06
Jul
11

love story ♥

Kung magsusulat kaya ako ng love story ko ano kaya kalalabasan ng kwento ng pag ibig ko. Minsan kasi ang daming intresado malaman ang love story ko eh. Kapag may nag tatanong ang isinasagot ko ay in the making pa lang, wala pang cast, wala pang ka love team yun mga nauna nag backout, ang iba naman nasulot na para gumanap sa love story ng iba. Parang ang dami no? Eh nakakatatlo pa lang naman ako :))

Yung iba naman akala mo yun na kasi ang ganda ng umpisa halos ayaw mo na nga tapusin kasi ang ganda talaga pang best seller ang story kaso nga lang hindi pwede. Wala naman love story na nag iisa diba? Dapat kwento nyo talagang dalawa at walang ibang kahalo. Pero ganon pa man… ang mahalaga kung paano mo naramdaman na mahalin ka ng taong iyon kahit walang tawag sa relasyon nyo.. iyung pahalagahan ka lang masasabi mo na enough na kahit walang happy ending at least naranasan ko mapabilang sa cast o pinagpipilian mong  makasama sa love story ng buhay nya.

Pero sa kwento ng pag – ibig mahalaga ba talaga ang happy ending? Para saken naman kwentong pag-ibig pa rin naman kahit hindi mo nakatuluyan yung taong minahal mo.

Ang mahalaga naramdaman mo yung sinasabing pag-ibig. Kahit sandali lang yun, Ibig sabihin marunong kang magmahal hindi ka bato. Kahit na sa dinami dami ng take at drafts para lang makagawa ng magandang love story eh hindi ka pa rin makabuo, malay mo bukas makita mo na yung tamang cast para makagawa ng bago at mas magandang love story. Tyaga lang sa paghihintay huwag manawa, huwag rin mapagod maghintay.. kasi yun magagandang love story pinag iisipan ng mabuti, pinaghahandaan yan kailangan ng panahon.

Eh ilang panahon na nga ba ang lumipas? lipas na nga ba ang panahon ko para makabuo? Tingin ko naman hindi haha. Sana lang dumating na, kasi medyo nakakangawit na rin sa terminal. Pero ayus lang ineenjoy ko muna mag isa para kapag dumating na si ka love team mas focus na ako sa kanya. Yun yun eh..


5 Responses to “love story ♥”


  1. Hulyo 6, 2011 bandang 4:13 hapon

    Tama!
    Ang tunay na pag-ibig at sadya nga daw talagang nakakapaghintay. Pero paano kung napalampas na pala? Ahahah! Malamang alam din nyang bumalik.

    Yang ang talagang kwentong pandalawahan lang.

    Isang malambing na araw sayo!

  2. Hulyo 6, 2011 bandang 4:30 hapon

    Hindi pa naman lipas Lambing… Dadating din un…Maghintay ka lang….

    Ang pag ibig ay para sa dalawang tao, hindi pwedeng isa lang..

    Naalala ko tuloy ung linyang “sa pag ibig walang label label, ang mahalaga mahal ninyo ang isat isa”….awwww….

    Isang pumapag ibig na umaga sau lambing!…🙂

  3. Hulyo 12, 2011 bandang 3:20 hapon

    haha! super like ko ‘to – ang simple, ang galing!🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 523,147 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Hulyo 2011
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: