man ng matagal o maibaling man sa ibang bagay, kapag mahal mo babalik at babalikan mo pa rin..  nang may galak puso😉

 


10 Responses to “ang cooking ni lambing”


  1. Enero 18, 2011 bandang 12:44 hapon

    masarap to susubukan ko next week pag balik ko ng bansa

  2. Enero 18, 2011 bandang 4:29 hapon

    Bakit naman pati Linggo ay may pasok kayo? Ikaw ba si Curacha, ang babaeng walang pahinga? =P At talaga naman, ikaw na magaling magkonek konek kung kung anong anek anek sa buhay mo. Ikaw na!

    • Enero 18, 2011 bandang 6:39 hapon

      … kasi walang pinipiling araw ang trabahong napasukan ko salbe.. kayod lang daw ng kayod.. ako na nga! si curacha ang babaeng walang pa… pa … pahinga ahek.. kung may kumpanya ka at kailangan mo ang julaylay tawagin mo lang ako nakakapagod na rin kasi makulong ahaha…

      empre kailangan yun connect connect hihi gusto ko kasi ng connection… anong connect?😆

  3. 7 shea
    Enero 19, 2011 bandang 3:52 hapon

    ang sarap. penge.. miss ko na luto mo. miss na rin kita..

  4. Marso 16, 2011 bandang 5:06 hapon

    Yum, yum! Ang sarap ng porky!! Hehe.
    Mahilig k din pla mgluto, lambing. Pareho tayo. Nakkamiss ang pork bihira kc kmi mgbaboy dito. Hay nagutom ako bigla.. Hehe:)


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Enero 2011
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: