20
Jul
11

SANA MERON AKO NG DI KA NAWALA SA PILING KO”

Binibigyan ko ng space sa blog ko ang letter ni Bry, Sa mga gusto mo mag advice open ang blog ko . Tulungan po naten ang letter sender.

SANA MERON AKO NG DI KA NAWALA SA PILING KO”

isa po akong sawing tao sa larangan ng pag-ibig na nag nanais magsulat sa blog na ito para kahit paano mailabas ko ang hinanakit ng damdamin ko at upang makahingi ng payo sa mga taong gusto magbigay ng payo…………

, ,umalis ako dec 13 2008, na nangarap makapag trabaho dito sa ibang bansa nagsumikap na makaahon sa buhay sa kabila ng,, may pag asa na darating kahit pa anong hirap na danasin sa lugar na narating,, palagi kong sinasabi darating din ako at matatapos din ang araw na paghihirap,,pagtitiis,,at pagtitiyaga,,, at muli ay magkakasama na tayo ,,, …

may naging live in partner po ako at nagkaroon kmi ng isang anak….sa 7yrs naming pagsasama akala ko na wala ng katapusan ang ligayang nadaramana nandiyan siya na nagpapalakas ng loob ko “hihintayin kita hanggang pagbalik mo”,,”,mahal na mahal kita ikaw lang ang mamahalain ko habanga buhay ko” mga pangako niya sa akin na inasam ko,, palagi siyang nandiyan kapag may problema ako ,, nandiyan lang siya para sabihin wag kang mag alala matatapos din yan lagi mong tandaan na kapag may problema nandiyan palagi ang sulosyon at ,wag kang panghinaan ng loob at may bukas pa,,dahil sa kanya umikot ang mundo ko,,.nandinyan ang anak ko na siyang naging bunga ng pagmamahalan namin at higit sa lahat siya na siyang minahal ko ng buong buhay ko……..

pitong taon niya akong napagtiisan at na kasama kahit pa sa hirap at ginhawa kinaya niya,,akala ko ,, . noon ayos na dahil plinano ko ng pakasalan siya.. pag umuwi ako..sa dalawang taon na pag kawala ko sa atin sa pinas di ko lubos na isip na magkakaroon pa siya ng ugnayan sa iba dahil kung ako lang sapat na para sa kanya, masayahin akong tao..mapagmahal…maunawain…walang bisyo at higit sa lahat may takot sa diyos..lahat na siguro ng katangian na hinahanap niya nasa akin na,wag lang ang kayamanang materyal dahil alam kung un ang wala sa akin,,aaminin ko ang kayaman lang na pwede kung maipagmalaki ay ang kayaman na nasa puso ko kahit kaylan di ito matutumbasan

..simpleng bagay lang ikinasisiya ko mababaw lang ang kaligayahan ko pero marunong akong makuntento kung anong meron ako…..di ako mapaghanap na tao,,yun ang katauhan na meron ako ,,

sabi ko may anak na din kami at di na siya gagawa pa ng ikakasira ng samahan namin,pero marami na akong mga balita sa pinas na di maganda tungkol sa kanya,,, pinabayaan kulang yun mga un sapagkat may tiwala ako sa kanya,.ng umuwi ako last january 01,2011 at kumprontahin ko siya,, siya na mismo ang nagsabi sa akin na di na siya masaya sa akin at may iba na siyang mahal masakit na malaman ang totoo…sinayang niya bakit ganon

Nandiyan na nga ung inuunawa ko siya na kahit kasalanan niya,,iniintindi ko siya ,, nagpapakatanga kahit na masakit pa tinatanggap ko pagkat mahal ko siya,pagtitiis na kahit pinahihirapan na ako nanatili pa rin akong matatag pagkat mahal ko siya,,,pero lahat pala talaga ay may magiging hangganan kahit pa anong tatag ng isang taong nagmamahal sumusuko parin,, ang pinakamasakit sa lahat ang magparaya ka na kahit mahal mo siya ,,, upang di ka magmukhang tanga na kahit mahal mopa siya hahayaan mo nalang na mkawala siya,dahil yun ang gusto niya,,paano kapaba magiging masaya kung may taong nagpapasaya sa kanya may taong mas malapit na sa puso niya sa kabila ng pangungulila niya sayo dahil malayo ka kaya niya nagawa ito sapat ba itong dahilan niya para magmahal sa iba,,,,, di naman ako nagkulang sa pagmamahal halos down to earth na ang ginawa ko pero kulang pa din sa kanya..sa sobrang sama ng loob ko ng malaman ko un halos ikamatay ko ang mga pangyayari dahil sa di ko matanggap..,,,kung kelan ako ay nagmahal ng totoo kung kailan lahat ng pinangarap ko ay ang makasama sila habang buhay ng anak ko..gumawa ako ng paraan paano sulosyunan ang mga pangyayari pero wala din nangyari sa bandang huli ako parin ang nasaktan.kaya nagdesisyon akong bumalik sa ibang bansa at tuluyan kung kalimutan ang masamang nangyari sa aking buhay dala ko ang pangarap ko ng umuwi ako pero sa nangyari parang ayaw konang mabuhay pang muli SANA di ko nalang siya nakilala SANA di ako nagmahal ng sobra SANA nagtira ako para sa sarili ko SANA andaming SANA sa buhay ko,,, dahil sa sariwa pa ang sugat na nangyari sa kin.sa totoo lang mapagkunwari ako sa kabila ng nangyari sa akin .NAKAKATAWA ako na akala mo wala lang,, nagbibigay ng mabuting payo sa mga taong naging katulad ng pangyayari ng buhay ko pero ako sa kaoloban ko pUrO sama ng loob ang nandito lumuluha nalang ako sa isang sulok pag naalala ko ang mga nangyari sa akin.sapagkat sa luha ko dito lang lumuluwag ang damdamin ko bawat patak ng luha ko ay sumisimbulo sa tunay na pagmamahal ko sa isang babaeng nagawang ipagpalit ako,,,,pinilit kung maging perpekto para maging maligaya siya pero sadyang ang kapalaran ko,,,.masasabi kung kahit kailan di ko siya makakalimutan dahil siya parin ang ina ng aming anak……… kahit kailan nabago man ang mundo niyang ginagalawan may araw parin at magku krus ang landas namin…….na sana maging Masaya siya at mas higitan pa ng taong mahal niya ang pagmamahal na binigay ko sa kanya…………SANA………………..

Kung maibabalik kulang ang panahon,,, yun ay ang di ko na aasamin na umalis pa para bantayan SIYA………………………………………………………………………

BRY,,,,,,,,,,,,,,,

**********************************************************************

Sa pagmamahalan hindi batayan kung meron ka o wala. Ang mahalaga dyan ay ang katapatan na binitiwan nyo sa isat-isa. Kasama sa pagmamahal ang patience.. Wala akong karanasan sa ganyan sitwasyon dahil wala pa akong asawa. Pero tulad mo nag mahal din ako. Lahat naman ng tao ang gusto ay magmahal at mahalin. Pero minsan mali nga lang yung paraan ng pagmamahal natin. Hindi masama mag mahal pero kailangan alam natin yun limitasyon naten huwag nating gawin pundasyon yun object of love naten bagkus gawin mong pundasyon ng pagmamahal nyo ay ang Panginoon.  Kasi kita mo ha.. walang tayong katiyakan na magtatagal at hindi magbabago yung minamahal naten pero ang pagmamahal ng Dyos ay hindi magbabago panghawakan mo yan.  

Huwag mong sisihin yung katayuan mo sa buhay na kung sana meron ako… dahil hindi ikaw ang may problema … sya.. hindi nya kaya mag tiis at tanggapin ka kung anong meron ka. Ginawa mo naman na pala ang lahat so wala ka nang kailangan pang gawin . Kailangan mo nalang na tanggapin na mali ka ng minahal. Maswerte sya at may isang katulad mo. Kaya wag mo sisihin ang sarili mo sa ganyang bagay.. Be strong at yung great foundation ang dapat mong sandigan yun ay si Lord.. Pray always.. na maging ok ka na. Kasi ganyan ang ginagawa ko, kapag nasasaktan ako. 


There are some things that are far beyond our control, and you have to accept the cold harsh truth that the people you can’t live without, can live without you…

Lambing


10 Responses to “SANA MERON AKO NG DI KA NAWALA SA PILING KO””


  1. Hulyo 20, 2011 bandang 4:25 hapon

    hello, lambing.

    ang ganda ng istorya, ang husay mong maghabi… gusto ko pati ang quote sa bandang dulo.

    hmm… ba’t nga? ba’t nga tayo may tendency na sobrang mahalin ‘yong mga taong medyo mahal lang tayo at di gano’n kalaki ang pagpapahalaga sa ‘tin? tapos, ‘yong taong giliw na giliw at buhos na buhos ang atensyon sa ‘tin, di natin gaanong napapansin. naa-appreciate na lang natin pag malayo na o wala na. haayys….

    yes, truths are more often than not, cold and harsh…🙂

  2. Hulyo 20, 2011 bandang 4:31 hapon

    ate ko totoo yan… gusto daw nya maibahagi yun buhay nya para mabawasan yun dinadala nya.. Yun nga.. kapag wala na tayong magagawa accept the truth and move forward talaga..

    • 3 doon po sa amin
      Nobyembre 23, 2011 bandang 7:51 hapon

      tama, kapatid. ang pagmamahal ay pagbabahagi. ahaha, parang alam ko?

      di ko talaga alam. marami pa akong hindi alam sa buhay lalo na yong mga simple, ha ha. musta u?🙂

  3. Hulyo 20, 2011 bandang 5:07 hapon

    walang problema ang letter sender mo. it’s true that if we love and get hurt, that’s the time na masasabi mong nagmahal ka ng tama dahil nasaktan ka. dahil paulit ulit lang ang katotohanan na, kung sino ang taong pinakamamahal mo, sya lang ang may kakayahang makapanakit sayo.

    kung nagmahal ka bry at di nasuklian ang ibinigay mo, ‘wag maglungkot lungkutan dahil maliit na bahagi lamang sya ng napakalaking mundong naghihitay sayo.

    si lambing oh…single yan..mapagmahal at tyak na mapagkakatiwalaan…hehe….

    wag kang matakot sa Diyos…ituring mo lang syang Diyos…hindi sya dapat katakutan…

    don’t look forward…accpet that you’re in pain and remamber na may anak kayo….

    so much reason to be optimistic.

    shot muna!

  4. Hulyo 21, 2011 bandang 12:14 umaga

    Bry, A relationship will always need trust and faith. Trust, para mapanatili ang relationship na matatag,at faith, so you can build a strong foundation of love na kahit ano mang unos na darating malalagpasan ninyo .
    Hindi rason ung kung anong wala ka – Yaman ? , I doubt it kasi napagtiisan na niya ang hirap ng ilang taon na kasama ka. It’s never all your fault, nor is it all the fault of your partner kung na fall out of love siya, ung feelings
    Kasi unstable yan at hindi natin kontrolado.

    Hindi lahat Bry ng magkasama kayang mapanatili ang init ng pagmamahal un pa kayang LDR? Bibihira ang pag-ibig na may special connection ung kahit anong tukso kayang paglabanan.

    Matuto kang mag “let go” upang maka get over ka sa sakit ng nakaraan. Masakit ? Oo…para sa katulad mong nagmahal at nagtiwala ng sobra. Pero may mga taong darating sa buhay mo na siyang muling magbabangon sayo sa kabila ng pait na iyong dinadanas ngaun. Huwag mo isarado ang puso mo dahil sa ikaw ay nagparaya..nagmahal at nasaktan = (kundi may taong handang pumasok muli.)

    Ano pa man ang bunga ng paghihiwalay ang lahat ng pangyayari ay may kaakibat na bagong PAG-ASA at PAGBABAGO, tumayo kang muli at magpatuloy sa buhay at ang lahat ay magbabago kasabay ng bukas.

    Manalig ka lang sa KANYA at lahat ng kirot at pighati mo mapaparam

  5. Hulyo 21, 2011 bandang 10:23 hapon

    long distance relationship? mahirap yan pero kung magtitiyaga at mananatiling tapat, pwede pa rin. e kahit na magkasama ng ilang oras sa isang araw nagkakaron din ng ganyang diskusyon — ang sikreto? ewan ko. kami ni kengkoy umabot na sa kasukdulan dahil sa mga nangyari sa amin sa pinas na talaga namang nakakasakit ng puso, pero kami pa rin sa huli. tolerance, love, at parating ipakita na love nyo ang isat isa kahit na nagsasabunutan na.

  6. Hulyo 22, 2011 bandang 1:01 umaga

    uhm, uhm, sa tingin ko hindi ako qualified sa pagbibigay ng advice sa problema ng letter sender mo, Ms.Lambing.
    ang masasabi ko lang, tama na yan, inuman na!bottoms up!hehehe

  7. 8 Shamelle
    Hulyo 28, 2011 bandang 5:42 hapon

    Kuya Bry, duon talaga umiikot ang Buhay..Huwag mawalan ng Pagasa,!aja..🙂 Magmamahal at massktan, mahalaga ginawa mo ung lahat ng lam mong tama at mabuti para s relasyon nyo..Ako naniniwala ako na, “Nangyayari ang lahat ng mga bagay s Mundo, dahil may rason ito.” Hindi ibbigay n God ang lam nyang bandang Huli, d n mggng Desire ng Puso natin.Xa ung my Lam ng lahat, ibigay mo ang lahat ng Bagay n yan s Knya….Maganda ung habang maaga, nalaman mo n Kaya pala xang subukin ng Lau at tagal ng Panahon..Ang Tunay na Pag-ibig, wala yang hhntying kapalit, d mo hahanapin ang kakulangan, at pupunan mo ung Pagkukulang,.Dapat na sayo lamang at s anak mo ang Mundo nya, nghanap p xa ng ibng Mundo,,,Tao lang xa, Tama..Pero xa lamang ang pwdeng mgdala sa sarili nya,”Siya lamang ang Reyna ng Pag-iisip nya..Maraming paraan para mahalin ka nya, pero kung pinili nya n saktan ka nya, Piliin Mo namang Mahalin ung Sarili mo”..I think, You desrve someone better dan her, Ibibigay un n God, para sau, kasi mabuti ung Puso mo..I just share this tought kc, mejo nkakarelate ako sayo,,hehe… Mapgmahal kng tao at lam ko susuklian yan n God,,,Pray ka lang,, Pwede taung magalit, natural reaction yan ng katawan natin..,pero, wg s point n knkain n tau ng galit natin..Isipin mo n kahit papano ngng Part xa ng Buhay mo, ngng Masaya ka s knya, at may naturo xang Lesson sau… Be Happy,,,Yung iba nga dyan, d kumakain, nadapa pa…kw Broken Hearted lng naman.,,hehe.. (kidding) Forgive and Forget, yan ung nkatulong skin para mgng Ok n ko,, ( proven and effective ).Pwde ka Magsumbong ky God…Xa ung kakampi natin s mga gnitong Sitwasyon.. Dyan lang xa lagi…At d nya Tau iiwan, kahit Malau…O khit my kulang p stin.. Gudluck ang God Bless po…

  8. Hulyo 31, 2011 bandang 1:06 umaga

    bry,lam mo sa mga openyonera like us mahirap mag bgy ng tamang advice para sa naranasan mo sa pagibig…pero tanungin mo rin sa sarili mo na ung bang effort na ginawa mo habang malayo sa kanya ay sapat para d cia humahap ng iba..kc maraming pwedeng maging dahilan kong bakit nagka ganon..pero dahil nanjan na yan..wag ka ng mag emote kong hopeless ka na talaga..,gawin mo na lang humanap ng mas maganda sa kanya…hahaha kc malay mo ung mas better person anjan lang sa gilid-gilid,wag kang maging bitter..dapat medyo salty..dag2 ka ng condimentskc sa life dapat gawin mong lite..kidding aside lahat tau dumadaan sa pagsubok..iba-iba
    nga lang ng sitwasyon..just hold on..

    go go go ,,fight..fight..for another love..

  9. Hulyo 31, 2011 bandang 1:11 umaga

    bry,lam mo sa mga openyonera like us mahirap mag bgy ng tamang advice para sa naranasan mo sa pagibig…pero tanungin mo rin sa sarili mo na ung bang effort na ginawa mo habang malayo sa kanya ay sapat para d cia humahap ng iba..kc maraming pwedeng maging dahilan kong bakit nagka ganon..pero dahil nanjan na yan..wag ka ng mag emote kong hopeless ka na talaga..,gawin mo na lang humanap ng mas maganda sa kanya…hahaha kc malay mo ung mas better person anjan lang sa gilid-gilid,wag kang maging bitter..dapat medyo salty..dag2 ka ng condiments kc sa life dapat gawin mong lite..kidding aside lahat tau dumadaan sa pagsubok..iba-iba
    nga lang ng sitwasyon..just hold on..

    go go go ,,fight..fight..for another love..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Hulyo 2011
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: