13
Jul
11

112 budget kaya mo ba?

Ang minimum wage daw ngayon dito sa probinsya namin ay 237.00. Talagang ang hirap na ng buhay ngayon ano? Kung kakain ka pa sa labas mag kano ang isang order ng ulam at kanin mahigit 30 ang isang order kapag medyo masarap 50 pesos  isang ulaman lang iyon eh ilang beses ka kakain?. Kahapon nagpunta kami sa grocery, parang gusto ko mag luto pang tanggal stress. Nakakita ako ng giniling na karne paano ba ako makakapag budget ? Eto ginawa ko may 112 ako sa bulsa.

 

giniling na karne 1/4  –     50.00

patatas 1/4                            15.00

tomato sauce                        11.00

carrots                                        5.00

itlog ng pugo    15 pcs.       20.00

green peas                              11.00

_______________

      112.00

 

Ang ginawa ko yun 1/8 ng giniling tinorta ko sa itlog. Ulam namin kagabi ng kapatid ko di dalawang order na yun. Yung 1/8 na giniling niluto ko kanina baon namin magkapatid ako sa office sya sa school yun kalahati ng itlog ng pugo hinalo ko sa arozcaldo almusal namin magkapatid kanina.  Not bad, may natira pa sa bahay ulam namin namin mamayang gabi😉

Lugaw na maraming luya solb na ang almusal namin ^_^

 

Lambings Healthy Giniling

Ang teknik para dumami lagyan ng maraming patatas at carrots dagdagan narin ng green peas para maganda tignan.

Siguro kung mawalan ako ng trabaho ang gagawin ko nalang magtitinda na lang ako ng ulam parang ang laki ng kikitain mo sa pag luluto yun nga lang matrabaho. Pero kung passion mo ang pag luluto enjoy ka na kumikita ka pa😉


10 Responses to “112 budget kaya mo ba?”


  1. Hulyo 13, 2011 bandang 11:31 umaga

    wow! galing mo naman. tama ka, malaki ang kita sa pagkain na negosyo. umpisahan mo na yan! kahit sideline mo lang muna. trial kumbaga.😀

    ako magaling ding magbudget. bibili ako ng pansit canton at itlog. tapos isang beses lang ako kakain sa buong araw. galing noh? lols!

    • Hulyo 13, 2011 bandang 11:38 umaga

      haha ang galing nga… sus ulcer naman ang katapat mo gumastos ka pa! ikaw talaga😉

      yun nga kailangan ng maraming oras sa pag luluto hindi pwede ang sideline saken kasi full time ako from monday -sunday san ka pa??? haiss pero may sideline ako ngayon…. kwento next time sa blog hihi😉

  2. Hulyo 13, 2011 bandang 12:57 hapon

    Ang swerte naman ng mapapangasawa mo Lambing. San pa sila makakahanap ng marunong na magluto, magaling na magbudget at malambing pa!

    Bigla tuloy ako natakam sa lugaw. Ang sarap pa naman nyan lalu na kapag ganitong nag-uulan. Ahhmmm… dapat makakain ako nyan bago matapos ang maghapon ko.

    Isang maulan na tanghali sayo!

  3. Hulyo 13, 2011 bandang 1:15 hapon

    @ diwang tanglaw all in one na ba? haha bargain na nga eh hahaha while supply last lol!

    ako na satisfy na yun cravings ko sa lugaw kahit mainit ngayon dito hehehe…

    salamat salamat mwah!😉

  4. Hulyo 14, 2011 bandang 6:44 umaga

    wow! ang galing mo naman mag budget sana ganyan din ako. Sige start na kita gayahin. salamat sa budget teknik mo bukas gagawin ko yan. hehehe! pd na mag-asawa..

  5. Hulyo 14, 2011 bandang 1:00 hapon

    ahehehe thank you mommy dregm…

    napaghahalata lang na wala ako iba budget haha..

    sayo dina kailangan mag budget hehe

  6. 7 eklavumer
    Hulyo 14, 2011 bandang 5:50 hapon

    avah vonggah! madiskarte ang recipe! love it!

  7. Hulyo 14, 2011 bandang 6:47 hapon

    wah! panalo ka sa budgeting, lambing. saludo ako…🙂

  8. Hulyo 17, 2011 bandang 1:24 umaga

    mabuti ikaw ay marunong magluto at magbudget. winning traits yan ngayon.

    pag open ka ng resto invite mo ako ha! makikikain ako.

    mabuhay!

  9. Hulyo 17, 2011 bandang 6:10 umaga

    naks naman! pakain naman!😄


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Hulyo 2011
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: