22
May
11

art of letting go ( di ko kayang tanggapin)

Di ko kayang tanggapin
Na mawawala ka na sa akin
Napakasakit na marinig
Na ayaw mo na sa akin

Hapdi at kirot
Ang dulot sa ‘king damdamin
Di ko kayang mabuhay sa mundo
Kung mawawala ka sa piling ko

I.

Kahapon lamang ay kaysarap
Ng ating pagmamahalan
Ang sabi mo pa, pag-ibig mo’y walang hanggan
Kahapon lamang tayo ay nagsusumpaan

II.

Ang sabi mo pa, ako’y di mo iiwan
Ngunit bakit ngayo’y nagtatapat
Na mayroong ibang mahal
At sinabi mo pa na mas mahal mo siya
Kaysa sa akin

Nagdurugo ang puso ko dahil sa sinabi mo
Nais kong magmakaawa sa ‘yo
Suyuin ka, pilitin ka
Na ako’y muling mahalin…

toinks! toinks!

Medyo may kakornihan ang lyrics.. pero kung nanamnamin mo ang bawat salita.. masakit nga , lalo sa mga taong nakakaranas o nakaranas ng kabiguan sa pag ibig mahirap talaga tanggapin. Sasabihin ko nanaman ulit ito na walang sinoman ang pwedeng humusga sa nararamdaman mo kasi hindi sila ang nakakaranas ng sakit na yun. Sila na ang lumugar sa katayuan mo.. yung feeling na ang sakit sakit… kahit saan ka bumaling laging parang may kumukurot sa puso mo. Huwag mong sabihing umaarte lang dahil kung may choice sila , hindi nya pipiliin maramdaman yun impyernong pakiramdam na paulit-ulit nalang nagsusumiksik sa sistema nila. Iyong iba mag sasabi ang O A naman nyan!!! Try to put yourself in her/his shoes.. baka sakali lang maramdaman mo at maunawaan ang pinag daraanan nya.

Hindi madali, dahil kung madali lang kalimutan ang lahat at lunukin ang katotohanan di sana hindi ka na maya maya naglalabas ng likido sa mata tuwing tatamaan ka ng kirot na iyon. Naiintindihan ko rin yun pakiramdam na gusto mo nang maglaho sa mundo kapag ganon yung shet na pakiramdam na iyun… pero hindi dapat ganon.. dapat labanan mo ang emosyon mo.

Lahat daw ng bagay sa mundo pwedeng maglaho, lahat may katapusan, lahat hindi pwedeng magtagal , walang forever. Syempre nasasayangan ka kung ikaw yun tipo ng tao na mapagpahalaga, lahat ng bagay na ipinaramdam sayo eh pinasasalamatan mo at pinahahalagahan at in return gusto mo ibalik yun favor na iyon sa kanya o mas higit pa dahil …. sinasabi ng puso mo na..

Ikaw ang dahilan kung bakit pagkatapos ko masaktan noon eto ka nagpapangiti saken..

Ikaw ang dahilan bakit nagtitiwala ako ulit pagkatapos ng kabiguan ko…

Ikaw ang dahilan bakit iyong puso ko na dati basag na basag ikaw ang bumubuo unti unti..

Ikaw ang dahilan sa bawat kinang ng mata at tamis ng ngiti sa aking labi..

Ikaw ang dahilan sa bawat kanta ko..

Ikaw ang dahilan sa bawat pag bangon ko..

IKAW ANG DAHILAN KO ♥♥♥


Tapos biglang may magbabago… hindi ka na kayang mahalin, o kaya naman nag taksil sayo, o talagang hindi pwede.. WASAK! bakit mo pa ipinaramdam saken lahat ng ito kung lahat ay magbabago rin?

Sige sumigaw ka, sabayan mo iyong rock music na tumutugtog kasi umay na umay ka na sa mga love songs na pinapatugtog sa radyo na lahat ay parang patama sayo.. ” how do i live without you” ” how am i supposed to live without you” ” Paalam na” ” Iloveyou Goodbye” habang hawak hawak ang isang bote ng redhorse na malamig na malamig tapos nag iisa kang naglalaklak o bakit o bakit! Napaka miserable ano???

Iyon iba tapang tapangan mode.. Hindi lang sya ang babae/ lalaki sa mundo ano??? I deserve someone better! Mukha mo! Hindi ka naman kagandahan/ kagwapuhan anong karapatan mong i reject / lokohin ako ng ganito nalang anooooo??? Pero kapag nag iisa nalang yan tataob rin yan.. Minsan ayaw tanggapin ang pagkatalo dahil sa PRIDE. Pero itong tipo ng mga tao na ito ang pinaka kawawa  kasi hindi pinapakita yun tunay na nararamdaman.. ayaw aminin sa sarili , iyung nagkikimkim maya maya bigla nalang iyan sasabog na parang bulkan at hindi mo kaya pang kontrolin ito kapag umabot ka na sa hangganan mo.

Sasabihin mo… ” Sa tingin nyo madali lang ba ang pinag daraanan ko??? ” I HATE YOU! ” ” I HATE THIS CRAZY FEELING” ” I HATE MYSELF FOR FEELING THIS WAY!” ” I HATE THAT I LOVE YOU”  ” YOU LIAR!” Pero bakit MAHAL pa rin kita😦

Hindi ako magkakaganito kung hindi kita mahal! Mahal lang kita kaya ako nagkakaganito kasi totoo ako , totoo ako.. ( buntong hininga…)

  • Hindi naman lahat ng gusto mo pwedeng mangyari diba?
  • Hindi rin lahat ng tao pwedeng maintindihan yang pinagdaraanan mo, iyun iba dadamayan ka lang , makikinig, pero pagkatapos nun ikaw pa rin ang makakatulong sa sarili mo. Kahit sundin mo lahat ng 3 entry ko kung paano ba mag move on ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo, hindi si YOU..
  • Hanggang kailan mo titiisin ang SAKIT na iyan? Sakit sya literally kasi hindi na healthy lagi kang
  1. malungkot
  2. lagi kang umiiyak
  3. lagi ka nagseselos
  4. lagi kang parang kawawa
  5. lagi kang bitter..

Lahat ng bagay may dead line..

TAHAN NA…

HUSH….

HE/SHE MAYBE THE BEST THING THAT EVER HAPPENED TO YOU… may mga bagay talaga na hindi nagtatagal..Iyon ang dapat mong isipin , iyon ang dapat mong tanggapin, huwag ka nang mag matigas , mahirap tumanggap sa kabiguan lalo na at binuhos mo lahat lahat sa kanya pero wala pa rin … Siguro may mas magandang ibibigay si Bosing sayo.. iyong hindi ka sasaktan iyon kapares mo talaga… iyong mas sasaya ka pang hawakan mo iyon..  Kung sa tingin mo parang hindi mo kaya… kailangan mo ipanalangin iyon na bigyan ka ng kapayapaan , katahimikan ng puso mong nasasaktan.. ” Lord ang sakit sakit naman! ” Hindi ko na kaya… itinataas ko na sa iyo lahat ng nararamdaman ko… soon your worries, pain  and fears will disappear because only GOD CAN HEAL THE BROKEN  HEARTED. Surrender it.

How good it is to give thanks unto the Lord

How good is to give thanks unto God..

OH HE HEALS THE BROKEN HEARTED BINDING UP THEIR WOUNDS..

It is good to bless HIS HOLY NAME .

Learn to give up if you think that you already did your part. Goodbye is not really an end, but a beginning of a love you deserve to have.


21 Responses to “art of letting go ( di ko kayang tanggapin)”


  1. Mayo 23, 2011 bandang 1:35 hapon

    mahaba, detalyado at puno ng damdamin ang post na ito. oh well, ang masasabi ko na lang masakit, mahapdi at ang hirap pero gaya ng sinabi mo. ang mismong nasasaktan ang dpat tumulong sa sarili niya para makalimot.

    pag-ibig nga naman parang kanta.

  2. 4 Rubie
    Mayo 24, 2011 bandang 6:37 umaga

    Haiz.. eto na naman ako. nagbabasa na naman ako ng blog mo.. katulad nung dati kong comment ko one and a half year ago, palagi kong binabasa ang blog mo everytime i read something related to moving on or some sort, palaging kating kati ang kamay ko na magcomment.. anyway.. tanong ko din un.. i’ve been single for 3 years.. and for the whole 3 years i’ve been taking care of myself as much as i can.. (if i may say: I AM GUARDING MY HEART)..tapos may dumating.. actually dati pa sya dumating na sya noon kasi siya ang pinakauna kong naging boyfriend. to cut the story short.. it was our 3rd chance to make it work.. pero hindi pa rin.. palagi ko syang tinatong sa isipan ko.. : “Bakit sa tuwing bumabalik ka, umaalis ka rin ulit.”

    Pakiramadam ko, npagalalaruan ako.. pakiramadam ko.. trip trip nya lang un.. at masakit.. sa tuwing iniiwan nya ako, palagi kong iniignore ung pain.. palagi kong sinsabi sa sarili ko na baka nga masyado lang ako nagexpect.. pero masakit kasi eh..

    sabi ng tita ko: Maybe he’s not the right man for you. Makakahanap ka rin ng para sayo. rubie: Hindi na rin siguro. Partida napo un ah, to think na magkababata kami.. to think na kilala nya ang buong pamilya ko at kilala ko ang buong pamilya nya.. to think na kilala ko sya.. sa tao pang hindi ko kilala.. (ewan sobrang bitter lang ng sagot ko.. nasasaktan kasi ako. madami naman sya pedeng paglaruan dahil marami naman syang kilala. pero bkit ako pa.. gnun ba ako katanga..)

    hindi ako galit.. nasasaktan lang ako.. nalulungkot ako kasi dinala nya ako sa kalagayan na to..

    • Mayo 30, 2011 bandang 9:23 hapon

      salamat miss rubie sa pagbabasa.. kasi nga may kasabihan na kapag hindi mo na kaya daanin mo nalang sa sulat.. ayan ginagawa ko at syempre gusto ko rin makatulong sa mga nagbabasa hehehe.. hirap kasi no??? pero gaya ng sabi ko, hindi natin pwede isisi ito sa mga taong minahal naten.. ok lang masaktan tayo ahmmm malungkot pero choice naten kung mag sstay tayo maging miserable…

      be happy.. bigyan mo ng chance yung iba.. malay dun ka pala talaga sasaya😉

  3. 6 ramir096
    Mayo 24, 2011 bandang 6:30 hapon

    nakaka lungkot.mahirap pero dapat kayanin

  4. Mayo 24, 2011 bandang 11:17 hapon

    parang lagi ko na lang inuulit dito yung comments ko.

    para lang maiba, i hope you find someone who will see your worth and love you for who you are. and maybe, just maybe…you’ll learn to love him too.

  5. Mayo 25, 2011 bandang 11:49 hapon

    i certainly agree sa twitter post image. dapt sa mga ganung tao binibitin patiwarik!

  6. Mayo 28, 2011 bandang 11:23 hapon

    all the comments are true and inspiring.sobra…

  7. 11 Ryan Adik Nga Lambay
    Mayo 29, 2011 bandang 5:29 hapon

    Mahirap kalimutan ang mga taong minahal mo pero nangloko sayo. Pero ang masasabi ko lang sayo eh nagmahal na ang bigas sa merkado. Ang bagay sa mga taong nang-iwan sa inyo ay sunugin. Siguro naging biktima rin ako ni Kupido at ginawa ang mga ginawa mo.

    Huwag kang mamalagi sa nakaraan. Gawin mong bato puso mo dahil sa kahulihulihan ay may darating din at palalambutin yan.🙂 I added you sa blogroll ko. Sana e.add mo rin ako.🙂

  8. Mayo 29, 2011 bandang 9:03 hapon

    well said….

    parang galing sa puso at malalim ang pinag huhugutan….

    nakarelate ako….

    ingats lambing

    *hug*

  9. Mayo 30, 2011 bandang 5:13 hapon

    is this all a note to yourself? ahehehehhehehe..kidding.
    I like the quote in the notebook..ouch lang eh.

  10. Hunyo 5, 2011 bandang 4:26 hapon

    hehehe… i remember another song..😀 “Open up your heart and let the sunshine in!”

    smile na… there is a BETTER PERSON deserving of me … yun ang sinasabi ko sa sarili ko every failed relationship ..😀

  11. Hunyo 10, 2011 bandang 3:33 hapon

    Sarap mg,basa ng mga blog’z mo po..,hehe nakaka’inspired..,lalo na pg, depressed heheh keep it up po..,^__^

  12. Hunyo 16, 2011 bandang 1:31 umaga

    isang buntong hininga………

  13. Hunyo 20, 2011 bandang 5:50 hapon

    pashare sister… this really helped a lot with the things thats been going on with me right now… sometimes… hindi ko na talaga kayang tanggapin lahat…

  14. 21 TAN TAN
    Disyembre 3, 2015 bandang 5:47 umaga

    paano kung palagi kayung nagkikita sa isang lugar na di mo naman dapat layuan ang lugar na yun kasi nga importante ka sa mga tao na nandoon .. pero andun din sya,,, lalong lalo na sa trabaho?? or Magkagrupo kayu..??


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Mayo 2011
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: