06
Aug
11

simple lang

Sabi nila kapag nalulungkot ka isipin mo lang yung mga simpleng bagay na makakapag pasaya sayo. I appreciate ang mga bagay sa paligid mo. Mababaw lang akong tao, madaling masaktan pero madali ring mapangiti. Kasi simple lang ako.

At dahil ayaw kong magtagal sa kalungkutan na kinasasadlakan ko gusto kong i aapreciate yung mga simpleng bagay nakakapag bigay ng saya saken..

  1. Heart to heart talk with God, iyong tipong parang andyan lang sya sa tabi mo tapos nagsusumbong ka sa kanya, sa mga nangyari sa mga kalituhan, sa mga pain na inuuhog ka na sa kakaiyak. Ang sarap sa pakiramdam humingi ng tulong sa kanya kapag down na down ka.
  2. Iyong unexpected message from a love one
  3. Best friends
  4. Kapag may gwapong ngumiti saken ( ahaha lande)
  5. Kapag may natutuwa sa mga jokes mo kahit korny
  6. Mga bagong kaibigan
  7. Morning and goodnight text messages
  8. Si muning sa tuwing uuwi ako
  9. Kapag nagkukulitan kami magkapatid
  10. Kapag may tumawag saking ms. beautiful😀
  11. Kapag nakikita ko si John Lloyd  Cruz ngumiti, isama mo na si Billy Crawford at Coco Martin
  12. Kapag tinitignan ko mga picture ng mga mahal ko sa buhay
  13. Kapag nakakapag patawa ako ng baby
  14. Kapag pinatugtug yun favorite song mo/nyo
  15. Videoke
  16. Soundtrip
  17. Kape sa umaga
  18. Makapal na kumot sa gabi at sangkatutak na unan
  19. Si muning  at osang na makulit
  20. Kapag sabado ( kasi sweldo na)
  21. Sundays… ( day off)
  22. Text quotes, jokes especially love quotes
  23. Cousins, nieces, and nephews
  24. Kapag nakikita ko iyong crush ko sa mall
  25. Kapag may nag aappreciate sa mga sinulat ko heaven yun
  26. Kapag may natulungan ka
  27. Kapag namamayat ako ahek
  28. Kapag may tumatawag saken sa cp
  29. Kapag natapos ko iyong trabaho ko
  30. Bagong shoes, bag, at bagong naukay na damit
  31. Iyong amoy ng bagong labang punda at bedsheet
  32. Iyong pagbabyahe na hinahangin ang buhok mo sa bintana
  33. Iyong lasa ng malamig na avocado na may kodensada
  34. Iyong malamig na buga ng aircon
  35. Kapag may nasasarapan sa mga niluto ko
  36. Perfect pictures
  37. Roses and chocolates
  38. A love letter
  39. Appreciation for a job well done
  40. Bagong linis na kuko
  41. Kapag nakikita ko si Justin Timberlake
  42. A massage
  43. Stolen kiss
  44. A new blog post
  45. Iyong amoy ng bagong lutong sinaing
  46. kapag naaalala ko si nanay at ang kakulitan nya at kung gaano nya ko kamahal.
  47. Memories of my childhood kung gaano ako kakulit noon na halos maghabulan kami ng tatay ko dahil nakita kong may hawak na walis tambo.
  48. Iyong kulambo ko sa gabi
  49. Luto ni papa
  50. Kapag nakakabisado ko yung bagong kantang gusto ko
  51. Comments sa blog ko, fb at kung saan saan pa.
  52. Ikaw na nagbabasa nito
Ang dami ko pang gusto i appreciate kaso gusto ko na mag half day ngayon ahaha gusto kong mag pahinga makipagkantahan sa mga friends ko, makita si papa at yumakap, maglambing, kumain kasama sya at mga kapatid ko. Ang dami dapat ipag pasalamat at i appreciate ang daming dapat pagtuunan ng pansin para maging masaya…
We tend to forget that happiness doesn’t come as a result of getting something we don’t have, but rather of recognizing and appreciating what we do have.  ~Frederick Keonig

15 Responses to “simple lang”


  1. Agosto 6, 2011 bandang 2:48 hapon

    wow! sahod mo ngayon. pacanton ka naman!😀

  2. Agosto 7, 2011 bandang 2:03 hapon

    wow naman…..

    tama ka lambing….

    madalas kasi nakakalimutan nating i appreciate ung mga simpleng bagay na nangyayari satin, kaya minsan feeling natin wala ng nagmamahal satin….

    HAppy sunday sau!…
    🙂

  3. Agosto 7, 2011 bandang 3:21 hapon

    “We tend to forget that happiness doesn’t come as a result of getting something we don’t have, but rather of recognizing and appreciating what we do have.”

    meron bang SUPER LIKE na button dito? hehe. panalo ang post mo, lambing. pareho tayo, madaming simpleng bagay lang na super thankful at appreciative ako. gaya ng magandang weather, o green na mga halaman at puno, o kahit yung pagdating agad ng taxi kasi konti na lang late ka na sa opisina. feeling ko lahat hindi coincidences lang kundi bigay ni Lord.

    Happy Sunday sa yo🙂

    • Agosto 8, 2011 bandang 5:30 hapon

      salamat ms bell pepper ahehehe

      iyon po ang nagbabalik saken sa katinuan yung mga simpleng bagay na yan ahehe..
      tama everything that is good comes from God… because God is good all the time🙂

      mwah! ♥

  4. Agosto 8, 2011 bandang 6:00 hapon

    There’s a lot of reason for u to smile. Thank God for everything.

  5. Agosto 8, 2011 bandang 6:22 hapon

    ahaha! hellow sa yow…

    meron akong mga sampo ata na andyan din sa listahan mo. feel ko rin ang makapagpangiti ng baby, ahaha. saka umamoy ng bagong labang bedsheet at punda. at kape sa umaga (kahit 3 in 1 lang). saka madami pang iba…

    like ko syempre ang huli. ang suwit lang… panalo! 🙂

    • Agosto 10, 2011 bandang 4:44 hapon

      diba ate ko priceless yun feeling kapag nakakapagpangiti ka ng baby hihi lalo na kapag anak mo toinks

      mwah salamat ate ko palagi hihi.. pinebersari ulet sa blog mo mwaah mwahhh ♥

      • Agosto 10, 2011 bandang 9:12 hapon

        hala ka! ala akong bebe na sarili e, napayagan ko dating umalis ang gagawa sana, hehe… dyok lang! btw, meron kaming apo sa pamangkin, 6 mos. ang kyuttt!

        ikaw, aantayin ko yong post mo tungkol sa pagpapatulog ng bebe pag meron na, haha. ang kulet lang… salamat sa bati at sa pgpunta doon sa amin!🙂

  6. Agosto 10, 2011 bandang 4:59 hapon

    oi may videoke…hehehe at saka oo nga no, pag nangingitian ka ng guapo kahit di mo kakilala nakakalande este nakakakilig. hahaha

    saya ng marunong maging masaya di ba?!

  7. Agosto 13, 2011 bandang 9:31 hapon

    gusto ko yung stolen kiss.

    kung pwede lang gawin ito sa kahit kaninong gusto mong pagnakawan. malamang ako na ang most wanted na kriminal.

  8. Setyembre 16, 2011 bandang 10:32 umaga

    halavdez ate… you make me feel like I have found a kin [hehehe], at some point in life siguro may pagkakapareho ang personality natin… follow nga kita… hihihi


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2011
M T W T F S S
« Jul   Sep »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: