16
Apr
11

yung kinatatakutan ko

Sabi nila past is past. Huwag ka na lumingon sa kahapon, kung paano ka nasaktan , ano man ang nangyari sa nakalipas. Pinilit kong kalimutan lahat ng masasamang nangyari, pero bakit hinahabol pa din ako ng nakaraan?

Gusto ko lang naman huminto na dahil sabi nga nila hindi naman hihinto ang pag ikot ng mundo kahit pa ubusin mo ang luha mo. Hindi lahat ng nararamdaman mo pwedeng maramdaman nang nakapaligid sayo.

Pero bakit ganon sa kakatakbo ko nasalubong ko nanaman yung iniiwasan ko? Ayoko ng ganitong pakiramdam. Yun maalala mo lahat lahat ng pinagdaanan mo at kung paanong hanggang ngayon nararamdaman mo pa rin yun matagal mo nang pinipilit ibaon sa limot? Kung paano ka lumaban , sumugod ka sa hamon, subukan tumayo uli sa pagkakadapa mo… at pag kalipas ng araw biglang naisip mo bakit may kurot pa rin?

Yung maalala mo kung paano may kumalinga sayo pagkatapos ng pagkadapa mo, kung paano umasa ka na mababago na ang lahat dahil meron pang nagpapahalaga sayo.. Pero paano kung pati ang nagpapahalaga na iyon ay magbago rin? Saan ka pupulutin?

Nakita ko na.. kahit mahirap ,kahit  masakit , kahit parang sinusuntok ang puso mo sa ikalawang pagkakataon, bakit ka tatakbo? Bakit hindi mo harapin ang pag iisa? Siguro hindi naman habang buhay kang nag iisa.. oo sa una malungkot parang napakahirap na sa dinami dami ng tao sa mundo wala ka manlang makasama.

Pero ganon talaga ang buhay… hindi lahat ng bagay kailangan takbuhan.. minsan kailangan mo rin magpakatatag , harapin yung humahabol sayo..tumayo sa sarili mong paa, baka sakali wala kang ibang taong sisihin bakit hanggang ngayon malungkot ka pa rin at nag iisa.


7 Responses to “yung kinatatakutan ko”


  1. Abril 17, 2011 bandang 11:38 umaga

    Alam ko ang pakiramdam kaya sasamahan kita ate Lambing. Hindi man ako makatulong para maibsan ang sakit na nanunumbalik sayo, hinding hindi ko naman bibitiwan ang mga kamay mo hanggat hindi ka nagbubuntong-hininga na may kasunod na matamis na ngiti.

    Hug tight!

  2. Abril 17, 2011 bandang 3:15 hapon

    Tama. Mas maganda na harapin mo ung humahabol sayo.

    Minsan naranasan ko na rin yan, mas masasabi mong naka move on ka na kung wala ka ng maramdaman habang kaharap sila. Ung tipong wala ka ng nararamadamang galit o pag mamahal.

    Tama rin na mas magandang tumayo ka sa sarili mo.

    Mahalin mo ng lubusan ang sairili mo. Yung panahon na ito, mas maganda na hanapin mo ang kaligayahan sa sarili mo. Mas magiging masaya ka.

    Lika nga dito., Hug kita…..

    -krisjewel po.

    Ingats parati…

    always remember malayo man kami, love ka namin…. aw

  3. Abril 20, 2011 bandang 11:31 hapon

    if you run too fast and too far, magugulat ka kase you’re back again from the place na tinakbuhan. ganun talaga dahil bilog ang mundo.

    kailangan talaga alam mo kung anu ba ang gusto mo. tatakbo ka ba o haharapin ang katotohanan. in the end, ikaw pa rin ang mag de decide. happy or sad, you have to choose. follow your heart ‘ika nga.🙂

    na miss kong magbasa dito.

  4. Abril 29, 2011 bandang 1:19 hapon

    kung lovelife yan… oo awkward nga. sa akin may ilang tao na iniiwasan at wini-wish ko na hindi ko makita o makita nila ako. wala lang para smooth lang ang day.

    parang move on tayo sa time and distance.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Abril 2011
M T W T F S S
« Mar   May »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: