07
Feb
11

tanong

Ilang beses ba ako mag paparaya? Para mapatunayan na nagmamahal ako ng totoo.

Ano pa ba ang kailangan ibigay para lang makamit ang langit na pakiramdam na iyon.

Ilang sakit pa ba ang kailangan kong pag daanan para marating yun sinasabing finish line.

Hanggang kailan ko kaya hihintayin yun pagkakataon na hindi ko na kailangan mag paraya dahil ako ang pinili.

Kailan kaya?

Kailan kaya ako mahihinto sa pag- aalinlangan na kapag binigyan ko ito ng pagkakataon baka magaya lang din sa dati?

Ang tagal ko na humahanap ng malagkit na kalabasa pang sahog sa sitaw..

Ang tanong ko sa tindera malagkit po ba ito? Baka po hindi ahh..

Sagot ng tindera oo ineng malagkit yan, iba ito,  hindi katulad ng iba.

Pag dating ko sa bahay niluto ko agad.. pero pag kaluto ko bigo…

Hindi sya malagkit.

Paano ko ba malalaman ang kaibahan? Kung lahat nangangako na iba sila?

Nakakapagod din sumubok ng sumubok..

baka masayang lang ulit ang oras ko..

Sabi nila ang pagmamahal daw dapat reciprocal…

Na kapag tayo nasa isang relasyon kailangan lahat ng binibigay mong pagmamahal pantay nating nakukuha sa kapares..

dapat daw give and take …

pero hindi dapat ganon…

dapat daw bigay ka ng bigay…

sabi nga…

Love is giving untill it hurts….

Huwag daw magalit sa sarili kung binigay mo na ang lahat…

Dahil sa huli masasabi mo…

Mas nagmahal ka.

Pero ang tanong hanggang  kailan kaya ako matatapos sa katatanong?

 


12 Responses to “tanong”


  1. Pebrero 7, 2011 bandang 5:05 hapon

    Base ako!…hehehe

    same lang din ng tanong ko lambing….

    ganun talaga….

    hindi mo alam kung totoo sila sau… kung wala nga ba silang katulad.. Madalas nakakasawa na, pero sbi din ng iba, kapag di ka susubok ulit ay di mo malalaman….

    Mas masarap parin ang feeling na binigay mo ang lahat…. Kasi hindi ka magsisisi ksi hindi kaw nagkulang….

    *hugs*

    mwahs….

  2. Pebrero 8, 2011 bandang 1:04 hapon

    ahhahaha tama si tindera.

    may lagkit.

    lagkit ng pagmamahalan. matanggal man, may maiiiwan na konteng kapit na syang makapagdidikit ulit.

    hi ate lambing!! pebrerong pebrero ang hangin dito a

    i miss you

  3. Pebrero 9, 2011 bandang 3:58 hapon

    Binigay mo lahat at hindi nagkulang. Kumusta ka naman pagkatapos ng luhaan?

    Ang pag-ibig ay parang pagpasok sa negosyo. Kahit na sabihin mong gamay mo ang pagpapatakbo, hindi mo masasabi kung ano kahihinatnan nito sa dulo. Kaya dapat huwag na huwag mong ipupuhunan lahat. Dahil sa panahong magkaubusan, may natira naman sayo kahit konti na sapat na para makapagsimula ulit.

  4. Pebrero 9, 2011 bandang 10:35 hapon

    hi lambing! namiss ko dumaan dito.🙂

    narinig ko ‘to dati sa co-teacher ko: “THERE IS NO BETTER CURE FOR LOVE BUT TO LOVE MORE.”

    tsaka “LOVE UNTIL IT HURTS. FOR WHEN YOU DO SO, THERE WON’T BE ANY HURT. JUST MORE LOVE.”

    Kamusta?🙂

  5. Pebrero 11, 2011 bandang 4:01 hapon

    ang kalabasang pag-ibig baw!

    ako rin e, di ko alam kung paano ko natsa-tsambahan na malagkit. pero madalas hindi. hehehe

    naku ayoko magtanong sa love, kasi may mga tanong na hindi sinasagot. at may sagot na dumarating kahit di mo pa tinatanong. maglalagkit na lang kusa.

  6. Pebrero 12, 2011 bandang 4:56 hapon

    HaMn.. aTe.. MiNsaN gAnuN tALaGa.. MiNsAN hiNahANap naTin sa iBa anG mGa kuLang iSa aTin..

    TumIngin kA kaYa sa PaLigiD mo..

    HuWag iAsa Sa KaLabaSa anG LagkIt…

    May GawgAw nAmAn.. kUndi Ka kiNeRi.. ElMeRs gLue…

    TeNaNg LagkIt pa anG guSto moNg haNaPiN dyAn… wEheHe.. pIz!!!

  7. Pebrero 15, 2011 bandang 6:13 hapon

    anong malagkit na kalabasa? baka maligat?

    ang malagkit na kalabasa ay pwedeng makuha sa pamamagitan ng pag dip ng bawat hiwa nito sa paste…

    ang maligat na kalabasa ay ang maganda klase ng kalabasa…siksik at masarap kainin…

    yun lang…

  8. Pebrero 15, 2011 bandang 8:13 hapon

    siguro adel, maihahalintulad yan sa sapatos. kahit gaano mo kagusto, kahit gaano siya kaganda sa’yo, kahit kaya mo siyang bilhin, kahit makuha mo pa’t ariin, wala ring saysay kapag di kumasya ng sakto sa paa mo. someday, you’l find something that you will love, that you can get fairly, and that you will cherish and hold without any pain. parang sinukat pala talaga para sa’yo. someday soon!

  9. Pebrero 22, 2011 bandang 3:58 hapon

    ate..payo lang po.. paano nya malalaman na mahal sya ng 1 tao?


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Pebrero 2011
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: